Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Joel 2:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 Pagkatapos, ibubuhos ko ang espiritu ko+ sa bawat uri ng tao,*

      At manghuhula ang inyong mga anak na lalaki at babae,

      Mananaginip ang inyong matatandang lalaki,

      At makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki.+

  • Juan 14:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 At hihiling ako sa Ama at bibigyan niya kayo ng ibang katulong para makasama ninyo magpakailanman,+

  • Juan 14:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 26 Pero ang katulong, ang banal na espiritu, na ipadadala ng aking Ama sa pangalan ko, ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.+

  • Juan 15:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 26 Kapag dumating ang katulong na ipadadala ko sa inyo mula sa Ama, ang espiritu ng katotohanan+ na nanggagaling sa Ama, ang isang iyon ay magpapatotoo tungkol sa akin;+

  • Juan 16:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Gayunman, sinasabi ko sa inyo, para sa ikabubuti ninyo ang pag-alis ko. Dahil kung hindi ako aalis, ang katulong+ ay hindi darating sa inyo; pero kung aalis ako, ipadadala ko siya sa inyo.

  • Gawa 2:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 ‘“At sa mga huling araw,” ang sabi ng Diyos, “ibubuhos ko ang espiritu ko sa bawat uri ng tao, at manghuhula ang inyong mga anak na lalaki at babae, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki, at mananaginip ang inyong matatandang lalaki;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share