Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2005
Mga Tagubilin
Sa 2005, ang sumusunod ang magiging kaayusan sa pagdaraos ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.
PINAGKUNANG MATERYAL: Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan [bi12], Ang Bantayan [w], Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo [be], “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang” (Edisyon ng 1990) [si], at Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan (Edisyon ng 1989) [rs].
Ang paaralan ay dapat magsimula nang EKSAKTO SA ORAS sa pamamagitan ng awit, panalangin, at mga pananalita ng pagtanggap at pagkatapos ay magpapatuloy gaya ng sumusunod:
KALIDAD SA PAGSASALITA: 5 minuto. Ang tagapangasiwa sa paaralan, ang katulong na tagapayo, o isa pang kuwalipikadong matanda ang tatalakay sa isang kalidad sa pagsasalita salig sa aklat-aralin na Paaralan Ukol sa Ministeryo. (Sa mga kongregasyon na may limitadong bilang ng matatanda, maaaring gamitin ang isang kuwalipikadong ministeryal na lingkod.) Malibang ipahiwatig, ang mga kahon na lumilitaw sa iniatas na mga pahina ay dapat ilakip sa pagtalakay. Ang mga pagsasanay ay hindi dapat ilakip. Ang mga ito ay pangunahin nang para sa personal na gamit at sa pribadong pagpapayo.
ATAS BLG. 1: 10 minuto. Ito ay dapat gampanan ng isang kuwalipikadong matanda o ministeryal na lingkod, at ito ay ibabatay sa Ang Bantayan, Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, o “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang.” Ito ay ihaharap bilang sampung-minutong nakapagtuturong pahayag nang walang oral na repaso. Ang tunguhin ay hindi lamang kubrehan ang materyal kundi ituon ang pansin sa praktikal na kahalagahan ng impormasyong tinatalakay, anupat itinatampok kung ano ang pinakakapaki-pakinabang sa kongregasyon. Dapat gamitin ang nakasaad na tema. Inaasahan na ang mga kapatid na lalaki na inatasan sa pahayag na ito ay maingat na mananatili sa itinakdang oras. Maaaring magbigay ng pribadong payo kung kinakailangan.
MGA TAMPOK NA BAHAGI SA PAGBASA SA BIBLIYA: 10 minuto. Sa unang anim na minuto, isang kuwalipikadong matanda o ministeryal na lingkod ang dapat na mabisang magkapit ng materyal sa lokal na mga pangangailangan. Maaari siyang magkomento sa anumang bahagi ng iniatas na babasahin sa Bibliya para sa linggong iyon. Hindi ito dapat na basta sumaryo lamang ng iniatas na babasahin. Ang pangunahing tunguhin ay ang tulungan ang mga tagapakinig na pahalagahan kung bakit at kung gaano kahalaga ang impormasyon. Dapat maging maingat ang tagapagsalita na hindi siya lalampas sa anim na minutong inilaan para sa pambungad na bahagi. Dapat niyang tiyakin na ang huling apat na minuto ay nakatalaga sa pakikibahagi ng mga tagapakinig. Ang mga tagapakinig ay dapat anyayahang magbigay ng maiikling komento (30 segundo o mas maikli pa) hinggil sa kung ano ang kanilang pinahahalagahan sa pagbasa sa Bibliya at sa mga kapakinabangan nito. Pagkatapos ay papupuntahin na ng tagapangasiwa sa paaralan ang mga estudyanteng naatasan sa ibang silid-aralan.
ATAS BLG. 2: 4 na minuto. Ito ay pagbasa na ihaharap ng isang kapatid na lalaki. Ang babasahin ay kadalasang magmumula sa Bibliya. Minsan sa isang buwan, sasaklawin sa atas na ito ang materyal na kinuha sa Ang Bantayan. Dapat basahin ng estudyante ang iniatas na materyal nang walang ibinibigay na introduksiyon o konklusyon. Sa bawat linggo, ang dami ng materyal na babasahin ay mag-iiba-iba nang bahagya ngunit dapat itong gumugol ng apat na minuto o mas maikli pa. Dapat tingnan ng tagapangasiwa sa paaralan ang materyal bago gumawa ng mga atas, anupat ibinabagay ang mga atas sa edad at kakayahan ng mga estudyante. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay partikular nang magiging interesado sa pagtulong sa mga estudyante na bumasa nang may kaunawaan, katatasan, wastong pagdiriin ng mga susing salita, pagbabagu-bago ng tono ng boses, angkop na sandaling paghinto, at pagiging natural.
ATAS BLG. 3: 5 minuto. Ito ay iaatas sa isang kapatid na babae. Ang mga estudyanteng tatanggap ng atas na ito ay aatasan o maaaring pumili ng isang tagpo mula sa talaan na makikita sa pahina 82 ng aklat-aralin na Paaralan Ukol sa Ministeryo. Dapat gamitin ng estudyante ang iniatas na tema at ikapit ito sa isang aspekto ng paglilingkod sa larangan na makatotohanan at praktikal sa teritoryo ng lokal na kongregasyon. Kapag walang binanggit na reperensiyang mapagkukunan ng materyal, kakailanganin ng estudyante na magtipon ng materyal para sa bahaging ito sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa mga publikasyong inilaan ng uring tapat at maingat na alipin. Ang mas bagong mga estudyante ay dapat atasan ng mga pahayag na may inilaang mga reperensiya. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay partikular nang magiging interesado sa kung paano binuo ng estudyante ang materyal at kung paano niya tinulungan ang may-bahay na mangatuwiran sa Kasulatan at maunawaan ang susing mga punto sa pagtatanghal. Ang mga estudyanteng naatasan ng bahaging ito ay dapat na marunong bumasa. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay mag-aatas ng isang kasama.
