Magtakda ng Panahon Para sa Gawain sa Magasin
1 Tiniyak ni Jehova na magkakaroon ng ‘kapayapaan, kinabukasan, at pag-asa’ ang mga sumusunod sa Kaniyang mga daan. (Jer. 29:11) Ang impormasyon hinggil sa pag-asang ito ay inihaharap sa napapanahong paraan sa Ang Bantayan at Gumising! Ang mga magasing ito ay maaaring pakinabangan ng lahat ng uri ng tao. (1 Tim. 2:4) Kayo ba at ang inyong pamilya ay nagtatakda ng panahon para sa palagiang pamamahagi ng magasin?
2 Kung bumababa ang inyong nailalagay na mga magasin, papaano ito malulunasan? Ang isang paraan ay ang panatilihin ang inyong pagpapahalaga sa mga nilalaman ng ating mga magasin. Isang lalake ang sumulat: “Ang pagbabasa ng inyong mga magasin ay isang tunay na nakagagalak na karanasan. Ang mga ito ay hindi mumurahin, mababang uri ng ‘mang-aaliw’ kundi naglalaman ng patnubay at direksiyon kung papaano gagawing makabuluhan ang buhay.” Ang Bantayan at Gumising! ay resulta ng maingat na pagsasaliksik at mga paglalaan ng “tapat at maingat na alipin.” (Mat. 24:45) Ang mga ito’y mabibisang kasangkapan upang abutin ang puso ng mga tao.
3 Maging pamilyar sa mga artikulo ng mga magasin na inyong iniaalok. Hanapin ang mga punto na tumatalakay sa mga kasalukuyang problema sa inyong komunidad. Maging handang makipag-usap sa mga lalake, mga babae, at mga kabataan na inyong nasusumpungan sa mga pintuan o sa lansangan. Ipakita kung ano ang kaugnayan ng mga magasin sa mga pamilya sa kabuuan.
4 Maging Palaisip sa Magasin: Ang pagpapatotoo sa pamamagitan ng magasin ay dapat kumuha ng mahalagang bahagi ng inyong eskedyul sa paglilingkod. Ano ang pinakamabuting panahon para sa inyo upang ialok ang mga magasin? Nasubukan na ba ninyong gumawa sa loob ng isang oras o higit pa sa gabi bago ang inyong Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat? Ang pagpapatotoo sa gabi ay napakamabunga sa ilang mga lugar. Ang Sabado ay isang mabuting araw para sa pamamahagi ng mga magasin, subalit ang ibang araw ay maaari ding gamitin sa gawaing ito. Ang gawain sa bahay-bahay o sa mga tindahan ay dapat na maging regular na bahagi ng Araw ng Magasin.
5 Bawat isa ay dapat magkaroon ng regular na pidido ng mga kopyang ipamamahagi para sa bawat isyu ng magasin. Kapag mayroon kayong matatandang isyu, ang mga ito ay maaaring gamitin para ipakita sa mga maybahay ang iba’t ibang paksa na sinasaklaw ng mga magasin. Sa pana-panahon, ang ilang matatandang kopya ay maaaring iwan din sa mga bahay-alagaan para sa mga matatanda at sa mga ospital kung ipinahihintulot. Ang lahat ng gayong mga magasin ay maaaring iulat sa inyong buwanang Field Service Report slip.
6 Sa pamamagitan ng pagkakapit ng mungkahi sa itaas, walang pagsalang makikita ninyo ang pagsulong sa bilang ng mga magasing inyong ipinamamahagi. Ang tapat-pusong mga tao na nahihirapan sa buhay sa kasalukuyang sistema ay nagpapahalaga sa nakagiginhawang impormasyon sa Ang Bantayan at Gumising! Yamang ang mga ito ay ililimbag sa apat na kulay pasimula sa buwang ito, ito ay karagdagang dahilan upang maging masigla hinggil dito. Kaya, maging palaisip sa magasin, at pasulungin ang pamamahagi ng magasin sa inyong teritoryo.