Milyun-Milyon ang Dadalo—Ikaw Rin Ba?
Dadalo saan? Sa taunang pagdiriwang ng kamatayan ni Jesu-Kristo. Noong taóng 2000, may kabuuang bilang na 14,872,086 ang dumalo sa buong daigdig.
Bakit dumadalo ang mga tao? Dahil sa kahulugan ng kamatayan ni Kristo para sa sangkatauhan. Nangangahulugan ito ng napipintong kaginhawahan mula sa sakit, pagdurusa, at kamatayan. Maging ang namatay na mga minamahal ay bubuhaying-muli tungo sa buhay sa isang paraisong lupa.
Paano makapagdudulot ng gayong mga pagpapala ang kamatayan ni Jesus? Ikaw ay inaanyayahan upang malaman ang kasagutan. Malugod kang tinatanggap ng mga Saksi ni Jehova upang samahan sila sa napakahalagang okasyong ito.
Dumalo sa pinakamalapit na Kingdom Hall sa inyong tahanan. Sa taóng ito, ang petsa ay sa Linggo, Abril 8, pagkatapos lumubog ang araw. Alamin mula sa mga Saksi sa inyong lugar ang eksaktong oras.