ATAS BLG. 4: 5 minuto. Dapat buuin ng estudyante ang iniatas na tema. Kapag walang binanggit na reperensiyang mapagkukunan ng materyal, kakailanganin ng estudyante na magtipon ng materyal para sa bahaging ito sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa mga publikasyong inilaan ng uring tapat at maingat na alipin. Kapag iniatas sa isang kapatid na lalaki, ang bahaging ito ay dapat iharap bilang isang pahayag taglay sa isipan ang mga tagapakinig sa Kingdom Hall. Kapag isang kapatid na babae ang binigyan ng atas na ito, ito ay dapat na laging iharap gaya ng nakabalangkas para sa Atas Blg. 3. Maaaring iatas ng tagapangasiwa sa paaralan ang Atas Blg. 4 sa isang kapatid na lalaki kailanma’t nakikita niyang angkop ito. Pakisuyong pansinin na ang mga paksang may mga asterisk ay dapat na laging iatas sa mga kapatid na lalaki upang iharap bilang mga pahayag.
ORAS: Walang pahayag ang dapat lumampas sa oras, maging ang mga komento ng tagapayo. Ang Atas Blg. 2 hanggang Blg. 4 ay dapat na mataktikang patigilin kapag lampas na sa oras. Kapag lumampas sa oras ang mga kapatid na lalaki na gumaganap sa pambukas na pahayag hinggil sa kalidad sa pagsasalita, Atas Blg. 1, o mga tampok na bahagi sa pagbasa sa Bibliya, dapat silang bigyan ng pribadong payo. Dapat na maingat na bantayan ng lahat ang kanilang oras. Kabuuang programa: 45 minuto, hindi kasali ang awit at panalangin.
PAYO: 1 minuto. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay gugugol nang hindi lalampas sa isang minuto pagkatapos ng bawat presentasyon ng estudyante upang magbigay ng ilang positibong obserbasyon sa isang aspekto ng pahayag na kapuri-puri. Ang kaniyang tunguhin ay hindi lamang para sabihing “mahusay” kundi sa halip, ituon ang pansin sa espesipikong mga dahilan kung bakit ang aspektong iyon ng presentasyon ay mabisa. Alinsunod sa pangangailangan ng bawat estudyante, maaaring magbigay ng karagdagang nakapagpapatibay na payo nang pribado pagkatapos ng pulong o sa ibang panahon.
KATULONG NA TAGAPAYO: Maaaring pumili ang lupon ng matatanda ng isang may-kakayahang matanda upang humawak ng atas bilang katulong na tagapayo kung may makukuhang iba pa bukod sa tagapangasiwa ng paaralan. Kung maraming matatanda sa kongregasyon, maaaring iba’t ibang kuwalipikadong matanda ang gumanap sa atas na ito taun-taon. Ang pananagutan ng katulong na tagapayo ay ang magbigay ng pribadong payo, kung kinakailangan, sa mga kapatid na naghaharap ng Atas Blg. 1 at mga tampok na bahagi sa pagbasa sa Bibliya. Hindi naman kinakailangang magbigay siya ng payo sa tuwing matatapos ang bawat pahayag ng kaniyang mga kapuwa matanda o ministeryal na lingkod. Ang kaayusang ito ay magaganap sa 2005 at maaaring magbago pagkatapos.
TALAAN NG PAYO: Nasa aklat-aralin.
ORAL NA REPASO: 30 minuto. Tuwing ikalawang buwan, magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng oral na repaso. Ito ay isasagawa pagkatapos ng pagtalakay sa isang kalidad sa pagsasalita at ng mga tampok na bahagi sa pagbasa sa Bibliya gaya ng nakabalangkas sa itaas. Ang oral na repaso ay isasalig sa materyal na tinalakay sa paaralan sa nakalipas na dalawang buwan, lakip na ang kasalukuyang linggo. Kung ang inyong kongregasyon ay may pansirkitong asamblea o dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito sa linggo ng oral na repaso, sundin ang nakaiskedyul na mga tagubilin na masusumpungan sa Disyembre 2003 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 6.
ISKEDYUL
Ene. 3 Pagbasa sa Bibliya: Josue 16-20 Awit 6
Kalidad sa Pagsasalita: Madaling Maunawaan ng Iba (be p. 226 ¶1–p. 227 ¶1)
Blg. 1: Matakot sa Tunay na Diyos (be p. 272 ¶1–p. 273 ¶1)
Blg. 2: Josue 16:1–17:4
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Sapat ang Pagbabasa Lamang ng Bibliya (rs p. 365 ¶2-3)
Blg. 4: Isa bang Tanda ng Tunay na Pagkamakadiyos sa Ngayon ang Pagiging Mayaman o Mahirap?
