IKALAWANG CRONICA
1 Ang paghahari ni Solomon na anak ni David ay patuloy na tumatag, at si Jehova na kaniyang Diyos ay sumakaniya at ginawa siyang napakadakila.+
2 Ipinatawag ni Solomon ang buong Israel, ang mga pinuno ng libo-libo at ng daan-daan, ang mga hukom, at ang lahat ng pinuno sa buong Israel, ang mga ulo ng mga angkan.* 3 Pagkatapos, si Solomon at ang buong kongregasyon ay pumunta sa mataas na lugar sa Gibeon,+ dahil naroon ang tolda ng pagpupulong ng tunay na Diyos. Ang toldang iyon ay ginawa ng lingkod ni Jehova na si Moises sa ilang. 4 Pero kinuha ni David ang Kaban ng tunay na Diyos sa Kiriat-jearim+ at dinala sa lugar na inihanda ni David para dito; nagtayo siya ng tolda sa Jerusalem para dito.+ 5 At ang tansong altar+ na ginawa ni Bezalel+ na anak ni Uri na anak ni Hur ay inilagay sa harap ng tabernakulo ni Jehova; at si Solomon at ang kongregasyon ay nananalangin sa harap nito.* 6 Ngayon ay naghandog si Solomon doon sa harap ni Jehova; naghandog siya ng 1,000 handog na sinusunog sa tansong altar+ ng tolda ng pagpupulong.
7 Nang gabing iyon, nagpakita ang Diyos kay Solomon at nagsabi: “Ano ang gusto mong ibigay ko sa iyo?”+ 8 Sinabi ni Solomon sa Diyos: “Nagpakita ka ng dakila at tapat na pag-ibig sa ama kong si David,+ at ginawa mo akong hari kapalit niya.+ 9 Ngayon, O Diyos na Jehova, matupad nawa ang pangako mo sa ama kong si David,+ dahil ginawa mo akong hari sa isang bayan na sindami ng mga butil ng alabok sa lupa.+ 10 Bigyan mo ako ngayon ng karunungan at kaalaman+ para manguna sa bayang ito,* dahil sino ang makahahatol sa napakalaking bayan mong ito?”+
11 At sinabi ng Diyos kay Solomon: “Dahil ito ang gusto mo at hindi mo hiniling ang kayamanan, ari-arian, at karangalan o ang kamatayan ng mga napopoot sa iyo, at hindi ka rin humiling ng mahabang buhay,* kundi humiling ka ng karunungan at kaalaman para mahatulan mo ang bayan ko na ibinigay ko sa iyo para pamahalaan mo,+ 12 ibibigay sa iyo ang karunungan at kaalaman; pero bibigyan din kita ng kayamanan at ari-arian at karangalan na hindi nakamit ng sinumang haring nauna sa iyo at hindi makakamit ng sinumang haring susunod sa iyo.”+
13 Kaya si Solomon ay umalis sa mataas na lugar sa Gibeon,+ sa harap ng tolda ng pagpupulong, at pumunta sa Jerusalem; at namahala siya sa Israel. 14 Patuloy na nagtipon si Solomon ng mga karwahe* at kabayo;* mayroon siyang 1,400 karwahe at 12,000 kabayo,*+ at inilagay niya ang mga iyon sa mga lunsod ng karwahe+ at sa Jerusalem malapit sa hari.+ 15 Pinarami ng hari ang pilak at ginto sa Jerusalem na gaya ng mga bato,+ at pinarami niya ang mga kahoy na sedro na gaya ng mga puno ng sikomoro na nasa Sepela.+ 16 Ang mga kabayo ni Solomon ay inaangkat mula sa Ehipto;+ ang samahan ng mga mangangalakal ng hari ang kumukuha ng mga kawan ng kabayo* sa takdang halaga nito.+ 17 Bawat karwahe na inaangkat mula sa Ehipto ay nagkakahalaga ng 600 pirasong pilak, at ang isang kabayo ay nagkakahalaga ng 150; at ibinebenta nila ang mga ito sa lahat ng hari ng mga Hiteo at sa mga hari ng Sirya.
2 Nag-utos ngayon si Solomon na magtayo ng bahay para sa pangalan ni Jehova+ at ng bahay* para sa kaharian niya.+ 2 Nagpatawag si Solomon ng 70,000 lalaki para maging karaniwang manggagawa,* 80,000 lalaki para maging tagatabas ng bato sa mga bundok,+ at 3,600 para mangasiwa sa mga ito.+ 3 At ipinasabi ni Solomon kay Hiram+ na hari ng Tiro: “Pinadalhan mo ang ama kong si David ng kahoy na sedro para sa pagtatayo ng bahay* na titirhan niya. Gawin mo rin iyon sa akin.+ 4 Ngayon ay magtatayo ako ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova na aking Diyos, para pabanalin iyon para sa kaniya, para magsunog ng mabangong insenso+ sa harap niya, at para laging makapaglagay roon ng magkakapatong na tinapay*+ at makapag-alay ng mga handog na sinusunog, sa umaga at sa gabi,+ sa mga Sabbath,+ sa mga bagong buwan,+ at sa mga panahon ng kapistahan+ ni Jehova na aming Diyos. Obligasyon ito ng Israel magpakailanman. 5 Ang bahay na itatayo ko ay magiging dakila, dahil ang Diyos namin ay mas dakila kaysa sa lahat ng iba pang diyos. 6 At sino ang makapagtatayo ng bahay para sa kaniya? Sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi siya magkasya,+ kaya sino ako para makapagtayo ng bahay para sa kaniya? Ang maitatayo ko lang ay isang lugar na mapagsusunugan ng mga handog sa harap niya. 7 Ngayon ay magpadala ka sa akin ng isang bihasang manggagawa na marunong umukit at mahusay sa ginto, pilak, tanso,+ bakal, purpurang* lana, at sinulid na krimson* at asul. Magtatrabaho siya sa Juda at sa Jerusalem kasama ng mga bihasang manggagawa ko, na inihanda ni David na aking ama.+ 8 At padalhan mo ako ng mga kahoy na sedro, enebro,+ at algum+ mula sa Lebanon, dahil alam na alam ko na makaranasan sa pagputol ng mga puno ng Lebanon ang mga lingkod mo.+ Magtatrabaho ang mga lingkod ko kasama ng mga lingkod mo+ 9 para ipaghanda ako ng napakaraming kahoy, dahil ang bahay na itatayo ko ay napakalaki at kahanga-hanga. 10 Paglalaanan ko ng pagkain ang mga lingkod mo,+ ang mga tagaputol ng puno: 20,000 kor* ng trigo, 20,000 kor ng sebada, 20,000 bat* ng alak, at 20,000 bat ng langis.”
11 Kaya ipinadala ni Hiram na hari ng Tiro ang liham na ito para kay Solomon: “Mahal ni Jehova ang bayan niya kaya ginawa ka niyang hari nila.” 12 Sinabi pa ni Hiram: “Purihin nawa si Jehova na Diyos ng Israel, na gumawa ng langit at ng lupa, dahil binigyan niya si Haring David ng isang matalinong anak,+ na pinagkalooban ng talino at kaunawaan+ at magtatayo ng isang bahay para kay Jehova at ng isang bahay para sa kaharian niya. 13 Magpapadala ako ng isang bihasang manggagawa na may kaunawaan, si Hiram-abi,+ 14 anak ng isang babaeng Danita pero ang ama ay taga-Tiro; makaranasan siya at mahusay sa mga ginto, pilak, tanso, bakal, bato, kahoy, purpurang lana, asul na sinulid, magandang klase ng tela, at sinulid na krimson.*+ Marunong siya sa anumang gawaing pag-ukit at magagawa niya ang anumang disenyo na ibigay sa kaniya.+ Magtatrabaho siya kasama ng mga bihasang manggagawa mo at ng bihasang manggagawa ng panginoon kong si David na iyong ama. 15 Ngayon ay ipadala ng panginoon ko ang trigo, sebada, langis, at alak na ipinangako niya sa mga lingkod niya.+ 16 At puputol kami ng mga puno sa Lebanon,+ gaano man karami ang kailangan mo. Para madala iyon sa iyo, gagawin naming balsa ang mga iyon at idadaan sa dagat hanggang sa Jope;+ at dadalhin mo naman ang mga iyon sa Jerusalem.”+
17 Pagkatapos, binilang ni Solomon ang lahat ng lalaking dayuhan na naninirahan sa lupain ng Israel,+ gaya ng sensus na ginawa noon ng ama niyang si David;+ 153,600 ang bilang ng mga ito. 18 Kaya inatasan niya ang 70,000 para maging karaniwang manggagawa,* 80,000 para maging tagatabas ng bato+ sa mga bundok, at 3,600 para mangasiwa sa pagtatrabaho ng mga tao.+
3 Pagkatapos, sinimulan ni Solomon ang pagtatayo ng bahay ni Jehova+ sa Jerusalem sa Bundok Moria,+ kung saan nagpakita si Jehova sa ama niyang si David,+ sa lugar na inihanda ni David sa giikan ni Ornan+ na Jebusita. 2 Nagsimula siyang magtayo noong ikalawang araw ng ikalawang buwan, sa ikaapat na taon ng paghahari niya. 3 Ang pundasyong ginawa ni Solomon para sa pagtatayo ng bahay ng tunay na Diyos ay may habang 60 siko at lapad na 20 siko,+ ayon sa dating sukat.* 4 Ang haba ng beranda sa harap ay 20 siko, gaya ng lapad ng bahay. Ang taas nito ay 20 siko;* at binalutan niya ng purong ginto ang loob nito.+ 5 Nilagyan niya ng mga kahoy na enebro ang dingding ng malaking silid.* Pagkatapos, binalutan niya ito ng purong ginto,+ at nilagyan niya ito ng mga disenyo ng puno ng palma+ at mga kadena.+ 6 Pinalamutian din niya ang bahay ng maganda at mamahaling mga bato;+ at ang gintong+ ginamit niya ay galing sa Parvaim. 7 Binalutan niya ng ginto+ ang bahay, ang mga biga, ang ilalim ng mga pinto, ang mga dingding, at ang mga pinto; at umukit siya ng mga kerubin sa mga dingding.+
8 Pagkatapos, ginawa niya ang silid* na Kabanal-banalan;+ ang haba nito ay gaya ng lapad ng bahay, 20 siko, at ang lapad nito ay 20 siko. Binalutan niya ito ng 600 talento* ng purong ginto.+ 9 Ang bigat ng ginto para sa mga pako ay 50 siklo;* at binalutan niya ng ginto ang mga silid sa bubungan.
10 Pagkatapos, gumawa siya ng dalawang estatuwang* kerubin sa silid* na Kabanal-banalan, at binalutan niya ng ginto ang mga iyon.+ 11 Ang kabuoang haba ng mga pakpak ng mga kerubin+ ay 20 siko; ang haba ng isang pakpak ng unang kerubin ay limang siko at umaabot sa dingding ng bahay, at ang haba ng isa pa nitong pakpak ay limang siko at umaabot sa isa sa mga pakpak ng ikalawang kerubin. 12 At ang haba ng isang pakpak ng ikalawang kerubin ay limang siko at umaabot sa kabilang dingding ng bahay, at ang haba ng isa pa nitong pakpak ay limang siko at umaabot sa isa sa mga pakpak ng unang kerubin. 13 Ang mga pakpak ng mga kerubing ito ay nakaunat nang 20 siko; nakatayo ang mga ito at nakaharap sa loob.*
14 Gumawa rin siya ng kurtina+ na gawa sa asul na sinulid, purpurang lana, sinulid na krimson,* at magandang klase ng tela, at nilagyan niya ito ng mga disenyong kerubin.+
15 Pagkatapos, gumawa siya sa harap ng bahay ng dalawang haligi,+ 35 siko ang haba, at ang kapital na nasa ibabaw ng bawat haligi ay limang siko.+ 16 At gumawa siya ng mga kadena, na parang mga kuwintas, at inilagay ang mga iyon sa ibabaw ng mga haligi, at gumawa siya ng 100 palamuting granada* at inilagay ang mga iyon sa mga kadena. 17 Itinayo niya ang mga haligi sa harap ng templo, ang isa ay sa kanan* at ang isa ay sa kaliwa;* tinawag niyang Jakin* ang nasa kanan at Boaz* ang nasa kaliwa.
4 Pagkatapos, ginawa niya ang tansong altar,+ 20 siko ang haba, 20 siko ang lapad, at 10 siko ang taas.
2 Gumawa siya ng malaking tipunan ng tubig+ na yari sa hinulmang metal. Pabilog ang hugis nito. Ang sukat nito mula sa isang labi hanggang sa kabilang labi ay 10 siko, ang taas ay 5 siko, at mapaiikutan ito ng pising panukat na 30 siko ang haba.+ 3 At may mga palamuting gaya ng mga bilog na upo+ sa ilalim ng labi nito paikot, 10 sa isang siko paikot sa buong tipunan ng tubig. Ang mga upo ay nasa dalawang hanay at nakahulma sa tipunan ng tubig. 4 Nakapatong ang tipunan ng tubig sa 12 toro,+ 3 ang nakaharap sa hilaga, 3 ang nakaharap sa kanluran, 3 ang nakaharap sa timog, at 3 ang nakaharap sa silangan; ang mga ito ay nakatalikod sa isa’t isa. 5 Ang kapal nito ay isang sinlapad-ng-kamay;* at ang labi nito ay gaya ng labi ng kopa, gaya ng bulaklak ng liryo. Makapaglalaman ito ng 3,000 bat.*
6 Bukod diyan, gumawa siya ng 10 tipunan ng tubig bilang hugasan at inilagay ang 5 sa kanan at ang 5 sa kaliwa.+ Doon huhugasan ang mga gagamitin para sa handog na sinusunog.+ Pero sa malaking tipunan ng tubig maghuhugas ang mga saserdote.+
7 Pagkatapos, gumawa siya ng 10 gintong kandelero,+ ayon sa disenyong ibinigay para dito,+ at inilagay ang mga ito sa templo, 5 sa kanan at 5 sa kaliwa.+
8 Gumawa rin siya ng 10 mesa, at inilagay niya ang mga iyon sa templo, 5 sa kanan at 5 sa kaliwa;+ at gumawa siya ng 100 gintong mangkok.
9 Pagkatapos, ginawa niya ang looban+ ng mga saserdote+ at ang malaking looban*+ at ang mga pinto ng looban, at binalutan niya ng tanso ang mga pinto ng mga iyon. 10 At inilagay niya ang malaking tipunan ng tubig sa kanang panig, sa timog-silangan.+
11 Gumawa rin si Hiram ng mga lalagyan ng abo, mga pala, at mga mangkok.+
Kaya natapos ni Hiram ang ipinagawa sa kaniya ni Haring Solomon sa bahay ng tunay na Diyos:+ 12 ang dalawang haligi+ at ang mga hugis-mangkok na kapital sa ibabaw ng dalawang haligi; ang dalawang lambat+ na pantakip sa dalawang hugis-mangkok na kapital sa ibabaw ng mga haligi; 13 ang 400 granada*+ para sa dalawang lambat, dalawang hanay ng mga granada sa bawat lambat, para takpan ang dalawang hugis-mangkok na kapital na nasa mga haligi;+ 14 ang 10 patungang de-gulong* at 10 tipunan ng tubig sa mga patungang de-gulong;+ 15 ang malaking tipunan ng tubig at ang 12 toro sa ilalim nito;+ 16 at ang mga lalagyan ng abo, pala, tinidor,+ at ang lahat ng iba pang kagamitan na ginawa ni Hiram-abiv+ mula sa pinakintab na tanso para kay Haring Solomon para sa bahay ni Jehova. 17 Ang mga ito ay inihulma ng hari sa mga moldeng luwad sa distrito ng Jordan sa pagitan ng Sucot+ at Zereda. 18 Napakaraming ginawa ni Solomon na ganitong kagamitan; hindi na inalam ang bigat ng mga tanso.+
19 Ginawa ni Solomon ang lahat ng kagamitan+ para sa bahay ng tunay na Diyos: ang gintong altar;+ ang mga mesa+ na pinagpapatungan ng tinapay na pantanghal;+ 20 ang mga kandelero at ang mga ilawan ng mga ito na purong ginto,+ para pailawin sa harap ng kaloob-loobang silid ayon sa mga kahilingan; 21 at ang mga bulaklak, ilawan, at mga pang-ipit ng mitsa, na lahat ay ginto, pinakapurong ginto; 22 ang mga pamatay ng apoy, mangkok, kopa, at ang mga lalagyan ng baga,* na lahat ay purong ginto; at ang pasukan ng bahay, ang mga pinto sa Kabanal-banalan,+ at ang mga pinto ng templo,* na lahat ay ginto.+
5 Kaya natapos ni Solomon ang lahat ng kailangan niyang gawin para sa bahay ni Jehova.+ Pagkatapos, ipinasok ni Solomon ang mga bagay na pinabanal ng ama niyang si David,+ at inilagay niya ang pilak, ang ginto, at ang lahat ng kagamitan sa kabang-yaman ng bahay ng tunay na Diyos.+ 2 Nang panahong iyon, tinipon ni Solomon ang matatandang lalaki ng Israel, ang lahat ng ulo ng mga tribo, ang mga pinuno ng mga angkan ng Israel. Pumunta sila sa Jerusalem para dalhin ang kaban ng tipan ni Jehova mula sa Lunsod ni David,+ ang Sion.+ 3 Nagtipon-tipon ang mga Israelita sa harap ng hari sa kapistahan* na ginaganap nang ikapitong buwan.+
4 Kaya dumating ang lahat ng matatandang lalaki ng Israel, at binuhat ng mga Levita ang Kaban.+ 5 Dinala nila ang Kaban, ang tolda ng pagpupulong,+ at ang lahat ng banal na kagamitang nasa tolda. Ang mga saserdote at mga Levita* ang nagdala sa mga iyon. 6 Si Haring Solomon, pati ang buong kapulungan ng Israel na ipinatawag niya, ay nasa harap ng Kaban. Hindi mabilang sa dami ang inihahandog na mga tupa at baka.+ 7 Pagkatapos, ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ni Jehova sa paglalagyan nito, sa kaloob-loobang silid ng bahay, sa Kabanal-banalan, sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.+ 8 Ang mga pakpak ng mga kerubin ay nakabuka sa ibabaw ng kinalalagyan ng Kaban, kaya nalulukuban ng mga kerubin ang Kaban at ang mga pingga*+ nito. 9 Napakahaba ng mga pingga kaya ang mga dulo nito ay nakikita mula sa Banal sa harap ng kaloob-loobang silid, pero hindi ito nakikita sa labas. At naroon pa rin ang mga iyon hanggang ngayon. 10 Walang ibang nasa loob ng Kaban kundi ang dalawang tapyas na bato na inilagay roon ni Moises sa Horeb,+ noong makipagtipan si Jehova+ sa bayang Israel nang lumabas sila mula sa Ehipto.+
11 Nang lumabas ang mga saserdote mula sa banal na lugar (dahil ang lahat ng saserdoteng naroon ay nagpabanal ng sarili,+ anuman ang pangkat nila),+ 12 ang lahat ng mang-aawit na Levita+ na pinangungunahan ni Asap,+ ni Heman,+ ni Jedutun,+ at ng kanilang mga anak at kapatid ay nadaramtan ng magandang klase ng tela at may hawak na mga simbalo,* instrumentong de-kuwerdas, at alpa; nakatayo sila sa silangan ng altar, at may kasama silang 120 saserdote na humihihip ng mga trumpeta.+ 13 Habang sama-samang pumupuri at nagpapasalamat kay Jehova ang mga humihihip ng trumpeta at ang mga mang-aawit, at habang naririnig ang tunog ng mga trumpeta, simbalo, at iba pang instrumentong pangmusika kasabay ng pagpuri nila kay Jehova, “dahil siya ay mabuti; ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,”+ ang bahay, ang bahay ni Jehova, ay napuno ng ulap.+ 14 Hindi makapaglingkod ang mga saserdote dahil sa ulap, dahil napuno ng kaluwalhatian ni Jehova ang bahay ng tunay na Diyos.+
6 Sinabi ni Solomon nang pagkakataong iyon: “Sinabi ni Jehova na titira siya sa maitim at makapal na ulap.+ 2 Ngayon ay nakapagtayo ako ng isang marangal na bahay para sa iyo, isang matatag na lugar na matitirhan mo magpakailanman.”+
3 Pagkatapos, humarap ang hari sa buong kongregasyon ng Israel at pinagpala niya sila samantalang sila ay nakatayo.+ 4 Sinabi niya: “Purihin nawa si Jehova na Diyos ng Israel, ang nangako sa ama kong si David at tumupad sa pangako niya sa pamamagitan ng sarili niyang mga kamay. Sinabi niya, 5 ‘Mula nang araw na ilabas ko mula sa Ehipto ang bayan ko, hindi ako pumili ng lunsod mula sa lahat ng tribo ng Israel na pagtatayuan ng isang bahay kung saan mananatili ang pangalan ko,+ at hindi ako pumili ng lalaking mamamahala sa bayan kong Israel. 6 Pero ngayon ay pinili ko ang Jerusalem+ para manatili roon ang pangalan ko, at pinili ko si David para mamahala sa bayan kong Israel.’+ 7 Gusto ng ama kong si David na magtayo ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova na Diyos ng Israel.+ 8 Pero sinabi ni Jehova sa ama kong si David, ‘Gusto mo akong ipagtayo ng bahay para sa pangalan ko, at maganda ang hangarin mo. 9 Pero hindi ikaw ang magtatayo ng bahay. Ang magiging anak mo* ang magtatayo ng bahay para sa pangalan ko.’+ 10 Tinupad ni Jehova ang ipinangako niya, dahil ako ang pumalit sa ama kong si David at umupo sa trono ng Israel,+ gaya ng pangako ni Jehova.+ Naitayo ko rin ang bahay para sa pangalan ni Jehova na Diyos ng Israel, 11 at inilagay ko roon ang Kaban na naglalaman ng tipan+ ni Jehova sa bayang Israel.”
12 At tumayo siya sa harap ng altar ni Jehova, sa harap ng buong kongregasyon ng Israel, at iniunat niya ang mga kamay niya.+ 13 (Gumawa si Solomon ng entabladong tanso at inilagay iyon sa gitna ng looban.*+ Ang haba nito ay limang siko,* ang lapad ay limang siko, at ang taas ay tatlong siko; at tumayo siya roon.) At lumuhod siya sa harap ng buong kongregasyon ng Israel at iniunat niya ang mga kamay niya sa langit+ 14 at sinabi: “O Jehova na Diyos ng Israel, walang Diyos na tulad mo sa langit o sa lupa, na tumutupad ng tipan at nagpapakita ng tapat na pag-ibig sa mga lingkod mo na lumalakad sa harap mo* nang buong puso nila.+ 15 Tinupad mo ang pangako mo sa lingkod mong si David na aking ama.+ Ikaw mismo ang nangako at sa araw na ito ay tinupad mo iyon sa pamamagitan ng sarili mong kamay.+ 16 At ngayon, O Jehova na Diyos ng Israel, tuparin mo ang ipinangako mo sa lingkod mong si David na aking ama nang sabihin mo: ‘Sa angkan mo manggagaling ang lahat ng uupo sa harap ko sa trono ng Israel kung magiging palaisip ang mga anak mo sa pamumuhay nila sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan ko,+ gaya ng ginawa mo.’+ 17 At ngayon, O Jehova na Diyos ng Israel, matupad nawa ang ipinangako mo sa lingkod mong si David.
18 “Pero talaga bang maninirahan ang Diyos sa lupa kasama ng sangkatauhan?+ Sa langit, oo, sa langit ng mga langit, ay hindi ka magkasya;+ paano pa kaya sa bahay na ito na itinayo ko?+ 19 Ngayon ay pakinggan mo sana ang panalangin at kahilingan ng lingkod mo, O Jehova na aking Diyos, at makinig ka sa paghingi ng tulong at sa panalangin ng iyong lingkod sa harap mo. 20 Bantayan nawa ng mga mata mo ang bahay na ito araw at gabi, ang lugar kung saan sinabi mong ilalagay mo ang iyong pangalan,+ para mapakinggan ang idinadalangin ng lingkod mo nang nakaharap sa lugar na ito. 21 At pakinggan mo ang paghingi ng tulong ng iyong lingkod at ang mga pakiusap ng bayan mong Israel kapag nanalangin sila nang nakaharap sa lugar na ito,+ at makinig ka nawa mula sa tirahan mo sa langit;+ oo, makinig ka nawa at magpatawad.+
22 “Kung magkasala ang isang tao sa kapuwa niya at panumpain siya ng isang panata,* at habang nasa ilalim ng panatang* iyon ay humarap siya sa altar mo sa bahay na ito,+ 23 makinig ka nawa mula sa langit at kumilos ka at humatol sa iyong mga lingkod. Gantihan mo ang masama at parusahan mo siya dahil sa masamang ginawa niya,+ at pawalang-sala mo* ang matuwid at gantimpalaan mo siya sa matuwid niyang mga gawa.+
24 “At kapag natalo ng kaaway ang bayan mong Israel dahil patuloy silang nagkakasala sa iyo,+ at manumbalik sila at luwalhatiin ang pangalan mo+ at manalangin+ at magsumamo sa harap mo sa bahay na ito,+ 25 makinig ka nawa mula sa langit+ at patawarin mo ang kasalanan ng bayan mong Israel at ibalik sila sa lupaing ibinigay mo sa kanila at sa kanilang mga ninuno.+
26 “Kapag sumara ang langit at hindi umulan+ dahil patuloy silang nagkakasala sa iyo,+ at manalangin sila nang nakaharap sa lugar na ito at luwalhatiin ang pangalan mo, at tumalikod sila mula sa kanilang kasalanan dahil dinisiplina* mo sila,+ 27 makinig ka nawa mula sa langit at patawarin ang kasalanan ng mga lingkod mo, ng bayan mong Israel, dahil ituturo mo sa kanila ang mabuting daan na dapat nilang lakaran;+ at magpaulan ka+ sa lupaing ipinamana mo sa iyong bayan.
