Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 12/1 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Pagtulong sa Iba na Sumamba sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Mga Ministro ng Mabuting Balita
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Sanayin ang mga Baguhan na Maging Kuwalipikado Bilang mga Mamamahayag
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 12/1 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Sa liwanag ng bagong impormasyon tungkol sa mga di-bautismado na nagsisimula na sa pangmadlang ministeryo, ang isa bang inaaralan ng Bibliya ay maaaring anyayahan pansamantala upang makita niya kung papaano ginaganap ang gawain?

Unang-una, ang mga di-bautismado na sumasama sa mga Saksi ni Jehova sa ministeryo sa larangan ay mga taong hindi pa kuwalipikado na maging mga mamamahayag ng mabuting balita.

Marami sa publiko ang gumagalang sa mga Saksi ni Jehova sa kanilang pambihira at mainam na gawaing ‘paggawa ng mga alagad, pagtuturo sa kanila’ sa bahay-bahay at sa pamamagitan ng pantahanang mga pag-aaral sa Bibliya. (Mateo 28:19, 20) Kung gayon, ano kaya ang masasabi ng publiko tungkol sa isang taong kasama ng isang Saksi sa ministeryong ito? May katuwirang sasabihin nila na ang kasama ay isa ring ministro o malamang na gayon nga.

Ipagpalagay natin, maaaring sumaisip ang mga ilang kataliwasan.

Paminsan-minsan ang may karapatang mag-atas na matatanda ay pumayag na isang reporter ng pahayagan, propesor sa kolehiyo, o mga katulad nito ang sumama sa isang Saksi sa ministeryo ng pagbabahay-bahay upang makita kung papaano isinasagawa ito. At mangyari pa ang ayos at pagkilos ng taong iyon sa gayong mga okasyon ay hindi dapat makasalungat ng ating mga pamantayan. At baka nais ng Saksi na banggitin sa mga maybahay na ang kaniyang kasama ay isang reporter o isang propesor na interesado sa pagmamasid kung papaano natin ginagawa ang ating mahalagang gawain sa Bibliya.

Gayundin, kasama ng mga magulang na Kristiyano ang kanilang mga anak pagka sila’y nagsasagawa ng ministeryo kahit na kung ang mga ito ay napakabata pa o dili kaya’y hindi pa handang maging mga mamamahayag na di-bautismado. Hindi binabayaan ng mga magulang na ito na walang tumingin sa kanilang mga anak. Sa ganoong pagsasama ng mga anak sa larangan ng paglilingkod ang mga magulang ay makapagsasalita sa kanilang mga anak tungkol sa Salita at mga paraan ng Diyos habang sila’y “lumalakad sa daan.” (Deuteronomio 6:4-7) Subalit ito ay isang pitak ng buhay pampamilyang Kristiyano, hindi isang bagay na isinasama ng isang Saksi ang isang tao bilang isang tagapagmasid lamang. Mangyari pa, ang gayong pagsasanay na ginagawa ng magulang ay naghahanda sa kanilang mga anak para sa panahon na ang mga ito ay pupuri kay Jehova bilang mga mamamahayag.​—Mateo 21:15, 16; ihambing ang Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo, pahina 99, 100.

Kumusta naman ang isang tao na pinagdarausan ng isang Saksi ng pag-aaral sa Bibliya, isang tao na malapit nang maging isang alagad? Siya’y may mabuting dahilan na sabihin sa mga kamag-anak, mga kamanggagawa, kalapit-bahay, at mga iba pa ang tungkol sa “mga makapangyarihang gawa ng Diyos” na kaniyang natutuhan buhat sa Kasulatan. (Gawa 2:11) Inaasahan, darating siya sa punto na kaniyang makikita na kailangang makibahaging kasama ng mga Saksi ni Jehova sa organisadong kaayusan ukol sa “pangangaral ng salita ng Diyos.”​—Gawa 13:5.

Kamakailan ay tinalakay ng Ang Bantayan ang angkop na mga hakbang bago ang gayong mag-aarál ay makisama sa lokal na mga Saksi sa ministeryo, na nagiging isang di-bautismadong mamamahayag. Makatuwiran lamang na siya’y dapat may saligang kaalaman sa Bibliya, dapat may unawa at kasuwato ng mga pamantayang-asal ng Diyos, at personal na naghahangad na makibahagi sa pangmadlang ministeryo kasama ng mga Saksi ni Jehova. Kaya’t dalawang matatanda sa kongregasyon ang maaaring magkaroon ng nakatutulong at nakapagpapalakas-loob na pakikipagtalakayan ng gayong mga punto sa kaniya at sa Saksing nakikipag-aral sa kaniya ng Bibliya.a Ito’y dapat gawin bago ang inaaralan ng Bibliya ay anyayahan na sumama sa mamamahayag sa ministeryo sa larangan upang tumanggap ng baytang-baytang na pagsasanay.

Madaling maunawaan, na kapag ang isang inaaralan ay naging kuwalipikado na lumabas sa ministeryo sa larangan at pagkatapos ay gumawa ng unang paglabas, baka sa mga ilang beses ay ibig niyang makasama ng mga mamamahayag upang matutuhan niya kung papaano aktuwal na ginagawa ang pangangaral. Ang ministrong kasama niya ay maaaring sanayin siya nang baytang-baytang, tulad halimbawa ng pagpapabasa muna sa kaniya ng mga teksto, at pagtatagal-tagal ay siya na ang manguna sa pagpapatotoo sa isang maybahay. Sa ganoon, siya’y maaaring magbigay ng report ng kaniyang unang paglilingkod sa larangan kung siya’y aktuwal na nakibahagi sa pagpapatotoo sa larangan. Ang kaniyang baytang-baytang na pagkakaroon ng lumalaking bahagi sa gawain ay kasuwato ng mga salita ni Jesus: “Hindi hihigit ang alagad sa kaniyang guro, datapuwat ang bawat isa, pagka naging sakdal, ay nagiging katulad ng kaniyang guro.”​—Lucas 6:40.

[Talababa]

a Para sa mga detalye, tingnan Ang Bantayan ng Nobyembre 15, 1988, pahina 17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share