Ene. 10 Pagbasa sa Bibliya: Josue 21-24 Awit 100
Kalidad sa Pagsasalita: Ipinaliliwanag ang Hindi Pamilyar na mga Termino (be p. 227 ¶2–p. 228 ¶1)
Blg. 1: Paghahayag sa Pangalan ng Diyos (be p. 273 ¶2-7)
Blg. 2: Josue 23:1-13
Blg. 3: Ang Tamang Relihiyon ay Salig sa Bibliya at Nagpapakilala ng Pangalan ng Diyos (rs p. 365 ¶4-5)
Blg. 4: Wasto Bang Sambahin si Jesus?
Ene. 17 Pagbasa sa Bibliya: Hukom 1-4 Awit 97
Kalidad sa Pagsasalita: Paglalaan ng Kinakailangang Paliwanag (be p. 228 ¶2-3)
Blg. 1: Ang Personang Ipinakikilala ng Pangalan (be p. 274 ¶1-4)
Blg. 2: Hukom 2:1-10
Blg.3: Ipinakikita ng Tamang Relihiyon ang Tunay na Pananampalataya kay Jesu-Kristo (rs p. 366 ¶1)
Blg. 4: Paano Mo Maipagsasanggalang ang Iyong Sarili sa Nakapipinsalang mga Music Video?
Ene. 24 Pagbasa sa Bibliya: Hukom 5-7 Awit 47
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Nasasangkot ang Puso (be p. 228 ¶4–p. 229 ¶1)
Blg. 1: Ang Pangalan ng Diyos—“Matibay na Tore” (be p. 274 ¶5–p. 275 subtitulo)
Blg. 2: Hukom 6:25-35
Blg. 3: Paano Dapat Makaapekto ang Bibliya sa Ating Kalayaang Pumili?
Blg. 4: Ang Tunay na Relihiyon ay Hindi Panlabas na Anyo Lamang Kundi Isang Daan ng Pamumuhay (rs p. 366 ¶2)
Ene. 31 Pagbasa sa Bibliya: Hukom 8-10 Awit 174
Kalidad sa Pagsasalita: Nakapagtuturo sa Iyong Tagapakinig (be p. 230 ¶1-6)
Blg. 1: Pagpapatotoo Tungkol kay Jesus (be p. 275 subtitulo ¶1-4)
Blg. 2: w03 1/15 p. 19-20 ¶16-18
Blg. 3: Ang mga Miyembro ng Tunay na Relihiyon ay Nag-iibigan sa Isa’t Isa at Nananatiling Hiwalay sa Sanlibutan (rs p. 366 ¶3-4)
Blg. 4: Ang Materyalismo ay Hindi Lamang Pagkakamal ng mga Pag-aari
Peb. 7 Pagbasa sa Bibliya: Hukom 11-14 Awit 209
Kalidad sa Pagsasalita: Ginagawang Nakapagtuturo ang Pahayag sa Pamamagitan ng Pagsasaliksik (be p. 231 ¶1-3)
Blg. 1: Idiniriin ang Papel ni Jesus Bilang Tagatubos (be p. 276 ¶1-2)
Blg. 2: Hukom 12:1-15
Blg. 3: Kung Bakit Nagkakaisa ang mga Saksi ni Jehova
Blg. 4: Ang mga Miyembro ng Tunay na Relihiyon ay Aktibong mga Saksi Tungkol sa Kaharian ng Diyos (rs p. 367 ¶1)
Peb. 14 Pagbasa sa Bibliya: Hukom 15-18 Awit 105
Kalidad sa Pagsasalita: Ipinaliliwanag ang mga Kasulatan (be p. 231 ¶4-5)
Blg. 1: Idiniriin ang mga Papel ni Jesus Bilang Mataas na Saserdote at Ulo ng Kongregasyon (be p. 277 ¶1-2)
Blg. 2: Hukom 15:9-20
Blg. 3: *Kung May Magsasabi, ‘Basta Naniniwala Ka kay Jesus, Hindi na Mahalaga Kung Ano ang Kinaaaniban Mong Relihiyon’ (rs p. 369 ¶3)
Blg. 4: Kung Bakit Hindi Para sa mga Kristiyano ang Hipnotismo
Peb. 21 Pagbasa sa Bibliya: Hukom 19-21 Awit 53
Kalidad sa Pagsasalita: Ipinaliliwanag ang Kahulugan ng mga Termino (be p. 232 ¶1)
Blg. 1: Idiniriin ang Papel ni Jesus Bilang Nagpupunong Hari (be p. 277 ¶3-4)
Blg. 2: w03 2/1 p. 17-18 ¶18-21
Blg. 3: a Kung May Magsasabi, ‘Bakit Ninyo Sinasabi na Iisa Lamang ang Tunay na Relihiyon?’ (rs p. 332 ¶4)
Blg. 4: Anu-ano ang Ilan sa “Malalalim na Bagay ng Diyos”? (1 Cor. 2:10)
Peb. 28 Pagbasa sa Bibliya: Ruth 1-4 Awit 120
Kalidad sa Pagsasalita: Nangangatuwiran sa mga Teksto (be p. 232 ¶2-4)
Oral na Repaso
Mar. 7 Pagbasa sa Bibliya: 1 Samuel 1-4 Awit 221
Kalidad sa Pagsasalita: Pumipili ng Impormasyon na Pakikinabangan ng Iyong mga Tagapakinig (be p. 233 ¶1-5)
Blg. 1: Paglalatag kay Kristo Bilang Pundasyon (be p. 278 ¶1-4)
Blg. 2: 1 Samuel 2:1-11
Blg. 3: Hindi Nagtungo sa Langit si Jesus Taglay ang Isang Pisikal na Katawan (rs p. 273 ¶2-4)
Blg. 4: Kung Bakit Hindi Sumasangguni sa mga Horoscope ang Tunay na mga Kristiyano
Mar. 14 Pagbasa sa Bibliya: 1 Samuel 5-9 Awit 151
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng Iniatas na Materyal (be p. 234 ¶1–p. 235 ¶3)
Blg. 1: Ang Mabuting Balitang Ito ng Kaharian (be p. 279 ¶1-4)
Blg. 2: 1 Samuel 5:1-12
Blg. 3: Kung Bakit Nagpakita si Jesus Taglay ang Iba’t Ibang Katawang Laman (rs p. 274 ¶1-4)
Blg. 4: Kung Paano Natin Mapatitibay ang Ating Pakikipagkaibigan kay Jehova
Mar. 21 Pagbasa sa Bibliya: 1 Samuel 10-13 Awit 166
Kalidad sa Pagsasalita: Mabisang Paggamit ng mga Tanong (be p. 236 ¶1-5)
Blg. 1: Ipinaliliwanag Kung Ano ang Kaharian (be p. 280 ¶1-5)
Blg. 2: 1 Samuel 10:1-12
Blg. 3: Paano Dapat Pakitunguhan ng mga Kristiyano ang mga Mahal sa Buhay na Hindi Nila Kapananampalataya?
