Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • nwt Mateo 1:1-28:20
  • Mateo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mateo
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Mateo

AYON KAY MATEO

1 Ang aklat ng kasaysayan* ni Jesu-Kristo,* na anak ni David,+ na anak ni Abraham:+

 2 Naging anak ni Abraham si Isaac;+

naging anak ni Isaac si Jacob;+

naging anak ni Jacob si Juda+ at ang mga kapatid nito;

 3 naging anak ni Juda sina Perez at Zera+ kay Tamar;

naging anak ni Perez si Hezron;+

naging anak ni Hezron si Ram;+

 4 naging anak ni Ram si Aminadab;

naging anak ni Aminadab si Nason;+

naging anak ni Nason si Salmon;

 5 naging anak ni Salmon si Boaz kay Rahab;+

naging anak ni Boaz si Obed kay Ruth;+

naging anak ni Obed si Jesse;+

 6 naging anak ni Jesse si David+ na hari.

Naging anak ni David si Solomon+ sa asawa ni Uria;

 7 naging anak ni Solomon si Rehoboam;+

naging anak ni Rehoboam si Abias;

naging anak ni Abias si Asa;+

 8 naging anak ni Asa si Jehosapat;+

naging anak ni Jehosapat si Jehoram;+

naging anak ni Jehoram si Uzias;

 9 naging anak ni Uzias si Jotam;+

naging anak ni Jotam si Ahaz;+

naging anak ni Ahaz si Hezekias;+

10 naging anak ni Hezekias si Manases;+

naging anak ni Manases si Amon;+

naging anak ni Amon si Josias;+

11 naging anak ni Josias+ si Jeconias+ at ang mga kapatid nito noong panahon ng pagkatapon sa Babilonya.+

12 Pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya, naging anak ni Jeconias si Sealtiel;

naging anak ni Sealtiel si Zerubabel;+

13 naging anak ni Zerubabel si Abiud;

naging anak ni Abiud si Eliakim;

naging anak ni Eliakim si Azor;

14 naging anak ni Azor si Zadok;

naging anak ni Zadok si Akim;

naging anak ni Akim si Eliud;

15 naging anak ni Eliud si Eleazar;

naging anak ni Eleazar si Matan;

naging anak ni Matan si Jacob;

16 naging anak ni Jacob si Jose na asawa ni Maria, na nagsilang kay Jesus,+ na tinatawag na Kristo.+

17 Kaya ito ang mga henerasyon lahat-lahat: mula kay Abraham hanggang kay David, 14 na henerasyon; mula kay David hanggang sa pagkatapon sa Babilonya, 14 na henerasyon; at mula sa pagkatapon sa Babilonya hanggang sa Kristo, 14 na henerasyon.

18 Sa ganitong paraan isinilang si Jesu-Kristo. Noong ang kaniyang ina na si Maria ay nakatakda nang ikasal kay Jose, si Maria ay nagdalang-tao sa pamamagitan ng banal na espiritu*+ bago sila nagsama. 19 Pero dahil ang asawa niyang si Jose ay matuwid at ayaw nitong maging kahiya-hiya si Maria sa mga tao, nagbalak si Jose na diborsiyuhin* siya nang palihim.+ 20 Pero matapos pag-isipan ni Jose ang mga bagay na ito, ang anghel ni Jehova* ay nagpakita sa kaniya sa panaginip at nagsabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria,* dahil nagdadalang-tao siya sa pamamagitan ng banal na espiritu.+ 21 Siya ay magsisilang ng isang anak na lalaki, at Jesus* ang ipapangalan mo sa kaniya,+ dahil ililigtas niya ang kaniyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.”+ 22 Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ni Jehova* sa pamamagitan ng propeta niya: 23 “Ang birhen ay magdadalang-tao at magkakaanak ng isang lalaki, at papangalanan nila itong Emmanuel,”+ na kapag isinalin ay nangangahulugang “Sumasaatin ang Diyos.”+

24 Pagkagising ni Jose, ginawa niya ang iniutos sa kaniya ng anghel ni Jehova;* pinakasalan niya* si Maria. 25 Pero hindi siya nakipagtalik kay Maria hanggang sa makapagsilang ito ng isang anak na lalaki,+ at ang sanggol ay pinangalanan niyang Jesus.+

