Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 10
  • Ang Malaking Baha

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Malaking Baha
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Walo ang Nakaligtas sa Baha
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Nagtayo si Noe ng Daong
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Ang Arka ni Noe
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • ‘Iningatan Siyang Ligtas Kasama ng Pitong Iba Pa’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 10

KUWENTO 10

Ang Malaking Baha

SA LABAS ng daóng, ang mga tao ay ayaw pa ring maniwala na darating ang Baha. Lalo sigurong lumakas ang pagtawa nila. Pero hindi nagtagal at huminto ang kanilang pagtawa.

Biglang bumuhos ang ulan. Tama si Noe! Pero huli na ang lahat para makapasok ang sinoman sa daóng. Mahigpit ang pagkakasara ni Jehova sa pinto.

Di nagtagal at ang mababang lupa ay inapawan ng tubig. Ang tubig ay naging parang malalaking ilog. Natakot ang mga tao. O, kung nakinig lang sana sila kay Noe. Pero huli na ngayon ang lahat.

40 araw at 40 gabing bumuhos ang tubig mula sa langit. Umahon ito sa gilid ng mga bundok, at di nagtagal natakpan na rin ang pinakamatataas na bundok. Gaya ng sinabi ng Diyos, namatay ang lahat ng mga tao at hayop na nasa labas ng daóng. Pero nakaligtas ang lahat ng nasa loob.

Tinangay ng tubig ang daóng, at lumutang ito sa ibabaw ng tubig. Isang araw, huminto ang ulan, at sumikat na ang araw. Pambihira ang tanawing nakita nila! Ang buong palibot ay isang malaking dagat. Walang ibang naroon kundi ang daóng na nakalutang sa tubig.

Wala na ang mga higante. Namatay silang lahat, pati na ang kanilang mga nanay at lahat ng masasamang tao. Pero ano ang nangyari sa kanilang mga tatay?

Ang mga tatay ng mga higante ay hindi naman talagang mga tao na gaya natin. Mga anghel sila na nanaog para tumira sa lupa. Kaya nang dumating ang Baha, bumalik sila sa langit bilang mga anghel. Pero hindi na sila puwedeng makasali sa pamilya ng mga anghel ng Diyos. Kaya sila ay naging mga anghel ni Satanas. Ang tawag sa kanila ng Bibliya ay mga demonyo.

Nagpahihip ngayon ang Diyos ng hangin, at ang tubig ay unti-unting kumati. Pagkaraan ng limang buwan ang daóng ay sumadsad sa taluktok ng isang bundok. Kaya ang taluktok ng mga bundok ay nakita ng mga nasa loob ng daóng.

Kaya pinalipad ni Noe ang isang itim na ibon, isang uwak, mula sa daóng. Lumipad-lipad lang ito at saka nagbalik uli, kasi wala pa itong madapuan.

Sumunod, nagpalipad si Noe ng isang kalapati. Pero bumalik din ang kalapati kasi wala pa rin itong madapuan. Sa ikalawang beses ay pinalipad uli ito ni Noe, at bumalik ito na may dahon ng olibo sa kaniyang tuka. Kaya nalaman ni Noe na ang tubig ay kumati na. Pinalipad niya ang kalapati nang ikatlong beses, at sa wakas ay nakakita na rin ito ng tuyong dako na titirahan.

Sinabi ngayon ng Diyos kay Noe: ‘Lumabas ka sa daóng. Isama mo ang iyong buong pamilya at lahat ng mga hayop.’ Mahigit na isang taon sila sa loob ng daóng. Kaya para mo nang nakita kung gaano sila kasaya kasi nasa labas na uli sila at nakaligtas nang buháy.

Genesis 7:10-24; 8:1-17; 1 Pedro 3:19, 20.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share