Blg. 4: Yaong mga Bubuhaying-Muli Upang Mamahalang Kasama ni Kristo ay Magiging Katulad Niya (rs p. 275 ¶1-5)
Mar. 28 Pagbasa sa Bibliya: 1 Samuel 14-15 Awit 172
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Tanong Upang Maiharap ang Mahahalagang Ideya (be p. 237 ¶1-2)
Blg. 1: Ipinaliliwanag Kung Paano Nakaaapekto sa Atin ang Kaharian (be p. 281 ¶1-4)
Blg. 2: w03 3/15 p. 19-20 ¶17-21
Blg. 3: Kung Bakit Nagbabayad ng Kanilang mga Buwis ang mga Kristiyano
Blg. 4: Kung Ano ang Magiging Kahulugan ng Pagkabuhay-Muli Para sa Sangkatauhan sa Pangkalahatan (rs p. 276 ¶1–p. 277 ¶1)
Abr. 4 Pagbasa sa Bibliya: 1 Samuel 16-18 Awit 27
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Tanong Upang Makapangatuwiran sa Isang Paksa (be p. 237 ¶3–p. 238 ¶2)
Blg. 1: Kung Bakit Mahalaga ang Edukasyon Para sa mga Kristiyano (w03 3/15 p. 10 ¶1–p. 11 ¶5)
Blg. 2: 1 Samuel 17:41-51
Blg.3: Kung Bakit Hindi Hahatulan ang mga Bubuhaying-Muli Salig sa Kanilang Nakalipas na mga Gawa (rs p. 277 ¶2)
Blg. 4: Ang Pagbubulay-bulay sa mga Ibubunga ay Makatutulong sa Atin na Ibigin ang Mabuti at Kapootan ang Masama
Abr. 11 Pagbasa sa Bibliya: 1 Samuel 19-22 Awit 73
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Tanong Upang Alamin Kung Ano ang Niloloob (be p. 238 ¶3-5)
Blg. 1: Kung Paano Makagagawa ng Espirituwal na Pagsulong ang mga Kabataan (w03 4/1 p. 8-10)
Blg. 2: 1 Samuel 20:24-34
Blg. 3: Kung Bakit Kaakit-akit na Katangian ang Tunay na Kahinhinan
Blg. 4: Kung Paano Mabubuhay sa Lupa ang “Iba Pa sa mga Patay” (rs p. 277 ¶3–p. 278 ¶3)
Abr. 18 Pagbasa sa Bibliya: 1 Samuel 23-25 Awit 61
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Tanong Upang Higit Pang Makapagdiin (be p. 239 ¶1-2)
Blg. 1: Magtiwala Ka kay Jehova Nang Iyong Buong Puso (w03 11/1 p. 4-7)
Blg. 2: w03 5/1 p. 17 ¶11-14
Blg. 3: Ang mga Mapapabilang sa Makalupang Pagkabuhay-Muli (rs p. 278 ¶4–p. 279 ¶4)
Blg. 4: Kung Bakit Ginawa ang Abrahamikong Tipan
Abr. 25 Pagbasa sa Bibliya: 1 Samuel 26-31 Awit 217
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Tanong Upang Maibunyag ang Maling Kaisipan (be p. 239 ¶3-5)
Oral na Repaso
Mayo 2 Pagbasa sa Bibliya: 2 Samuel 1-3 Awit 91
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Paghahalintulad at mga Metapora na Nagtuturo (be p. 240 ¶1–p. 241 ¶2)
Blg. 1: Hindi Lamang Para Makapagtrabaho ang Layunin ng Edukasyon (w03 3/15 p. 11 ¶6–p. 14 ¶5)
Blg. 2: 2 Samuel 2:1-11
Blg. 3: Ang mga Pangyayari May Kaugnayan sa Pagkanaririto ni Kristo ay Magaganap sa Loob ng Ilang Taon (rs p. 268 ¶3-4)
Blg. 4: Ang Maraming Kapakinabangan ng Pagiging Matapat
Mayo 9 Pagbasa sa Bibliya: 2 Samuel 4-8 Awit 183
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng mga Halimbawa (be p. 241 ¶3–p. 242 ¶1)
Blg. 1: Tunay na Interesado si Jehova sa mga Kabataan (w03 4/15 p. 29 ¶3–p. 31 ¶4)
Blg. 2: 2 Samuel 5:1-12
Blg. 3: Ano ang Naisagawa ng Tipang Kautusan?