28 “Kung magkaroon ng taggutom sa lupain,+ o ng salot,+ pagkatuyot ng mga pananim, amag,+ napakaraming balang, o matatakaw na balang*+ o palibutan sila ng mga kaaway nila sa alinmang lunsod ng lupain*+ o magkaroon ng iba pang uri ng salot o sakit,+ 29 anumang panalangin,+ anumang hilingin+ ng sinumang tao o ng iyong buong bayang Israel (dahil alam ng bawat isa sa kanila ang sarili niyang salot at kirot)+ kapag iniunat nila ang kanilang mga kamay sa direksiyon ng bahay na ito,+ 30 makinig ka nawa mula sa langit, na iyong tirahan,+ at magpatawad ka;+ at ibigay mo sa bawat isa ang nararapat sa lahat ng ginagawa niya, dahil alam mo ang nasa puso niya (ikaw lang ang talagang nakaaalam kung ano ang nasa puso ng tao),+ 31 para matakot sila sa iyo at lumakad sa iyong mga daan sa lahat ng araw ng kanilang buhay sa lupaing ibinigay mo sa aming mga ninuno.
32 “Tungkol naman sa dayuhang hindi kabilang sa bayan mong Israel pero dumating mula pa sa malayong lupain dahil sa iyong dakilang pangalan*+ at sa malakas mong kamay at sa makapangyarihan* mong bisig, at lumapit siya at manalangin nang nakaharap sa bahay na ito,+ 33 makinig ka nawa mula sa langit, na iyong tirahan, at ibigay mo ang lahat ng hinihiling sa iyo ng dayuhan, para malaman* ng lahat ng bayan sa mundo ang pangalan mo+ at matakot sila sa iyo gaya ng bayan mong Israel, at para malaman nila na ang pangalan mo ay nasa bahay na ito na itinayo ko.
34 “Sakaling makipagdigma ang bayan mo sa mga kaaway nila saanmang lugar,+ at manalangin sila+ sa iyo nang nakaharap sa lunsod na ito na pinili mo at sa bahay na itinayo ko para sa pangalan mo,+ 35 pakinggan mo nawa sa langit ang kanilang panalangin at ang kanilang kahilingan at bigyan mo sila ng katarungan.+
36 “Kung magkasala sila sa iyo (dahil walang taong hindi nagkakasala),+ at magalit ka sa kanila at pabayaan mo sila sa kamay ng kaaway, at bihagin sila ng kaaway nila at dalhin sa isang lupain, malayo man o malapit,+ 37 at matauhan sila sa lupain kung saan sila dinalang bihag, at manumbalik sila at magsumamo sa iyo sa lupain kung saan sila bihag, na sinasabi, ‘Nagkasala kami at nagkamali; masama ang ginawa namin,’+ 38 at manumbalik sila sa iyo nang kanilang buong puso+ at buong kaluluwa sa lupain kung saan sila dinalang bihag,+ at manalangin sila nang nakaharap sa kanilang lupain na ibinigay mo sa kanilang mga ninuno at sa lunsod na pinili mo+ at sa bahay na itinayo ko para sa pangalan mo, 39 pakinggan mo nawa mula sa langit, na iyong tirahan, ang panalangin at kahilingan nila, at bigyan mo sila ng katarungan+ at patawarin mo ang bayan mong nagkasala sa iyo.
40 “Ngayon, O aking Diyos, pakisuyo, magbigay-pansin ka nawa* at makinig sa mga panalangin sa* lugar na ito.+ 41 At ngayon, O Diyos na Jehova, magpunta ka sa iyong pahingahan,+ ikaw at ang Kaban ng iyong lakas. Madamtan nawa ng kaligtasan ang iyong mga saserdote, O Diyos na Jehova, at magsaya nawa sa iyong kabutihan ang mga tapat sa iyo.+ 42 O Diyos na Jehova, huwag mong itakwil ang iyong pinili.*+ Alalahanin mo nawa ang iyong tapat na pag-ibig sa lingkod mong si David.”+
7 Matapos manalangin si Solomon,+ may bumabang apoy mula sa langit+ at tinupok ang handog na sinusunog at ang mga hain, at ang bahay ay napuno ng kaluwalhatian ni Jehova.+ 2 Hindi makapasok ang mga saserdote sa bahay ni Jehova dahil napuno ng kaluwalhatian ni Jehova ang bahay ni Jehova.+ 3 Nakita ng buong Israel ang pagbaba ng apoy at ang kaluwalhatian ni Jehova na nasa bahay, at yumukod sila at sumubsob sa sahig at nagpasalamat kay Jehova, “dahil siya ay mabuti; ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.”
4 At ang hari at ang buong bayan ay nag-alay ng mga handog sa harap ni Jehova.+ 5 Naghandog si Haring Solomon ng 22,000 baka at 120,000 tupa. Sa gayon, pinasinayaan* ng hari at ng buong bayan ang bahay ng tunay na Diyos.+ 6 Nakatayo ang mga saserdote sa mga puwestong itinakda sa kanila, pati ang mga Levita na may mga panugtog para sa pag-awit kay Jehova.+ (Ginawa ni Haring David ang mga panugtog na ito para sa pagpapasalamat kay Jehova—“dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan”—kapag si David ay pumupuri kasama sila.*) At ang mga trumpeta ay hinihipan nang malakas ng mga saserdote+ sa harap nila, habang nakatayo ang lahat ng Israelita.
7 Pagkatapos, pinabanal ni Solomon ang gitna ng loobang nasa harap ng bahay ni Jehova para doon ihandog ang mga handog na sinusunog+ at ang taba ng mga haing pansalo-salo, dahil hindi kasya sa tansong altar+ na ginawa ni Solomon ang mga haing sinusunog, handog na mga butil,+ at ang mga taba.+ 8 Nang panahong iyon, ang kapistahan ay idinaos ni Solomon nang pitong araw+ kasama ang buong Israel, isang napakalaking kongregasyon mula sa Lebo-hamat* hanggang sa Wadi* ng Ehipto.+ 9 Pero noong ikawalong araw,* nagdaos sila ng isang banal na pagtitipon,+ dahil idinaos nila ang pagpapasinaya ng altar sa loob ng pitong araw at ang kapistahan sa loob ng pitong araw. 10 At noong ika-23 araw ng ikapitong buwan, pinauwi na niya ang mga tao na nagsasaya+ at maligaya ang puso dahil sa kabutihang ipinakita ni Jehova kay David at kay Solomon at sa kaniyang bayang Israel.+
11 Natapos ni Solomon ang bahay ni Jehova at ang bahay* ng hari;+ at nagtagumpay si Solomon sa lahat ng gusto niyang gawin may kinalaman sa bahay ni Jehova at sa sarili niyang bahay.+ 12 Pagkatapos, nagpakita si Jehova kay Solomon+ sa gabi at sinabi niya: “Narinig ko ang panalangin mo, at pinili ko ang bahay na ito para maging lugar na pag-aalayan ng mga handog sa akin.+ 13 Kapag sinarhan ko ang langit at hindi umulan at kapag inutusan ko ang mga tipaklong na lamunin ang lupain at kung magpadala ako ng salot sa bayan ko, 14 at kung ang bayan ko na tinatawag sa pangalan ko+ ay magpakumbaba+ at manalangin at hanapin ako at tumigil sa masasama nilang ginagawa,+ makikinig ako mula sa langit at patatawarin ko ang kasalanan nila at pagagalingin ko ang lupain nila.+ 15 Ngayon ay bibigyang-pansin ko at pakikinggan ang mga panalangin sa lugar na ito.+ 16 At ngayon ay pinili ko at pinabanal ang bahay na ito para manatili rito magpakailanman ang pangalan ko,+ at ang mga mata at puso ko ay mananatili rito.+
17 “At ikaw, kung lalakad ka sa harap ko, gaya ng paglakad ni David na iyong ama sa pamamagitan ng paggawa sa lahat ng iniutos ko sa iyo, at susundin mo ang aking mga tuntunin at batas,*+ 18 itatatag ko ang trono ng iyong paghahari,+ gaya ng ipinakipagtipan ko sa iyong amang si David+ nang sabihin ko, ‘Sa angkan mo manggagaling ang lahat ng mamamahala sa Israel.’+ 19 Pero kung tatalikuran ninyo ako at susuwayin ninyo ang mga batas at utos na ibinigay ko sa inyo at maglilingkod kayo sa ibang mga diyos at yuyukod sa mga ito,+ 20 bubunutin ko ang Israel mula sa lupain ko na ibinigay ko sa kanila,+ at aalisin ko sa paningin ko ang bahay na ito na pinabanal ko para sa aking pangalan, at gagawin ko itong isang bagay na pag-uusapan* at pagtatawanan ng lahat ng tao.+ 21 At ang bahay na ito ay magiging mga bunton ng guho. Ang bawat dadaan dito ay mapapatitig dahil sa pagkagulat+ at magsasabi, ‘Bakit ito ginawa ni Jehova sa lupaing ito at sa bahay na ito?’+ 22 At sasabihin nila, ‘Iniwan kasi nila si Jehova+ na Diyos ng mga ninuno nila, ang naglabas sa kanila mula sa lupain ng Ehipto,+ at yumakap sila sa ibang diyos at yumukod at naglingkod sa mga ito.+ Kaya pinasapit niya sa kanila ang lahat ng kapahamakang ito.’”+
8 Itinayo ni Solomon ang bahay ni Jehova at ang bahay* niya sa loob ng 20 taon.+ 2 Pagkatapos, muling itinayo ni Solomon ang mga lunsod na ibinigay ni Hiram+ kay Solomon at pinatira doon ang mga Israelita. 3 At pumunta si Solomon sa Hamat-zoba at sinakop iyon. 4 Pagkatapos, muli niyang itinayo ang Tadmor sa ilang at ang lahat ng imbakang lunsod+ na itinayo niya sa Hamat.+ 5 Pinatibay rin niya ang Mataas na Bet-horon+ at ang Mababang Bet-horon+ sa pamamagitan ng mga pader, pinto, at halang, 6 pati ang Baalat+ at ang lahat ng imbakang lunsod ni Solomon, ang lahat ng lunsod ng karwahe,+ ang mga lunsod para sa mga mangangabayo, at ang anumang gustong ipagawa ni Solomon sa Jerusalem, sa Lebanon, at sa lahat ng lupaing sakop niya.
7 Kung tungkol sa lahat ng natira sa mga Hiteo, Amorita, Perizita, Hivita, at mga Jebusita,+ na hindi kabilang sa Israel,+ 8 ang mga inapo nila na naiwan sa lupain—ang mga hindi napuksa ng mga Israelita+—ay ipinatawag ni Solomon para sa puwersahang pagtatrabaho, at ganito ang kalagayan nila hanggang ngayon.+ 9 Pero walang sinuman sa mga Israelita ang ginawang alipin ni Solomon para sa gawain niya,+ dahil sila ay kaniyang mga mandirigma, mga pinuno ng kaniyang mga ayudante,* at mga pinuno ng mga tagapagpatakbo niya ng karwahe at ng mga mangangabayo.+ 10 May 250 pinuno ang mga kinatawang opisyal ni Haring Solomon; sila ang namamahala sa mga tao.+
11 Kinuha rin ni Solomon ang anak na babae ng Paraon+ sa Lunsod ni David at dinala sa bahay na itinayo niya para dito,+ dahil ang sabi niya: “Kahit asawa ko siya, hindi siya dapat tumira sa bahay ni Haring David ng Israel, dahil ang mga lugar na pinaglagyan ng Kaban ni Jehova ay banal.”+
12 Pagkatapos, naghandog si Solomon ng mga haing sinusunog+ kay Jehova sa altar+ ni Jehova na itinayo niya sa harap ng beranda.+ 13 Ginawa niya ang nakatakdang gawain sa araw-araw at naghandog siya ayon sa utos ni Moises para sa mga Sabbath,+ mga bagong buwan,+ at mga itinakdang kapistahan tatlong ulit sa isang taon+—ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa,+ ang Kapistahan ng mga Sanlinggo,+ at ang Kapistahan ng mga Kubol.*+ 14 At binigyan niya ng mga atas ang mga pangkat ng mga saserdote+ ayon sa tuntunin ng ama niyang si David. Inilagay rin niya ang mga Levita sa mga puwestong itinakda sa kanila, para pumuri+ at maglingkod sa harap ng mga saserdote ayon sa nakatakdang gawain sa araw-araw, at ang mga pangkat ng mga bantay sa iba’t ibang pintuang-daan,+ dahil ito ang iniutos ni David na lingkod ng tunay na Diyos. 15 At sinunod nila ang lahat ng utos ng hari sa mga saserdote at sa mga Levita may kinalaman sa anumang bagay o may kinalaman sa mga imbakan. 16 Kaya ang lahat ng gawain ni Solomon ay organisado,* mula nang gawin ang pundasyon ng bahay ni Jehova+ hanggang sa matapos ito. Kaya natapos ang bahay ni Jehova.+
17 Noon pumunta si Solomon sa Ezion-geber+ at sa Elot+ sa dalampasigan sa lupain ng Edom.+ 18 Nagpadala sa kaniya si Hiram+ ng mga barko at ng makaranasang mga marino na pinangungunahan ng sarili nitong mga tauhan. Pumunta sila sa Opir+ kasama ng mga lingkod ni Solomon at kumuha roon ng 450 talento* ng ginto+ at dinala iyon kay Haring Solomon.+
9 Ngayon ay nabalitaan ng reyna ng Sheba+ ang tungkol kay Solomon, kaya pumunta siya sa Jerusalem para subukin si Solomon ng mahihirap na tanong.* Marami siyang kasamang tagapaglingkod, at may mga kamelyo sila na may pasang langis ng balsamo at napakaraming ginto+ at mamahaling mga bato. Pumunta siya kay Solomon at nakipag-usap dito tungkol sa lahat ng bagay na malapít sa puso niya.+ 2 At sinagot ni Solomon ang lahat ng tanong niya. Walang tanong na napakahirap para kay Solomon.
3 Nang makita ng reyna ng Sheba ang karunungan ni Solomon,+ ang bahay na itinayo niya,+ 4 ang pagkain sa mesa niya,+ ang pagkakaayos ng upuan ng mga opisyal niya, ang pagsisilbi ng kaniyang mga lingkod sa mesa niya at ang suot nila, ang mga tagapagsilbi niya ng inumin at ang suot nila, at ang kaniyang mga haing sinusunog na regular niyang inihahandog sa bahay ni Jehova,+ manghang-mangha siya. 5 Kaya sinabi niya sa hari: “Totoo ang nabalitaan ko sa aking lupain tungkol sa mga nagawa* mo at sa karunungan mo. 6 Pero hindi ako naniniwala noon sa mga balita hanggang sa dumating ako rito at makita ko mismo.+ Wala pa sa kalahati ang naibalita sa akin tungkol sa pambihira mong karunungan.+ Nahigitan mo ang balitang narinig ko.+ 7 Maligaya ang mga tauhan mo, at maligaya ang mga lingkod mong palaging humaharap sa iyo at nakikinig sa karunungan mo! 8 Purihin nawa si Jehova na iyong Diyos, na nalugod sa iyo at naglagay sa iyo sa trono niya bilang hari para sa Diyos mong si Jehova. Mahal ng iyong Diyos ang Israel,+ kaya para manatili ito magpakailanman, inatasan ka niya bilang hari nito para maglapat ng katarungan at mamuno nang matuwid.”
9 Pagkatapos, nagbigay siya sa hari ng 120 talento* ng ginto+ at ng napakaraming langis ng balsamo at mamahaling mga bato. Maliban sa reyna ng Sheba, wala nang nakapagbigay ng ganoon karaming langis ng balsamo kay Haring Solomon.+
10 Bukod diyan, ang mga lingkod ni Hiram at ang mga lingkod ni Solomon na nagdala ng ginto mula sa Opir+ ay nagdala rin ng mga kahoy na algum at mamahaling mga bato.+ 11 Ginamit ng hari ang mga kahoy na algum sa paggawa ng mga hagdan para sa bahay ni Jehova+ at sa bahay* ng hari,+ pati sa paggawa ng mga alpa at mga instrumentong de-kuwerdas para sa mga mang-aawit.+ Noon lang nagkaroon ng ganoon sa lupain ng Juda.
12 Ibinigay rin ni Haring Solomon sa reyna ng Sheba ang lahat ng gusto at kahilingan nito, mas marami pa sa* ibinigay sa kaniya ng reyna. Pagkatapos, umalis na ang reyna at bumalik sa sarili nitong lupain kasama ang mga lingkod nito.+
13 Ang timbang ng ginto na dumarating kay Solomon sa isang taon ay umaabot sa 666 na talento ng ginto,+ 14 bukod pa sa dinadala ng mga mangangalakal at ng mga negosyante at ng lahat ng hari ng mga Arabe at ng mga gobernador ng lupaing nagdadala ng ginto at pilak kay Solomon.+
15 Gumawa si Haring Solomon ng 200 malalaking kalasag na gawa sa ginto na may halong ibang metal+ (600 siklong* ginto na may halong ibang metal ang ginamit sa bawat kalasag)+ 16 at 300 pansalag* na yari sa ginto na may halong ibang metal (may tatlong mina* ng ginto sa bawat pansalag). Pagkatapos, inilagay ng hari ang mga iyon sa Bahay ng Kagubatan ng Lebanon.+
17 Gumawa rin ang hari ng isang malaking trono na yari sa garing* at binalutan niya iyon ng purong ginto.+ 18 May anim na baytang paakyat sa trono, may gintong tuntungan na nakakabit sa trono, may mga patungan ng braso sa magkabilang panig ng trono, at dalawang leon+ ang nakatayo sa tabi ng mga patungan ng braso. 19 At may 12 leon+ na nakatayo sa anim na baytang, isa sa bawat dulo ng anim na baytang. Walang ibang kaharian ang gumawa ng tulad nito. 20 Ang lahat ng inuman ni Haring Solomon ay gawa sa ginto, at ang lahat ng kagamitan sa Bahay ng Kagubatan ng Lebanon ay gawa sa purong ginto. Walang anumang gawa sa pilak, dahil walang halaga ang pilak noong panahon ni Solomon.+ 21 Ang mga barko ng hari ay nagpupunta sa Tarsis+ sakay ang mga lingkod ni Hiram.+ Minsan sa bawat tatlong taon, dumarating ang mga barko ng Tarsis na may dalang ginto at pilak, garing,+ unggoy, at paboreal.*
22 Kaya sa lahat ng hari sa lupa, si Haring Solomon ang pinakamayaman at pinakamarunong.+ 23 At ang mga hari sa buong mundo ay pumupunta kay* Solomon para mapakinggan ang karunungang inilagay ng tunay na Diyos sa puso niya.+ 24 Bawat isa sa kanila ay nagdadala ng regalo—mga kagamitang pilak, mga kagamitang ginto, damit,+ sandata, langis ng balsamo, kabayo, at mula*—at ganiyan ang nangyayari taon-taon. 25 Si Solomon ay may 4,000 kuwadra para sa mga kabayo niya at mga karwahe at 12,000 kabayo,*+ at inilagay niya ang mga iyon sa mga lunsod ng karwahe at sa Jerusalem malapit sa hari.+ 26 At namahala siya sa lahat ng hari mula sa Ilog* hanggang sa lupain ng mga Filisteo at hanggang sa hangganan ng Ehipto.+ 27 Pinarami ng hari ang pilak sa Jerusalem na gaya ng mga bato, at pinarami niya ang mga kahoy na sedro na gaya ng mga puno ng sikomoro na nasa Sepela.+ 28 At nagdadala sila ng mga kabayo kay Solomon mula sa Ehipto+ at mula sa lahat ng iba pang lupain.
29 Ang iba pang nangyari kay Solomon,+ mula sa umpisa hanggang sa katapusan, ay nasa ulat ng propetang si Natan,+ sa hula ni Ahias+ na Shilonita, at sa ulat ng mga pangitain tungkol kay Jeroboam+ na anak ni Nebat na isinulat ni Ido+ na nakakakita ng pangitain. 30 Naghari si Solomon sa Jerusalem sa buong Israel nang 40 taon. 31 Pagkatapos, si Solomon ay namatay.* Kaya inilibing nila siya sa Lunsod ni David na ama niya;+ at ang anak niyang si Rehoboam ang naging hari kapalit niya.+
10 Pumunta si Rehoboam sa Sikem+ dahil nagtipon doon ang buong Israel para gawin siyang hari.+ 2 Nang mabalitaan iyon ni Jeroboam+ na anak ni Nebat (nasa Ehipto pa rin siya dahil tumakas siya kay Haring Solomon),+ bumalik agad si Jeroboam mula sa Ehipto. 3 Pagkatapos, ipinatawag nila siya, at pumunta si Jeroboam at ang buong Israel kay Rehoboam at nagsabi: 4 “Mabigat ang pasan* na ibinigay sa amin ng iyong ama.+ Pero kung pagagaanin mo ang mahirap na paglilingkod na ipinagawa ng iyong ama at ang mabigat* na pasan na ibinigay niya sa amin, maglilingkod kami sa iyo.”
5 Sinabi niya sa kanila: “Bumalik kayo pagkatapos ng tatlong araw.” Kaya umalis ang bayan.+ 6 Pagkatapos, sumangguni si Haring Rehoboam sa matatandang lalaki na naglingkod sa ama niyang si Solomon noong nabubuhay pa ito. Tinanong niya sila: “Sa tingin ninyo, ano ang dapat kong isagot sa bayang ito?” 7 Sumagot sila: “Kung magiging mabait ka sa bayang ito at gagawin mo ang gusto nila at sasagot ka sa kanila sa mabait na paraan, habambuhay silang maglilingkod sa iyo.”
8 Pero binale-wala niya ang payo ng matatandang lalaki, at sumangguni siya sa mga nakababatang lalaki na lumaking kasama niya at naglilingkod ngayon sa kaniya.+ 9 Tinanong niya ang mga ito: “Sa tingin ninyo, ano ang isasagot natin sa bayang ito na nagsabi sa akin, ‘Pagaanin mo ang pasan na ibinigay sa amin ng iyong ama’?” 10 Sumagot ang mga nakababatang lalaki na lumaking kasama niya: “Sinabi sa iyo ng bayan, ‘Mabigat ang pasan na ibinigay ng iyong ama sa amin, pero dapat mo itong pagaanin.’ Ito naman ang sabihin mo sa kanila, ‘Ang hinliliit ko ay magiging mas malapad pa sa balakang ng aking ama.* 11 Nagbigay sa inyo ang ama ko ng mabigat na pasan, pero pabibigatin ko pa iyon. Pinarusahan kayo ng ama ko gamit ang latigo, pero paparusahan ko kayo gamit ang latigong may mga panusok.’”
12 Si Jeroboam at ang buong bayan ay pumunta kay Rehoboam sa ikatlong araw dahil sinabi ng hari: “Bumalik kayo sa akin sa ikatlong araw.”+ 13 Pero mabagsik ang sagot sa kanila ng hari. Binale-wala ni Haring Rehoboam ang payo ng matatandang lalaki. 14 Sinunod niya ang payo ng mga nakababatang lalaki at sinabi sa mga tao: “Pabibigatin ko ang pasan ninyo, at lalo ko pang pabibigatin. Pinarusahan kayo ng ama ko gamit ang latigo, pero paparusahan ko kayo gamit ang latigong may mga panusok.” 15 Hindi nakinig ang hari sa bayan, dahil ang tunay na Diyos ang nagmaniobra nito,+ para matupad ang sinabi ni Jehova sa pamamagitan ni Ahias+ na Shilonita kay Jeroboam na anak ni Nebat.
16 Dahil ayaw pakinggan ng hari ang bayan, sinabi ng buong Israel sa hari: “Wala naman pala kaming kaugnayan kay David. Wala kaming mana sa anak ni Jesse. Bumalik kayo sa inyong mga diyos, O Israel! David, bahala ka na sa sambahayan mo.”+ At bumalik ang lahat ng Israelita sa kani-kanilang bahay.*+
17 Pero si Rehoboam ay patuloy na naghari sa mga Israelita na nakatira sa mga lunsod ng Juda.+
18 Pagkatapos, isinugo ni Haring Rehoboam si Hadoram,+ na namamahala sa mga tinawag para sa puwersahang pagtatrabaho, pero pinagbabato ito ng mga Israelita hanggang sa mamatay. Nakasampa si Haring Rehoboam sa karwahe niya at nakatakas papunta sa Jerusalem.+ 19 At hanggang ngayon, naghihimagsik ang mga Israelita laban sa sambahayan ni David.
11 Pagbalik ni Rehoboam sa Jerusalem, tinipon niya agad ang sambahayan ng Juda at ng Benjamin,+ 180,000 sinanay na* mandirigma, para makipaglaban sa Israel at ibalik ang kaharian kay Rehoboam.+ 2 Pagkatapos, dumating kay Semaias na lingkod ng tunay na Diyos ang mensaheng ito ni Jehova:+ 3 “Sabihin mo kay Rehoboam na anak ni Solomon na hari ng Juda at sa buong Israel sa Juda at Benjamin, 4 ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Huwag kayong makipaglaban sa mga kapatid ninyo. Bumalik kayo sa inyo-inyong bahay, dahil ako ang nagmaniobra ng bagay na ito.”’”+ Kaya sinunod nila si Jehova at umuwi at hindi sila nakipaglaban kay Jeroboam.
5 Tumira si Rehoboam sa Jerusalem at nagtayo ng mga napapaderang* lunsod sa Juda. 6 Kaya pinatibay niya ang Betlehem,+ Etam, Tekoa,+ 7 Bet-zur, Soco,+ Adulam,+ 8 Gat,+ Maresa, Zip,+ 9 Adoraim, Lakis,+ Azeka,+ 10 Zora, Aijalon,+ at Hebron,+ mga napapaderang lunsod sa Juda at Benjamin. 11 Pinatibay rin niya ang mga tanggulan at naglagay siya ng mga kumandante sa mga iyon at binigyan ang mga iyon ng suplay ng pagkain, langis, at alak, 12 at nagbigay siya sa lahat ng lunsod ng malalaking kalasag at mga sibat; pinatibay niya nang husto ang mga iyon. Nanatiling kaniya ang Juda at Benjamin.
13 At ang mga saserdote at ang mga Levita na nasa buong Israel ay kumampi sa kaniya at lumabas mula sa lahat ng teritoryo nila. 14 Iniwan ng mga Levita ang kanilang mga pastulan at pag-aari+ at pumunta sa Juda at Jerusalem dahil inalis sila ni Jeroboam at ng mga anak nito sa paglilingkod bilang mga saserdote kay Jehova.+ 15 Pagkatapos, nag-atas si Jeroboam ng sarili niyang mga saserdote para sa matataas na lugar,+ para sa tulad-kambing na mga demonyo,*+ at para sa mga guya* na ginawa niya.+ 16 At ang mga kabilang sa lahat ng tribo ng Israel na determinadong hanapin si Jehova na Diyos ng Israel ay sumunod sa kanila* sa Jerusalem para maghain kay Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno.+ 17 Sa loob ng tatlong taon, pinatatag nila ang kaharian ng Juda at sinuportahan si Rehoboam na anak ni Solomon, dahil lumakad sila sa daan ni David at ni Solomon sa loob ng tatlong taon.
18 Pagkatapos, kinuha ni Rehoboam bilang asawa si Mahalat na anak nina Jerimot at Abihail. Si Jerimot ay anak ni David, at si Abihail naman ay anak ni Eliab+ na anak ni Jesse. 19 Nang maglaon, nagkaanak sila ng mga lalaki: sina Jeus, Semarias, at Zaham. 20 Pinakasalan din niya si Maaca na apo ni Absalom.+ Naging anak nila sina Abias,+ Atai, Ziza, at Selomit. 21 Mahal na mahal ni Rehoboam si Maaca na apo ni Absalom, higit sa lahat ng iba pa niyang asawa at pangalawahing asawa;+ mayroon siyang 18 asawa at 60 pangalawahing asawa, at nagkaroon siya ng 28 anak na lalaki at 60 anak na babae. 22 Kaya inatasan ni Rehoboam si Abias na anak ni Maaca bilang ulo at pinuno ng mga kapatid niya, dahil gusto niya itong gawing hari. 23 Pero kumilos siya nang may katalinuhan* nang ipadala* niya ang ilan sa mga anak niya sa lahat ng rehiyon ng Juda at Benjamin, sa lahat ng napapaderang lunsod,+ at bigyan sila ng saganang paglalaan at maraming asawa.
12 Nang matatag na ang paghahari ni Rehoboam+ at nang siya ay malakas na, tinalikuran niya at ng lahat ng Israelitang kasama niya ang Kautusan ni Jehova.+ 2 Nang ikalimang taon ni Haring Rehoboam, sinalakay ni Haring Sisak+ ng Ehipto ang Jerusalem, dahil hindi sila naging tapat kay Jehova. 3 Mayroon siyang 1,200 karwahe, 60,000 mangangabayo, at di-mabilang na mga sundalong sumama sa kaniya mula sa Ehipto—mga taga-Libya, mga Sukiim, at mga Etiope.+ 4 Sinakop niya ang mga napapaderang* lunsod ng Juda at bandang huli ay nakarating siya sa Jerusalem.
5 Pinuntahan ng propetang si Semaias+ si Rehoboam at ang matataas na opisyal ng Juda na nagtipon sa Jerusalem dahil sa takot kay Sisak. Sinabi niya sa kanila: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Iniwan ninyo ako, kaya iniwan ko rin kayo+ sa kamay ni Sisak.’” 6 Kaya nagpakumbaba ang matataas na opisyal ng Israel at ang hari.+ Sinabi nila: “Tama si Jehova.” 7 Nang makita ni Jehova na nagpakumbaba sila, dumating kay Semaias ang mensaheng ito ni Jehova: “Nagpakumbaba sila. Hindi ko sila lilipulin,+ at malapit ko na silang iligtas. Hindi ko ibubuhos ang galit ko sa Jerusalem sa pamamagitan ni Sisak. 8 Pero sila ay magiging mga lingkod niya, para malaman nila ang pagkakaiba ng paglilingkod sa akin at ng paglilingkod sa mga hari* ng ibang mga lupain.”
9 Kaya sinalakay ni Haring Sisak ng Ehipto ang Jerusalem. Kinuha niya ang mga kayamanan sa bahay ni Jehova+ at ang mga kayamanan sa bahay* ng hari. Kinuha niya lahat, pati ang mga gintong kalasag na ginawa ni Solomon.+ 10 Kaya gumawa si Haring Rehoboam ng mga tansong kalasag kapalit ng mga iyon, at ipinagkatiwala niya ang mga iyon sa mga pinuno ng mga bantay,* na nagbabantay sa pasukan ng bahay ng hari. 11 Sa tuwing pupunta ang hari sa bahay ni Jehova, pumapasok ang mga bantay at dinadala ang mga iyon; pagkatapos, ibinabalik nila ang mga iyon sa silid ng mga bantay. 12 Dahil nagpakumbaba ang hari, nawala ang galit ni Jehova sa kaniya,+ at hindi niya sila lubusang nilipol.+ Bukod dito, may ilang mabubuting bagay na nakita sa Juda.+
13 Pinatibay ni Haring Rehoboam ang posisyon niya sa Jerusalem at patuloy siyang naghari; si Rehoboam ay 41 taóng gulang nang maging hari, at 17 taon siyang namahala sa Jerusalem, ang lunsod na pinili ni Jehova mula sa lahat ng tribo ng Israel para doon ilagay ang pangalan niya. Ang ina ng hari ay si Naama na Ammonita.+ 14 Pero ginawa niya ang masama, dahil hindi niya isinapuso ang paghanap kay Jehova.+
15 Ang mga nangyari kay Rehoboam, mula sa umpisa hanggang sa katapusan, ay nasa ulat ng propetang si Semaias+ at ni Ido+ na nakakakita ng pangitain. Ang mga ulat na ito ay nasa talaangkanan. At madalas na may digmaan sa pagitan ni Rehoboam at ni Jeroboam.+ 16 At si Rehoboam ay namatay* at inilibing sa Lunsod ni David;+ at ang anak niyang si Abias+ ang naging hari kapalit niya.
13 Noong ika-18 taon ni Haring Jeroboam, si Abias ay naging hari sa Juda.+ 2 Tatlong taon siyang naghari sa Jerusalem. Ang kaniyang ina ay si Micaias+ na anak ni Uriel ng Gibeah.+ At nagkaroon ng digmaan sa pagitan ni Abias at ni Jeroboam.+
3 Sumabak si Abias sa digmaan kasama ang hukbo ng 400,000 malalakas at sinanay na* mandirigma.+ At si Jeroboam ay humanay para makipagdigma laban sa kaniya kasama ang 800,000 sinanay* at malalakas na mandirigma. 4 Tumayo ngayon si Abias sa Bundok Zemaraim, na nasa mabundok na rehiyon ng Efraim, at nagsabi: “Makinig kayo, O Jeroboam at buong Israel. 5 Hindi ba ninyo alam na ang paghahari sa Israel ay ibinigay ni Jehova na Diyos ng Israel kay David at sa mga anak niya+ magpakailanman+ sa pamamagitan ng isang tipan ng asin?*+ 6 Pero si Jeroboam+ na anak ni Nebat, na lingkod ng anak ni David na si Solomon, ay nagrebelde sa panginoon niya.+ 7 Sumama sa kaniya ang mga batugan at walang-kuwentang mga lalaki. At naging mas malakas sila kay Rehoboam na anak ni Solomon nang si Rehoboam ay bata pa at mahina ang loob at hindi makalaban sa kanila.
8 “At ngayon ay iniisip ninyong kaya ninyong labanan ang kaharian ni Jehova na nasa kamay ng mga anak ni David dahil marami kayo at nasa inyo ang mga gintong guya* na ginawa ni Jeroboam para maging diyos ninyo.+ 9 Hindi ba pinalayas ninyo ang mga saserdote ni Jehova,+ ang mga inapo ni Aaron, at ang mga Levita, at hindi ba nag-atas kayo ng sarili ninyong mga saserdote gaya ng ginagawa ng mga tao sa ibang lupain?+ Ang sinumang dumating na may dalang* batang toro at pitong lalaking tupa ay puwedeng maging saserdote ng mga hindi naman diyos. 10 Para sa amin, si Jehova ang Diyos namin,+ at hindi namin siya iniwan; ang mga saserdote namin, ang mga inapo ni Aaron, ay naglilingkod kay Jehova, at tumutulong ang mga Levita sa gawain. 11 Nagpapausok sila ng mga handog na sinusunog para kay Jehova tuwing umaga at gabi,+ pati na ng mabangong insenso,+ at ang magkakapatong na tinapay*+ ay nasa mesa na gawa sa purong ginto, at sinisindihan nila ang mga ilawan ng gintong kandelero+ gabi-gabi,+ dahil tinutupad namin ang pananagutan namin kay Jehova na Diyos namin; pero iniwan ninyo siya. 12 Makinig kayo! Sumasaamin ang tunay na Diyos, na nangunguna sa amin, kasama ang mga saserdote niya na hihihip sa mga trumpeta bilang hudyat ng pakikipagdigma laban sa inyo. Mga lalaki ng Israel, huwag kayong lumaban kay Jehova na Diyos ng mga ninuno ninyo, dahil hindi kayo magtatagumpay.”+
13 Pero nagpuwesto si Jeroboam ng mga sasalakay mula sa likuran ng Juda, kaya ang mga sundalo niya ay nasa harap ng mga lalaki ng Juda at may mga nakaabang pa sa likuran ng mga ito. 14 Paglingon ng mga lalaki ng Juda, nakita nilang kailangan nilang makipaglaban sa harap at likuran nila. Kaya humingi sila ng tulong kay Jehova,+ habang hinihipan ng mga saserdote ang mga trumpeta nang malakas. 15 Sumigaw ang mga lalaki ng Juda ng hiyaw para sa pakikipagdigma, at pagkasigaw ng mga lalaki ng Juda, tinalo ng tunay na Diyos si Jeroboam at ang buong Israel sa harap ni Abias at ng Juda. 16 Tumakas ang mga Israelita mula sa mga lalaki ng Juda, pero ibinigay sila ng Diyos sa kamay ng mga ito. 17 Napakaraming napatay ni Abias at ng bayan niya; umabot sa 500,000 sinanay na* lalaki ng Israel ang napatay nila. 18 Kaya natalo noon ang mga lalaki ng Israel, at nanaig ang mga lalaki ng Juda dahil nagtiwala* sila kay Jehova na Diyos ng mga ninuno nila.+ 19 Patuloy na hinabol ni Abias si Jeroboam at nakasakop siya ng mga lunsod nito, ang Bethel+ at ang katabing mga nayon nito,* ang Jesana at ang katabing mga nayon nito, at ang Efrain+ at ang katabing mga nayon nito. 20 At hindi na nabawi ni Jeroboam ang kapangyarihan niya noong panahon ni Abias; pagkatapos, pinarusahan siya ni Jehova at namatay siya.+
21 Pero si Abias ay lalong lumakas. Nang maglaon, kumuha siya ng 14 na asawa,+ at nagkaroon siya ng 22 anak na lalaki at 16 na anak na babae. 22 Ang iba pang nangyari kay Abias, ang mga ginawa at sinabi niya, ay nakasulat sa mga akda* ng propetang si Ido.+
14 Pagkatapos, si Abias ay namatay,* at inilibing nila siya sa Lunsod ni David;+ at ang anak niyang si Asa ang naging hari kapalit niya. Noong panahon niya, mapayapa sa lupain sa loob ng 10 taon.
2 Ginawa ni Asa ang mabuti at tama sa paningin ng Diyos niyang si Jehova. 3 Inalis niya ang altar ng mga banyaga+ at ang matataas na lugar, pinagdurog-durog ang mga sagradong haligi,+ at pinagpuputol ang mga sagradong poste.*+ 4 Sinabi rin niya sa Juda na hanapin si Jehova na Diyos ng mga ninuno nila at sundin ang Kautusan at ang mga batas. 5 Inalis niya sa lahat ng lunsod ng Juda ang matataas na lugar at ang mga patungan ng insenso,+ at sa pamamahala niya, ang kaharian ay nanatiling payapa. 6 Nagtayo siya ng mga napapaderang* lunsod sa Juda,+ dahil mapayapa sa lupain at walang nakikipagdigma sa kaniya nang mga panahong iyon; binigyan siya ni Jehova ng kapahingahan.+ 7 Sinabi niya sa Juda: “Itayo natin ang mga lunsod na ito at palibutan natin ng mga pader at tore,+ mga pintuang-daan* at mga halang. Sa atin pa rin ang lupain dahil hinanap natin ang Diyos nating si Jehova. Hinanap natin siya, at binigyan niya tayo ng kapahingahan sa buong palibot.” Kaya nagtagumpay sila sa pagtatayo.+
8 Si Asa ay may 300,000 mandirigma mula sa Juda na may malalaking kalasag at mga sibat at 280,000 malalakas na mandirigma mula sa Benjamin na may dalang mga pansalag* at pana.*+
9 Nang maglaon, hinarap sila ni Zera na Etiope kasama ang hukbo ng 1,000,000 lalaki at 300 karwahe.+ Nang makarating siya sa Maresa,+ 10 hinarap siya ni Asa at humanay sila sa Lambak ng Zepata sa Maresa para makipagdigma. 11 Pagkatapos, tumawag si Asa sa Diyos niyang si Jehova:+ “O Jehova, matutulungan mo kahit sino, marami man sila o mahina.+ Diyos naming Jehova, tulungan mo kami, dahil umaasa* kami sa iyo,+ at lalaban kami sa malaking hukbong ito sa ngalan mo.+ O Jehova, ikaw ang Diyos namin. Huwag mong hayaang matalo ka ng hamak na tao.”+
12 Kaya tinalo ni Jehova ang mga Etiope sa harap ni Asa at ng Juda, at tumakas ang mga Etiope.+ 13 Hinabol sila ni Asa at ng bayang kasama niya hanggang sa Gerar,+ at patuloy nilang pinabagsak ang mga Etiope hanggang sa wala nang matirang buháy, dahil dinurog sila ni Jehova at ng kaniyang hukbo. Pagkatapos, kumuha sila ng napakaraming samsam. 14 Pinabagsak din nila ang lahat ng lunsod sa palibot ng Gerar; takot na takot ang mga ito kay Jehova. At kumuha sila ng mga samsam mula sa lahat ng lunsod, dahil maraming makukuha sa mga ito. 15 Sinalakay rin nila ang mga tolda ng mga may alagang hayop, at kumuha sila ng napakaraming kawan at kamelyo; pagkatapos, bumalik sila sa Jerusalem.
15 Ngayon ay napuspos ng espiritu ng Diyos si Azarias na anak ni Oded. 2 Kaya lumabas siya at pinuntahan si Asa at sinabi rito: “Pakinggan ninyo ako, O Asa at buong Juda at Benjamin! Si Jehova ay sumasainyo hangga’t kayo ay nananatili sa panig niya;+ at kung hahanapin ninyo siya, hahayaan niyang makita ninyo siya,+ pero kung iiwan ninyo siya, iiwan niya kayo.+ 3 Sa loob ng mahabang panahon,* wala sa Israel ang tunay na Diyos, walang saserdoteng nagtuturo sa kanila, at wala silang kautusan.+ 4 Pero nang malagay sila sa kagipitan at manumbalik sila kay Jehova na Diyos ng Israel at hanapin nila siya, hinayaan niyang makita nila siya.+ 5 Nang mga panahong iyon, mapanganib ang paglalakbay,* dahil napakagulo sa mga lupain. 6 Dinudurog ng isang bansa ang isa pang bansa at ng isang lunsod ang isa pang lunsod, dahil hinahayaan sila ng Diyos na magkagulo at dumanas ng iba’t ibang uri ng paghihirap.+ 7 Pero kayo, magpakatatag kayo at huwag masiraan ng loob,*+ dahil gagantimpalaan ang mga ginagawa ninyo.”
8 Nang marinig ni Asa ang mga salitang ito at ang hula ng propetang si Oded, lumakas ang loob niya at inalis niya ang kasuklam-suklam na mga idolo mula sa buong lupain ng Juda+ at Benjamin at mula sa mga lunsod na sinakop niya sa mabundok na rehiyon ng Efraim, at inayos niya ang altar ni Jehova na nasa harap ng beranda ni Jehova.+ 9 At tinipon niya ang buong Juda at Benjamin at ang mga dayuhan mula sa Efraim at Manases at Simeon na naninirahang kasama nila,+ dahil napakarami nilang umalis sa Israel at kumampi sa kaniya nang makita nilang sumasakaniya ang Diyos niyang si Jehova. 10 Nagtipon sila sa Jerusalem noong ikatlong buwan ng ika-15 taon ng paghahari ni Asa. 11 Nang araw na iyon, naghandog sila kay Jehova ng 700 baka at 7,000 tupa mula sa samsam na dinala nila. 12 Bukod diyan, gumawa sila ng tipan na hanapin si Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno nang kanilang buong puso at buong kaluluwa.+ 13 Sinumang hindi hahanap kay Jehova na Diyos ng Israel ay papatayin, ang nakabababa at ang nakatataas, lalaki man o babae.+ 14 Kaya nanata sila kay Jehova na may malakas na tinig, sigaw ng kagalakan, at tunog ng mga trumpeta at tambuli. 15 At ang buong Juda ay nagsaya sa ginawang panata, dahil nanata sila nang buong puso at may pananabik nila siyang hinanap, at hinayaan niyang makita nila siya,+ at patuloy silang binigyan ni Jehova ng kapahingahan sa buong lupain.+
16 Inalis pa nga ni Haring Asa ang lola niyang si Maaca+ sa posisyon nito bilang inang reyna, dahil gumawa ito ng kasuklam-suklam na idolo para sa pagsamba sa sagradong poste.*+ Pinutol ni Asa ang kasuklam-suklam na idolo nito, dinurog iyon, at sinunog iyon sa Lambak ng Kidron.+ 17 Pero hindi naalis ang matataas na lugar+ sa Israel.+ Gayunman, ibinigay ni Asa ang buong puso niya sa Diyos habang nabubuhay siya.+ 18 At ipinasok niya sa bahay ng tunay na Diyos ang mga bagay na pinabanal niya at ng kaniyang ama—pilak, ginto, at iba’t ibang kagamitan.+ 19 Hindi nagkaroon ng digmaan hanggang noong ika-35 taon ng paghahari ni Asa.+
16 Noong ika-36 na taon ng paghahari ni Asa, sinalakay ni Haring Baasa+ ng Israel ang Juda at pinatibay* ang Rama+ para walang makaalis o makapasok sa teritoryo ni Haring Asa ng Juda.+ 2 Kaya naglabas si Asa ng pilak at ginto mula sa mga kabang-yaman ng bahay ni Jehova+ at ng bahay* ng hari at ipinadala ang mga ito kay Haring Ben-hadad ng Sirya,+ na nakatira sa Damasco. Sinabi niya: 3 “May kasunduan* tayo at ang mga ama natin. Pinadalhan kita ng pilak at ginto. Sirain mo ang kasunduan* ninyo ni Haring Baasa ng Israel, para lumayo na siya sa akin.”
4 Nakinig si Ben-hadad kay Haring Asa at isinugo ang mga pinuno ng kaniyang mga hukbo laban sa mga lunsod ng Israel, at pinabagsak nila ang Ijon,+ Dan,+ Abel-maim, at ang lahat ng imbakan ng mga lunsod ng Neptali.+ 5 Nang mabalitaan ito ni Baasa, itinigil niya agad ang pagtatayo* ng Rama at iniwan ang gawain dito. 6 Pagkatapos, tinipon ni Haring Asa ang buong Juda, at kinuha nila ang mga bato at kahoy sa Rama+ na ginagamit ni Baasa sa pagtatayo,+ at ginamit niya ito para patibayin* ang Geba+ at ang Mizpa.+
7 Nang panahong iyon, pumunta ang tagakitang* si Hanani+ kay Haring Asa ng Juda at nagsabi: “Dahil umasa* ka sa hari ng Sirya at hindi ka umasa* sa Diyos mong si Jehova, nakatakas mula sa kamay mo ang hukbo ng hari ng Sirya.+ 8 Hindi ba ang mga Etiope at ang mga taga-Libya ay isang napakalaking hukbo na maraming karwahe at mangangabayo? Pero dahil umasa ka kay Jehova, ibinigay niya sila sa kamay mo.+ 9 Dahil ang mga mata ni Jehova ay nagmamasid nang mabuti sa buong lupa+ para ipakita niya ang kaniyang lakas* alang-alang sa nagbibigay ng buong puso nila sa kaniya.+ Kamangmangan ang ginawa mo; mula ngayon ay may mga makikipagdigma sa iyo.”+
10 Pero nagalit si Asa sa tagakita. Sa sobrang galit niya, ipinabilanggo niya ito.* At naging malupit si Asa sa iba pa sa bayan nang panahon ding iyon. 11 Ang kasaysayan ni Asa, mula sa umpisa hanggang sa katapusan, ay nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at ng Israel.+
12 Noong ika-39 na taon ng paghahari ni Asa, nagkaroon siya ng sakit sa paa at lumubha ang kalagayan niya; pero kahit na nagkasakit siya, hindi siya humingi ng tulong kay Jehova kundi sa mga tagapagpagaling. 13 At si Asa ay namatay*+ noong ika-41 taon ng paghahari niya. 14 Kaya inilibing nila siya sa maringal na libingang ipinahukay niya para sa kaniyang sarili sa Lunsod ni David.+ Inilagay nila siya sa higaan na nilagyan ng pabangong gawa sa langis ng balsamo at iba’t ibang uri ng sangkap.+ Gumawa rin sila ng napakalaking apoy para sa kaniya.*
17 At ang anak niyang si Jehosapat+ ang naging hari kapalit niya, at pinatibay ni Jehosapat ang posisyon niya sa Israel. 2 Nagpuwesto siya ng mga hukbong militar sa lahat ng napapaderang* lunsod ng Juda at naglagay siya ng mga himpilan sa lupain ng Juda at sa mga lunsod ng Efraim na sinakop ng ama niyang si Asa.+ 3 Patuloy na pinatnubayan ni Jehova si Jehosapat dahil lumakad siya sa daan ng ninuno niyang si David+ at hindi siya naglingkod sa mga Baal. 4 Dahil pinaglingkuran niya ang Diyos ng kaniyang ama+ at sinunod niya ang* Kaniyang utos at hindi ang mga kaugalian ng Israel.+ 5 Ang kaharian ay pinanatiling matatag ni Jehova sa kaniyang kamay;+ at ang buong Juda ay patuloy na nagbigay ng mga regalo kay Jehosapat, at nagkaroon siya ng saganang kayamanan at kaluwalhatian.+ 6 Buong tapang siyang lumakad sa mga daan ni Jehova, at inalis pa nga niya ang matataas na lugar+ at ang mga sagradong poste*+ sa Juda.
7 Noong ikatlong taon ng paghahari niya, ipinatawag niya ang kaniyang matataas na opisyal, sina Ben-hail, Obadias, Zacarias, Netanel, at Micaias, para magturo sa mga lunsod ng Juda. 8 May mga kasama silang Levita: sina Semaias, Netanias, Zebadias, Asahel, Semiramot, Jehonatan, Adonias, Tobias, at Tob-adonias, at kasama nila ang mga saserdoteng sina Elisama at Jehoram.+ 9 Dala ang aklat ng Kautusan ni Jehova, nagturo sila sa Juda.+ Nilibot nila ang lahat ng lunsod ng Juda at tinuruan ang mga tao.
10 At natakot kay Jehova ang lahat ng kaharian ng mga lupaing nakapalibot sa Juda, at hindi sila nakipaglaban kay Jehosapat. 11 At ang mga Filisteo ay nagdala kay Jehosapat ng mga regalo at pera bilang tributo.* Ang mga Arabe ay nagdala sa kaniya ng 7,700 lalaking tupa at 7,700 lalaking kambing mula sa mga kawan nila.
