Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb17 p. 108-109
  • “Sa Diyos ay Posible ang Lahat ng mga Bagay”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Sa Diyos ay Posible ang Lahat ng mga Bagay”
  • 2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Pananampalatayang Sumailalim ng Pagsubok sa Poland
    Gumising!—2000
  • Paglilimbag ng Literatura sa Bibliya Habang Ipinagbabawal
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Paglilimbag ng Literatura sa Bibliya Upang Gamitin sa Ministeryo
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Ang Imposibleng Ideya na Opisinang Walang Papel
    Gumising!—1999
Iba Pa
2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb17 p. 108-109

GEORGIA

“Sa Diyos ay Posible ang Lahat ng mga Bagay”

Natela Grigoriadis

  • ISINILANG 1960

  • NABAUTISMUHAN 1987

  • Pagkatapos mabautismuhan, ginamit ni Natela ang kaniyang karanasan at mga kakilala bilang merchandising manager para mapasulong ang palihim na pag-iimprenta.

Si Natela Grigoriadis

SA AMING pagpupulong noong huling mga taon ng dekada ’80, ang konduktor lang ng Pag-aaral sa Bantayan ang may kopya ng magasin at karaniwang sulat-kamay ito. Nilapitan ko si Genadi Gudadze, isa sa mga elder, at iminungkahi kong imprentahin namin ang ating mga magasin.

Bago nito, ginamit ng mga kapatid ang gawa nilang mimeograph upang makagawa ng ilang kopya ng mga publikasyon. Para regular na makagawa ng mga magasin, kailangan nila ang mas mahusay na mimeograph, makaranasang typist, isang makinilya, at tuloy-tuloy na suplay ng stencil paper. Gayunman, lahat ng kasangkapan sa pag-iimprenta, pati na ang papel, ay nakarehistro sa gobyerno at kontrolado ng special security services.

Nakakuha ako ng isang makinilya sa isang kakilala na puwedeng kumuha ng itinapon nang mga makina at wala na sa kontrol ng gobyerno. Isang typist ang kapatid kong babae na makatutulong sa amin. Ang mga brother ay gumawa ng bagong mimeograph at nakakita ng mabibilhan ng mga stencil. Naging maayos ang lahat, at di-nagtagal, naimprenta na ang aming unang kopya ng isang isyu ng Ang Bantayan sa wikang Georgiano.

Pero may bumangong bagong problema. Isang araw, sinabi sa akin ni Genadi, “Kailangan nating humanap ng ibang mabibilhan ng mga stencil.” May nakita siyang mga kahon ng stencil sa isang opisina ng gobyerno, ngunit hindi niya puwedeng bilhin ang mga iyon, kasi sinusubaybayan siya ng mga awtoridad. Paano niya makukuha ang mga ito? Paulit-ulit kong sinabi, “Imposible!” Matatag na sumagot si Genadi, “Tumigil ka na sa kasasabi ng ‘Imposible.’ ‘Sa Diyos ay posible ang lahat ng mga bagay’!”—Mat. 19:26.

Inisip-isip ko ito habang kabado akong papunta sa opisina ng gobyerno kinabukasan. Inakay ako ni Jehova sa isang palakaibigang typist na handang ibigay ang request ko sa pinuno ng tanggapan—ang mister niya! Di-nagtagal, regular na akong bumibili ng mga stencil sa tanggapang ito, at hindi na kami nagkaproblema pa tungkol sa suplay ng mga stencil.

Si Natela Grigoriadis na nagbabasa ng Bantayan
    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share