Angklang Gawa sa Kahoy at Metal
1. Pabigat na metal
2. Puluhan
3. Nakausling talim
4. Nakausling kahoy
5. Kulyar
Sa ulat ng paglalakbay ni Pablo papuntang Roma, paulit-ulit na binanggit ang mga angkla. (Gaw 27:13, 29, 30, 40) Noong una, lumilitaw na simple lang ang disenyo ng mga angkla at puwede ring gamiting angkla ang mabibigat na bato. Pero noong panahon ni Pablo, may naimbento nang mas magagandang angkla. Makikita rito ang drowing ng isang pangawit na angkla na karaniwang ginagamit noong panahon ng mga Romano. Kadalasan nang gawa ito sa metal at kahoy. Ang pabigat na metal nito ay karaniwan nang gawa sa tingga, at ang isang nakausling kahoy nito ang bumabaon sa sahig ng dagat. Kadalasan nang maraming angkla ang malalaking barko. (Gaw 27:29, 30) May angklang natagpuan malapit sa Cirene, sa baybayin ng Aprika, na tumitimbang nang mga 545 kg (1,200 lb). Kaya angkop lang na sinabi ni Pablo na “ang pag-asa nating ito ay nagsisilbing angkla ng buhay natin.”—Heb 6:19.
Kaugnay na (mga) Teksto: