Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • th aralin 2 p. 5
  • Pagiging Natural

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagiging Natural
  • Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Kaparehong Materyal
  • Sigla
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Pagiging Natural
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Magsalita Nang May Kombiksiyon
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Mabait at May Empatiya
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
Iba Pa
Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
th aralin 2 p. 5

ARALIN 2

Pagiging Natural

Binanggit na teksto

2 Corinto 2:17

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Magsalita sa natural na paraan at mula sa puso.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Manalangin at maghandang mabuti. Hilingin sa panalangin na tulungan kang magpokus, hindi sa sarili, kundi sa mensahe mo. Gawing malinaw sa isip ang pangunahing mga punto na kailangan mong talakayin. Sabihin ang mga ideya sa sarili mong pananalita; huwag lang basta sabihin ang mga nakaimprentang salita.

    Praktikal na tip

    Kung iniisip mong magbasa ng Bibliya o iba pang publikasyon, maging pamilyar sa binabasa mo para maging matatas ang iyong pagbabasa. Kung may babasahin kang sinabi ng isang tao, basahin ito nang may damdamin, pero huwag namang sobra.

  • Magsalita mula sa puso. Pag-isipan kung bakit kailangan ng mga tagapakinig mo ang mensahe. Sa kanila ka magpokus. Sa gayon, makikita sa tindig mo, pagkumpas, at ekspresyon ng mukha na taimtim ka at nagmamalasakit sa kanila.

    Praktikal na tip

    Magsalita sa paraang natural pero disente pa ring pakinggan. Magsalita nang malinaw at ayon sa tamang balarila para mapanatili ang dignidad ng mensahe mo.

  • Tumingin sa mga tagapakinig. Kung angkop, tumingin sa mata ng tagapakinig mo. Kapag nagpapahayag, tumingin sa mga indibidwal imbes na daanan lang ng mata ang buong kongregasyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share