12 Lalong naging makapangyarihan si Jehosapat,+ at patuloy siyang nagtayo ng mga tanggulan+ at ng mga imbakang lunsod+ sa Juda. 13 Nagkaroon siya ng malalaking proyekto sa mga lunsod ng Juda, at siya ay may mga sundalo, malalakas na mandirigma, sa Jerusalem. 14 Pinagpangkat-pangkat sila ayon sa kanilang angkan. Ito ang mga pinuno ng libo-libo: mula sa Juda, si Adnah na pinuno, at may kasama siyang 300,000 malalakas na mandirigma.+ 15 At nasa ilalim ng pamamahala niya si Jehohanan na pinuno, at may kasama itong 280,000. 16 Nasa ilalim din ng pamamahala niya ang anak ni Zicri na si Amasias, na nagboluntaryo sa paglilingkod kay Jehova, at may kasama itong 200,000 malalakas na mandirigma. 17 At mula sa Benjamin+ ay si Eliada, isang malakas na mandirigma, at may kasama siyang 200,000 lalaking may pana at kalasag.+ 18 At nasa ilalim ng pamamahala niya si Jehozabad, at may kasama itong 180,000 lalaking nasasandatahan para sa digmaan. 19 Naglilingkod sila sa hari bukod pa sa mga inilagay ng hari sa mga napapaderang lunsod sa buong Juda.+
18 Sagana sa kayamanan at kaluwalhatian si Jehosapat,+ pero nakipag-alyansa siya kay Ahab sa pamamagitan ng kasunduan sa pag-aasawa.+ 2 Kaya pagkaraan ng ilang taon, pumunta siya kay Ahab sa Samaria,+ at naghandog si Ahab ng maraming tupa at baka para sa kaniya at sa mga kasama niya. At hinikayat siya nito na makipaglaban sa Ramot-gilead.+ 3 At sinabi ni Haring Ahab ng Israel kay Haring Jehosapat ng Juda: “Sasama ka ba sa akin sa Ramot-gilead?” Sinabi niya rito: “Ikaw at ako ay iisa, at ang bayan mo at ang bayan ko ay iisa rin. Susuportahan ka namin sa digmaan.”
4 Pero sinabi ni Jehosapat sa hari ng Israel: “Pakisuyo, sumangguni ka muna kay Jehova.”+ 5 Kaya tinipon ng hari ng Israel ang mga propeta, 400 lalaki, at sinabi niya sa kanila: “Makikipaglaban ba kami sa Ramot-gilead o hindi?” Sinabi nila: “Makipaglaban ka, at ibibigay iyon ng tunay na Diyos sa kamay ng hari.”
6 Pagkatapos, sinabi ni Jehosapat: “Wala na bang propeta si Jehova rito?+ Sumangguni rin tayo sa pamamagitan niya.”+ 7 Sinabi ng hari ng Israel kay Jehosapat: “May isa pa na puwede nating lapitan+ para makasangguni tayo kay Jehova; pero galit ako sa kaniya, dahil hindi siya humuhula ng mabubuting bagay tungkol sa akin, kundi laging masasama.+ Siya si Micaias na anak ni Imla.” Pero sinabi ni Jehosapat: “Hindi dapat magsalita ng ganiyan ang hari.”
8 Kaya tinawag ng hari ng Israel ang isang opisyal sa palasyo at sinabi: “Dalhin mo agad dito si Micaias na anak ni Imla.”+ 9 Ang hari ng Israel at si Jehosapat na hari ng Juda ay nakaupo ngayon sa kani-kaniyang trono, suot ang kanilang damit na panghari; nakaupo sila sa giikan sa pasukan ng pintuang-daan ng Samaria, at ang lahat ng propeta ay nanghuhula sa harap nila. 10 Pagkatapos, si Zedekias na anak ni Kenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal at nagsabi: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Sa pamamagitan ng mga ito ay susuwagin* mo ang mga Siryano hanggang sa malipol sila.’” 11 Ganoon din ang inihuhula ng lahat ng iba pang propeta. Sinasabi nila: “Pumunta ka sa Ramot-gilead at magtatagumpay ka;+ ibibigay iyon ni Jehova sa kamay ng hari.”
12 Kaya sinabi ng mensaherong isinugo para tawagin si Micaias: “Pabor sa hari ang sinasabi ng lahat ng propeta. Pakisuyo, ganoon din ang sabihin mo,+ at magsalita ka ng pabor sa hari.”+ 13 Pero sinabi ni Micaias: “Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova, kung ano ang sabihin ng aking Diyos, iyon ang sasabihin ko.”+ 14 Pagkatapos, pumunta siya sa hari, at tinanong siya ng hari: “Micaias, makikipaglaban ba kami sa Ramot-gilead o hindi?” Agad siyang sumagot: “Makipaglaban ka at magtatagumpay ka; ibibigay ang mga iyon sa inyong kamay.” 15 Sinabi ng hari sa kaniya: “Ilang beses ba kitang panunumpain na katotohanan lang ang sasabihin mo sa akin sa ngalan ni Jehova?” 16 Kaya sinabi niya: “Nakikita ko ang lahat ng Israelita na nagkalat sa mga bundok, tulad ng mga tupang walang pastol.+ Sinabi ni Jehova: ‘Wala silang panginoon. Pabalikin sila nang payapa sa kani-kanilang bahay.’”
17 At sinabi ng hari ng Israel kay Jehosapat: “Hindi ba sinabi ko sa iyo, ‘Hindi siya manghuhula ng mabubuting bagay tungkol sa akin, kundi laging masasama’?”+
18 Pagkatapos, sinabi ni Micaias: “Pakinggan mo ang sinabi ni Jehova: Nakita ko si Jehova na nakaupo sa trono niya+ at ang buong hukbo ng langit+ na nakatayo sa kaniyang kanan at kaliwa.+ 19 Pagkatapos, sinabi ni Jehova, ‘Sino ang lilinlang kay Haring Ahab ng Israel, para makipaglaban siya at mamatay sa Ramot-gilead?’ Iba-iba ang sinasabi nila. 20 At lumapit ang isang espiritu*+ at tumayo sa harap ni Jehova at nagsabi, ‘Ako ang lilinlang sa kaniya.’ Tinanong ito ni Jehova, ‘Paano mo gagawin iyon?’ 21 Sumagot ito, ‘Pupunta ako roon at maglalagay ako ng kasinungalingan sa bibig ng lahat ng propeta niya.’ Kaya sinabi niya, ‘Linlangin mo siya, at magtatagumpay ka. Pumunta ka roon at ganoon ang gawin mo.’ 22 At ngayon, hinayaan ni Jehova ang isang espiritu na maglagay ng kasinungalingan sa bibig ng mga propeta mong ito,+ pero sinabi ni Jehova na mapapahamak ka.”
23 Si Zedekias+ na anak ni Kenaana ay lumapit ngayon kay Micaias+ at sinampal+ niya ito at sinabi: “Saan dumaan ang espiritu ni Jehova mula sa akin para makipag-usap sa iyo?”+ 24 Sumagot si Micaias: “Malalaman mo kung saan kapag pumasok ka na sa kaloob-loobang silid para magtago.” 25 Pagkatapos, sinabi ng hari ng Israel: “Kunin mo si Micaias, at ibigay mo siya kay Amon na pinuno ng lunsod at kay Joas na anak ng hari. 26 Sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ng hari: “Ikulong ninyo ang taong ito+ at bawasan ninyo ang suplay ng tinapay at tubig na ibibigay ninyo sa kaniya hanggang sa makabalik ako nang payapa.”’” 27 Pero sinabi ni Micaias: “Kung makabalik ka nang payapa, ibig sabihin ay hindi nakipag-usap sa akin si Jehova.”+ Sinabi pa niya: “Kayong lahat, tandaan ninyo ang sinabi ko.”
28 At ang hari ng Israel at si Jehosapat na hari ng Juda ay pumunta sa Ramot-gilead.+ 29 Sinabi ngayon ng hari ng Israel kay Jehosapat: “Magbabalatkayo ako at sasabak sa digmaan, pero isuot mo ang iyong damit na panghari.” Kaya nagbalatkayo ang hari ng Israel, at sumabak sila sa digmaan. 30 Iniutos ngayon ng hari ng Sirya sa mga pinuno ng mga karwahe niya: “Wala kayong ibang lalabanan, sundalo man o opisyal, kundi ang hari lang ng Israel.” 31 Nang makita ng mga pinuno ng mga karwahe si Jehosapat, naisip nila: “Iyon ang hari ng Israel.” Kaya hinabol nila siya; at humingi ng saklolo si Jehosapat.+ Tinulungan siya ni Jehova, at inilayo agad ng Diyos ang mga ito sa kaniya. 32 Nang makita ng mga pinuno ng mga karwahe na hindi iyon ang hari ng Israel, agad silang tumigil sa paghabol sa kaniya.
33 Pero isang lalaki ang basta na lang pumana, at tinamaan nito ang hari ng Israel sa pagitan ng mga dugtungan ng kutamaya* niya. Kaya sinabi ng hari sa tagapagpatakbo niya ng karwahe: “Bumalik tayo at ilayo mo ako sa labanan,* dahil nasugatan ako nang malubha.”+ 34 Matindi ang labanan nang araw na iyon, at ang hari ng Israel ay kinailangang panatilihing nakatayo sa karwahe na nakaharap sa mga Siryano hanggang gabi; at namatay siya paglubog ng araw.+
19 Pagkatapos, ligtas na* nakabalik si Haring Jehosapat ng Juda+ sa bahay* niya sa Jerusalem. 2 Sinalubong siya ni Jehu+ na anak ni Hanani+ na nakakakita ng pangitain. Sinabi nito kay Haring Jehosapat: “Ang masama ba ang dapat mong tulungan,+ at ang mga napopoot ba kay Jehova ang dapat mong mahalin?+ Dahil sa ginawa mo, nagalit sa iyo si Jehova. 3 Pero may mabubuting bagay na nakita sa iyo,+ dahil inalis mo ang mga sagradong poste* sa lupain at inihanda mo ang puso mo para* hanapin ang tunay na Diyos.”+
4 Nanatili si Jehosapat sa Jerusalem, at muli niyang pinuntahan ang bayan mula sa Beer-sheba hanggang sa mabundok na rehiyon ng Efraim,+ para ibalik sila kay Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno.+ 5 Nag-atas din siya ng mga hukom sa buong lupain ng Juda, sa lahat ng napapaderang* lunsod.+ 6 At sinabi niya sa mga hukom: “Mag-ingat kayo sa ginagawa ninyo, dahil hindi kayo humahatol para sa tao kundi para kay Jehova, at siya ay sumasainyo kapag humahatol kayo.+ 7 Matakot kayo kay Jehova.+ Mag-ingat kayo sa ginagawa ninyo, dahil ang Diyos nating si Jehova ay laging makatarungan,+ walang kinikilingan,+ at hindi tumatanggap ng suhol.”+
8 Sa Jerusalem, inatasan din ni Jehosapat ang ilan sa mga Levita at mga saserdote at ang ilan sa mga ulo ng mga angkan ng Israel na maglingkod bilang mga hukom para kay Jehova at mag-asikaso sa mga kaso ng mga taga-Jerusalem.+ 9 At inutusan niya sila: “Ganito ang dapat ninyong gawin nang may takot kay Jehova, katapatan, at buong puso: 10 Kapag ang mga kapatid ninyo mula sa lunsod nila ay nagharap ng kaso tungkol sa pagpatay+ o ng tanong tungkol sa isang kautusan, batas, mga tuntunin, o mga kahatulan, dapat ninyo silang babalaan para hindi sila magkasala kay Jehova; kung hindi, magagalit siya sa inyo at sa mga kapatid ninyo. Ito ang dapat ninyong gawin para hindi kayo magkasala. 11 Heto ang punong saserdoteng si Amarias na mamamahala sa inyo para sa bawat bagay na may kaugnayan kay Jehova.+ Si Zebadias na anak ni Ismael ang lider ng sambahayan ng Juda para sa bawat bagay na may kinalaman sa hari. At ang mga Levita ay maglilingkod bilang mga opisyal ninyo. Lakasan ninyo ang inyong loob at kumilos kayo, at patnubayan nawa ni Jehova ang mga gumagawa ng mabuti.”*+
20 Pagkatapos, ang mga Moabita+ at Ammonita,+ kasama ang ilang Ammonim,* ay dumating para makipagdigma kay Jehosapat. 2 Kaya may nagsabi kay Jehosapat: “Isang malaking grupo mula sa rehiyon na malapit sa dagat,* mula sa Edom,+ ang dumating para makipaglaban sa iyo, at naroon sila sa Hazazon-tamar, ang En-gedi.”+ 3 Natakot si Jehosapat, at ipinasiya niyang sumangguni kay* Jehova.+ Kaya ipinag-utos niyang mag-ayuno* ang buong Juda. 4 Pagkatapos, nagtipon ang bayan, mula sa lahat ng lunsod ng Juda, para magtanong kay Jehova;+ dumating sila para sumangguni kay Jehova.
5 At humarap si Jehosapat sa kongregasyon ng Juda at ng Jerusalem na nasa bagong looban sa bahay ni Jehova, 6 at sinabi niya:
“O Jehova na Diyos ng aming mga ninuno, hindi ba ikaw ang Diyos sa langit;+ hindi ba may awtoridad ka sa lahat ng kaharian ng mga bansa?+ Nasa kamay mo ang kapangyarihan at lakas, at walang sinuman ang makalalaban sa iyo.+ 7 O aming Diyos, hindi ba pinalayas mo sa harap ng bayan mong Israel ang mga nakatira sa lupaing ito at ibinigay ito sa mga supling* ng kaibigan mong si Abraham para maging pag-aari nila magpakailanman?+ 8 At tumira sila rito, at ipinagtayo ka nila rito ng santuwaryo para sa pangalan mo+ at sinabi, 9 ‘Kung may masamang mangyari sa amin, iyon man ay dahil sa espada, hatol, salot, o taggutom, hayaan mo kaming tumayo sa harap ng bahay na ito at sa harap mo (dahil ang pangalan mo ay nasa bahay na ito)+ at humingi ng tulong sa iyo sa pagdurusa namin, at pakinggan mo sana kami at iligtas.’+ 10 Narito ngayon ang mga lalaki ng Ammon, ng Moab, at ng mabundok na rehiyon ng Seir,+ na sinabi mong huwag salakayin ng Israel nang lumabas ang Israel sa lupain ng Ehipto. Lumihis ito sa kanila at hindi sila nilipol.+ 11 Ngayon, ito ang igaganti nila sa amin; papunta sila rito para palayasin kami sa pag-aaring ipinamana mo sa amin.+ 12 O aming Diyos, hindi mo ba sila paparusahan?+ Wala kaming kalaban-laban sa malaking hukbong ito na sumasalakay sa amin; at hindi namin alam ang gagawin namin,+ pero umaasa kami* sa iyo.”+
13 Samantala, ang lahat ng nasa Juda ay nakatayo sa harap ni Jehova, kasama ang kanilang mga asawa at mga anak, pati na ang maliliit na bata.
14 At sa gitna ng kongregasyon, napuspos ng espiritu ni Jehova si Jahaziel na anak ni Zacarias na anak ni Benaias na anak ni Jeiel na anak ni Matanias na Levita na mula sa mga anak ni Asap. 15 Sinabi niya: “Makinig kayo, Haring Jehosapat at buong Juda at kayong mga taga-Jerusalem! Sinabi ni Jehova sa inyo, ‘Huwag kayong matakot o masindak sa malaking hukbong ito, dahil ang digmaan ay hindi sa inyo, kundi sa Diyos.+ 16 Harapin ninyo sila bukas. Aakyat sila sa daan ng Ziz, at makikita ninyo sila sa dulo ng lambak* malapit sa ilang ng Jeruel. 17 Hindi ninyo kailangang lumaban sa digmaang ito. Pumunta kayo sa inyong mga puwesto, manatili kayong nakatayo,+ at tingnan ninyo ang pagliligtas ni Jehova sa inyo.*+ O Juda at Jerusalem, huwag kayong matakot o masindak.+ Harapin ninyo sila bukas, at si Jehova ay sasainyo.’”+
18 Agad na sumubsob sa lupa si Jehosapat, at ang buong Juda at ang mga taga-Jerusalem ay sumubsob sa harap ni Jehova para sumamba kay Jehova. 19 Pagkatapos, ang mga Levita na mga inapo ng mga Kohatita+ at mga Korahita ay tumayo para purihin si Jehova na Diyos ng Israel sa isang napakalakas na tinig.+
20 Kinabukasan, maaga silang bumangon at pumunta sa ilang ng Tekoa.+ Habang papalabas sila, tumayo si Jehosapat at nagsabi: “Makinig kayo, O Juda at kayong mga taga-Jerusalem! Manampalataya kayo kay Jehova na inyong Diyos para makapanatili kayong matatag.* Manampalataya kayo sa mga propeta niya,+ at magtatagumpay kayo.”
21 Pagkatapos niyang sumangguni sa bayan, nag-atas siya ng mga lalaking aawit+ kay Jehova at maghahandog ng papuri habang nakasuot ng banal na kasuotan at naglalakad sa unahan ng nasasandatahang mga lalaki, na nagsasabi: “Magpasalamat kayo kay Jehova, dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.”+
22 Nang magsimula silang umawit ng papuri nang may kagalakan, nagpuwesto si Jehova ng mga tatambang sa mga lalaki ng Ammon, ng Moab, at ng mabundok na rehiyon ng Seir na lumulusob sa Juda, at nagpatayan ang mga ito.+ 23 Nilabanan ng mga Ammonita at Moabita ang mga nakatira sa mabundok na rehiyon ng Seir+ para puksain at lipulin ang mga ito; at nang matapos sila sa mga taga-Seir, nilipol nila ang isa’t isa.+
24 Nang makarating ang Juda sa bantayan sa ilang+ at tingnan nila ang hukbo, nakita nila ang bangkay ng mga ito na nakabulagta sa lupa;+ walang nakaligtas. 25 Kaya si Jehosapat at ang kaniyang bayan ay pumunta roon para kunin ang mga samsam, at nakita nila roon ang napakaraming pag-aari, damit, at mamahaling gamit. Pinagkukuha nila ang mga ito hanggang sa halos hindi na nila ito mabitbit.+ Sa dami ng samsam, tatlong araw nilang hinakot ang mga ito. 26 Nang ikaapat na araw, nagtipon sila sa Lambak* ng Beraca para purihin* doon si Jehova. Kaya tinatawag nila ang lugar na iyon na Lambak ng Beraca*+—hanggang ngayon.
27 Pagkatapos, ang lahat ng lalaki ng Juda at ng Jerusalem, sa pangunguna ni Jehosapat, ay bumalik sa Jerusalem nang nagsasaya, dahil pinagtagumpay sila ni Jehova sa mga kaaway nila.+ 28 Kaya dumating sila sa Jerusalem na may mga instrumentong de-kuwerdas, alpa,+ at trumpeta,+ at pumasok sila sa bahay ni Jehova.+ 29 At natakot sa Diyos ang lahat ng kaharian sa mga lupain nang mabalitaan nilang nakipaglaban si Jehova sa mga kaaway ng Israel.+ 30 Kaya ang kaharian ni Jehosapat ay naging mapayapa, at patuloy siyang binigyan ng Diyos niya ng kapahingahan sa buong lupain.+
31 At si Jehosapat ay patuloy na naghari sa Juda. Siya ay 35 taóng gulang nang maging hari, at 25 taon siyang namahala sa Jerusalem. Ang kaniyang ina ay si Azuba na anak ni Silhi.+ 32 Patuloy niyang tinularan ang halimbawa ng ama niyang si Asa.+ Hindi siya lumihis doon, at ginawa niya ang tama sa paningin ni Jehova.+ 33 Pero hindi naalis ang matataas na lugar,+ at hindi pa naihahanda ng bayan ang puso nila para sa Diyos ng kanilang mga ninuno.+
34 Ang iba pang nangyari kay Jehosapat, mula sa umpisa hanggang sa katapusan, ay nasa ulat ni Jehu+ na anak ni Hanani,+ na isinama sa Aklat ng mga Hari ng Israel. 35 Pagkatapos nito, nakipag-alyansa si Haring Jehosapat ng Juda kay Haring Ahazias ng Israel, na gumawi nang napakasama.+ 36 Ginawa niya itong katuwang sa paggawa ng mga barkong pupunta sa Tarsis,+ at ginawa nila ang mga barko sa Ezion-geber.+ 37 Pero si Eliezer na anak ni Dodavahu ng Maresha ay humula laban kay Jehosapat: “Dahil nakipag-alyansa ka kay Ahazias, sisirain ni Jehova ang mga ginawa mo.”+ Kaya nawasak ang mga barko+ at hindi nakarating sa Tarsis.
21 Pagkatapos, si Jehosapat ay namatay* at inilibing na kasama ng mga ninuno niya sa Lunsod ni David; at ang anak niyang si Jehoram ang naging hari kapalit niya.+ 2 Ang mga kapatid niya, na mga anak ni Jehosapat, ay sina Azarias, Jehiel, Zacarias, Azarias, Miguel, at Sepatias; ang lahat ng ito ay mga anak ni Haring Jehosapat ng Israel. 3 At binigyan sila ng kanilang ama ng maraming regalong pilak at ginto, at mahahalagang bagay, pati ng mga napapaderang* lunsod sa Juda;+ pero ang kaharian ay ibinigay niya kay Jehoram,+ dahil ito ang panganay.
4 Nang mamahala si Jehoram sa kaharian ng kaniyang ama, pinatay niya ang lahat ng kapatid niya+ sa pamamagitan ng espada, pati na ang ilan sa matataas na opisyal ng Israel, para tumibay ang posisyon niya. 5 Si Jehoram ay 32 taóng gulang nang maging hari, at walong taon siyang namahala sa Jerusalem.+ 6 Tinularan niya ang mga hari ng Israel,+ gaya ng ginawa ng mga nasa sambahayan ni Ahab, dahil napangasawa niya ang anak ni Ahab;+ at patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova. 7 Pero hindi gustong lipulin ni Jehova ang sambahayan ni David alang-alang sa pakikipagtipan niya kay David,+ dahil nangako siyang magbibigay ng lampara kay David at sa mga anak nito at hindi ito mawawala sa kanila.+
8 Noong panahon niya, nagrebelde ang Edom sa Juda+ at nagluklok ng sarili nitong hari.+ 9 Kaya pumunta roon si Jehoram at ang mga kumandante niya kasama ang lahat ng kaniyang karwahe, at sumalakay sila nang gabi at tinalo ang mga Edomita na pumalibot sa kaniya at sa mga pinuno ng mga karwahe. 10 Pero hanggang ngayon, patuloy na nagrerebelde ang Edom sa Juda. Nagrebelde rin sa kaniya ang Libna+ nang panahong iyon, dahil iniwan niya si Jehova na Diyos ng mga ninuno niya.+ 11 Gumawa rin siya ng matataas na lugar+ sa mga bundok ng Juda para magtaksil sa Diyos* ang mga taga-Jerusalem, at iniligaw niya ng landas ang Juda.
12 Nang maglaon, may sulat na dumating sa kaniya mula sa propetang si Elias,+ na nagsasabi: “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ni David na iyong ninuno, ‘Hindi ka lumakad sa mga daan ni Jehosapat+ na iyong ama o sa mga daan ni Haring Asa+ ng Juda. 13 Sa halip, lumalakad ka sa daan ng mga hari ng Israel,+ at dahil sa iyo ay nagtaksil sa Diyos*+ ang Juda at ang mga taga-Jerusalem gaya ng pagtataksil ng sambahayan ni Ahab,+ at pinatay mo pa ang sarili mong mga kapatid,+ ang sambahayan ng iyong ama, na mas mabuti kaysa sa iyo. 14 Kaya magpapasapit si Jehova ng matinding dagok sa iyong bayan, mga anak, mga asawa, at sa lahat ng pag-aari mo. 15 At magkakaroon ka ng maraming sakit, pati ng sakit sa bituka, hanggang sa lumuwa ang bituka mo dahil sa paglala nito araw-araw.’”
16 At inudyukan ni Jehova+ ang mga Filisteo+ at ang mga Arabe+ na nakatira malapit sa mga Etiope na makipagdigma kay Jehoram. 17 Kaya nilusob nila ang Juda, pinasok nila ito, at kinuha nila ang lahat ng pag-aaring nasa bahay* ng hari,+ pati ang mga anak at mga asawa niya; at ang bunso niyang si Jehoahaz*+ lang ang naiwan sa kaniya. 18 At pagkatapos ng lahat ng ito, binigyan siya ni Jehova ng sakit sa bituka na walang lunas.+ 19 Nang maglaon, pagkalipas ng dalawang buong taon, lumuwa ang bituka niya dahil sa sakit niya, at namatay siyang naghihirap nang husto sa sakit niya; at hindi gumawa ang bayan niya ng apoy para sa kaniya, gaya ng apoy na ginawa nila para sa kaniyang mga ninuno.+ 20 Siya ay 32 taóng gulang nang maging hari, at walong taon siyang namahala sa Jerusalem. Walang nalungkot nang mamatay siya. At inilibing nila siya sa Lunsod ni David,+ pero hindi sa libingan ng mga hari.+
22 Pagkatapos, ginawang hari ng mga taga-Jerusalem ang bunso niyang anak na si Ahazias kapalit niya, dahil ang lahat ng nakatatanda ay pinatay ng grupo ng mga mandarambong na dumating sa kampo kasama ng mga Arabe.+ Kaya si Ahazias na anak ni Jehoram ay naghari sa Juda.+ 2 Si Ahazias ay 22 taóng gulang nang maging hari, at isang taon siyang namahala sa Jerusalem. Ang kaniyang ina ay si Athalia+ na apo* ni Omri.+
3 Tinularan din niya ang sambahayan ni Ahab,+ dahil ang kaniyang ina ang naging tagapayo niya sa paggawa ng masama. 4 At patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova, gaya ng sambahayan ni Ahab, dahil pagkamatay ng kaniyang ama, sila ang naging mga tagapayo niya, na ikinapahamak niya. 5 Sinunod niya ang payo nila at sumama siya kay Jehoram na anak ni Haring Ahab ng Israel para makipagdigma kay Haring Hazael+ ng Sirya sa Ramot-gilead,+ kung saan tinamaan ng mga mamamanà si Jehoram. 6 Bumalik ito sa Jezreel+ para magpagaling ng sugat na natamo nito sa Rama nang lumaban ito kay Haring Hazael ng Sirya.+
Pumunta sa Jezreel si Ahazias* na anak ni Jehoram+ na hari ng Juda para dalawin si Jehoram+ na anak ni Ahab, dahil nasugatan* ito.+ 7 Pero ginamit ng Diyos ang pagpunta ni Ahazias kay Jehoram para ipahamak siya; at nang dumating siya, sumama siya kay Jehoram sa pagsalubong sa apo* ni Nimsi na si Jehu,+ na inatasan* ni Jehova para lipulin ang sambahayan ni Ahab.+ 8 Nang simulan ni Jehu ang paglalapat ng hatol sa sambahayan ni Ahab, nakita niya ang matataas na opisyal ng Juda at ang mga anak ng mga kapatid ni Ahazias, na mga lingkod ni Ahazias, at pinatay niya sila.+ 9 Pagkatapos, hinanap niya si Ahazias; nahuli nila ito sa pinagtataguan nito sa Samaria, at dinala nila ito kay Jehu at pinatay. Pagkatapos, inilibing nila ito,+ dahil sinabi nila: “Siya ang apo ni Jehosapat, na humanap kay Jehova nang buong puso niya.”+ At walang sinuman sa sambahayan ni Ahazias ang may kapangyarihang maghari.