2 Matapos ipanganak si Jesus sa Betlehem+ ng Judea noong mga araw ng haring si Herodes,*+ ang mga astrologo mula sa Silangan ay dumating sa Jerusalem, 2 at nagsabi: “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio?+ Nakita kasi namin ang bituin niya noong nasa Silangan kami, at nagpunta kami rito para magbigay-galang* sa kaniya.” 3 Nang marinig ito ni Haring Herodes, natakot siya at ang buong Jerusalem. 4 Tinipon niya ang lahat ng punong saserdote at mga eskriba para tanungin sila kung saan ipanganganak ang Kristo.* 5 Sinabi nila sa kaniya: “Sa Betlehem+ po ng Judea, dahil ganito ang isinulat ng propeta: 6 ‘At ikaw, O Betlehem ng lupain ng Juda, hindi ikaw ang pinakahamak na lunsod sa paningin ng mga gobernador ng Juda, dahil sa iyo manggagaling ang tagapamahala na magpapastol sa bayan kong Israel.’”+

7 Pagkatapos, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga astrologo at inalam mula sa kanila kung kailan eksaktong lumitaw ang bituin. 8 Bago niya sila papuntahin sa Betlehem, sinabi niya: “Hanapin ninyong mabuti ang bata, at kapag nakita ninyo siya, sabihin ninyo sa akin para makapunta rin ako at makapagbigay-galang sa kaniya.” 9 Pagkarinig sa bilin ng hari, umalis na sila, at ang bituing nakita nila noong naroon sila sa Silangan+ ay nauna sa kanila hanggang sa huminto ito sa itaas ng kinaroroonan ng bata. 10 Nang makita nilang huminto ang bituin, tuwang-tuwa sila. 11 At pagpasok nila sa bahay, nakita nila ang bata kasama ang ina nitong si Maria. Lumuhod sila at nagbigay-galang* sa bata. Naglabas din sila ng ginto, olibano, at mira bilang regalo sa kaniya. 12 Pero nagbabala sa kanila ang Diyos sa isang panaginip+ na huwag bumalik kay Herodes, kaya iba ang dinaanan nila pauwi sa kanilang lupain.

13 Pagkaalis nila, ang anghel ni Jehova* ay nagpakita kay Jose sa panaginip.+ Sinabi nito: “Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas ka papuntang Ehipto, at huwag kayong aalis doon hangga’t hindi ko sinasabi, dahil hahanapin ni Herodes ang bata para patayin ito.” 14 Kaya bumangon si Jose nang gabing iyon at dinala ang bata at ang ina nito sa Ehipto. 15 Tumira siya roon hanggang sa pagkamatay ni Herodes. Katuparan ito ng sinabi ni Jehova* sa pamamagitan ng kaniyang propeta: “Tinawag ko mula sa Ehipto ang anak ko.”+

16 Nang malaman ni Herodes na nilinlang siya ng mga astrologo, galit na galit siya. Kaya nagsugo siya ng mga tauhan para patayin ang lahat ng batang lalaki sa Betlehem at sa lahat ng distrito nito, mula dalawang taóng gulang pababa, batay sa panahon ng paglitaw ng bituin na sinabi sa kaniya ng mga astrologo.+ 17 Kaya natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng propetang si Jeremias: 18 “Narinig sa Rama ang pag-iyak at labis na paghagulgol. Iniiyakan ni Raquel+ ang mga anak niya dahil wala na sila, at walang sinumang makapagpagaan ng loob niya.”+

19 Nang mamatay na si Herodes, ang anghel ni Jehova* ay nagpakita kay Jose sa Ehipto sa isang panaginip.+ 20 Sinabi nito: “Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at pumunta ka sa Israel, dahil patay na ang mga gustong pumatay sa bata.” 21 Kaya bumangon siya at dinala ang bata at ang ina nito pabalik sa Israel. 22 Pero nang mabalitaan niya na si Arquelao ang namamahala sa Judea kapalit ng ama nitong si Herodes, natakot siyang pumunta roon. Nagbabala rin sa kaniya ang Diyos sa panaginip,+ kaya sa Galilea+ siya nagpunta. 23 Nanirahan siya sa lunsod na tinatawag na Nazaret.+ Kaya natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta: “Tatawagin siyang Nazareno.”*+