Blg. 4: Hindi Nakikita ang Pagbabalik ni Kristo (rs p. 269 ¶1-3)
Mayo 16 Pagbasa sa Bibliya: 2 Samuel 9-12 Awit 66
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Halimbawa sa Kasulatan (be p. 242 ¶2-3)
Blg. 1: Napapansin ba ni Jehova ang Iyong Ginagawa? (w03 5/1 p. 28-31)
Blg. 2: 2 Samuel 9:1-13
Blg. 3: Ang Paraan ng Pagbabalik ni Jesus at Kung Paano Siya Makikita ng Bawat Mata (rs p. 269 ¶5–p. 271 ¶3)
Blg. 4: Sa Anu-anong Paraan Buháy ang Salita ng Diyos? (Heb. 4:12)
Mayo 23 Pagbasa sa Bibliya: 2 Samuel 13-15 Awit 103
Kalidad sa Pagsasalita: Mauunawaan Kaya Ito? (be p. 242 ¶4–p. 243 ¶1)
Blg. 1: Ang Talâ ni Noe—May Kahulugan ba Ito Para sa Atin? (w03 5/15 p. 4-7)
Blg. 2: 2 Samuel 13:10-22
Blg. 3: Paano Natin Dapat Unawain ang Juan 11:25, 26?
Blg. 4: Mga Pangyayaring May Kaugnayan sa Pagkanaririto ni Kristo (rs p. 271 ¶4–p. 272 ¶2)
Mayo 30 Pagbasa sa Bibliya: 2 Samuel 16-18 Awit 132
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Ilustrasyon Mula sa Pamilyar na mga Situwasyon (be p. 244 ¶1-2)
Blg. 1: Mag-isip Nang May Katinuan at Kumilos Nang May Katalinuhan (w03 7/15 p. 21-3)
Blg. 2: w03 5/15 p. 16-17 ¶8-11
Blg. 3: Hindi Hinihiling sa mga Kristiyano na Mangilin ng Sabbath (rs p. 370 ¶3–p. 371 ¶4)
Blg. 4: Kung Bakit Hindi Kahinaan ang Kapakumbabaan
Hun. 6 Pagbasa sa Bibliya: 2 Samuel 19-21 Awit 224
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Ilustrasyong Angkop sa Iyong Tagapakinig (be p. 244 ¶3–p. 245 ¶4)
Blg. 1: Pag-unawa sa Layunin ng Disiplina (w03 10/1 p. 20 ¶1–p. 21 ¶5)
Blg. 2: 2 Samuel 19:1-10
Blg. 3: Paano Makapapasok ang Isang Kristiyano sa Kapahingahan ng Diyos?
Blg. 4: Walang Ulat ang Bibliya na Nangilin ng Araw ng Sabbath si Adan (rs p. 372 ¶1-3)
Hun. 13 Pagbasa sa Bibliya: 2 Samuel 22-24 Awit 74
Kalidad sa Pagsasalita: Mabisang Paggamit ng mga Visual Aid (be p. 247 ¶1-2)
Blg. 1: Maging Madaling Turuan at Bantayan ang Iyong Dila (w03 9/15 p. 21 ¶1–p. 22 ¶3)
Blg. 2: 2 Samuel 24:10-17
Blg. 3: Hindi Hinati ni Jesus ang Kautusang Mosaiko sa mga Bahaging “Seremonyal” at “Moral” (rs p. 372 ¶4–p. 373 ¶1)
Blg. 4: Sa Anu-anong Paraan Dapat na Hiwalay sa Sanlibutan ang Isang Kristiyano?
Hun. 20 Pagbasa sa Bibliya: 1 Hari 1-2 Awit 2
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Gumamit si Jesus ng mga Visual Aid (be p. 247 ¶3)
Blg. 1: Matutuhan ang Lihim ng Kasiyahan sa Sarili (w03 6/1 p. 8-11)
Blg. 2: w03 6/1 p. 12-13 ¶1-4
Blg. 3: Ano ang Partikular na Mahalaga Hinggil sa Ikasampung Utos?
Blg. 4: Ang Sampung Utos ay Lumipas na Kasabay ng Kautusang Mosaiko (rs p. 373 ¶2-3)
Hun. 27 Pagbasa sa Bibliya: 1 Hari 3-6 Awit 167
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Paraan ng Paggamit ng mga Visual Aid (be p. 248 ¶1-3)
Oral na Repaso
Hul. 4 Pagbasa sa Bibliya: 1 Hari 7-8 Awit 194
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng mga Mapa, Nakaimprentang mga Programa ng Asamblea, at mga Video (be p. 248 ¶4–p. 249 ¶2)
Blg. 1: Pahalagahan ang May-edad Nang mga Kapananampalataya (w03 9/1 p. 30-1)
Blg. 2: 1 Hari 8:1-13
Blg. 3: Paano ba Dinaig ni Jesus ang Sanlibutan?