10 Nang malaman ni Athalia+ na ina ni Ahazias na namatay ang anak niya, pinatay niya ang lahat ng anak ng hari* sa sambahayan ng Juda.+ 11 Pero si Jehoas+ na anak ni Ahazias ay kinuha ni Jehosabet na anak ng hari at itinakas mula sa mga anak ng hari na papatayin. Itinago niya ang bata at ang yaya nito sa isang kuwarto. Naitago ng anak ni Haring Jehoram+ na si Jehosabet (siya ang asawa ng saserdoteng si Jehoiada+ at kapatid na babae ni Ahazias) ang bata mula kay Athalia, kaya hindi ito napatay ni Athalia.+ 12 Kasama nila ito nang anim na taon at nakatago sa bahay ng tunay na Diyos, habang namamahala si Athalia sa lupain.
23 Nang ikapitong taon, buong tapang na kumilos si Jehoiada at nakipagtipan sa mga pinuno ng daan-daan+—si Azarias na anak ni Jeroham, si Ismael na anak ni Jehohanan, si Azarias na anak ni Obed, si Maaseias na anak ni Adaias, at si Elisapat na anak ni Zicri. 2 Pagkatapos, lumibot sila sa buong Juda at tinipon ang mga Levita+ mula sa lahat ng lunsod ng Juda at ang mga ulo ng mga angkan ng Israel. Pagdating nila sa Jerusalem, 3 ang buong kongregasyon ay nakipagtipan+ sa hari sa bahay ng tunay na Diyos. Pagkatapos ay sinabi ni Jehoiada sa kanila:
“Makinig kayo! Mamamahala ang anak ng hari, gaya ng ipinangako ni Jehova may kinalaman sa mga anak ni David.+ 4 Ganito ang gagawin ninyo: Ang sangkatlo ng mga saserdote at mga Levita na maglilingkod+ sa araw ng Sabbath ay magiging mga bantay-pinto;+ 5 ang isa namang sangkatlo ay pupuwesto sa bahay* ng hari+ at ang isa pang sangkatlo ay sa Pintuang-Daan ng Pundasyon, at ang buong bayan ay pupuwesto sa mga looban* ng bahay ni Jehova.+ 6 Huwag kayong magpapapasok ng sinuman sa bahay ni Jehova maliban sa mga saserdote at mga Levita na naglilingkod.+ Makakapasok sila dahil sila ay banal na pangkat, at patuloy na tutuparin ng buong bayan ang obligasyon nila kay Jehova. 7 Papalibutan ng mga Levita ang hari, hawak ang mga sandata nila. Sinumang papasok sa bahay ay papatayin. Sundan ninyo ang hari kahit saan siya magpunta.”*
8 Ginawa ng mga Levita at ng buong Juda ang lahat ng iniutos ng saserdoteng si Jehoiada. Tinawag nilang lahat ang kani-kanilang mga tauhan na naglilingkod kapag Sabbath, pati ang mga hindi nakatakdang maglingkod kapag Sabbath,+ dahil hindi pinauwi ng saserdoteng si Jehoiada ang mga pangkat+ kahit tapos na sila sa tungkulin nila. 9 Pagkatapos, ibinigay ng saserdoteng si Jehoiada sa mga pinuno ng daan-daan+ ang mga sibat at ang mga pansalag* at ang bilog na mga kalasag na naging pag-aari ni Haring David+ at nasa bahay ng tunay na Diyos.+ 10 At ipinuwesto niya ang taumbayan, hawak ang kani-kaniyang sandata,* mula sa kanang panig ng bahay hanggang sa kaliwang panig ng bahay, malapit sa altar at sa bahay, sa palibot ng hari. 11 Pagkatapos, inilabas nila ang anak ng hari+ at inilagay sa ulo niya ang korona* at ang Patotoo*+ at ginawa siyang hari, at pinahiran siya ng langis ni Jehoiada at ng mga anak nito. Pagkatapos, sinabi nila: “Mabuhay ang hari!”+
12 Nang marinig ni Athalia ang ingay ng mga taong nagtatakbuhan at pumupuri sa hari, agad siyang pumunta sa mga tao sa bahay ni Jehova.+ 13 At nakita niya ang hari na nakatayo sa tabi ng haligi* sa pasukan. Kasama ng hari ang matataas na opisyal+ at ang mga tagahihip ng trumpeta, at ang buong bayan ay nagsasaya+ at humihihip ng mga trumpeta, at ang mga mang-aawit na may mga instrumentong pangmusika ang nangunguna* sa pagpuri. Pinunit ni Athalia ang kaniyang damit at sumigaw: “Sabuwatan! Sabuwatan!” 14 Pero tinawag ng saserdoteng si Jehoiada ang mga pinuno ng daan-daan, ang mga inatasang manguna sa hukbo, at sinabi sa kanila: “Ilabas ninyo siya mula sa hanay ng mga sundalo, at patayin ninyo sa pamamagitan ng espada ang sinumang susunod sa kaniya!” Dahil sinabi ng saserdote: “Huwag ninyo siyang patayin sa bahay ni Jehova.” 15 Kaya sinunggaban nila siya, at nang madala nila siya sa pasukan ng Pintuang-Daan ng mga Kabayo sa bahay* ng hari, agad nila siyang pinatay roon.
16 Pagkatapos, si Jehoiada ay gumawa ng tipan sa pagitan niya at ng buong bayan at ng hari, na patuloy silang magiging bayan ni Jehova.+ 17 Pagkatapos, pumunta ang buong bayan sa bahay* ni Baal at winasak ito,+ at pinagdurog-durog nila ang mga imahen nito,+ at pinatay nila sa harap ng mga altar si Mattan na saserdote ni Baal.+ 18 Pagkatapos, ibinigay ni Jehoiada ang pangangasiwa sa bahay ni Jehova sa mga saserdote at mga Levita, na pinagpangkat-pangkat at inatasan noon ni David sa bahay ni Jehova para maghandog ng mga haing sinusunog para kay Jehova+ ayon sa nakasulat sa Kautusan ni Moises,+ nang may pagsasaya at awit, gaya ng itinagubilin* ni David. 19 Naglagay rin siya ng mga bantay+ sa pintuang-daan ng bahay ni Jehova, para hindi makapasok ang sinumang naging marumi sa anumang dahilan. 20 Pagkatapos, isinama niya ang mga pinuno ng daan-daan,+ ang mga prominenteng tao, ang mga tagapamahala ng bayan, at ang buong bayan, at sinamahan nila ang hari mula sa bahay ni Jehova papunta sa bahay* ng hari; dumaan sila sa mataas na pintuang-daan. Pagkatapos, pinaupo nila ang hari sa trono+ ng kaharian.+ 21 Kaya nagsaya ang buong bayan at nagkaroon ng katahimikan sa lunsod, dahil pinatay nila si Athalia sa pamamagitan ng espada.
24 Pitong taóng gulang si Jehoas nang maging hari siya,+ at 40 taon siyang namahala sa Jerusalem. Ang kaniyang ina ay si Zibia na mula sa Beer-sheba.+ 2 Patuloy na ginawa ni Jehoas ang tama sa paningin ni Jehova habang nabubuhay ang saserdoteng si Jehoiada.+ 3 Pumili si Jehoiada ng dalawang asawa para kay Jehoas, at nagkaanak ito ng mga lalaki at mga babae.
4 Nang maglaon, ipinasiya* ni Jehoas na ayusin ang bahay ni Jehova.+ 5 Kaya tinipon niya ang mga saserdote at ang mga Levita at sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa mga lunsod ng Juda at mangolekta ng pera sa buong Israel para sa pagkukumpuni ng bahay ng inyong Diyos+ taon-taon. Gawin ninyo ito agad.” Pero hindi agad kumilos ang mga Levita.+ 6 Kaya tinawag ng hari ang pinunong si Jehoiada at sinabi sa kaniya:+ “Bakit hindi mo sinabihan ang mga Levita na kunin mula sa Juda at Jerusalem ang sagradong buwis na itinakda ng lingkod ni Jehova na si Moises,+ ang sagradong buwis ng kongregasyon ng Israel, para sa tolda ng Patotoo?+ 7 Pinasok ngayon ng mga anak ng napakasamang babaeng si Athalia+ ang bahay ng tunay na Diyos,+ at ginamit nila sa mga Baal ang lahat ng banal na bagay ng bahay ni Jehova.” 8 Pagkatapos, nagpagawa ang hari ng isang kahon+ at inilagay ito sa labas sa may pintuang-daan ng bahay ni Jehova.+ 9 At nagpalabas ng panawagan sa buong Juda at Jerusalem na dalhin kay Jehova ang sagradong buwis+ na ipinataw sa Israel ng lingkod ng tunay na Diyos na si Moises noong nasa ilang sila. 10 Ang lahat ng matataas na opisyal at ang buong bayan ay nagsaya,+ at patuloy silang nagdala ng mga kontribusyon at inihulog nila ang mga iyon sa kahon hanggang sa mapuno ito.*
11 Kapag ipinapasok ng mga Levita ang kahon para ibigay sa hari at nakikita nilang napakarami nang pera doon, pumupunta ang kalihim ng hari at ang kinatawan ng punong saserdote para kunin ang laman ng kahon.+ Pagkatapos, ibinabalik nila ito sa kinalalagyan nito. Iyon ang ginagawa nila araw-araw, at marami silang nakukuhang pera. 12 Pagkatapos, ibinibigay iyon ng hari at ni Jehoiada sa mga nangangasiwa sa gawain sa bahay ni Jehova, at umuupa sila ng mga tagatabas ng bato at ng mga bihasang manggagawa para ipaayos ang bahay ni Jehova,+ pati ng mga manggagawa sa bakal at sa tanso para kumpunihin ang bahay ni Jehova. 13 Ang trabaho ay sinimulan ng mga nangangasiwa sa gawain at nagpatuloy ang pagkukumpuni sa pangangasiwa nila. Ibinalik nila sa maayos na kondisyon ang bahay ng tunay na Diyos at pinatibay ito. 14 At nang matapos na sila, dinala nila sa hari at kay Jehoiada ang natirang pera, at ginamit nila ito sa paggawa ng mga kagamitan para sa bahay ni Jehova, mga kagamitan para sa paglilingkod at para sa paghahandog at mga kopa at mga kagamitang ginto at pilak.+ At regular silang naghahandog ng mga haing sinusunog+ sa bahay ni Jehova habang nabubuhay si Jehoiada.
15 Namatay si Jehoiada matapos masiyahan sa mahabang buhay; 130 taóng gulang siya nang mamatay. 16 Kaya inilibing nila siya sa Lunsod ni David kasama ng mga hari,+ dahil gumawa siya ng mabuti sa Israel+ para sa tunay na Diyos at sa bahay Niya.
17 Pagkamatay ni Jehoiada, dumating ang matataas na opisyal ng Juda at yumukod sa hari, at nakinig ang hari sa kanila. 18 Iniwan nila ang bahay ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno at nagsimula silang maglingkod sa mga sagradong poste* at sa mga idolo. Nagalit ang Diyos* sa Juda at sa Jerusalem dahil sa kasalanan nila. 19 Paulit-ulit siyang nagsugo sa kanila ng mga propeta para manumbalik sila kay Jehova, at patuloy na nagbabala* sa kanila ang mga ito, pero hindi sila nakinig.+
20 Napuspos* ng espiritu ng Diyos si Zacarias na anak ng saserdoteng si Jehoiada,+ at tumayo siya sa harap ng bayan at sinabi niya: “Ito ang sinabi ng tunay na Diyos, ‘Bakit ninyo nilalabag ang mga utos ni Jehova? Hindi kayo magtatagumpay! Iniwan ninyo si Jehova, kaya iiwan niya kayo.’”+ 21 Pero nagsabuwatan sila laban sa kaniya+ at pinagbabato nila siya sa looban* ng bahay ni Jehova gaya ng iniutos ng hari.+ 22 Hindi inalaala ni Haring Jehoas ang tapat na pag-ibig na ipinakita sa kaniya ni Jehoiada na ama ni Zacarias. Pinatay niya ang anak nito, na nagsabi bago mamatay: “Parusahan ka nawa ni Jehova sa ginawa mo.”+
23 Sa pasimula ng taon,* lumusob ang hukbo ng Sirya laban kay Jehoas, at sinalakay nila ang Juda at Jerusalem.+ Pagkatapos, pinatay nila ang lahat ng matataas na opisyal+ ng bayan, at ipinadala nila sa hari ng Damasco ang lahat ng nasamsam nila. 24 Kaunti lang ang mga sundalo ng hukbong Siryano na sumalakay, pero ibinigay ni Jehova sa kamay nila ang isang napakalaking hukbo,+ dahil iniwan ng mga ito si Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno; kaya naglapat sila* ng hatol kay Jehoas. 25 At nang iwan nila siya (iniwan nila siyang sugatán*), nagsabuwatan laban sa kaniya ang sarili niyang mga lingkod dahil pinatay niya ang mga anak* ng saserdoteng si Jehoiada.+ Pinatay nila siya sa sarili niyang higaan.+ Kaya inilibing nila siya sa Lunsod ni David,+ pero hindi sa libingan ng mga hari.+
26 Ito ang mga nagsabuwatan+ laban sa kaniya: si Zabad na anak ni Simeat na babaeng Ammonita at si Jehozabad na anak ni Simrit na babaeng Moabita. 27 Ang mga ulat tungkol sa mga anak niya at sa maraming mensahe ng paghatol laban sa kaniya+ at sa pag-aayos* ng bahay ng tunay na Diyos+ ay nasa mga akda* ng Aklat ng mga Hari. At ang anak niyang si Amazias ang naging hari kapalit niya.
25 Si Amazias ay 25 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya nang 29 na taon sa Jerusalem. Ang kaniyang ina ay si Jehoadan ng Jerusalem.+ 2 Patuloy niyang ginawa ang tama sa paningin ni Jehova, pero hindi nang buong puso. 3 Nang matatag na ang paghahari niya, pinatay niya ang mga lingkod niyang pumatay sa kaniyang amang hari.+ 4 Pero hindi niya pinatay ang mga anak nila. Sinunod niya ang utos na ito ni Jehova na nakasulat sa Kautusan, sa aklat ni Moises: “Ang ama ay hindi dapat mamatay dahil sa anak niya, at ang anak ay hindi dapat mamatay dahil sa ama niya; ang bawat isa ay mamamatay dahil sa sarili niyang kasalanan.”+
5 At tinipon ni Amazias ang Juda at pinatayo sila ayon sa kani-kanilang angkan, sa pamamahala ng mga pinuno ng libo-libo at ng mga pinuno ng daan-daan. Ginawa niya ito sa buong Juda at Benjamin.+ Inirehistro niya ang mga edad 20 pataas,+ at umabot sa 300,000 ang mga sinanay na* mandirigma na maglilingkod sa hukbo, mga bihasa sa paggamit ng sibat at malaking kalasag. 6 Umupa rin siya mula sa Israel ng 100,000 malalakas na mandirigma sa halagang 100 talento* ng pilak. 7 Pero isang lingkod ng tunay na Diyos ang pumunta sa kaniya at nagsabi: “O hari, huwag mong pasamahin sa iyo ang hukbo ng Israel, dahil wala ang suporta ni Jehova sa Israel+ o sa sinumang Efraimita. 8 Ikaw lang ang makipaglaban, kumilos ka, at lakasan mo ang loob mo sa pakikipagdigma. Kung hindi, maibubuwal ka ng tunay na Diyos sa harap ng kaaway, dahil may kapangyarihan ang Diyos na tumulong+ at magbuwal.” 9 Sinabi ni Amazias sa lingkod ng tunay na Diyos: “Pero paano na ang 100 talento na ibinigay ko sa hukbo ng Israel?” Sumagot ang lingkod ng tunay na Diyos: “Higit pa roon ang kayang ibigay sa iyo ni Jehova.”+ 10 Kaya pinauwi ni Amazias ang hukbong nanggaling sa Efraim. Pero galit na galit sila sa Juda, kaya umuwi silang nagngingitngit.
11 Pagkatapos, buong tapang na pinangunahan ni Amazias ang kaniyang hukbo papunta sa Lambak ng Asin,+ at 10,000 lalaki ng Seir ang napatay niya.+ 12 Nakabihag din ang mga lalaki ng Juda ng 10,000. Kaya dinala nila ang mga ito sa tuktok ng malaking bato at inihagis ang mga ito mula roon, at nagkalasog-lasog ang katawan ng lahat ng ito. 13 Pero ang mga sundalong pinauwi ni Amazias at hindi pinasama sa digmaan+ ay sumalakay sa mga lunsod ng Juda, mula sa Samaria+ hanggang sa Bet-horon;+ 3,000 ang napatay nila roon at kumuha sila ng napakaraming samsam.
14 Pero pagbalik ni Amazias mula sa pagpapabagsak sa mga Edomita, dinala niya ang mga diyos ng mga lalaki ng Seir at sinamba ang mga iyon.+ Nagsimula siyang yumukod sa mga ito at gumawa ng haing usok para sa mga ito. 15 Dahil diyan, galit na galit si Jehova kay Amazias, kaya nagsugo siya ng propeta para sabihin dito: “Bakit ka sumusunod sa mga diyos na ito na hindi nakapagligtas ng sarili nilang bayan mula sa kamay mo?”+ 16 Habang sinasabi niya ito, sinabi ng hari: “Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari?+ Tumigil ka!+ Gusto mo bang ipapatay kita?” Kaya tumigil ang propeta, pero sinabi niya: “Alam kong ipinasiya ng Diyos na puksain ka dahil sa ginawa mo at dahil hindi ka nakinig sa payo ko.”+
17 Matapos sumangguni sa mga tagapayo niya, si Haring Amazias ng Juda ay nagpadala ng ganitong mensahe kay Jehoas na anak ni Jehoahaz na anak ni Jehu na hari ng Israel: “Magharap tayo sa digmaan.”+ 18 Nagpadala ng ganitong mensahe si Haring Jehoas ng Israel para kay Haring Amazias ng Juda: “Ang matinik na panirang-damo sa Lebanon ay nagpadala ng ganitong mensahe sa sedro sa Lebanon, ‘Ibigay mo ang anak mong babae sa anak ko bilang asawa.’ Pero isang mabangis na hayop ng Lebanon ang dumaan at tinapakan ang matinik na panirang-damo. 19 Sinabi mo, ‘Napabagsak ko* ang Edom.’+ Kaya nagmamalaki ka, at gusto mong luwalhatiin ka. Pero diyan ka na lang sa bahay* mo. Bakit ka naghahanap ng kapahamakan na magpapabagsak sa iyo at sa Juda?”
20 Pero hindi nakinig si Amazias,+ dahil gusto ng tunay na Diyos na maibigay sila sa kamay ng kaaway,+ dahil sumunod sila sa mga diyos ng Edom.+ 21 Kaya sumalakay si Haring Jehoas ng Israel, at naglaban sila ni Haring Amazias ng Juda sa Bet-semes,+ na sakop ng Juda. 22 Natalo ng Israel ang Juda, kaya nagsitakas ang mga ito sa kani-kaniyang bahay.* 23 Nabihag ni Haring Jehoas ng Israel si Haring Amazias ng Juda, na anak ni Jehoas na anak ni Jehoahaz,* sa Bet-semes. Pagkatapos, dinala niya ito sa Jerusalem, at winasak niya ang pader ng Jerusalem mula sa Pintuang-Daan ng Efraim+ hanggang sa Panulukang Pintuang-Daan,+ 400 siko.* 24 Kinuha niya ang lahat ng ginto at pilak at ang lahat ng kagamitan sa bahay ng tunay na Diyos na nasa pangangalaga ni* Obed-edom at ang lahat ng nasa kabang-yaman ng bahay* ng hari,+ pati ang mga bihag. Pagkatapos, bumalik siya sa Samaria.
25 Si Amazias+ na anak ni Jehoas na hari ng Juda ay nabuhay pa nang 15 taon pagkamatay ni Jehoas+ na anak ni Jehoahaz na hari ng Israel.+ 26 Ang iba pang nangyari kay Amazias, mula sa umpisa hanggang sa katapusan, ay nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at ng Israel. 27 Mula nang tumigil si Amazias sa pagsunod kay Jehova, nagsabuwatan sila+ laban sa kaniya sa Jerusalem, at tumakas siya papuntang Lakis, pero pinasundan nila siya sa Lakis at pinatay roon. 28 Iniuwi nila siya sakay ng kabayo at inilibing kasama ng mga ninuno niya sa lunsod ng Juda.
26 Pagkatapos, kinuha ng buong bayan ng Juda si Uzias,+ na 16 na taóng gulang, at ginawa nila siyang hari kapalit ng ama niyang si Amazias.+ 2 Muli niyang itinayo ang Elot+ at ibinalik ito sa Juda pagkamatay ng* hari.*+ 3 Si Uzias+ ay 16 na taóng gulang nang maging hari, at 52 taon siyang namahala sa Jerusalem. Ang kaniyang ina ay si Jecolias ng Jerusalem.+ 4 Patuloy niyang ginawa ang tama sa paningin ni Jehova, gaya ng ginawa ng ama niyang si Amazias.+ 5 At patuloy niyang hinanap ang Diyos noong panahon ni Zacarias, na nagturo sa kaniya na matakot sa tunay na Diyos. Noong hinahanap niya si Jehova, pinasagana siya ng tunay na Diyos.+
6 Nakipaglaban siya sa mga Filisteo+ at sinira niya ang pader ng Gat,+ ang pader ng Jabne,+ at ang pader ng Asdod+ at pinasok ang mga ito. Pagkatapos, nagtayo siya ng mga lunsod sa teritoryo ng Asdod at ng mga Filisteo. 7 Patuloy siyang tinulungan ng tunay na Diyos sa pakikipaglaban sa mga Filisteo, sa mga Arabe+ na nakatira sa Gurbaal, at sa mga Meunim. 8 Ang mga Ammonita+ ay nagsimulang magbigay ng tributo* kay Uzias. Nang maglaon, naging kilala siya hanggang sa Ehipto, dahil naging napakamakapangyarihan niya. 9 Bukod diyan, nagtayo si Uzias ng mga tore+ sa Jerusalem sa tabi ng Panulukang Pintuang-Daan,+ Pintuang-Daan ng Lambak,+ at ng Sumusuportang Haligi, at pinatatag niya ang mga iyon. 10 Nagtayo rin siya ng mga tore+ sa ilang at humukay* ng maraming imbakan ng tubig (dahil napakarami niyang alagang hayop); ganoon din ang ginawa niya sa Sepela at sa kapatagan.* Mayroon siyang mga magsasaka at mga tagapag-alaga ng ubasan sa mga bundok at sa Carmel, dahil hilig niya ang agrikultura.
11 Bukod diyan, nagkaroon si Uzias ng hukbong sinanay na mabuti sa digmaan. Nakikipagdigma sila nang pangkat-pangkat. Binilang sila at inirehistro+ ng kalihim+ na si Jeiel at ng opisyal na si Maaseias, sa ilalim ng pangangasiwa ni Hananias, na isa sa matataas na opisyal ng hari. 12 Lahat-lahat, ang mga ulo ng mga angkan na namamahala sa malalakas na mandirigmang ito ay 2,600. 13 Ang hukbo na nasa pangangasiwa nila ay binubuo ng 307,500 lalaking handa sa digmaan, isang malakas na hukbong sumusuporta sa hari laban sa mga kaaway.+ 14 Binigyan ni Uzias ang buong hukbo ng mga kalasag, sibat,+ helmet, kutamaya,*+ pana, at mga batong panghilagpos.+ 15 Bukod diyan, gumawa siya sa Jerusalem ng mga makinang pandigma na dinisenyo ng mga inhinyero; nakapuwesto ang mga iyon sa mga tore+ at sa mga kanto ng mga pader. Nakapagpapahilagpos ang mga iyon ng mga palaso at malalaking bato. Kaya naging kilala siya kahit sa malalayong lupain, dahil malaking tulong ang natanggap niya at naging makapangyarihan siya.
16 Pero nang makapangyarihan na siya, naging mapagmataas siya at ito ang nagpahamak sa kaniya. Hindi siya naging tapat sa Diyos niyang si Jehova nang pumasok siya sa templo ni Jehova para magsunog ng insenso sa altar ng insenso.+ 17 Agad siyang sinundan ng saserdoteng si Azarias at ng 80 iba pang magigiting na saserdote ni Jehova. 18 Hinarap nila si Haring Uzias at sinabi sa kaniya: “Uzias, hindi ikaw ang dapat magsunog ng insenso para kay Jehova!+ Mga saserdote lang ang dapat magsunog ng insenso, dahil sila ang mga inapo ni Aaron,+ ang mga pinabanal. Lumabas ka sa santuwaryo dahil hindi ka naging tapat, at hindi ka tatanggap ng kaluwalhatian mula sa Diyos na Jehova sa ginawa mo.”