3 Nang mga araw na iyon, si Juan+ Bautista ay dumating sa ilang ng Judea at nangaral.+ 2 Sinasabi niya: “Magsisi kayo dahil ang Kaharian ng langit ay malapit na.”+ 3 Ang totoo, siya ang tinutukoy ng propetang si Isaias+ nang sabihin nito: “May sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang dadaanan ni Jehova!* Patagin ninyo ang lalakaran niya.’”+ 4 Ang damit ni Juan ay gawa sa balahibo ng kamelyo at may sinturon siyang gawa sa balat ng hayop.+ Ang pagkain naman niya ay balang at pulot-pukyutang galing sa gubat.+ 5 Pumupunta sa kaniya ang mga taga-Jerusalem at ang mga tao sa buong Judea at sa buong lupain sa palibot ng Jordan.+ 6 Binabautismuhan* niya sa Ilog Jordan+ ang mga ito, na hayagang nagtatapat ng kanilang mga kasalanan.

7 Nang makita niyang dumarating ang marami sa mga Pariseo at mga Saduceo,+ sinabi niya sa mga ito: “Kayong mga anak ng ulupong,+ sino ang nagsabi sa inyo na makaliligtas kayo sa dumarating na pagpuksa?+ 8 Ipakita muna ninyo na talagang nagsisisi kayo.* 9 Huwag ninyong isipin, ‘Ama namin si Abraham.’+ Dahil sinasabi ko sa inyo na kaya ng Diyos na lumikha ng mga anak para kay Abraham mula sa mga batong ito. 10 Nakalapat na ang palakol sa ugat ng mga puno. At bawat puno na hindi maganda ang bunga ay puputulin at ihahagis sa apoy.+ 11 Binabautismuhan ko kayo sa tubig dahil nagsisisi kayo.+ Pero ang dumarating na kasunod ko ay mas malakas kaysa sa akin, at hindi man lang ako karapat-dapat na mag-alis ng sandalyas niya.+ Ang isang iyon ay magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng banal na espiritu+ at ng apoy.+ 12 Hawak niya ang kaniyang palang pantahip, at lilinisin niyang mabuti ang giikan niya at titipunin sa kamalig* ang kaniyang trigo, pero ang ipa ay susunugin niya sa apoy+ na hindi mapapatay.”

13 Pagkatapos, mula sa Galilea ay dumating si Jesus sa Jordan para magpabautismo kay Juan.+ 14 Pero sinubukan siyang pigilan ni Juan. Sinabi nito: “Ako ang dapat magpabautismo sa iyo. Bakit ka nagpapabautismo sa akin?” 15 Sumagot si Jesus: “Hayaan mong ito ang mangyari ngayon para magawa natin ang lahat ng iniutos ng Diyos.”* Kaya hindi na siya pinigilan ni Juan. 16 Pagkatapos mabautismuhan, umahon agad si Jesus sa tubig; at ang langit ay nabuksan!+ At nakita ni Juan ang espiritu ng Diyos na parang kalapati na bumababa kay Jesus.+ 17 May tinig din mula sa langit+ na nagsabi: “Ito ang Anak ko,+ ang minamahal ko at kinalulugdan.”+

4 Pagkatapos, inakay si Jesus ng espiritu papunta sa ilang, kung saan siya tinukso+ ng Diyablo.+ 2 Matapos mag-ayuno* nang 40 araw at 40 gabi, nagutom siya. 3 Lumapit sa kaniya ang Manunukso+ at nagsabi: “Kung ikaw ay anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay.” 4 Pero sumagot siya: “Nasusulat, ‘Ang tao ay mabubuhay, hindi lang sa tinapay, kundi sa bawat salitang sinasabi* ni Jehova.’”*+

5 Pagkatapos, dinala siya ng Diyablo sa banal na lunsod,+ sa tuktok ng templo.+ 6 Sinabi nito: “Kung ikaw ay anak ng Diyos, tumalon ka mula rito, dahil nasusulat: ‘Uutusan niya ang mga anghel niya na tulungan ka,’ at, ‘Bubuhatin ka nila para hindi tumama sa bato ang paa mo.’”+ 7 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Nasusulat din: ‘Huwag mong susubukin si Jehova* na iyong Diyos.’”+

