Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/94 p. 2
  • Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Kaparehong Materyal
  • Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Bagong Programa sa Pansirkitong Asamblea
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Tiyakin ang Higit na Mahahalagang mga Bagay
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Patuloy na Bantayan Kung Papaano Kayo Lumalakad
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
km 12/94 p. 2

Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea

1 Ang tema na ipaliliwanag sa bagong programa ng pansirkitong asamblea na magpapasimula sa Pebrero ay “Manatiling Gising, Tumayong Matatag, Magpakalakas.” Ito’y salig sa mga salita ni Pablo ng pampatibay-loob sa 1 Corinto 16:13.

2 Ang programa ay magpapasimula sa pamamagitan ng pagtatampok sa pangangailangan ukol sa espirituwal na pagsusuri-sa-sarili. Ang pananatiling matatag sa ating paninindigan sa katuwiran ngayong mga “huling araw” ay humihiling na alaming mabuti ang ating kaugnayan kay Jehova at ang ating katayuan sa kaniyang makalupang organisasyon. (2 Tim. 3:1) Kailangang tayo’y maturuan sa mga pamamaraan upang mapasulong ang ating mga katangiang Kristiyano at mapanatili ang kapuri-puring paggawi.

3 Ang pangangailangang maging masigasig sa paggawa ng mga alagad habang nagsisikap abutin ang espirituwal na pagsulong at pananagutan ay idiriin din. Ang mga praktikal na mungkahi kung papaanong ang mga indibiduwal at mga pamilya ay makapananatili sa regular na programa ng espirituwal na pagpapakain ay itatampok sa iba’t ibang pahayag, demonstrasyon at mga pag-uusap.

4 Sa Sabado ang mga kuwalipikadong kandidato ay gagawa ng pangmadlang pagpapahayag ng kanilang pag-aalay sa pamamagitan ng bautismo sa tubig. Pagkatapos, sa Linggo tayong lahat ay magnanais na naroroon sa pahayag pangmadla na pinamagatang “Ano ang Inyong Katayuan sa Diyos?”

5 Ang programa ay magtatapos taglay ang pampatibay na manatiling matatag sa pananampalataya, na laging nakikitungo sa isa’t isa sa espiritu ng pag-ibig at kapayapaan. Ang pansirkitong asamblea ay isa sa mga pagkakataong inilalaan ni Jehova upang tayo’y ‘mag-udyukan sa pag-ibig at sa mainam na gawa.’ (Heb. 10:24, 25) Gumawa ng tiyak na plano upang maging presente sa buong programa sa dalawang araw.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share