19 Pero nagalit+ si Uzias, na nasa tabi ng altar ng insenso sa bahay ni Jehova at may hawak na insensaryo para magsunog ng insenso. At habang nag-iinit siya sa galit sa mga saserdote, bigla siyang nagkaketong+ sa noo sa harap ng mga saserdote. 20 Nang tingnan siya ng punong saserdoteng si Azarias at ng lahat ng saserdote, nakita nila ang ketong sa noo niya! Kaya inilabas nila siya agad; siya mismo ay nagmamadaling lumabas, dahil pinarusahan siya ni Jehova.
21 Si Haring Uzias ay nanatiling ketongin hanggang sa araw na mamatay siya; nanatili siya sa hiwalay na bahay at hindi na pinayagang pumunta sa bahay ni Jehova dahil sa ketong+ niya. Ang anak niyang si Jotam ang nangasiwa sa bahay* ng hari at humatol sa bayan.+
22 At ang iba pang nangyari kay Uzias, mula sa umpisa hanggang sa katapusan, ay isinulat ng propetang si Isaias+ na anak ni Amoz. 23 Pagkatapos, si Uzias ay namatay* at inilibing nila siyang kasama ng mga ninuno niya, pero sa isang parang na pag-aari ng mga hari,* dahil sinabi nila: “Ketongin siya.” At ang anak niyang si Jotam+ ang naging hari kapalit niya.
27 Si Jotam+ ay 25 taóng gulang nang maging hari, at 16 na taon siyang namahala sa Jerusalem. Ang kaniyang ina ay si Jerusah na anak ni Zadok.+ 2 Patuloy niyang ginawa ang tama sa paningin ni Jehova, gaya ng ginawa ng ama niyang si Uzias,+ maliban sa hindi niya pinasok ang templo ni Jehova.+ Pero ang bayan ay gumagawi pa rin nang kapaha-pahamak. 3 Itinayo niya ang mataas na pintuang-daan ng bahay ni Jehova,+ at pinatibay niya ang pader ng Opel.+ 4 Nagtayo rin siya ng mga lunsod+ sa mabundok na rehiyon ng Juda,+ at nagtayo siya ng mga tanggulan+ at mga tore+ sa mga kakahuyan. 5 Nakipagdigma siya sa hari ng mga Ammonita+ at nang maglaon ay natalo niya sila, kaya ang mga Ammonita ay nagbigay sa kaniya nang taóng iyon ng 100 talento* ng pilak, 10,000 kor* ng trigo, at 10,000 kor ng sebada. Ganito rin ang ibinayad sa kaniya ng mga Ammonita sa ikalawa at ikatlong taon.+ 6 Patuloy na naging makapangyarihan si Jotam, dahil determinado siyang lumakad sa mga daan ng Diyos niyang si Jehova.
7 Ang iba pang nangyari kay Jotam, ang lahat ng kaniyang pakikipagdigma at mga ginawa, ay nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Israel at ng Juda.+ 8 Siya ay 25 taóng gulang nang maging hari, at 16 na taon siyang namahala sa Jerusalem.+ 9 Pagkatapos, si Jotam ay namatay,* at inilibing nila siya sa Lunsod ni David.+ At ang anak niyang si Ahaz ang naging hari kapalit niya.+
28 Si Ahaz+ ay 20 taóng gulang nang maging hari, at 16 na taon siyang namahala sa Jerusalem. Hindi niya ginawa ang tama sa paningin ni Jehova; hindi niya tinularan ang ninuno niyang si David.+ 2 Sa halip, tinularan niya ang mga hari ng Israel,+ at gumawa pa nga siya ng metal na estatuwa+ ng mga Baal. 3 Gumawa rin siya ng haing usok sa Lambak ng Anak ni Hinom* at sinunog ang mga anak niya;+ tinularan niya ang kasuklam-suklam na mga gawain ng mga bansang+ itinaboy ni Jehova mula sa harap ng mga Israelita. 4 Patuloy rin siyang naghandog at gumawa ng haing usok sa matataas na lugar,+ sa mga burol, at sa ilalim ng bawat mayabong na puno.+
5 Dahil dito, ibinigay siya ng Diyos niyang si Jehova sa kamay ng hari ng Sirya,+ kaya natalo nila siya. Kumuha sila ng maraming bihag at dinala nila ang mga ito sa Damasco.+ Ibinigay rin siya sa kamay ng hari ng Israel, na pumatay ng marami sa hukbo niya. 6 Si Peka+ na anak ni Remalias ay pumatay ng 120,000 sa Juda sa isang araw, lahat ay magigiting na lalaki, dahil iniwan nila si Jehova na Diyos ng mga ninuno nila.+ 7 At pinatay ni Zicri, na isang mandirigmang Efraimita, ang anak ng hari na si Maaseias at si Azrikam, na namamahala sa palasyo,* at si Elkana, na pumapangalawa sa hari. 8 Bukod diyan, bumihag ang mga Israelita ng 200,000 sa kanilang mga kapatid—mga babae, mga anak na lalaki, at mga anak na babae; napakarami rin nilang nasamsam, at dinala nila ang mga ito sa Samaria.+
9 Pero isang propeta ni Jehova na nagngangalang Oded ang naroon. Sinalubong niya ang hukbong papunta sa Samaria at sinabi sa kanila: “Galit sa Juda si Jehova na Diyos ng inyong mga ninuno kaya ibinigay niya sila sa inyong kamay,+ at pinagpapatay ninyo sila nang may matinding galit na umabot hanggang sa langit. 10 At ngayon ay gusto ninyong gawing mga alilang lalaki at babae ang mga taga-Juda at taga-Jerusalem.+ Hindi ba may kasalanan din kayo kay Jehova na inyong Diyos? 11 Ngayon ay makinig kayo sa akin at ibalik ninyo ang mga binihag ninyo mula sa inyong mga kapatid, dahil nag-aapoy ang galit sa inyo ni Jehova.”
12 At ang ilan sa mga pinuno ng mga Efraimita, si Azarias na anak ni Jehohanan, si Berekias na anak ni Mesilemot, si Jehizkias na anak ni Salum, at si Amasa na anak ni Hadlai, ay sumalubong sa mga dumarating mula sa pakikipagdigma, 13 at sinabi nila sa mga ito: “Huwag ninyong dalhin dito ang mga bihag, dahil magkakasala tayo kay Jehova. Sa iniisip ninyong gawin, madaragdagan lang ang kasalanan natin. Napakalaki na ng kasalanan natin at nag-aapoy ang galit ng Diyos sa Israel.” 14 Kaya ibinigay ng nasasandatahang mga sundalo sa matataas na opisyal at sa buong kongregasyon ang mga bihag at ang nasamsam nila.+ 15 Kinuha ng mga lalaking inatasan ang mga bihag, at binigyan nila ng damit mula sa samsam ang mga walang damit. Dinamtan nila ang mga ito at binigyan ng mga sandalyas, pagkain at inumin, at langis para sa balat. Bukod diyan, isinakay nila sa mga asno ang mahihina at dinala sa mga kapatid ng mga ito sa Jerico, na lunsod ng mga puno ng palma. Pagkatapos, bumalik sila sa Samaria.
16 Nang panahong iyon, humingi ng tulong si Haring Ahaz sa mga hari ng Asirya.+ 17 At muling sumalakay sa Juda ang mga Edomita at kumuha ng mga bihag. 18 Lumusob din ang mga Filisteo+ sa mga lunsod ng Sepela+ at sa Negeb ng Juda at sinakop ang Bet-semes,+ Aijalon,+ Gederot, ang Soco at ang katabing mga nayon nito,* ang Timnah+ at ang katabing mga nayon nito, at ang Gimzo at ang katabing mga nayon nito; at tumira sila roon. 19 Ibinaba ni Jehova ang Juda dahil kay Haring Ahaz ng Israel, dahil hinayaan nitong magpakasama ang Juda at nakagawa sila ng malaking kataksilan kay Jehova.
20 Nang maglaon, kinalaban siya at pinahirapan+ ni Haring Tilgat-pilneser+ ng Asirya sa halip na tulungan siya. 21 Kinuha ni Ahaz ang mga kayamanan sa bahay ni Jehova at sa bahay* ng hari+ at sa mga bahay ng matataas na opisyal at binigyan niya ng regalo ang hari ng Asirya; pero hindi iyon nakatulong sa kaniya. 22 At sa panahong nagigipit siya, lalo pang naging di-tapat si Haring Ahaz kay Jehova. 23 Naghandog siya sa mga diyos ng Damasco+ na tumalo sa kaniya,+ at sinabi niya: “Ang mga hari ng Sirya ay tinutulungan ng mga diyos nila, kaya maghahandog ako sa mga diyos nila para tulungan ako ng mga iyon.”+ Pero dahil sa mga iyon, bumagsak siya at ang buong Israel. 24 Tinipon din ni Ahaz ang mga kagamitan sa bahay ng tunay na Diyos; pagkatapos, pinagputol-putol niya ang mga kagamitan sa bahay ng tunay na Diyos,+ isinara niya ang mga pinto ng bahay ni Jehova,+ at gumawa siya ng mga altar sa bawat kanto ng Jerusalem. 25 At sa lahat ng lunsod ng Juda, gumawa siya ng matataas na lugar para sa paggawa ng haing usok sa ibang mga diyos,+ at ginalit niya si Jehova na Diyos ng kaniyang mga ninuno.
26 Ang iba pang nangyari sa kaniya, ang lahat ng ginawa niya mula sa umpisa hanggang sa katapusan, ay nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at ng Israel.+ 27 Pagkatapos, si Ahaz ay namatay,* at inilibing nila siya sa lunsod, sa Jerusalem, pero hindi sa libingan ng mga hari ng Israel.+ At ang anak niyang si Hezekias ang naging hari kapalit niya.
29 Si Hezekias+ ay naging hari sa edad na 25, at 29 na taon siyang namahala sa Jerusalem. Ang kaniyang ina ay si Abias na anak ni Zacarias.+ 2 Patuloy niyang ginawa ang tama sa paningin ni Jehova,+ gaya ng ginawa ng ninuno niyang si David.+ 3 Sa unang taon ng pamamahala niya, nang unang buwan, binuksan niya ang mga pinto ng bahay ni Jehova at kinumpuni ang mga iyon.+ 4 Pagkatapos, dinala niya ang mga saserdote at ang mga Levita at tinipon sila sa liwasan* sa silangan. 5 Sinabi niya sa kanila: “Makinig kayo sa akin, mga Levita. Pabanalin ninyo ngayon ang inyong sarili+ at pabanalin ninyo ang bahay ni Jehova na Diyos ng inyong mga ninuno, at alisin ninyo ang maruruming bagay sa banal na lugar.+ 6 Dahil hindi naging tapat ang mga ama natin at ginawa nila ang masama sa paningin ng Diyos nating si Jehova.+ Iniwan nila siya. Tinalikuran nila si Jehova at ang tabernakulo niya.+ 7 Isinara din nila ang mga pinto ng beranda+ at pinatay ang mga lampara.+ Hindi na sila nagsusunog ng insenso+ at naghahandog ng mga haing sinusunog+ sa banal na lugar para sa Diyos ng Israel. 8 Kaya nagalit si Jehova sa Juda at Jerusalem,+ at ginawa niya silang nakapangingilabot at nakakagulat at isang bagay na hinahamak,* gaya ng nakikita ng sarili ninyong mga mata.+ 9 Kaya namatay sa espada ang mga ninuno natin,+ at binihag ang mga anak nating lalaki at babae at ang mga asawa natin.+ 10 Ngayon ay gusto kong makipagtipan kay Jehova na Diyos ng Israel+ para mawala ang nag-aapoy na galit niya sa atin. 11 Mga anak ko, hindi ngayon ang panahon para magpabaya,* dahil pinili kayo ni Jehova para tumayo sa harap niya, maglingkod sa kaniya,+ at magsunog ng mga handog.”+
12 Kaya kumilos ang mga Levitang ito: si Mahat na anak ni Amasai at si Joel na anak ni Azarias ng mga Kohatita;+ sa mga Merarita,+ si Kis na anak ni Abdi at si Azarias na anak ni Jehalelel; sa mga Gersonita,+ si Joa na anak ni Zima at si Eden na anak ni Joa; 13 sa mga anak ni Elisapan, sina Simri at Jeuel; sa mga anak ni Asap,+ sina Zacarias at Matanias; 14 sa mga anak ni Heman,+ sina Jehiel at Simei; sa mga anak ni Jedutun,+ sina Semaias at Uziel. 15 Pagkatapos, tinipon nila ang kanilang mga kapatid at pinabanal ang kanilang sarili at dumating sila, gaya ng utos ng hari ayon sa mga salita ni Jehova, para linisin ang bahay ni Jehova.+ 16 Pagkatapos, pumasok ang mga saserdote sa bahay ni Jehova para maglinis, at inilabas nila ang lahat ng maruruming bagay* na nakita nila sa templo ni Jehova at dinala iyon sa looban*+ ng bahay ni Jehova. Kinuha naman ito ng mga Levita at dinala sa labas, sa Lambak ng Kidron.+ 17 Sinimulan nila ang pagpapabanal sa unang araw ng unang buwan, at noong ikawalong araw ng buwan ay umabot sila sa beranda ni Jehova.+ Pinabanal nila ang bahay ni Jehova sa loob ng walong araw, at noong ika-16 na araw ng unang buwan ay natapos sila.
18 Pagkatapos, pumunta sila kay Haring Hezekias at nagsabi: “Nalinis na namin ang buong bahay ni Jehova, ang altar ng handog na sinusunog+ at ang lahat ng kagamitan nito,+ at ang mesa ng magkakapatong na tinapay*+ at ang lahat ng kagamitan nito. 19 At ang lahat ng kagamitang inalis ni Haring Ahaz nang magtaksil siya sa Diyos noong panahon ng paghahari niya+ ay inihanda namin at pinabanal,+ at naroon ang mga iyon sa harap ng altar ni Jehova.”
20 At bumangon nang maaga si Haring Hezekias at tinipon ang matataas na opisyal ng lunsod, at pumunta sila sa bahay ni Jehova. 21 Nagdala sila ng pitong toro,* pitong lalaking tupa, pitong lalaking kordero,* at pitong lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan alang-alang sa kaharian, sa santuwaryo, at sa Juda.+ Kaya sinabi niya sa mga saserdote, na mga inapo ni Aaron, na ihandog ang mga iyon sa altar ni Jehova. 22 Pagkatapos, pinatay nila ang mga baka,+ at kinuha ng mga saserdote ang dugo at iwinisik iyon sa altar;+ pagkatapos, pinatay nila ang mga lalaking tupa at iwinisik ang dugo sa altar, at pinatay nila ang mga lalaking kordero at iwinisik ang dugo sa altar. 23 At ang mga lalaking kambing na handog para sa kasalanan ay dinala nila sa harap ng hari at ng kongregasyon at ipinatong nila ang mga kamay nila sa mga iyon. 24 Pinatay ng mga saserdote ang mga iyon at inialay bilang handog para sa kasalanan. Inilagay nila ang dugo ng mga iyon sa altar bilang pambayad-sala para sa buong Israel, dahil sinabi ng hari na ang handog na sinusunog at ang handog para sa kasalanan ay para sa buong Israel.
25 Samantala, ipinuwesto niya sa bahay ni Jehova ang mga Levita, na may mga simbalo,* instrumentong de-kuwerdas, at alpa,+ ayon sa utos ni David+ at ng lingkod ng hari na si Gad+ na nakakakita ng pangitain at ng propetang si Natan,+ dahil ang utos ay galing kay Jehova sa pamamagitan ng mga propeta niya. 26 Kaya ang mga Levita ay nakatayo na may mga instrumento ni David, at ang mga saserdote ay may mga trumpeta.+
27 Pagkatapos, iniutos ni Hezekias na ihandog sa altar ang haing sinusunog.+ Nang simulan ang pag-aalay sa handog na sinusunog, nagsimula ang awit kay Jehova pati ang paghihip sa mga trumpeta, sa saliw ng mga instrumento ni Haring David ng Israel. 28 At ang buong kongregasyon ay nakayukod habang kinakanta ang awit at hinihipan ang mga trumpeta—nagpatuloy ang lahat ng ito hanggang sa matapos ang pag-aalay ng handog na sinusunog. 29 At nang matapos nila ang paghahandog, ang hari at ang lahat ng kasama niya ay yumukod at sumubsob. 30 Inutusan ngayon ni Haring Hezekias at ng matataas na opisyal ang mga Levita na purihin si Jehova sa pamamagitan ng mga awit ni David+ at ni Asap+ na nakakakita ng pangitain. Kaya masayang-masaya silang pumuri, at yumukod sila at sumubsob.
31 Pagkatapos, sinabi ni Hezekias: “Ngayong ibinukod na kayo* para kay Jehova, magdala kayo ng mga hain at ng mga handog ng pasasalamat sa bahay ni Jehova.” Kaya ang kongregasyon ay nagdala ng mga hain at mga handog ng pasasalamat, at ang ilan ay kusang-loob na nagdala ng mga handog na sinusunog.+ 32 Ang mga handog na sinusunog na dinala ng kongregasyon ay 70 baka, 100 lalaking tupa, 200 lalaking kordero—ang lahat ng ito ay handog na sinusunog para kay Jehova+— 33 at ang mga banal na handog ay 600 baka at 3,000 tupa. 34 Pero hindi sapat ang bilang ng mga saserdote na magbabalat ng lahat ng handog na sinusunog, kaya tinulungan sila ng mga kapatid nilang Levita+ hanggang sa matapos ang gawain at hanggang sa mapabanal ng mga saserdote ang sarili nila,+ dahil mas seryoso ang* mga Levita sa pagpapabanal ng kanilang sarili kaysa sa mga saserdote. 35 Marami ring handog na sinusunog,+ pati taba ng mga haing pansalo-salo+ at mga handog na inumin na kasama ng mga handog na sinusunog.+ Sa gayon, naibalik* ang paglilingkod sa bahay ni Jehova. 36 Kaya nagsaya si Hezekias at ang buong bayan dahil sa ginawa ng tunay na Diyos para sa bayan,+ at dahil mabilis na nangyari ang lahat ng ito.
30 Nagpadala si Hezekias ng mensahe sa buong Israel+ at Juda, at sumulat pa nga siya ng mga liham para sa Efraim at Manases,+ para papuntahin sila sa bahay ni Jehova sa Jerusalem at ipagdiwang ang Paskuwa para kay Jehova na Diyos ng Israel.+ 2 Pero ipinasiya ng hari, ng kaniyang matataas na opisyal, at ng buong kongregasyon sa Jerusalem na ipagdiwang ang Paskuwa sa ikalawang buwan;+ 3 hindi nila ito naipagdiwang sa takdang panahon+ dahil hindi sapat ang bilang ng mga saserdote na nagpabanal ng kanilang sarili+ at hindi pa natitipon ang bayan sa Jerusalem. 4 Nagustuhan ng hari at ng buong kongregasyon ang kaayusang ito. 5 Kaya nagpasiya silang magpadala ng mensahe sa buong Israel, mula sa Beer-sheba hanggang sa Dan,+ na ang bayan ay dapat pumunta sa Jerusalem at magdiwang doon ng Paskuwa para kay Jehova na Diyos ng Israel, dahil hindi pa nila iyon nagagawa bilang isang grupo ayon sa nasusulat.+
6 At ang mga mensahero* ay lumibot sa buong Israel at Juda dala ang mga liham mula sa hari at sa kaniyang matataas na opisyal, gaya ng iniutos ng hari. Sinasabi sa liham: “Bayang Israel, magbalik-loob kayo kay Jehova na Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, para muli siyang magpakita ng lingap sa mga natira at nakatakas mula sa kamay ng mga hari ng Asirya.+ 7 Huwag ninyong tularan ang mga ninuno at ang mga kapatid ninyo na hindi naging tapat kay Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno, kaya ginawa niya silang isang bagay na nakapangingilabot, gaya ng nakikita ninyo.+ 8 Ngayon ay huwag ninyong tularan ang katigasan ng ulo ng mga ninuno ninyo.+ Magpasakop kayo kay Jehova at pumunta kayo sa kaniyang santuwaryo+ na ginawa niyang banal magpakailanman at maglingkod kayo sa Diyos ninyong si Jehova, para mawala ang nag-aapoy na galit niya sa inyo.+ 9 Dahil kung magbabalik-loob kayo kay Jehova, ang mga kapatid at ang mga anak ninyo ay kaaawaan ng mga bumihag sa kanila+ at papahintulutang bumalik sa lupaing ito,+ dahil ang Diyos ninyong si Jehova ay mapagmalasakit* at maawain,+ at hindi niya kayo tatalikuran kung magbabalik-loob kayo sa kaniya.”+
10 Kaya ang mga mensahero* ay nagpunta sa bawat lunsod sa buong lupain ng Efraim at Manases,+ maging hanggang sa Zebulon, pero pinagtatawanan sila at iniinsulto ng mga tao.+ 11 Pero may ilan mula sa Aser, Manases, at Zebulon na nagpakumbaba at pumunta sa Jerusalem.+ 12 Ginabayan din ng kamay ng tunay na Diyos ang Juda para magkaisa sila* sa pagtupad sa iniutos ng hari at ng matataas na opisyal ayon sa sinabi ni Jehova.
13 Nagtipon sa Jerusalem ang napakaraming tao para ipagdiwang ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa+ sa ikalawang buwan;+ isa itong napakalaking kongregasyon. 14 Inalis nila ang mga altar na nasa Jerusalem,+ at inalis nila ang lahat ng altar ng insenso+ at itinapon ang mga ito sa Lambak ng Kidron. 15 Pagkatapos, pinatay nila ang hain para sa Paskuwa noong ika-14 na araw ng ikalawang buwan. Nahiya ang mga saserdote at ang mga Levita, kaya pinabanal nila ang kanilang sarili at nagdala sila ng mga handog na sinusunog sa bahay ni Jehova. 16 Pumuwesto sila sa mga lugar na itinakda para sa kanila, ayon sa Kautusan ni Moises na lingkod ng tunay na Diyos; pagkatapos, iwinisik ng mga saserdote ang dugong+ ibinigay ng mga Levita. 17 Marami sa kongregasyon ang hindi pa nakapagpabanal ng sarili nila, at ang mga Levita ang inatasang pumatay ng mga hayop na ihahain sa Paskuwa para sa lahat ng hindi malinis,+ para pabanalin sila para kay Jehova. 18 Dahil marami sa bayan, lalo na sa Efraim, Manases,+ Isacar, at Zebulon, ang hindi pa nakapaglinis ng sarili pero kumain ng hain para sa Paskuwa, na salungat sa nasusulat. Pero nanalangin si Hezekias para sa kanila: “Pagpaumanhinan nawa ni Jehova, na mabuti,+ 19 ang bawat isa na naghanda ng kaniyang puso para hanapin ang tunay na Diyos,+ si Jehova, na Diyos ng kaniyang mga ninuno, kahit hindi pa siya malinis batay sa pamantayan ng kabanalan.”+ 20 At nakinig si Jehova kay Hezekias at pinagpaumanhinan* ang bayan.
21 Kaya napakasayang ipinagdiwang+ ng mga Israelitang nasa Jerusalem ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa+ nang pitong araw, at ang mga Levita at mga saserdote ay pumupuri kay Jehova araw-araw, habang pinatutugtog nang malakas ang mga instrumento nila para kay Jehova.+ 22 Bukod diyan, kinausap at pinatibay ni Hezekias ang* lahat ng Levita na naglingkod kay Jehova nang may karunungan. At kumain sila sa buong panahon ng kapistahan sa loob ng pitong araw;+ naghahandog sila ng mga haing pansalo-salo+ at nagpapasalamat kay Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno.
23 Pagkatapos, nagpasiya ang buong kongregasyon na ipagdiwang ito nang pitong araw pa, kaya masaya nila itong ipinagdiwang nang pitong araw pa.+ 24 At si Haring Hezekias ng Juda ay nag-abuloy para sa kongregasyon ng 1,000 toro* at 7,000 tupa, at ang matataas na opisyal ay nag-abuloy para sa kongregasyon ng 1,000 toro at 10,000 tupa;+ at maraming saserdote ang nagpapabanal ng sarili nila.+ 25 At patuloy na nagsaya ang buong kongregasyon ng Juda, ang mga saserdote, ang mga Levita, ang buong kongregasyon mula sa Israel,+ at ang mga dayuhang naninirahan+ sa lupain ng Israel at ng Juda. 26 Napakasaya sa Jerusalem, dahil mula noong panahon ni Solomon na anak ni David na hari ng Israel, ngayon lang nangyari ang ganito sa Jerusalem.+ 27 Bandang huli, tumayo ang mga saserdoteng Levita at pinagpala ang bayan;+ at pinakinggan ng Diyos ang tinig nila, at ang panalangin nila ay nakarating sa kaniyang banal na tahanan, sa langit.
31 Nang matapos nila ang lahat ng ito, ang lahat ng Israelitang naroon ay nagpunta sa mga lunsod ng Juda, at pinagdurog-durog nila ang mga sagradong haligi,+ pinutol ang mga sagradong poste,*+ at giniba ang matataas na lugar+ at ang mga altar+ sa buong Juda at Benjamin, pati sa Efraim at Manases,+ hanggang sa mawasak nila ang lahat ng ito. At bumalik ang lahat ng Israelita sa kanilang mga lunsod, sa kani-kanilang pag-aari.