Blg. 4: Kung Bakit Hindi Inalis ang mga Pagbabawal Tungkol sa Moral Nang Lumipas ang Sampung Utos (rs p. 374 ¶1-2)
Hul. 11 Pagbasa sa Bibliya: 1 Hari 9-11 Awit 191
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng mga Visual Aid Para sa Mas Malalaking Grupo (be p. 249 ¶3–p. 250 ¶1)
Blg.1: Katibayan na si Jesu-Kristo ay Nabuhay sa Lupa (w03 6/15 p. 4-7)
Blg. 2: 1 Hari 9:1-9
Blg. 3: Kung Ano ang Kahulugan ng Sabbath sa mga Kristiyano (rs p. 374 ¶3–p. 376 ¶3)
Blg.4: Mapagtatagumpayan ang Pagkasugapa sa Droga sa Pamamagitan ng Pagkakapit ng mga Simulain sa Bibliya
Hul. 18 Pagbasa sa Bibliya: 1 Hari 12-14 Awit 162
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Bakit Mahalaga ang May Pangangatuwirang Paraan (be p. 251 ¶1-3)
Blg. 1: Mula sa mga Kaisipan Tungo sa mga Pagkilos na May Ibinubunga (w03 1/15 p. 30 ¶1-3)
Blg. 2: 1 Hari 12:1-11
Blg. 3: Kung Paano Makatutulong sa Atin ang Pananampalataya Upang Mapagtagumpayan ang mga Pagsubok
Blg. 4: Kung Sino ang Tinutukoy ng Bibliya na mga Santo (rs p. 390 ¶4–p. 391 ¶2)
Hul. 25 Pagbasa sa Bibliya: 1 Hari 15-17 Awit 158
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Saan Magsisimula (be p. 251 ¶4–p. 252 ¶3)
Blg. 1: Kung Paano ‘Uunawain Kung Ano ang Kalooban ni Jehova’ (w03 12/1 p. 21 ¶3–p. 23 ¶2)
Blg. 2: w03 7/15 p. 19 ¶15-17
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Tayo Nananalangin sa mga “Santo” (rs p. 391 ¶3–p. 392 ¶2)
Blg. 4: Paano ba Inaaliw ng Banal na Espiritu ang mga Kristiyano?
Ago. 1 Pagbasa sa Bibliya: 1 Hari 18-20 Awit 207
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Kailan Magpaparaya (be p. 252 ¶4–p. 253 ¶2)
Blg. 1: Mga Kabataan, Lumakad Nang Karapat-dapat kay Jehova (w03 10/15 p. 23 ¶1–p. 24 ¶1)
Blg. 2: 1 Hari 18:1-15
Blg. 3: Makapamumunga Nang Marami ang Lahat ng Kristiyano
Blg. 4: Ang Katotohanan Hinggil sa Pag-uukol ng Kabanalan sa mga Relikya at Imahen ng mga “Santo” (rs p. 392 ¶3–p. 393 ¶4)
Ago. 8 Pagbasa sa Bibliya: 1 Hari 21-22 Awit 92
Kalidad sa Pagsasalita: Pagbabangon ng mga Tanong at Pangangatuwiran (be p. 253 ¶3–p. 254 ¶2)
Blg. 1: Ang Permanenteng Solusyon sa Karalitaan (w03 8/1 p. 4-7)
Blg. 2: 1 Hari 21:15-26
Blg. 3: Ang Tunay na mga Kristiyanong Santo ay Hindi Malaya sa Kasalanan (rs p. 393 ¶5)
Blg. 4: Bakit Tayo Dapat Magtaglay ng Lakas ng Loob, at Paano Natin Ito Malilinang?
Ago. 15 Pagbasa sa Bibliya: 2 Hari 1-4 Awit 16
Kalidad sa Pagsasalita: Mahuhusay na Argumento na Matatag na Nakasalig sa Salita ng Diyos (be p. 255 ¶1–p. 256 ¶2)
Blg. 1: Tinanggap Ninyo Nang Walang Bayad, Ibigay Ninyo Nang Walang Bayad (w03 8/1 p. 20-2)
Blg. 2: 2 Hari 3:1-12
Blg. 3: Bakit ang Hahaba ng Buhay ng mga Tao Noong Bago ang Baha?
Blg. 4: Hindi Maka-Kasulatan ang Pangkalahatang Kaligtasan (rs p. 95 ¶4)
Ago. 22 Pagbasa sa Bibliya: 2 Hari 5-8 Awit 193
Kalidad sa Pagsasalita: Suportahan ng Karagdagang Ebidensiya ang mga Argumento (be p. 256 ¶3-5)
Blg. 1: Pagkatuto ng Sining ng Pagiging Mataktika (w03 8/1 p. 29-31)
Blg. 2: w03 8/1 p. 19 ¶18-22
Blg. 3: Sa Takdang Panahon ba ay Ililigtas ang Lahat ng Tao? (rs p. 96 ¶1)
Blg. 4: Anu-anong Mabubuting Katangian ni Jonas ang Dapat Nating Tularan?
Ago. 29 Pagbasa sa Bibliya: 2 Hari 9-11 Awit 129
Kalidad sa Pagsasalita: Paghaharap ng Sapat na Ebidensiya (be p. 256 ¶6–p. 257 ¶3)
Oral na Repaso
Set. 5 Pagbasa sa Bibliya: 2 Hari 12-15 Awit 175
Kalidad sa Pagsasalita: Pagsisikap na Abutin ang Puso (be p. 258 ¶1-5)
Blg. 1: May-pananabik Mo Bang Hinahanap si Jehova? (w03 8/15 p. 25-8)
Blg. 2: 2 Hari 12:1-12
Blg. 3: Bakit Dapat Itaguyod ang Kahinahunan?
