Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/93 p. 7
  • Maging Buong-Kaluluwa sa Inyong Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Buong-Kaluluwa sa Inyong Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Iulat Nang Wasto ang Paglilingkod sa Larangan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Mga Ministro ng Mabuting Balita
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Pagtangkilik sa mga Payunir
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Mga Pagtitipon Para sa Paglilingkod sa Larangan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 11/93 p. 7

Maging Buong-Kaluluwa sa Inyong Paglilingkod

1 Bilang mga alagad ni Jesus, tayo ay inatasang mangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos at gumawa ng mga alagad ni Jesu-Kristo. (Mat. 24:14; 28:19, 20) Wala nang iba pang gawain sa lupang ito na maihahambing sa pagkaapurahan o sa kahalagahan nito. Ang buhay ng milyun-milyong mga tao ay nasasangkot. Ito’y karapatdapat sa ating pinakamabuting pagsisikap. Ang payo ni Pablo ay kapit-na-kapit: “Anuman ang inyong ginagawa, gawin iyon ng buong kaluluwa na gaya kay Jehova.” (Col. 3:23) Ang “buong kaluluwa” ay binigyan ng katuturan bilang nagtataglay ng “marubdob na sigasig o taimtim na debosyon.” Kayo ba ay buong kaluluwa sa inyong paglilingkod?

2 Ano ang hinihiling sa atin ng pagiging buong kaluluwa? Tinukoy ni Jehova ang kalugod-lugod na paglilingkod bilang ikapu, o ikasampung bahagi. (Mal. 3:10) Sa halip na magtakda ng isang tiyak na halaga, ang ikasampung bahagi ay kumakatawan sa panahon at pagsisikap na ating inilalaan sa paglilingkod kay Jehova bilang kapahayagan ng ating pag-ibig sa kaniya at pagkilala ng ating pag-aalay sa kaniya. (b92 12/1 p. 15) Ang ating paglilingkod ay dapat na magpakita ng ating malalim na debosyon at pag-ibig kay Jehova. Ang isang tao na buong kaluluwa ay nauudyukang maglingkod kay Jehova nang lubusan hanggat ipinahihintulot ng kaniyang kalusugan at mga kalagayan.

3 Si Pablo ay nagsalita na may mataas na pagpapahalaga sa mga Kristiyanong “nagpapagal at nagsisikap” dahilan sa pag-asa. (1 Tim. 4:10) Sila’y ginantimpalaan taglay ang pagpapala ni Jehova, na ‘nagpapayaman sa kanila.’ (Kaw. 10:22) Sa kabaligtaran, yaong mga nagbibigay nang bahagya lamang o mabigat ang loob ay nabigong maranasan ang kaligayahan na nagmumula sa pagbibigay. (Gawa 20:35) Ang pagkabigong ibigay ang pinakamabuti natin ay katumbas ng aktuwal na pagnanakaw kay Jehova ng “ikasampung bahagi” na nauukol sa kaniya.—Mal. 3:8.

4 Pagbibigay ng Pinakamabuti Natin: Kapag tayo ay nakikibahagi sa paglilingkod sa larangan at nagbibigay ng ating ulat, ang ulat ba ay tumpak? Ang aklat na Ating Ministeryo, pahina 104 ay nagsasabi: “Ang inyong oras sa paglilingkod sa larangan ay dapat na magsimula kapag inumpisahan ninyo ang gawaing pagpapatotoo at nagtatapos kapag kayo ay huminto na sa inyong huling pagdalaw sa bawat yugto ng pagpapatotoo. Ang panahong ginugugol sa pagpapalamig o pagkain sa panahon ng paglilingkod sa larangan ay hindi dapat bilangin.” Ang mabuting pagpaplano at pagsisikap ay kailangan upang maisagawa ang pinakamalaki sa panahong tayo ay nasa paglilingkod sa larangan.

5 Ang pagbibigay ng pinakamabuti natin ay nangangahulugan ng pagsasakatuparan ng lahat ng magagawa natin habang tayo’y nakikibahagi sa paglilingkod. Ang isa na buong kaluluwa ay hindi sinasadyang limitahan ang kaniyang pangangaral sa pamamagitan ng paminsan-minsang pagtatangka na gumawa ng impormal na pagpapatotoo sa halip na makibahagi sa gawaing pagbabahay-bahay. Ang buong kaluluwa, di bautisadong kabataang mamamahayag ay hindi lalabas sa pangangaral dahilan lamang sa pamimilit ng kaniyang mga magulang, na nagpapamalas ng kakaunting interes sa pagtungo sa bahay-bahay o pakikibahagi sa pagbibigay ng patotoo.

6 Tayo’y hihinimok ni Pablo na panatilihin ang ating kasipagan upang hindi maging tamad. (Heb. 6:11, 12) Anong kagalakang repasuhin ang ating personal na paglilingkod at mawalan ng dahilang ikahihiya—sapagkat tayo ay naging buong kaluluwa! (2 Tim. 2:15) Ang ating pinakadakilang kagalakan ay matatamo kapag ating nakita na kabilang sa mga nakaligtas sa malaking kapighatian ang mga tinulungan natin nang personal. Walang alinlangan, mayamang pinagpapala ni Jehova ang mga naglilingkod sa kaniya nang buong kaluluwa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share