Gamiting Mabuti ang mga Magasin
1 Kapag kayo’y nagtutungo sa tindahan ng pahayagan, makikita ninyo ang maraming magasin na nagtatampok ng sari-saring mga bagay mula sa komiks hanggang sa siyentipikong teknolohiya. Hindi ninyo kailanman mababasa ang lahat ng ito. Bagaman ang ilang magasin ay may kapakipakinabang na impormasyon, ang karamihan nito ay mapag-aalinlanganan ang kahalagahan.
2 Kay laking pagkakaiba kung ihahambing sa Gumising! Ang magasing ito ay nakalaan sa pagsasaliksik at paghahayag ng katotohanan na maaaring gamitin sa ikaliligtas ng lahat ng tutugon sa pag-ibig ng Diyos.
3 Ang Gumising! ay mabisang makararating sa lahat ng uri ng mga tao dahilan sa lawak ng abot nito at sa pagkasari-sari ng mga artikulo nito. Gaya ng ipinaliwanag sa pahina 4 ng bawat isyu, ito’y “para sa pagbibigay ng liwanag ng kaalaman sa buong pamilya.” Ito ay nagtatampok ng mga artikulo sa sari-saring paksa, na sumasaklaw sa mga tao, relihiyon, at siyensiya. Masusing sinisiyasat nito ang kaloob-looban at ipinakikita ang tunay na kahulugan sa likuran ng mga kasalukuyang pangyayari. Higit sa lahat, “pinatitibay nito ang tiwala sa pangako ng Maylikha hinggil sa isang mapayapa at matatag na bagong sanlibutan.”
4 Sa Oktubre ating aakayin ang pansin sa magasing Gumising! sa ating paglilingkod sa larangan. Ang ating tunguhin ay ang kumuha ng mga suskrisyon para sa magasing ito upang ang mga interesado ay tumanggap nito nang tuwiran sa regular na paraan sa pamamagitan ng koreo.
5 Ang isyu ng Oktubre 8 ng Gumising! ay nagtatampok ng paksang “Ingatan ang Inyong mga Anak!” Maraming pamilya sa ngayon ang may mga suliranin sa kanilang mga anak at masisiyahan sa napapanahong payo na taglay ng magasin. Para sa isyu ng Oktubre 22, dapat na makasumpong tayo ng taingang makikinig sa pamamagitan ng pagtatawag pansin sa artikulong “Malapit na ba ang Isang Bagong Sanlibutan?”
Mga Presentasyon na Pumupukaw ng Interes
6 Pagkatapos na ipakilala ang sarili, maaari ninyong sabihin:
◼ “Maraming magulang sa ngayon ang nababahala sa mga suliraning napapaharap sa kanilang mga kabataan. Ganito ba ang inyong nadarama sa ngayon? [Hayaang sumagot.] Ano sa palagay ninyo ang pinakamabuting giya para sa mga magulang ngayon? Dito sa isyu ng Oktubre 8 ng Gumising! ay may ilang praktikal na mungkahi kung papaano haharapin ang mga suliraning ito.” Pagkatapos ay buksan ang magasin at ipakita ang artikulong “Ingatan ang Inyong mga Anak!”
7 O maaari ninyong sabihin:
◼ “Papaanong ang pag-asa sa isang bagong sistema na doo’y mawawala ang lahat ng digmaan at kaguluhan ay nakakaapekto sa inyo? [Hayaang sumagot.] Upang ipakita sa inyo na ito’y hindi isang panaginip lamang mayroon akong magasin dito (isyu ng Oktubre 22) na tumatalakay sa kamangha-manghang pag-asang ito mula sa pangmalas ng Bibliya.” Pagkatapos ay maaari kayong bumaling sa artikulong: “Malapit na ba ang Isang Bagong Sanlibutan?”
8 Nais nating maging positibo sa ating paglapit kapag nag-aalok ng Gumising! sa mga tao. Tayo ay kumbinsido sa kahalagahan nito. Taglay natin ang bagay na mabuti, at nanaisin nating ibahagi iyon sa iba.—Kaw. 3:27.