Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Oktubre 26, 2015.
Paano inilalarawan sa ulat ng 2 Hari 13:18, 19 ang kahalagahan ng pagiging masigasig at ng buong-pusong paglilingkod sa Diyos? [Set. 7, w10 4/15 p. 26 par. 11]
Sino ang naghahari sa Israel noong si Jonas ay naglilingkod bilang propeta, at ano ang mapahahalagahan natin sa ministeryo ni Jonas kung susuriin ang ulat sa 2 Hari 14:23-25? [Set. 7, w09 1/1 p. 25 par. 4]
Paano ipinakita ni Ahaz ang kawalan ng pagtitiwala sa salita ng Diyos na ipinahayag sa pamamagitan ni propeta Isaias, at ano ang maaari nating itanong sa ating sarili kapag gumagawa ng mahahalagang desisyon? (2 Hari 16:7) [Set. 14, w13 11/15 p. 17 par. 5]
Anong taktika ang ginamit ni Rabsases na ginagamit ngayon ng mga sumasalansang sa bayan ng Diyos, at anong katangian ang makatutulong sa atin para itakwil ang bulaang pangangatuwiran ng mga mananalansang? (2 Hari 18:22, 25) [Set. 14, w10 7/15 p. 13 par. 3-4]
Paano tayo matutulungan ng halimbawa ni Josias sa pagiging mapagpakumbaba para makinabang tayo nang husto sa ating pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya? (2 Hari 22:19, 20) [Set. 21, w00 3/1 p. 30 par. 2]
Paano nakumpirma ng arkeolohiya ang pag-iral ng dalawang hari na binanggit sa 2 Hari 25:27-30? [Set. 28, w12 6/1 p. 5 par. 2-3]
Ano ang tatlong kahilingan ni Jabez kay Jehova, at ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa panalangin? (1 Cro. 4:9, 10) [Okt. 5, w10 10/1 p. 23]
Paanong ang resulta ng digmaang inilarawan sa 1 Cronica 5:18-22 ay magpapatibay sa atin na magpatuloy sa ating espirituwal na pakikibaka nang may lakas ng loob? [Okt. 12, w05 10/1 p. 9 par. 7]
Bakit naunawaan at iginalang ni David ang diwa ng kautusan ni Jehova tungkol sa kabanalan ng dugo, at paano tayo dapat mapakilos ng halimbawa ni David? (1 Cro. 11:17-19) [Okt. 19, w12 11/15 p. 6-7 par. 12-14]
Ano ang hindi ginawa ni David nang tangkain niyang ibalik ang kaban ng tipan sa Jerusalem, at anong mahalagang aral ang matututuhan natin dito? (1 Cro. 15:13) [Okt. 26, w03 5/1 p. 10-11 par. 11-13]