Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 9/08 p. 29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2008
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Bibliyang Inilalathala sa Tsina
  • Pinupuntirya ang mga Imahen
  • Sinasaid ng mga Digmaan ang Yaman ng Aprika
  • Makabubuti sa Iyo ang Pag-idlip
  • Sambahin ang Diyos “sa Espiritu”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Mga Relihiyosong Imahen—Ang Sinaunang Pinagmulan ng mga Ito
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Dapat Bang Gumamit ng mga Larawan sa Pagsamba?
    Gumising!—2005
  • Ang Paggamit at Maling Paggamit ng mga Larawang Relihiyoso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Gumising!—2008
g 9/08 p. 29

Pagmamasid sa Daigdig

◼ Nitong nakalipas na 20 taon, dumami nang apat na ulit ang nagaganap na mga likas na sakuna sa buong daigdig. Mahigit 250 milyon katao ang naaapektuhan taun-taon.​—EL UNIVERSAL, MEXICO.

◼ “Napakaraming basura ang natatangay ng hanging amihan, malalakas na hangin sa Pasipiko, sa loob ng mga taon.” Sinlaki na ng Australia ang nasasaklaw ng naipong mga basurang ito.​—LA DÉPÊCHE DE TAHITI, TAHITI.

◼ Para makagawa ng 50 litro ng biofuel para sa isang pampasaherong kotse, kailangan ng 200 kilo ng mais​—“sapat na pagkain para sa isang tao sa loob ng isang taon!”​—GAZETA WYBORCZA, POLAND.

Mga Bibliyang Inilalathala sa Tsina

“Isa na ang Tsina sa mga bansang naglalathala ng pinakamaraming kopya ng Bibliya sa daigdig,” ang sabi ni Ye Xiaowen, pinuno ng Administrasyon ng Estado Para sa Ugnayang Panrelihiyon. Isang palimbagan sa Tsina, na nakabase sa Nanjing, kabisera ng Jiangsu Province, ang nakapaglathala ng ika-50 milyong kopya ng kumpletong Bibliya. Ayon sa People’s Daily Online, “mga 3 milyong kopya ng Bibliya ang iniimprenta [ng kompanya] taun-taon.” Sa Tsina, iniulat na dumarami ang mga nagsasabing sila’y Kristiyano.

Pinupuntirya ang mga Imahen

“Sa nakalipas na limang taon sa Russia, mahigit 1,000 simbahan ang ninakawan,” ang ulat ng Russky Newsweek. Mga 40,000 ninakaw na imahen ang inireport sa Ministri ng Ugnayang Panloob sa Russia. Ngayon, sa bisa ng kasunduan sa pagitan ng Ministri at ng Simbahang Ruso Ortodokso, lahat ng imahen sa simbahan ay lalagyan ng pantanging marka, na makikita lamang kung itatapat sa ilalim ng ilaw na ultraviolet. Matutulungan nito ang mga imbestigador na malaman kung sino talaga ang may-ari ng mga nabawing imahen. Sang-ayon ang Moscow Patriarchate sa hakbang na ito, ang sabi ng Russky Newsweek, “dahil hindi naman maaapektuhan ng ‘makalupang’ marka ang kakayahan ng mga imahen na maghimala.”

Sinasaid ng mga Digmaan ang Yaman ng Aprika

“Sa pagitan ng 1990 at 2005, 23 bansa sa Aprika ang nasangkot sa mga labanan, at mga US$300 bilyon ang naubos para dito,” ang sabi ng International Herald Tribune. “Ang halagang ito na ginagamit ng Aprika ay mapapakinabangan sana sa paglutas sa krisis sa HIV at AIDS sa Aprika, o sa paglalaan ng edukasyon, tubig at paggamot at pag-iwas sa tuberkulosis at malarya,” ang sabi ng presidente ng Liberia na si Ellen Johnson-Sirleaf. “Libu-libong ospital, paaralan, at kalsada sana ang maipagagawa.” Ayon sa pahayagan, kung walang digmaan, “isang maunlad na kontinente sana [ang Aprika] sa halip na pinakamahirap sa daigdig.”

Makabubuti sa Iyo ang Pag-idlip

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa sa mahigit 23,000 babae at lalaking Griego, ang pag-idlip nang di-kukulangin sa tatlong beses sa isang linggo ay maaaring magpababa nang 37 porsiyento sa panganib na mamatay dahil sa atake sa puso. “Maraming ebidensiya na ang malala at pabalik-balik na tensiyon ay posibleng mauwi sa sakit sa puso,” ang paliwanag ni Dimitrios Trichopoulos, isang mananaliksik at epidemiologist sa Harvard School of Public Health, sa E.U.A. “Ang pag-idlip sa hapon,” ang sabi niya, “ay maaaring makaalis ng tensiyon [at] makabawas sa bilang ng pagkamatay na nauugnay sa sakit sa puso.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share