BET-NIMRA
[Bahay ng Leopardo].
Isang bayan na nakaatas sa tribo ni Gad sa S panig ng Jordan; tinawag din itong Nimra. (Bil 32:3, 34, 36) Sinasabing ito ay nasa “mababang kapatagan” at dating bahagi ng nasasakupan ni Haring Sihon. (Jos 13:27) Waring ang sinaunang pangalan nito ay napanatili sa makabagong Tell Nimrin, na nasa T na panig ng Wadi Nimrin, ngunit ang orihinal na lokasyon ay maliwanag na nasa Tell Bleibil, mga 2.5 km (1.5 mi) sa dakong HS, sa H panig ng wadi, anupat ipinakita ng mga pagsusuri na pinanahanan ito noong panahon ng mga Israelita at pagkatapos ay inabandona. Sa gayon, ito ay mga 19 na km (12 mi) sa SHS ng Jerico.