Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/94 p. 1
  • Isang Huwaran Upang Maingat na Sundan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Huwaran Upang Maingat na Sundan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Kaparehong Materyal
  • “Kayo’y Dapat Nang Maging mga Guro”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Pasulungin ang Kakayahan Bilang Isang Guro
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • “Maingat Ninyong Sundan ang Kaniyang mga Yapak”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • “Nagbigay Ako ng Parisan Para sa Inyo”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
km 12/94 p. 1

Isang Huwaran Upang Maingat na Sundan

1 Si Jesus ay isang sakdal na huwaran para sa kaniyang mga alagad. Bagaman hindi tayo makakaabot sa antas ng kaniyang kasakdalan, tayo ay hinihimok na “maingat na sundan ang kaniyang mga yapak.” (1 Ped. 2:21) Gaya ni Jesus, dapat nating nasain na masigasig na ibahagi ang katotohanan sa iba.

2 Si Jesus ay higit pa sa isang mangangaral; siya’y isang gurong may pinakamataas na antas. “Namangha nang lubha ang mga pulutong sa kaniyang paraan ng pagtuturo.” (Mat. 7:28) Bakit siya napakabisa? Maingat nating tingnan ang kaniyang “paraan ng pagtuturo.”

3 Kung Papaano Tayo Makasusunod kay Jesus: Ang motibo ni Jesus ay upang parangalan si Jehova at luwalhatiin ang Kaniyang pangalan. (Juan 17:4, 26) Sa atin ding pagtuturo, dapat na ang motibo natin ay parangalan si Jehova at hindi ang akayin ang pansin sa ating sarili.

4 Ang lahat ng itinuro ni Jesus ay salig sa Salita ng Diyos at patuloy na tinukoy niya ang kinasihang mga Kasulatan. (Mat. 4:4, 7; 19:4; 22:31) Nais nating akayin ang ating tagapakinig sa Bibliya; anupat hinahayaan nating makita nila na ang ating ipinangangaral at itinuturo ay salig sa pinakamataas na awtoridad.

5 Gumamit si Jesus ng praktikal, payak na mga argumento. Halimbawa, sa pagpapaliwanag kung papaano natin tatamuhin ang pagpapatawad ng Diyos, pinasigla niya tayo na magpatawad sa iba. (Mat. 6:14, 15) Dapat nating sikaping ipaliwanag ang pabalita ng Kaharian sa payak, praktikal na paraan.

6 Gumamit si Jesus ng mga ilustrasyon at mga tanong upang pasiglahin ang kaisipan ng iba. (Mat. 13:34, 35; 22:20-22) Ang mga ilustrasyon hinggil sa pang-araw-araw na mga bagay ay makatutulong upang maunawaan ng mga tao ang masalimuot na mga doktrina ng Bibliya. Dapat tayong gumamit ng mga tanong na magpapasigla sa ating mga tagapakinig na mag-isip hinggil sa kanilang napakinggan. Ang mga umaakay na tanong ay makatutulong sa kanila na sumapit sa wastong konklusyon.

7 Si Jesus ay gumamit ng panahon upang ipaliwanag ang mahihirap na bagay sa mga taong taimtim na naghahangad ng karagdagang impormasyon. (Mat. 13:36) Tayo ay kailangan ding maging matulungin sa mga nagtatanong nang may kataimtiman. Kung hindi natin alam ang mga kasagutan, maaari nating saliksikin ang paksa at pagkatapos ay bumalik taglay ang kasagutan.

8 Si Jesus ay gumamit ng nakikitang leksiyon upang magturo. Ang halimbawa nito ay ang paghuhugas niya ng paa ng kaniyang mga alagad. (Juan 13:2-16) Kung tayo ay nagpapakita ng mapagpakumbabang espiritu, yaong mga tinuturuan ay mapasisiglang magkapit ng kanilang natututuhan.

9 Si Jesus ay dumulog sa puso ng tao at sa kanilang pag-ibig sa katuwiran. Nais din nating abutin ang mga puso. Sinisikap nating dumulog sa likas na pagnanais ng lahat na sumamba at mamuhay nang mapayapa kasama ng iba.

10 Sa Disyembre ating iaalok ang aklat ng Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Ang pagtulad natin sa katangian ng pagtuturo ni Jesus ay maaaring magpasigla sa mga taong taimtim na makinig habang ating ipinaliliwanag kung ano ang kaniyang itinuro.—Mat. 10:40.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share