KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GENESIS 48-50
Maraming Maituturo ang mga May-edad Na
Kapag ikinukuwento ng mga may-edad na ang nasaksihan nilang “kamangha-manghang mga gawa” ni Jehova sa mga huling araw na ito, napapatibay ang pananampalataya natin kay Jehova at sa mga pangako niya. (Aw 71:17, 18) Kung may mga kakongregasyon kayong may-edad na, tanungin sila
kung paano sila tinulungan ni Jehova na maharap ang mga pagsubok sa paglilingkod
kung ano ang naramdaman nila nang makita nilang dumarami ang mga mamamahayag ng Kaharian
kung ano ang naramdaman nila nang magkaroon ng mga paglilinaw sa mga katotohanan sa Bibliya
kung ano ang nakita nilang mga pagbabago sa organisasyon ni Jehova