PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pag-ibig ang Pagkakakilanlan ng mga Tunay na Kristiyano—Itakwil ang Pagkamakasarili at Pagkapukaw sa Galit
KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Itinuro ni Jesus na pag-ibig ang magiging pagkakakilanlan ng kaniyang mga alagad. (Ju 13:34, 35) Para makapagpakita ng tulad-Kristong pag-ibig, dapat nating isaalang-alang ang kapakanan ng iba at iwasang mapukaw sa galit.—1Co 13:5.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Kapag may nasabi o nagawa ang iba na nakasakit sa atin, huminto at pag-isipan ang dahilan ng problema, pati na ang magiging resulta ng ikikilos mo.—Kaw 19:11
Tandaan na lahat tayo ay di-sakdal, at minsan ay may nasasabi o nagagawa tayong pinagsisisihan natin
Ayusin agad ang mga di-pagkakasundo
PANOORIN ANG VIDEO NA “IBIGIN NINYO ANG ISA’T ISA”—ITAKWIL ANG PAGKAMAKASARILI AT PAGKAPUKAW SA GALIT. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Paano nag-overreact si Larry sa mungkahi ni Tom?
Paano nakatulong kay Tom ang pag-iisip muna para hindi siya mapukaw sa galit?
Paano nakatulong ang mahinahong sagot ni Tom para hindi lumalâ ang sitwasyon?
Paano tayo nakakatulong sa kongregasyon kapag nananatili tayong mahinahon kahit napupukaw sa galit?