2 Pagkatapos, inatasan ni Hezekias ang mga saserdote sa mga pangkat nila+ at ang mga Levita sa mga pangkat nila;+ binigyan niya ng kani-kaniyang atas ng paglilingkod ang bawat isa sa mga saserdote at mga Levita.+ Mag-aalay sila ng mga handog na sinusunog at ng mga haing pansalo-salo, maglilingkod, at magbibigay ng pasasalamat at papuri sa mga pintuang-daan ng mga looban* ni Jehova.+ 3 Nagbigay ang hari mula sa sarili niyang pag-aari para sa mga handog na sinusunog,+ kasama na ang mga handog sa umaga at sa gabi,+ pati ang mga handog na sinusunog para sa mga Sabbath,+ mga bagong buwan,+ at mga kapistahan,+ ayon sa nakasulat sa Kautusan ni Jehova.
4 Bukod diyan, inutusan niya ang mga nakatira sa Jerusalem na ibigay sa mga saserdote at mga Levita ang takdang bahagi nila,+ para masunod nilang mabuti* ang kautusan ni Jehova. 5 Pagkalabas ng utos, nagbigay ang mga Israelita ng maraming unang bunga ng butil, bagong alak, langis,+ at pulot-pukyutan, at ng lahat ng bunga ng lupain;+ bukas-palad nilang ibinigay ang ikasampu ng lahat ng bagay.+ 6 At ang mga taga-Israel at taga-Juda na nakatira sa mga lunsod ng Juda ay nagdala rin ng ikasampu ng mga baka at mga tupa at ng ikasampu ng mga banal na bagay+ na pinabanal para sa Diyos nilang si Jehova. Kaya napakarami nilang natipong handog. 7 Nagsimula silang magtipon ng mga handog noong ikatlong buwan,+ at natapos sila noong ikapitong buwan.+ 8 Nang dumating si Hezekias at ang matataas na opisyal at makita ang napakaraming handog, pinuri nila si Jehova at pinagpala ang bayan niyang Israel.
9 Tinanong ni Hezekias ang mga saserdote at mga Levita tungkol sa napakaraming handog, 10 at sinabi sa kaniya ni Azarias na punong saserdote mula sa sambahayan ni Zadok: “Mula nang magdala sila ng mga abuloy sa bahay ni Jehova,+ laging sagana sa pagkain ang bayan at marami pang sobra, dahil pinagpala ni Jehova ang bayan niya, at ganito pa karami ang natira.”+
11 Kaya inutusan sila ni Hezekias na maghanda ng mga imbakan*+ sa bahay ni Jehova, at inihanda nila ang mga iyon. 12 Lagi silang nagdadala ng mga abuloy, ng mga ikasampung bahagi,*+ at ng mga banal na bagay; ang Levitang si Conanias ang inatasang mangasiwa sa lahat ng ito, at ang kapatid niyang si Simei ang pumapangalawa sa kaniya. 13 Sina Jehiel, Azazias, Nahat, Asahel, Jerimot, Jozabad, Eliel, Ismakias, Mahat, at Benaias ay mga komisyonadong tumutulong kay Conanias at sa kapatid niyang si Simei, sa utos ni Haring Hezekias, at si Azarias ang nangangasiwa sa bahay ng tunay na Diyos. 14 At ang anak ni Imnah na si Kore, ang Levita na nagbabantay sa pintuang-daan sa gawing silangan,+ ang nangangasiwa sa kusang-loob na mga handog+ sa tunay na Diyos, at ipinamamahagi niya ang mga abuloy kay Jehova+ at ang mga kabanal-banalang bagay.+ 15 At nasa ilalim ng pangangasiwa niya sina Eden, Miniamin, Jesua, Semaias, Amarias, at Secanias, sa mga lunsod ng mga saserdote;+ ipinagkatiwala sa kanila ang atas na mamahagi nang pantay-pantay sa mga kapatid nila sa mga pangkat,+ sa nakabababa at sa nakatataas. 16 Bukod pa ito sa ipinamamahagi sa mga nakalista sa talaangkanan, ang mga lalaking pumupunta sa bahay ni Jehova araw-araw para maglingkod at gampanan ang mga atas ng pangkat nila at ang mga anak nila na edad tatlo pataas.
17 Ang mga saserdote ay nakatala ayon sa kanilang mga angkan,+ gaya rin ng sa mga Levita na edad 20 pataas,+ ayon sa mga atas ng pangkat nila.+ 18 Nakalista rin sa talaangkanan ang lahat ng kanilang asawa, anak na lalaki, at anak na babae, kahit ang maliliit nilang anak, ang buo nilang kongregasyon—dahil iningatan nilang banal ang kanilang sarili para sa bagay na banal dahil sa atas na ipinagkatiwala sa kanila— 19 pati ang mga inapo ni Aaron, ang mga saserdoteng nakatira sa mga pastulan sa palibot ng mga lunsod nila.+ Sa lahat ng lunsod, may mga lalaking inatasan para mamahagi sa lahat ng lalaki sa mga pamilya ng mga saserdote at sa lahat ng nakalista sa talaangkanan ng mga Levita.
20 Ganiyan ang ginawa ni Hezekias sa buong Juda, at patuloy niyang ginawa ang mabuti at tama sa paningin ng Diyos niyang si Jehova at nanatili siyang tapat sa Kaniya. 21 At ang lahat ng ginawa niya para hanapin ang kaniyang Diyos, may kaugnayan man ito sa paglilingkod sa bahay ng tunay na Diyos+ o sa Kautusan at mga batas, ay ginawa niya nang buong puso, at nagtagumpay siya.
32 Pagkatapos gawin ni Hezekias ang mga bagay na ito at ipakita ang katapatan niya,+ dumating si Haring Senakerib ng Asirya at sinalakay ang Juda. Pinalibutan ng hukbo niya ang mga napapaderang* lunsod, at determinado silang pasukin at sakupin ang mga ito.+
2 Nang makita ni Hezekias na dumating si Senakerib para makipagdigma sa Jerusalem, 3 ipinasiya niya, matapos sumangguni sa kaniyang matataas na opisyal at mga mandirigma, na harangan ang pag-agos ng tubig mula sa mga bukal sa labas ng lunsod,+ at sinuportahan nila siya. 4 Marami ang nagtulong-tulong, at hinarangan nila ang lahat ng bukal at ang ilog na umaagos sa lupain. Sinabi nila: “Hindi dapat makakita ng maraming tubig ang mga hari ng Asirya pagdating nila dito.”
5 Gayundin, buong tapang niyang itinayong muli ang lahat ng bahagi ng pader na nagiba at naglagay siya ng mga tore sa ibabaw nito, at sa labas ay gumawa siya ng isa pang pader. Kinumpuni rin niya ang Gulod*+ ng Lunsod ni David, at gumawa siya ng maraming sandata* at kalasag. 6 Pagkatapos, nag-atas siya ng mga pinuno ng militar na mangunguna sa bayan, at tinipon niya sila sa liwasan* ng pintuang-daan ng lunsod at pinatibay sila.* Sinabi niya: 7 “Lakasan ninyo ang loob ninyo at magpakatatag kayo. Huwag kayong matakot o masindak sa hari ng Asirya+ at sa malaking hukbo na kasama niya, dahil mas marami ang kasama natin kaysa sa kasama niya.+ 8 Lakas lang ng tao* ang nasa panig niya, pero ang Diyos nating si Jehova ang kasama natin para tulungan tayo at ipakipaglaban ang ating mga digmaan.”+ At ang bayan ay napatibay sa mga sinabi ni Haring Hezekias ng Juda.+
9 Pagkatapos, habang nasa Lakis si Haring Senakerib ng Asirya+ kasama ang buong hukbo niya, nagsugo siya ng mga lingkod niya sa Jerusalem, kay Haring Hezekias ng Juda at sa lahat ng Judeano sa Jerusalem+ para sabihin:
10 “Ito ang sinabi ni Haring Senakerib ng Asirya, ‘Saan ba kayo nagtitiwala at ayaw pa rin ninyong umalis kahit napapalibutan na ang Jerusalem?+ 11 Niloloko lang kayo ni Hezekias nang sabihin niya: “Ililigtas tayo ng Diyos nating si Jehova sa kamay ng hari ng Asirya.”+ Dahil ang totoo, mamamatay kayo sa gutom at uhaw. 12 Hindi ba siya rin ang Hezekias na nag-alis ng matataas na lugar+ at ng mga altar ng inyong Diyos*+ at pagkatapos ay nagsabi sa Juda at Jerusalem: “Yumukod kayo sa harap ng isang altar at magsunog kayo roon ng mga handog”?+ 13 Hindi ba ninyo alam kung ano ang ginawa ko at ng mga ninuno ko sa lahat ng bayan ng ibang lupain?+ Nailigtas ba ng mga diyos ng mga bansang iyon ang lupain nila mula sa kamay ko?+ 14 Sino sa lahat ng diyos ng mga bansang iyon na nilipol ng mga ninuno ko ang nakapagligtas ng bayan niya mula sa kamay ko para isipin ninyong maililigtas kayo ng Diyos ninyo mula sa kamay ko?+ 15 Huwag kayong magpaloko o magpadaya nang ganiyan kay Hezekias!+ Huwag kayong maniwala sa kaniya, dahil walang diyos ng alinmang bansa o kaharian ang nakapagligtas ng bayan niya mula sa kamay ko at ng mga ninuno ko. Kaya hindi rin kayo maililigtas ng Diyos ninyo mula sa kamay ko!’”+
16 At ininsulto pa ng mga lingkod niya si Jehova na tunay na Diyos at ang lingkod ng Diyos na si Hezekias. 17 Sumulat din siya ng mga liham+ para insultuhin at hamakin si Jehova na Diyos ng Israel.+ Sinasabi nito: “Tulad ng mga diyos ng mga bansa ng ibang lupain na hindi nakapagligtas sa bayan nila mula sa kamay ko,+ hindi rin ililigtas ng Diyos ni Hezekias ang bayan niya mula sa kamay ko.” 18 Patuloy silang sumisigaw sa bayan ng Jerusalem na nasa may pader sa wika ng mga Judio, para takutin at sindakin ang mga ito at masakop nila ang lunsod.+ 19 Ininsulto nila ang Diyos ng Jerusalem gaya ng pang-iinsulto nila sa mga diyos ng ibang mga bansa, na gawa ng mga kamay ng tao. 20 Pero si Haring Hezekias at ang propetang si Isaias+ na anak ni Amoz ay patuloy na nanalangin tungkol dito at humingi ng tulong sa langit.+
21 Pagkatapos, nagsugo si Jehova ng isang anghel at nilipol ang lahat ng malalakas na mandirigma,+ lider, at pinuno sa kampo ng hari ng Asirya, kaya bumalik ang hari sa sarili niyang lupain na punô ng kahihiyan. Nang maglaon, pumasok siya sa bahay* ng kaniyang diyos, at pinatay siya roon ng ilan sa mga anak niya sa pamamagitan ng espada.+ 22 Gayon iniligtas ni Jehova si Hezekias at ang mga taga-Jerusalem mula sa kamay ni Haring Senakerib ng Asirya at mula sa kamay ng lahat ng iba pa, at binigyan niya sila ng kapahingahan sa buong lupain. 23 At maraming nagdala ng mga regalo kay Jehova sa Jerusalem at ng magagandang bagay kay Haring Hezekias ng Juda,+ at labis siyang iginalang ng lahat ng bansa pagkatapos nito.
24 Nang panahong iyon, nagkasakit si Hezekias at malapit nang mamatay, at nanalangin siya kay Jehova.+ Sinagot siya ng Diyos at binigyan ng isang tanda.+ 25 Pero hindi pinahalagahan ni Hezekias ang kabutihang ginawa sa kaniya, dahil naging mapagmataas siya.* Dahil dito, ang Diyos ay nagalit sa kaniya, pati sa Juda at Jerusalem. 26 Pero nagsisi si Hezekias sa pagiging mapagmataas niya at nagpakumbaba,+ siya at ang mga taga-Jerusalem. At hindi nila natikman ang galit ni Jehova noong panahon ni Hezekias.+
27 At nagkaroon si Hezekias ng malaking kayamanan at kaluwalhatian;+ at gumawa siya ng sarili niyang mga imbakan+ ng pilak, ginto, mamahaling bato, langis ng balsamo, kalasag, at ng lahat ng mahahalagang bagay. 28 Gumawa rin siya ng mga imbakan para sa aning butil at bagong alak at langis, pati ng mga kulungan para sa iba’t ibang uri ng hayop at mga kulungan para sa mga kawan. 29 Nagkaroon din siya ng mga lunsod at ng napakaraming alagang hayop, kawan, at bakahan, dahil binigyan siya ng Diyos ng napakaraming pag-aari. 30 Si Hezekias ang naglihis ng tubig mula sa bukal+ ng Gihon+ sa itaas para umagos ito pababa sa kanluran papunta sa Lunsod ni David,+ at si Hezekias ay nagtagumpay sa lahat ng ginawa niya. 31 Pero nang ipadala ang mga tagapagsalita ng matataas na opisyal ng Babilonya para tanungin siya tungkol sa tanda+ na nangyari sa lupain,+ hinayaan siya ng tunay na Diyos na gawin ang gusto niya para mailagay siya sa pagsubok,+ para malaman ang lahat ng nasa puso niya.+
32 Ang iba pang nangyari kay Hezekias at ang ipinakita niyang tapat na pag-ibig+ ay nasa ulat ng pangitain ng propetang si Isaias,+ na anak ni Amoz, sa Aklat ng mga Hari ng Juda at ng Israel.+ 33 Pagkatapos, si Hezekias ay namatay,* at inilibing nila siya sa dalisdis na papunta sa libingan ng mga anak ni David;+ at pinarangalan siya ng buong Juda at ng mga taga-Jerusalem sa kaniyang kamatayan. At ang anak niyang si Manases ang naging hari kapalit niya.
33 Si Manases+ ay 12 taóng gulang nang maging hari, at 55 taon siyang namahala sa Jerusalem.+
2 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Jehova at tinularan ang kasuklam-suklam na mga gawain ng mga bansang pinalayas ni Jehova mula sa harap ng Israel.+ 3 Muli niyang itinayo ang matataas na lugar na giniba ng ama niyang si Hezekias,+ nagtayo siya ng mga altar para sa mga Baal at gumawa ng mga sagradong poste,* at yumukod siya sa buong hukbo ng langit at naglingkod sa mga ito.+ 4 Nagtayo rin siya ng mga altar sa bahay ni Jehova,+ ang bahay na tinutukoy ni Jehova nang sabihin niya: “Sa Jerusalem mananatili ang pangalan ko magpakailanman.”+ 5 At nagtayo siya ng mga altar para sa buong hukbo ng langit sa dalawang looban* ng bahay ni Jehova.+ 6 At sinunog niya ang sarili niyang mga anak bilang handog+ sa Lambak ng Anak ni Hinom;+ nagsagawa siya ng mahika,+ panghuhula, at pangkukulam,* at nag-atas siya ng mga espiritista at manghuhula.+ Napakarami niyang ginawang masama sa paningin ni Jehova para galitin siya.
7 Ang inukit na imaheng ginawa niya ay ipinasok niya sa bahay ng tunay na Diyos+ na tinutukoy ng Diyos nang sabihin Niya kay David at sa anak nitong si Solomon: “Permanente kong ilalagay ang pangalan ko sa bahay na ito at sa Jerusalem, na pinili ko mula sa lahat ng tribo ng Israel.+ 8 At hindi ko aalisin ang Israel* sa lupaing ibinigay ko sa mga ninuno nila kung susundin nilang mabuti ang lahat ng iniutos ko sa kanila, ang buong Kautusan, mga tuntunin, at mga hudisyal na pasiya na ibinigay ko sa pamamagitan ni Moises.” 9 Patuloy na iniligaw ni Manases ang Juda at ang mga taga-Jerusalem, kaya mas masahol pa ang ginawa nila kaysa sa ginawa ng mga bansang nilipol ni Jehova sa harap ng mga Israelita.+
10 Patuloy na kinausap ni Jehova si Manases at ang bayan niya, pero hindi sila nagbigay-pansin.+ 11 Kaya pinasalakay sa kanila ni Jehova ang mga pinuno ng hukbo ng hari ng Asirya, at binihag ng mga ito si Manases gamit ang mga pangawit* at iginapos ng dalawang kadenang tanso at dinala sa Babilonya. 12 Sa paghihirap niya, nagmakaawa siya sa* Diyos niyang si Jehova at patuloy na nagpakumbaba nang husto sa Diyos ng kaniyang mga ninuno. 13 Patuloy siyang nanalangin sa Diyos, at naawa ang Diyos sa kaniya dahil sa mga pakiusap niya at dininig ng Diyos ang pagmamakaawa niya at ibinalik siya sa Jerusalem para muling maghari.+ At nalaman ni Manases na si Jehova ang tunay na Diyos.+
14 Pagkatapos nito, nagtayo siya ng pader sa labas ng Lunsod ni David+ sa kanluran ng Gihon+ na nasa lambak* na umabot sa Pintuang-Daan ng mga Isda,+ at itinuloy niya ito sa palibot ng lunsod hanggang sa Opel;+ ginawa niya itong napakataas. Nag-atas din siya ng mga pinuno ng hukbo sa lahat ng napapaderang* lunsod sa Juda. 15 At inalis niya ang mga diyos ng mga banyaga at ang idolo sa bahay ni Jehova+ at ang lahat ng altar na itinayo niya sa bundok ng bahay ni Jehova+ at sa Jerusalem; pagkatapos, ipinatapon niya ang mga iyon sa labas ng lunsod. 16 Inihanda rin niya ang altar ni Jehova+ at naghandog siya roon ng mga haing pansalo-salo+ at mga hain ng pasasalamat,+ at sinabi niya sa Juda na paglingkuran si Jehova na Diyos ng Israel. 17 Gayunman, naghahandog pa rin ang bayan sa matataas na lugar, pero para lang sa Diyos nilang si Jehova.
18 Ang iba pang nangyari kay Manases, ang panalangin niya sa kaniyang Diyos, at ang mga sinabi sa kaniya ng mga nakakakita ng pangitain sa ngalan ni Jehova na Diyos ng Israel ay nakasulat sa kasaysayan ng mga hari ng Israel. 19 Pati ang panalangin niya+ at kung paano ipinagkaloob ang kahilingan niya, ang lahat ng kasalanan niya at pagtataksil,+ ang mga lugar na pinagtayuan niya ng matataas na lugar at pinaglagyan ng mga sagradong poste*+ at mga inukit na imahen bago siya nagpakumbaba ay nasa ulat ng mga nakakakita ng pangitain. 20 Pagkatapos, si Manases ay namatay,* at inilibing nila siya sa bahay niya; at ang anak niyang si Amon ang naging hari kapalit niya.+
21 Si Amon+ ay 22 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya nang dalawang taon sa Jerusalem.+ 22 At patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova, gaya ng ginawa ng ama niyang si Manases;+ at naghandog si Amon sa lahat ng inukit na imaheng ginawa ng ama niyang si Manases,+ at patuloy siyang naglingkod sa mga iyon. 23 Pero hindi siya nagpakumbaba kay Jehova+ gaya ng ama niyang si Manases na nagpakumbaba;+ sa halip, dinagdagan pa ni Amon ang mga kasalanan niya. 24 Bandang huli, nagsabuwatan ang mga lingkod niya laban sa kaniya+ at pinatay siya sa sarili niyang bahay. 25 Pero pinatay ng bayan ang lahat ng nagsabuwatan laban kay Haring Amon,+ at ginawa nilang hari ang anak niyang si Josias+ kapalit niya.
34 Walong taóng gulang si Josias+ nang maging hari, at namahala siya nang 31 taon sa Jerusalem.+ 2 Ginawa niya ang tama sa paningin ni Jehova at lumakad siya sa mga daan ng ninuno niyang si David, at hindi siya lumihis sa kanan o sa kaliwa.
3 Nang ika-8 taon ng paghahari niya, noong bata pa siya, sinimulan niyang hanapin ang Diyos ng ninuno niyang si David.+ At noong ika-12 taon, sinimulan niyang linisin ang Juda at Jerusalem;+ inalis niya ang matataas na lugar+ at ang mga sagradong poste,* inukit na imahen,+ at metal na estatuwa. 4 Bukod diyan, giniba nila sa harap niya ang mga altar ng mga Baal, at pinutol niya ang mga patungan ng insenso na nasa ibabaw ng mga ito. Pinagdurog-durog din niya ang mga sagradong poste,* inukit na imahen, at metal na estatuwa at pinulbos ang mga ito at isinaboy sa ibabaw ng libingan ng mga dating naghahandog sa mga iyon.+ 5 At sinunog niya ang buto ng mga saserdote sa ibabaw ng mga altar ng mga ito.+ Sa gayon, nalinis niya ang Juda at ang Jerusalem.
6 At sa mga lunsod ng Manases, Efraim,+ Simeon, at hanggang sa Neptali, sa mga wasak na lugar sa palibot ng mga ito, 7 giniba niya ang mga altar at pinagdurog-durog at pinulbos ang mga sagradong poste* at inukit na imahen;+ at pinutol niya ang lahat ng patungan ng insenso sa buong lupain ng Israel.+ Pagkatapos, bumalik siya sa Jerusalem.
8 Noong ika-18 taon ng paghahari niya, nang malinis na niya ang lupain at ang templo,* isinugo niya ang anak ni Azalias na si Sapan,+ ang pinuno ng lunsod na si Maaseias, at ang tagapagtala na si Joa na anak ni Joahaz para kumpunihin ang bahay ni Jehova na kaniyang Diyos.+ 9 Pinuntahan nila ang mataas na saserdoteng si Hilkias at ibinigay sa kaniya ang perang dinala sa bahay ng Diyos, na kinolekta ng mga Levita na nagbabantay sa pinto mula sa Manases, Efraim, at sa lahat ng iba pa sa Israel,+ pati sa Juda, Benjamin, at sa mga nakatira sa Jerusalem. 10 Pagkatapos, ibinigay nila ito sa mga inatasang mangasiwa sa gawain sa bahay ni Jehova. Ginamit naman ito ng mga manggagawa sa bahay ni Jehova para ayusin at kumpunihin ang bahay. 11 Ibinigay nila ito sa mga bihasang manggagawa at sa mga tagapagtayo para ipambili ng mga batong tinabas at mga kahoy na gagamiting pansuporta at para lagyan ng mga biga ang mga bahay na hinayaang masira ng mga hari ng Juda.+
12 Nagtrabaho nang tapat ang mga lalaki.+ Inatasang mangasiwa sa kanila ang mga Levitang sina Jahat at Obadias na mga Merarita,+ at sina Zacarias at Mesulam na mga Kohatita.+ At ang mga Levita, na lahat ay mahuhusay na manunugtog,+ 13 ang nangangasiwa sa karaniwang mga manggagawa* at sa lahat ng gumagawa ng iba’t ibang paglilingkod; at ang ilan sa mga Levita ay mga kalihim, opisyal, at bantay ng pintuang-daan.+
14 Habang inilalabas nila ang perang dinala sa bahay ni Jehova,+ nakita ng saserdoteng si Hilkias ang aklat ng Kautusan ni Jehova+ na ibinigay sa pamamagitan* ni Moises.+ 15 Kaya sinabi ni Hilkias sa kalihim na si Sapan: “Nakita ko sa bahay ni Jehova ang aklat ng Kautusan.” At ibinigay ni Hilkias kay Sapan ang aklat. 16 Pagkatapos, dinala ni Sapan sa hari ang aklat at sinabi: “Ginagawa ng mga lingkod mo ang lahat ng iniatas sa kanila. 17 Kinuha nila ang perang nasa bahay ni Jehova, at ibinigay nila iyon sa mga inatasan at sa mga manggagawa.” 18 Sinabi rin ng kalihim na si Sapan sa hari: “May aklat na ibinigay sa akin ang saserdoteng si Hilkias.”+ At binasa iyon ni Sapan sa harap ng hari.+
19 Nang marinig ng hari ang sinasabi sa Kautusan, pinunit niya ang damit niya.+ 20 Pagkatapos, inutusan ng hari si Hilkias, si Ahikam+ na anak ni Sapan, si Abdon na anak ni Mikas, ang kalihim na si Sapan, at ang lingkod ng hari na si Asaias: 21 “Sumangguni kayo kay Jehova alang-alang sa akin at alang-alang sa mga natira sa Israel at sa Juda tungkol sa mga sinasabi sa aklat na ito na natagpuan; matindi ang galit na ibubuhos sa atin ni Jehova dahil hindi sinunod ng mga ninuno natin ang salita ni Jehova; hindi nila ginawa ang lahat ng nakasulat sa aklat na ito.”+
22 Kaya si Hilkias, kasama ang mga isinugo ng hari, ay pumunta sa propetisang+ si Hulda. Siya ay asawa ng tagapag-ingat ng bihisan na si Salum na anak ni Tikva na anak ni Harhas. Nakatira si Hulda sa Ikalawang Distrito ng Jerusalem; at nakipag-usap sila sa kaniya roon.+ 23 Sinabi niya sa kanila: “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Sabihin ninyo sa lalaking nagsugo sa inyo: 24 “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Magdadala ako ng kapahamakan sa lugar na ito at sa mga nakatira dito,+ ang lahat ng sumpang nakasulat sa aklat+ na binasa nila sa harap ng hari ng Juda. 25 Dahil iniwan nila ako+ at nagsusunog sila ng mga handog sa ibang mga diyos para galitin ako+ sa pamamagitan ng lahat ng gawa ng kanilang kamay, ibubuhos ko ang galit ko sa lugar na ito at hindi ito mapapawi.’”+ 26 Pero ito ang sasabihin ninyo sa hari ng Juda na nagsugo sa inyo para sumangguni kay Jehova, “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel tungkol sa mga salitang narinig mo:+ 27 ‘Dahil maamo ka* at nagpakumbaba ka sa harap ng Diyos nang marinig mo ang sinabi niya tungkol sa lugar na ito at sa mga nakatira dito at nagpakumbaba ka sa harap ko at pinunit mo ang damit mo at umiyak ka sa harap ko, pinakinggan din kita,+ ang sabi ni Jehova. 28 Kaya hindi mo makikita ang lahat ng kapahamakang pasasapitin ko sa lugar na ito at sa mga nakatira dito. Mamamatay ka* at ihihigang payapa sa libingan mo.’”’”+
Pagkatapos, iniulat nila sa hari ang sinabi ng propetisa. 29 Kaya ipinatawag ng hari ang lahat ng matatandang lalaki ng Juda at Jerusalem.+ 30 Pagkatapos, pumunta ang hari sa bahay ni Jehova kasama ang lahat ng lalaki ng Juda, ang mga nakatira sa Jerusalem, ang mga saserdote, ang mga Levita—ang lahat ng tao, ang nakabababa at ang nakatataas. Binasa niya sa kanila ang lahat ng nakasulat sa aklat ng tipan na nakita sa bahay ni Jehova.+ 31 Nanatiling nakatayo ang hari, at nakipagtipan siya*+ kay Jehova na susundin niya si Jehova at tutuparin ang Kaniyang mga utos, paalaala, at tuntunin nang kaniyang buong puso at buong kaluluwa+ sa pamamagitan ng pagsunod sa tipan na nakasulat sa aklat na ito.+ 32 Bukod diyan, hinikayat niya ang lahat ng nasa Jerusalem at Benjamin na sundin ang tipan. At sumunod ang mga taga-Jerusalem sa tipan ng Diyos, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.+ 33 Pagkatapos, inalis ni Josias ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay* sa lahat ng lupain ng mga Israelita,+ at inudyukan niya ang lahat sa Israel na maglingkod kay Jehova na kanilang Diyos. Sa buong buhay niya,* hindi sila lumihis sa pagsunod kay Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno.
