Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 42:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  6 “Ako, si Jehova, ang tumawag sa iyo sa katuwiran;

      Hinawakan ko ang kamay mo.

      Iingatan kita at ibibigay kita bilang tipan para sa mga tao+

      At bilang liwanag ng mga bansa,+

       7 Para idilat mo ang mga matang bulag,+

      Ilabas mula sa bartolina ang bilanggo,

      At palayain mula sa bilangguan ang mga nasa kadiliman.+

  • Isaias 49:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  6 At sinabi niya: “Hindi lang kita lingkod

      Na magbabangon sa mga tribo ni Jacob

      At magbabalik ng mga iningatang buháy sa Israel.

      Gagawin din kitang liwanag ng mga bansa,+

      Para ang pagliligtas ko ay umabot sa mga dulo ng lupa.”+

  • Isaias 61:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 61 Ang espiritu ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova ay sumasaakin,+

      Dahil inatasan* ako ni Jehova na maghayag ng mabuting balita sa maaamo.+

      Isinugo niya ako para pagalingin ang mga may pusong nasasaktan,

      Para ihayag ang paglaya ng mga bihag

      At ang pagmulat ng mga mata ng mga bilanggo.+

  • Juan 1:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 At ang liwanag ay sumisikat sa kadiliman,+ at hindi ito natatalo ng kadiliman.

  • Juan 1:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Ang tunay na liwanag na nagbibigay ng liwanag sa bawat uri ng tao ay paparating na sa sangkatauhan.+

  • Juan 8:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 12 Pagkatapos, muling kinausap ni Jesus ang mga tao at sinabi: “Ako ang liwanag ng sangkatauhan.*+ Ang sinumang sumusunod sa akin ay hindi na lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng liwanag+ ng buhay.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share