Blg. 4: Ililigtas ang “Lahat ng Uri ng mga Tao” (rs p. 96 ¶2)
Set. 12 Pagbasa sa Bibliya: 2 Hari 16-18 Awit 203
Kalidad sa Pagsasalita: Inaarok ang Puso ng mga Tao (be p. 259 ¶1-3)
Blg. 1: Ano ang Naaalaala ng mga Tao Tungkol kay Jesus? (w03 8/15 p. 6 ¶6–p. 8 ¶6)
Blg. 2: 2 Hari 16:10-20
Blg. 3: Sinasabi ng Bibliya na ang Ilan ay Hindi Kailanman Maliligtas (rs p. 97 ¶1-3)
Blg. 4: Paano Natin Matitiyak Kung Ano ang Kaayaaya sa Panginoon?
Set. 19 Pagbasa sa Bibliya: 2 Hari 19-22 Awit 89
Kalidad sa Pagsasalita: Pag-antig sa Kapaki-pakinabang na Damdamin (be p. 259 ¶4–p. 260 ¶1)
Blg.1: “Patuloy Kang Manghawakan sa Parisan ng Nakapagpapalusog na mga Salita” (w03 1/1 p. 29 ¶3–p. 30 ¶4)
Blg. 2: 2 Hari 19:20-28
Blg. 3: Hindi Nangangahulugan na Minsang Naligtas ay Lagi Nang Ligtas (rs p. 97 ¶4-7)
Blg. 4: Ano ang Matututuhan Natin sa Ating Kristiyanong mga Kapatid sa Sinaunang Smirna?
Set. 26 Pagbasa sa Bibliya: 2 Hari 23-25 Awit 84
Kalidad sa Pagsasalita: Tinutulungan ang Iba na Linangin ang Makadiyos na Pagkatakot (be p. 260 ¶2-3)
Blg. 1: Ang Bibliya at ang Kanon Nito—Bahagi 1 (si p. 299 ¶1-6)
Blg. 2: w03 8/15 p. 20 ¶6-10
Blg. 3: Positibo ang Ating Pangmalas Tungkol sa Kinabukasan
Blg. 4: Kung Bakit Kailangang May mga Gawa ang Pananampalataya (rs p. 98 ¶1-4)
Okt. 3 Pagbasa sa Bibliya: 1 Cronica 1-4 Awit 51
Kalidad sa Pagsasalita: Mahalaga sa Diyos ang Ating Paggawi (be p. 260 ¶4–p. 261 ¶1)
Blg. 1: Ang Bibliya at ang Kanon Nito—Bahagi 2 (si p. 300-2 ¶7-16)
Blg. 2: 1 Cronica 4:24-43
Blg. 3: Kung Paano Natin Nalalaman na Talagang May Diyablo (rs p. 395 ¶1–p. 396 ¶1)
Blg. 4: Iniibig Tayo ni Jehova Bilang mga Indibiduwal
Okt. 10 Pagbasa sa Bibliya: 1 Cronica 5-7 Awit 195
Kalidad sa Pagsasalita: Pagtulong sa Iba na Gumawa ng Pagsusuri (be p. 261 ¶2-4)
Blg. 1: Ang Bibliya at ang Kanon Nito—Bahagi 3 (si p. 302-5 ¶17-26)
Blg. 2: 1 Cronica 5:18-26
Blg. 3: Kung Ano ang Alam Natin Tungkol sa “Araw ni Jehova”
Blg. 4: Si Satanas ay Hindi Lamang Kasamaan sa Loob Mismo ng Tao (rs p. 396 ¶2-4)
Okt. 17 Pagbasa sa Bibliya: 1 Cronica 8-11 Awit 201
Kalidad sa Pagsasalita: Pinasisigla ang Taos-Pusong Pagsunod (be p. 262 ¶1-4)
Blg. 1: Ang Tekstong Hebreo ng Banal na Kasulatan—Bahagi 1 (si p. 305-6 ¶1-5)
Blg. 2: 1 Cronica 10:1-14
Blg. 3: Hindi Nilalang ng Diyos ang Diyablo (rs p. 397 ¶1)
Blg. 4: Kanino Tayo Dapat Maging Mataktika?