35 Nagdaos si Josias ng isang Paskuwa+ para kay Jehova sa Jerusalem, at pinatay nila ang hain para sa Paskuwa+ noong ika-14 na araw ng unang buwan.+ 2 Inatasan niya ang mga saserdote sa kanilang mga tungkulin at pinatibay silang gampanan ang mga atas nila sa bahay ni Jehova.+ 3 Pagkatapos, sinabi niya sa mga Levita, na mga tagapagturo sa buong Israel+ at mga banal para kay Jehova: “Ilagay ninyo ang banal na Kaban sa bahay na itinayo ni Solomon na anak ni David na hari ng Israel;+ hindi na ninyo iyon bubuhatin sa mga balikat ninyo.+ Maglingkod kayo ngayon kay Jehova na inyong Diyos at sa bayan niyang Israel. 4 At maghanda kayo para sa paglilingkod ayon sa inyong mga angkan at ayon sa inyong mga pangkat, kaayon ng isinulat ni Haring David+ ng Israel at ng anak niyang si Solomon.+ 5 Tumayo kayo sa banal na lugar nang nakapangkat ayon sa mga angkan ng bayan,* na mga kapatid ninyo; bawat pangkat ay dapat na may isang grupo mula sa angkan ng mga Levita. 6 Patayin ninyo ang hain para sa Paskuwa+ at pabanalin ang inyong sarili at maghanda kayo para sa inyong mga kapatid nang masunod ninyo ang sinabi ni Jehova sa pamamagitan ni Moises.”
7 Nag-abuloy si Josias sa bayan ng mga kawan, mga lalaking kordero* at mga batang kambing na lalaki, para ihandog sa Paskuwa para sa lahat ng naroon. Lahat ng iyon ay 30,000, at nag-abuloy rin siya ng 3,000 baka. Mula ito sa mga pag-aari ng hari.+ 8 Nagbigay rin ang kaniyang matataas na opisyal ng kusang-loob na handog para sa bayan, sa mga saserdote, at sa mga Levita. Sina Hilkias,+ Zacarias, at Jehiel, ang mga pinuno sa bahay ng tunay na Diyos, ay nagbigay sa mga saserdote ng 2,600 hain para sa Paskuwa at 300 baka. 9 Si Conanias at ang mga kapatid niyang sina Semaias at Netanel, pati sina Hasabias, Jeiel, at Jozabad, na mga pinuno ng mga Levita, ay nag-abuloy sa mga Levita ng 5,000 hain para sa Paskuwa at 500 baka.
10 Natapos ang mga paghahanda, at tumayo ang mga saserdote sa mga puwesto nila at ang mga Levita ayon sa pangkat nila,+ gaya ng iniutos ng hari. 11 Pinatay nila ang mga hain para sa Paskuwa,+ at iwinisik ng mga saserdote ang dugo na tinanggap ng mga ito mula sa kanila,+ habang binabalatan ng mga Levita ang mga hayop.+ 12 Pagkatapos, inihanda nila ang mga handog na sinusunog para ipamahagi sa bayan, na nakapangkat ayon sa angkan, para maihandog kay Jehova ang mga iyon ayon sa nakasulat sa aklat ni Moises; at ganoon din ang ginawa nila sa mga baka. 13 Niluto* nila ang hain para sa Paskuwa sa ibabaw ng apoy ayon sa kaugalian;+ at niluto nila ang mga banal na handog sa mga kaldero, kawali, at iba pang lutuan. Pagkaluto, dinala nila ito agad sa mga tao. 14 Pagkatapos, naghanda sila para sa kanilang sarili at para sa mga saserdote, dahil ang mga saserdote, ang mga inapo ni Aaron, ay naghahandog ng mga haing sinusunog at ng mga taba hanggang gabi, kaya ang mga Levita ang naghanda para sa sarili nila at para sa mga saserdote, ang mga inapo ni Aaron.
15 At ang mga mang-aawit, na mga anak ni Asap,+ ay nasa mga puwesto nila ayon sa utos ni David,+ ni Asap,+ ni Heman, at ng lingkod ng hari na si Jedutun+ na nakakakita ng pangitain; at ang mga bantay ay nasa iba’t ibang pintuang-daan.+ Hindi na nila kinailangang iwan ang atas nila, dahil ang mga kapatid nilang Levita ang naghanda para sa kanila. 16 Kaya natapos nila sa araw na iyon ang lahat ng ipinahahanda ni Jehova para sa pagdiriwang ng Paskuwa+ at para sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog sa altar ni Jehova, ayon sa utos ni Haring Josias.+
17 Ang mga Israelita na naroon ay nagdiwang ng Paskuwa nang panahong iyon at ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa sa loob ng pitong araw.+ 18 Hindi pa kailanman naipagdiwang nang ganoon ang Paskuwa sa Israel mula nang panahon ng propetang si Samuel; hindi pa rin kailanman naipagdiwang ng ibang hari ng Israel ang Paskuwa na gaya ng ginawa ni Josias,+ ng mga saserdote, ng mga Levita, ng buong Juda at Israel na naroon, at ng mga taga-Jerusalem. 19 Ipinagdiwang ang Paskuwang ito noong ika-18 taon ng paghahari ni Josias.
20 Pagkatapos ng lahat ng ito, nang maayos na ni Josias ang templo,* pumunta si Haring Neco+ ng Ehipto sa Carkemis sa tabi ng Eufrates para makipagdigma. At hinarap siya ni Josias.+ 21 Kaya nagsugo siya ng mga mensahero para sabihin kay Josias: “Ano ang kinalaman mo rito, hari ng Juda? Hindi ako pumunta rito para makipaglaban sa iyo ngayon; sa ibang sambahayan ako makikipaglaban, at sinabi ng Diyos na kailangan kong magmadali. Para sa ikabubuti mo, huwag mong labanan ang Diyos, na sumasaakin; mapapahamak ka lang.” 22 Pero ayaw umatras ni Josias; hindi siya nakinig sa sinabi ni Neco, na nagmula sa bibig ng Diyos, at nagbalatkayo siya+ para labanan ito. Kaya pumunta siya sa Kapatagan ng Megido+ at nakipagdigma.
23 At natamaan ng mga mamamanà si Haring Josias, kaya sinabi ng hari sa mga lingkod niya: “Ilayo ninyo ako rito. Malubha ang sugat ko.” 24 Kaya kinuha siya ng mga lingkod niya sa karwahe at inilipat sa kaniyang ikalawang karwaheng pandigma at dinala sa Jerusalem. At namatay siya at inilibing sa libingan ng mga ninuno niya,+ at nagdalamhati ang buong Juda at Jerusalem para kay Josias. 25 Umawit si Jeremias+ ng awit ng pagdadalamhati para kay Josias. Hanggang ngayon, patuloy na inaawit ng lahat ng lalaki at babaeng mang-aawit+ ang awit ng pagdadalamhati tungkol kay Josias; at naging kaugalian* sa Israel na awitin ang mga iyon, at nakasulat ang mga iyon sa aklat ng mga awit ng pagdadalamhati.
26 Ang iba pang nangyari kay Josias at ang ipinakita niyang tapat na pag-ibig, na kaayon ng nakasulat sa Kautusan ni Jehova, 27 at ang mga ginawa niya, mula sa umpisa hanggang sa katapusan, ay nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Israel at ng Juda.+
36 Pagkatapos, kinuha ng bayan ang anak ni Josias na si Jehoahaz+ at ginawa siyang hari sa Jerusalem kapalit ng ama niya.+ 2 Si Jehoahaz ay 23 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya sa Jerusalem nang tatlong buwan. 3 Pero inalis siya ng hari ng Ehipto sa posisyon niya sa Jerusalem at pinagmulta ang lupain ng 100 talento* ng pilak at isang talento ng ginto.+ 4 Bukod diyan, ang kapatid ni Jehoahaz na si Eliakim ay ginawang hari sa Juda at Jerusalem ng hari ng Ehipto at pinalitan ang pangalan nito ng Jehoiakim; pero kinuha ni Neco+ ang kapatid nitong si Jehoahaz at dinala sa Ehipto.+
5 Si Jehoiakim+ ay 25 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya nang 11 taon sa Jerusalem. Patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova na kaniyang Diyos.+ 6 Sinalakay siya ni Haring Nabucodonosor+ ng Babilonya para maigapos siya ng dalawang kadenang tanso at madala sa Babilonya.+ 7 At dinala ni Nabucodonosor sa Babilonya ang ilan sa mga kagamitan ng bahay ni Jehova at inilagay ang mga iyon sa palasyo niya sa Babilonya.+ 8 Ang iba pang nangyari kay Jehoiakim, ang kasuklam-suklam na mga bagay na ginawa niya at ang iba pang masasamang bagay tungkol sa kaniya, ay nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Israel at ng Juda; at ang anak niyang si Jehoiakin ang naging hari kapalit niya.+
9 Si Jehoiakin+ ay 18 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya sa Jerusalem nang tatlong buwan at 10 araw; at patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova.+ 10 Sa simula ng taon,* ipinakuha siya ni Haring Nabucodonosor para dalhin sa Babilonya,+ kasama ang mahahalagang kagamitan ng bahay ni Jehova.+ At si Zedekias na kapatid ng kaniyang ama ang ginawa nitong hari sa Juda at Jerusalem.+
11 Si Zedekias+ ay 21 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya nang 11 taon sa Jerusalem.+ 12 Patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova na kaniyang Diyos. Hindi siya nagpakumbaba sa harap ng propetang si Jeremias,+ na nagsalita sa utos ni Jehova. 13 Nagrebelde rin siya kay Haring Nabucodonosor,+ na nagpasumpa sa kaniya sa harap ng Diyos, at nanatiling matigas ang kaniyang ulo* at puso, at ayaw niyang manumbalik kay Jehova na Diyos ng Israel. 14 Ang lahat ng pinuno ng mga saserdote at ang bayan ay labis na nagtaksil; ginawa nila ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ginagawa ng mga bansa at dinungisan ang bahay ni Jehova+ na pinabanal niya sa Jerusalem.
15 Patuloy silang binigyan ng babala ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng mga mensahero niya. Paulit-ulit niya silang binigyan ng babala, dahil naawa siya sa kaniyang bayan at sa kaniyang tahanan. 16 Pero palagi nilang iniinsulto ang mga mensahero ng tunay na Diyos,+ at hinamak nila ang mga salita niya+ at ang mga propeta niya,+ hanggang sa magliyab ang galit ni Jehova sa bayan niya,+ hanggang sa wala na silang pag-asang gumaling.
17 Kaya pinasalakay niya sa kanila ang hari ng mga Caldeo,+ na pumatay sa kanilang mga kalalakihan sa santuwaryo+ sa pamamagitan ng espada;+ hindi siya naawa sa binata o dalaga, sa matanda o may kapansanan.+ Ibinigay ng Diyos ang lahat sa kamay niya.+ 18 Ang lahat ng kagamitan sa bahay ng tunay na Diyos, malaki man o maliit, pati ang mga kayamanan sa bahay ni Jehova at ang mga kayamanan ng hari at ng kaniyang matataas na opisyal, ay dinala niyang lahat sa Babilonya.+ 19 Sinunog niya ang bahay ng tunay na Diyos,+ giniba ang pader ng Jerusalem,+ sinunog ang lahat ng matitibay na tore nito, at winasak ang lahat ng mahahalagang bagay.+ 20 Ginawa niyang bihag sa Babilonya ang mga hindi namatay sa espada,+ at ang mga ito ay naging mga lingkod niya+ at ng mga anak niya hanggang sa magsimulang mamahala ang kaharian ng Persia,+ 21 para matupad ang salita ni Jehova na binigkas ni Jeremias,+ hanggang sa makabawi ang lupain sa mga sabbath nito.+ Sa buong panahon na tiwangwang ang lupain, nagpahinga ito,* para matupad ang 70 taon.+
22 Nang unang taon ni Haring Ciro+ ng Persia, para matupad ang salita ni Jehova na inihayag ni Jeremias,+ inudyukan ni Jehova si Haring Ciro ng Persia na isulat at ipahayag sa buong kaharian niya ang proklamasyong ito:+ 23 “Ito ang sinabi ni Haring Ciro ng Persia, ‘Ibinigay sa akin ni Jehova na Diyos ng langit ang lahat ng kaharian sa lupa,+ at inatasan niya akong ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda.+ Sinuman sa inyo na kabilang sa bayan niya, gabayan sana siya ni Jehova na kaniyang Diyos, at hayaan siyang pumunta roon.’”+
O “angkan ng ama.”
O “sumasangguni sa Kaniya roon.”
Lit., “para lumabas sa harapan ng bayang ito at pumasok.”
Lit., “ng maraming araw.”
O “karo.”
O “mangangabayo.”
O “mangangabayo.”
O posibleng “mula sa Ehipto at mula sa Kue; binibili ng mga mangangalakal ng hari ang mga ito mula sa Kue,” na malamang na tumutukoy sa Cilicia.
O “palasyo.”
O “maging tagabuhat.”
O “palasyo.”
Tinapay na pantanghal.
O “kulay-ubeng.” Tingnan sa Glosari.
Matingkad na pula.
Ang isang kor ay 220 L. Tingnan ang Ap. B14.
Ang isang bat ay 22 L (5.81 gal). Tingnan ang Ap. B14.
Matingkad na pula.
O “maging tagabuhat.”
Ang karaniwang siko ay 44.5 cm (17.5 in), pero iniisip ng ilan na ang “dating sukat” ay tumutukoy sa mahabang siko na 51.8 cm (20.4 in). Tingnan ang Ap. B14.
Ang mababasa sa ilang sinaunang manuskrito ay “120,” pero “20 siko” ang mababasa sa iba pang manuskrito at ilang salin.
Lit., “malaking bahay,” malamang na tumutukoy sa Banal.
Lit., “bahay.”
Ang isang talento ay 34.2 kg. Tingnan ang Ap. B14.
Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.
O “inukit na.”
Lit., “bahay.”
Nakaharap sa Banal.
Matingkad na pula.
Tingnan sa Glosari.
O “timog.”
O “hilaga.”
Ibig sabihin, “Itatag Niya [ni Jehova] Nawa Nang Matibay.”
Posibleng ang ibig sabihin ay “Sa Lakas.”
Mga 7.4 cm (2.9 in). Tingnan ang Ap. B14.
Ang isang bat ay 22 L (5.81 gal). Tingnan ang Ap. B14.
O “bakuran.”
Tingnan sa Glosari.
O “kariton ng tubig.”
Lit., “apoy.”
Sa talatang ito ay tumutukoy sa Banal.
Kapistahan ng mga Kubol.
O “Ang mga saserdoteng Levita.”
Mahabang kahoy na pambuhat.
O “pompiyang.”
Lit., “Ang anak mo, ang lalabas sa mga balakang mo.”
O “bakuran.”
Ang isang siko ay 44.5 cm (17.5 in). Tingnan ang Ap. B14.
O “na naglilingkod sa iyo.”
Isang panata na may kasamang sumpa bilang parusa kapag hindi ito totoo o hindi tinupad.
Lit., “sumpang.”
O “ipahayag mong matuwid.”
O “ibinaba.”
O “tipaklong.”
Lit., “sa lupain ng mga pintuang-daan niya.”
O “reputasyon.”
Lit., “unat.”
Malaman ang pangalan ng Diyos at makilala siya.
Lit., “mabuksan nawa ang mga mata mo.”
O “may kaugnayan sa.”
Lit., “pinahiran.” Tingnan sa Glosari, “Pahiran.”
O “inialay.”
Posibleng tumutukoy sa mga Levita.
O “pasukan ng Hamat.”
Tingnan sa Glosari.
Araw pagkatapos ng kapistahan, o ang ika-15 araw.
O “palasyo.”
O “hudisyal na pasiya.”
Lit., “isang kasabihan.”
O “palasyo.”
Opisyal ng militar.
O “Pansamantalang Tirahan.”
O “nasa ayos; nakumpleto.”
Ang isang talento ay 34.2 kg. Tingnan ang Ap. B14.
O “ng mga palaisipan.”
O “pananalita.”
Ang isang talento ay 34.2 kg. Tingnan ang Ap. B14.
O “palasyo.”
O posibleng “bukod pa sa mga regalong katumbas ng halaga ng.”
Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.
Maliit na kalasag na karaniwang dala ng mga mamamanà.
Sa Hebreong Kasulatan, ang isang mina ay 570 g. Tingnan ang Ap. B14.
Sa Ingles, ivory.
Sa Ingles, peacock.
Lit., “humahanap sa mukha ni.”
Anak ng kabayo at asno.
O “mangangabayo.”
Eufrates.
Lit., “humigang kasama ng mga ama niya.”
O “pamatok.”
O “nagpapahirap.”
O “Magiging mas mahigpit ako kaysa sa aking ama.”
Lit., “tolda.”
Lit., “piling.”
O “nakukutaang.”
Lit., “para sa mga kambing.”
O “batang baka.”
Mga saserdote at Levita.
O “unawa.”
O “ikalat.”
O “nakukutaang.”
Lit., “kaharian.”
O “palasyo.”
Lit., “mananakbo.”
Lit., “humigang kasama ng mga ama niya.”
Lit., “piling.”
Lit., “pili.”
Isang permanente at di-nagbabagong tipan.
O “batang baka.”
Lit., “dumating para punuin ang kamay niya ng.”
Tinapay na pantanghal.
Lit., “piling.”
Lit., “sumandig.”
O “ang mga nayong nakadepende rito.”
O “eksposisyon; komentaryo.”
Lit., “humigang kasama ng mga ama niya.”
Tingnan sa Glosari.
O “nakukutaang.”
Lit., “dobleng pinto.”
Maliit na kalasag na karaniwang dala ng mga mamamanà.
Lit., “at tumatapak ng búsog.”
Lit., “sumasandig.”
Lit., “ng maraming araw.”
Lit., “walang kapayapaan sa lumalabas o pumapasok.”
Lit., “huwag hayaang lumaylay ang inyong mga kamay.”
Tingnan sa Glosari.
O “muling itinayo.”
O “palasyo.”
O “tipan.”
O “tipan.”
O “pagpapatibay; pagtatayong muli.”
O “muling itayo.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “sumandig.”
Lit., “sumandig.”
O “suporta.”
Lit., “inilagay niya ito sa bahay ng mga pangawan.”
Lit., “humigang kasama ng mga ama niya.”
Lumilitaw na ang tinutukoy rito ay pagsunog sa mababangong sangkap at hindi sa bangkay ni Asa.
O “nakukutaang.”
Lit., “at lumakad siya sa.”
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
O “itutulak.”
O “anghel.”
Kasuotang pandigma na pamprotekta sa dibdib at likod.
Lit., “kampo.”
O “payapang.”
O “palasyo.”
Tingnan sa Glosari.
O “at determinado kang.”
O “nakukutaang.”
O “ang mabuti.”
O posibleng “Meunita.”
Malamang na ang Dagat na Patay.
Lit., “hanapin si.”
Tingnan sa Glosari, “Pag-aayuno.”
Lit., “sa binhi.”
Lit., “nakatingin ang mga mata namin.”
O “wadi.”
O “tingnan ninyo kung paano kayo ililigtas ni Jehova.”
O “para makapagtiis kayo.”
O “Mababang Kapatagan.”
Lit., “pagpalain.”
Ibig sabihin, “Pagpapala.”
Lit., “humigang kasama ng mga ama niya.”
O “nakukutaang.”
O “para magkasala ng espirituwal na prostitusyon.”
O “nagkasala ng espirituwal na prostitusyon.”
O “palasyo.”
Tinatawag ding Ahazias.
Lit., “anak.”
Sa ilang manuskritong Hebreo, “Azarias.”
O “may sakit.”
Lit., “anak.”
Lit., “pinahiran.”
Lit., “ang buong binhi ng kaharian.”
O “palasyo.”
O “bakuran.”
Lit., “kapag lumalabas siya at kapag pumapasok siya.”
Maliit na kalasag na karaniwang dala ng mga mamamanà.
O “sibat; diyabelin.”
O “diadema.”
Malamang na isang balumbong naglalaman ng Kautusan ng Diyos.
Lit., “haligi niya.”
O “nagbibigay ng hudyat.”
O “palasyo.”
O “templo.”
Lit., “sa pamamagitan ng mga kamay.”
O “palasyo.”
O “ninais.”
O posibleng “hanggang sa makapagbigay silang lahat.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “Nagkaroon ng galit.”
O “nagpapatotoo laban.”
Lit., “Nadamtan.”
O “bakuran.”
Lit., “pag-ikot ng taon.”
Ang mga Siryano.
O “maraming sakit.”
O “ang anak.” Ang pangmaramihang anyo ay posibleng nagpapahiwatig ng kahusayan.
Lit., “pagtatayo ng pundasyon.”
O “eksposisyon; komentaryo.”
Lit., “piling.”
Ang isang talento ay 34.2 kg. Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “mo.”
O “palasyo.”
Lit., “tolda.”
Tinatawag ding Ahazias.
Mga 178 m (584 ft). Tingnan ang Ap. B14.
O posibleng “pati na si.”
O “palasyo.”
Lit., “nang humigang kasama ng mga ama ang.”
Ang ama niyang si Amazias.
Tingnan sa Glosari.
O “umuka,” malamang na sa bato.
O “talampas.”
Kasuotang pandigma na pamprotekta sa dibdib at likod.
O “palasyo.”
Lit., “humigang kasama ng mga ama niya.”
Malamang na ang parang na ito ay malapit sa libingan ng mga hari.
Ang isang talento ay 34.2 kg. Tingnan ang Ap. B14.
Ang isang kor ay 220 L. Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “humigang kasama ng mga ama niya.”
Tingnan sa Glosari, “Gehenna.”
Lit., “bahay.”
O “ang mga nayong nakadepende rito.”
O “palasyo.”
Lit., “humigang kasama ng mga ama niya.”
O “plaza.”
Lit., “sinisipulan.”
O “magpahinga.”
Mga bagay na may kinalaman sa huwad na pagsamba.
O “bakuran.”
Tinapay na pantanghal.
O “lalaking baka.”
O “batang tupa.”
O “pompiyang.”
Lit., “Ngayong pinuno ninyo ang kamay ninyo.”
Lit., “matuwid ang puso ng.”
O “naihanda.”
Lit., “mananakbo.”
O “magandang-loob.”
Lit., “mananakbo.”
Lit., “para bigyan sila ng iisang puso.”
Lit., “pinagaling.”
Lit., “nakipag-usap si Hezekias sa puso ng.”
O “lalaking baka.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “kampo.”
O “nila nang lubusan.”
O “silid-kainan.”
O “ikapu.”
O “nakukutaang.”
O “Milo.” Salitang Hebreo na nangangahulugang “panambak.”
O “sibat; diyabelin.”
O “plaza.”
Lit., “kinausap ang puso nila.”
Lit., “Bisig na laman.”
Lit., “altar niya.”
O “templo.”
Lit., “ang puso niya.”
Lit., “humigang kasama ng mga ama niya.”
Tingnan sa Glosari.
O “bakuran.”
O “panggagaway.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “paa ng Israel.”
O posibleng “sa mga hukay.”
Lit., “pinalambot niya ang mukha ng.”
O “wadi.”
O “nakukutaang.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “humigang kasama ng mga ama niya.”
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
Lit., “bahay.”
O “sa mga tagabuhat.”
Lit., “sa pamamagitan ng kamay.”
Lit., “malambot ang puso mo.”
Lit., “Matitipon ka sa iyong mga ama.” Makatang pananalita para sa kamatayan.
O “muli niyang pinagtibay ang tipan.”
O “idolo.”
Lit., “Sa lahat ng araw niya.”
Lit., “ng mga anak ng bayan.”
O “batang tupa.”
O posibleng “Inihaw.”
Lit., “bahay.”
O “tuntunin.”
Ang isang talento ay 34.2 kg. Tingnan ang Ap. B14.
Posibleng sa tagsibol.
Lit., “at pinatigas niya ang kaniyang leeg.”
O “nasunod nito ang batas sa sabbath.”