“Sinong Yayaon sa Ganang Amin?”
Nang iharap ni Jehova ang katanungang ito, karaka-rakang tumugon si Isaias: “Narito ako! Suguin mo ako.” (Isa. 6:8) Dahilan sa malaki ang aanihin sa panahong ito, ang gayunding panawagan ay pinaaalingawngaw sa ngayon. Higit pang buong-panahong mga manggagawa—mga regular pioneer—ang kailangan nang apurahan! (Mat. 9:37) Kayo ba ay handang magboluntaryo? Kung gayon, ang Setyembre 1, pasimula ng 1998 na taon ng paglilingkod, ay magiging isang mainam na panahon upang magpatala bilang isang payunir. Bakit hindi humiling sa mga matatanda ng isang aplikasyon?