Okt. 24 Pagbasa sa Bibliya: 1 Cronica 12-15 Awit 80
Kalidad sa Pagsasalita: Pakikipagtulungan kay Jehova sa Pag-abot sa Puso ng mga Tao (be p. 262 ¶5)
Blg. 1: Ang Tekstong Hebreo ng Banal na Kasulatan—Bahagi 2 (si p. 306-7 ¶6-9)
Blg. 2: w03 11/1 p. 10-11 ¶10-13
Blg. 3: Kung Ano ang Talagang Kahulugan ng Paglakad sa Pangalan ni Jehova
Blg.4: Kung Bakit Hindi Karaka-rakang Pinuksa ng Diyos si Satanas Pagkatapos Niyang Maghimagsik (rs p. 397 ¶2-3)
Okt. 31 Pagbasa sa Bibliya: 1 Cronica 16-20 Awit 129
Kalidad sa Pagsasalita: Pagtatamo ng Tamang Oras (be p. 263 ¶1–p. 264 ¶4)
Oral na Repaso
Nob. 7 Pagbasa sa Bibliya: 1 Cronica 21-25 Awit 215
Kalidad sa Pagsasalita: Mabisang Pagpapayo (be p. 265 ¶1-3)
Blg. 1: Ang Tekstong Hebreo ng Banal na Kasulatan—Bahagi 3 (si p. 307-10 ¶10-16)
Blg. 2: 1 Cronica 22:1-10
Blg. 3: Huwag Maliitin ang Kapangyarihan ng Diyablo (rs p. 398 ¶1–p. 399 ¶1)
Blg. 4: b Kung Paano Mapatitibay ang Pag-aasawa
Nob. 14 Pagbasa sa Bibliya: 1 Cronica 26-29 Awit 35
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapayo Salig sa Pag-ibig (be p. 266 ¶1-4)
Blg. 1: Ang Tekstong Hebreo ng Banal na Kasulatan—Bahagi 4 (si p. 310-12 ¶17-25)
Blg. 2: 1 Cronica 29:1-9
Blg. 3: Kung Bakit Inuusig ang mga Lingkod ni Jehova
Blg. 4: Malapit Na ang Kaginhawahan Mula sa Balakyot na Impluwensiya ni Satanas (rs p. 399 ¶3–p. 400 ¶2)
Nob. 21 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 1-5 Awit 46
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapayo na Nakaugat sa Kasulatan (be p. 266 ¶5–p. 267 ¶1)
Blg. 1: Ang Tekstong Hebreo ng Banal na Kasulatan—Bahagi 5 (si p. 312-14 ¶26-31)
Blg. 2: 2 Cronica 2:1-10
Blg. 3: Unawain ang Layunin ng Disiplina
Blg. 4: c Kasalanan ba ang Lahat ng Seksuwal na Pagsisiping? (rs p. 401 ¶1–p. 402 ¶1)
Nob. 28 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 6-9 Awit 106
Kalidad sa Pagsasalita: Pagtataglay ng “Kalayaan sa Pagsasalita” (be p. 267 ¶2-3)
Blg. 1: Ang Kristiyanong Tekstong Griyego ng Banal na Kasulatan—Bahagi 1 (si p. 315-16 ¶1-7)
Blg. 2: w03 12/1 p. 15-16 ¶3-6
Blg. 3: Kung Paano Natin Ipinakikita na May Masidhing Kaluguran Tayo kay Jehova
Blg. 4: d Kung Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Homoseksuwalidad (rs p. 402 ¶3-5)
Dis. 5 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 10-14 Awit 116
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Bakit Mahalaga na Maging Nakapagpapatibay (be p. 268 ¶1-3)
Blg. 1: Ang Kristiyanong Tekstong Griyego ng Banal na Kasulatan—Bahagi 2 (si p. 316-17 ¶8-16)
Blg. 2: 2 Cronica 12:1-12
Blg. 3: Kung Bakit Kailangan Natin ang Di-sana-nararapat na Kabaitan ng Diyos
Blg. 4: Mga Pagbabagong Kailangang Gawin Upang Mapalugdan ang Diyos (rs p. 403 ¶1-3)
Dis. 12 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 15-19 Awit 182
Kalidad sa Pagsasalita: Inaalaala Kung Ano ang Ginawa ni Jehova (be p. 268 ¶4–p. 269 ¶2)
Blg. 1: Ang Kristiyanong Tekstong Griyego ng Banal na Kasulatan—Bahagi 3 (si p. 317-19 ¶17-25)
Blg. 2: 2 Cronica 19:1-11
Blg. 3: Kung Bakit Maaaring Magkasala ang Isang Taong Sakdal (rs p. 118 ¶4–p. 119 ¶3)
Blg. 4: Kung Ano ang Matututuhan Natin Mula sa Pamilya ni Jesus
Dis. 19 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 20-24 Awit 186
Kalidad sa Pagsasalita: Ipinakikita Kung Paano Tinutulungan ni Jehova ang Kaniyang Bayan (be p. 269 ¶3-5)
Blg. 1: Ang Kristiyanong Tekstong Griyego ng Banal na Kasulatan—Bahagi 4 (si p. 319-20 ¶26-32)
Blg. 2: w03 12/15 p. 16-17 ¶13-15
Blg. 3: Mga Pakinabang sa Pagkatuto ng Lihim ng Kasiyahan sa Sarili
Blg. 4: Kung Bakit Dapat Nating Tanggapin Kung Ano Talaga ang Kasalanan (rs p. 120 ¶1–p. 121 ¶1)
Dis. 26 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 25-28 Awit 137
Kalidad sa Pagsasalita: Ipinakikita ang Kaluguran sa Ginagawa ng Diyos Ngayon (be p. 270 ¶1–p. 271 ¶2)
Oral na Repaso
[Mga Talababa]
a Kung may oras pa, isaalang-alang ang mga sagot sa mga pag-aangkin, pagtutol, at sa iba pang tugon ng may-bahay, na pinakamabisang makasasapat sa mga pangangailangan sa lokal na teritoryo.
b Kung may oras pa, isaalang-alang ang mga sagot sa mga pag-aangkin, pagtutol, at sa iba pang tugon ng may-bahay, na pinakamabisang makasasapat sa mga pangangailangan sa lokal na teritoryo.
c Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
d Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.