-
Pumatay Dahil sa GalitMga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
-
-
ARAL 4
Pumatay Dahil sa Galit
Pagkaalis nina Adan at Eva sa hardin ng Eden, nagkaroon sila ng maraming anak. Ang panganay nilang si Cain ay naging magsasaka, at ang ikalawang anak na si Abel ay naging tagapag-alaga ng hayop.
Isang araw, naghandog sina Cain at Abel kay Jehova. Alam mo ba ang ibig sabihin ng handog? Isa itong espesyal na regalo. Nagustuhan ni Jehova ang handog ni Abel, pero hindi ang handog ni Cain. Kaya galít na galít si Cain. Pinagsabihan ni Jehova si Cain kasi baka makagawa ito ng masama dahil sa galit. Pero hindi nakinig si Cain.
Sa halip, sinabi ni Cain kay Abel: ‘Pumunta tayo sa bukid.’ Pagdating nila sa bukid, pinatay ni Cain si Abel. Ano kaya ang gagawin ni Jehova? Pinarusahan ni Jehova si Cain. Pinalayas niya si Cain at hindi na pinayagang makabalik sa pamilya nito.
Ano ang aral? Baka magalit tayo kapag hindi nasunod ang gusto natin. Kapag nagsisimula na tayong magalit—o pinagsabihan tayo ng iba dahil napansin nilang nagagalit na tayo—dapat natin itong kontrolin agad para hindi tayo makagawa ng masama.
Dahil mahal ni Abel si Jehova at ginawa niya ang tama, hindi siya malilimutan ni Jehova. Bubuhaying muli ng Diyos si Abel kapag paraiso na ang lupa.
“Makipagkasundo ka muna sa [kapatid mo], at saka ka bumalik para ialay ang handog mo.”—Mateo 5:24
-
-
Ang Arka ni NoeMga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
-
-
ARAL 5
Ang Arka ni Noe
Nang maglaon, dumami ang tao sa lupa. Karamihan sa kanila ay masama. May mga anghel sa langit na naging masama din. Iniwan nila ang langit at bumaba dito sa lupa. Alam mo ba kung bakit? Para magkatawang-tao at maging asawa ang mga babae.
Nagkaanak ang mga anghel at ang mga babaeng naging asawa nila. Ang mga anak nila ay lumaking malalakas at naging mga bully. Sinasaktan nila ang mga tao. Ayaw ito ni Jehova. Kaya nagdesisyon siyang patayin ang masasamang tao sa pamamagitan ng baha.
Pero may isang tao na naiiba. Mahal niya si Jehova. Ang pangalan niya ay Noe. May asawa siya at tatlong anak na lalaki—sina Sem, Ham, at Japet. Silang tatlo ay may asawa. Inutusan ni Jehova si Noe na gumawa ng isang malaking arka para makaligtas sila sa Baha. Ang arka ay isang napakalaking kahon na nakakalutang sa tubig. Inutusan din ni Jehova si Noe na magpasok ng maraming hayop sa arka para makaligtas din ang mga ito.
Sinimulan agad ni Noe at ng kaniyang pamilya ang paggawa ng arka. Mga 50 taon bago nila ito natapos. Ginawa nila ang arka na eksakto sa sinabi ni Jehova. Habang ginagawa ang arka, sinasabi ni Noe sa mga tao na magkakaroon ng Baha. Pero hindi sila naniwala.
Dumating ang araw na dapat nang pumasok sa arka sina Noe. Tingnan natin ang sumunod na nangyari.
“Ang presensiya ng Anak ng tao ay magiging gaya noong panahon ni Noe.”—Mateo 24:37
-