Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/94 p. 1
  • Ibunyi ang Panganay ni Jehova!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ibunyi ang Panganay ni Jehova!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Kaparehong Materyal
  • “Lubusang Magpatotoo sa Mabuting Balita”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Maging Masigasig sa Mabuti!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Pinagpapala ni Jehova ang mga Nagsisikap na Ipagdiwang ang Memoryal
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • Pakikinabang Nang Lubusan sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
km 2/94 p. 1

Ibunyi ang Panganay ni Jehova!

1 Noong Linggo, Nisan 9, 33 C.E., isang malaking pulutong na may mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay ang nagbunyi sa panganay na Anak ni Jehova, “ang Isa na dumarating bilang Hari sa pangalan ni Jehova!” (Luc. 19:38; Heb. 1:6) Noong Lunes at Martes, Nisan 10 at 11, si Jesus ay lubhang abala sa kaniyang pangmadlang ministeryo, na ginagawang ang mga panghuling araw na yaon ang pinakamagawain sa kaniyang makalupang buhay.

2 Sa ngayon, isang higit na malaking pulutong na may makasagisag na mga sangay ng palma ang sumisigaw: “Kaligtasan ay utang namin sa aming Diyos, na nakaupo sa trono, at sa Kordero.” (Apoc. 7:9, 10) Sa Marso 26, tayo’y magtitipon upang ipagdiwang ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo. Habang papalapit ang petsang iyon, maaari ba nating pag-ibayuhin ang ating pagsisikap sa ministeryo anupat makaabuloy sa pangglobong sigaw na ito ng papuri?

3 Pasulungin ang Gawain sa Larangan: Maraming mga mamamahayag ang nagpatala na bilang mga auxiliary payunir sa Marso. Nais ba ninyong sumama sa kanila? Kung gayon, ibigay kaagad ang inyong aplikasyon nang walang pagkabalam.

4 Makapaglingkod man kayo bilang isang auxiliary payunir o hindi, nanaisin ninyong magkaroon ng ganap na bahagi sa ministeryo sa Marso. Maaaring makapagsaayos ang kongregasyon ng panggrupong pagpapatotoo sa araw-araw sa buwang ito.

5 Dapat na isaayos ng lahat ng mga kongregasyon ang isang pantanging pagtitipon bago maglingkod sa Sabado, Marso 26. Bagaman marami ang kailangang gawin upang maghanda sa Memoryal, inirerekomenda na ang bawat isa na maaaring makibahagi sa ministeryo sa larangan sa umaga ng Sabado ay gawin ito. Bukod pa sa gawain sa bahay-bahay, tiyaking ang mga inanyayahan ninyo sa Memoryal ay may masasakyan at nalalaman nila ang oras at dako ng pulong.

6 Anyayahan at Patibayin ang Iba: Ipinag-utos ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.” (1 Cor. 11:24) Samantalang sinusunod ng mga pinahirang tagasunod ni Jesus ang utos na iyon, ang bawat lingkod ni Jehova ay inaanyayahang dumalo at magmasid sa pagdiriwang ng Memoryal. Kabilang sa mga inaanyayahan, dapat ninyong isama ang mga estudyante sa Bibliya, mga kamag-anak, mga di kapananampalatayang asawa, at mga kamanggagawa. Gumawa ng listahan upang walang sinuman ang makaligtaan.

7 Magkakaroon ng karagdagang mga pagkakataon upang mapasigla ang mga taong interesado sa Memoryal mismo. Tiyaking dumating nang maaga upang mabati ninyo ang mga baguhan na dumalo sa unang pagkakataon. Kung marami sa inyong mga estudyante sa Bibliya ang dumalo, magiging praktikal kung ang ibang mamamahayag ay mauupong kasama nila sa panahon ng pulong. Anyayahan ang mga bagong dumalo na bumalik sa Linggo, Marso 27, para sa regular na Pahayag Pangmadla ng kongregasyon.

8 Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Memoryal, habang magkakasaliw ang ating mga tinig sa pag-awit ng awit 105, “Ibunyi ang Panganay ni Jehova!,” malasin nawa nating may kasiyahan ang katatapos na masigasig na buwan ng teokratikong gawain sa kapurihan ni Jehova!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share