Maging Isang Auxiliary Payunir sa Disyembre
1 Tayong lahat ay makabubuting magtanong sa sarili: “Hanggang saan ako magiging tagapagdala ng liwanag sa Disyembre? Maaari ba akong maging isang auxiliary payunir?—Mat. 5:14, 16.
2 Ang mga bautisadong kabataan ay kadalasang walang pasok sa paaralan sa panahon ng kapistahan ng sanlibutan. Marami sa mga nagtatrabaho nang maghapon ang nagkakaroon ng karagdagang oras sa buwang ito. Ang mga kombensiyon ay hindi magsisimula kundi sa Disyembre 23, anupat mahigit sa tatlong linggo ang maaaring gamitin sa pagiging auxiliary payunir.
3 Ang susing salik sa paglilingkod bilang auxiliary payunir ay ang ating pagnanais na gumawa ng karagdagang pagsisikap. (Luc. 13:24) Makapag-aauxiliary payunir ba kayo sa Disyembre? Ang paggawa nito ay tutulong sa inyo na makadama ng higit na pagtitiwala kapag nasa mga pintuan at magbibigay sa inyo ng higit na kaligayahan.—Gawa 20:35.