8 Dinala naman siya ng Diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kaniya ang lahat ng kaharian sa mundo* at ang kaluwalhatian ng mga ito.+ 9 At sinabi ng Diyablo: “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung luluhod ka at sasamba sa akin nang kahit isang beses.” 10 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Lumayas ka, Satanas! Dahil nasusulat: ‘Si Jehova* na iyong Diyos ang dapat mong sambahin,+ at siya lang ang dapat mong paglingkuran.’”*+ 11 Pagkatapos, iniwan siya ng Diyablo,+ at dumating ang mga anghel at pinaglingkuran si Jesus.+

12 Nang mabalitaan ni Jesus na inaresto si Juan,+ nagpunta siya sa Galilea.+ 13 At pagkaalis niya sa Nazaret, pumunta siya at nanirahan sa Capernaum+ sa tabi ng lawa sa mga distrito ng Zebulon at Neptali, 14 para matupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng propetang si Isaias: 15 “O lupain ng Zebulon at lupain ng Neptali, sa daang patungo sa dagat,* sa kabilang ibayo ng Jordan, sa Galilea ng mga banyaga! 16 Ang bayang nasa kadiliman ay nakakita ng matinding liwanag, at ang mga nasa lupaing natatakpan ng anino ng kamatayan ay sinikatan ng liwanag.”+ 17 Mula noon, nagsimulang mangaral si Jesus. Sinasabi niya: “Magsisi kayo dahil ang Kaharian ng langit ay malapit na.”+

18 Habang naglalakad sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro+ at ang kapatid nitong si Andres, na naghahagis ng lambat sa lawa, dahil mga mangingisda sila.+ 19 At sinabi niya sa kanila: “Sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mangingisda ng tao.”+ 20 Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kaniya.+ 21 Nagpatuloy siya sa paglalakad at nakita niya ang dalawa pang magkapatid na sina Santiago at Juan, na mga anak ni Zebedeo.+ Nasa bangka sila kasama ng kanilang ama at tinatahi ang punit sa mga lambat nila. Tinawag sila ni Jesus.+ 22 Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod sila sa kaniya.

23 Nilibot niya ang buong Galilea;+ nagtuturo siya sa mga sinagoga,*+ nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian, at nagpapagaling ng bawat uri ng sakit at kapansanan ng mga tao.+ 24 Napabalita siya sa buong Sirya, at dinala nila sa kaniya ang lahat ng dumaranas ng iba’t ibang sakit at matinding kirot,+ ang mga sinasapian ng demonyo,+ mga epileptiko,+ at mga paralisado. At pinagaling niya sila. 25 Kaya sinundan siya ng napakaraming tao mula sa Galilea, Decapolis,* Jerusalem, Judea, at mula sa kabilang ibayo ng Jordan.

5 Nang makita niya ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok; at pagkaupo niya, lumapit sa kaniya ang mga alagad niya. 2 At nagsimula siyang magturo sa kanila. Sinabi niya:

3 “Maligaya ang mga nakauunawa na kailangan nila ang Diyos,*+ dahil mapapasakanila ang Kaharian ng langit.

4 “Maligaya ang mga nagdadalamhati, dahil aaliwin sila.+

5 “Maligaya ang mga mahinahon,*+ dahil mamanahin nila ang lupa.+

6 “Maligaya ang mga nagugutom at nauuhaw+ sa katuwiran,* dahil bubusugin sila.+

7 “Maligaya ang mga maawain,+ dahil pagpapakitaan sila ng awa.

8 “Maligaya ang mga malinis ang puso,+ dahil makikita nila ang Diyos.

9 “Maligaya ang mga mapagpayapa,+ dahil tatawagin silang mga anak ng Diyos.

10 “Maligaya ang mga pinag-uusig sa paggawa ng tama,+ dahil mapapasakanila ang Kaharian ng langit.

11 “Maligaya kayo kapag nilalait kayo ng mga tao,+ inuusig,+ at pinaparatangan ng kung ano-anong masasamang bagay dahil sa akin.+ 12 Matuwa kayo at mag-umapaw sa saya,+ dahil malaki ang gantimpala+ ninyo sa langit; inusig din nila sa gayong paraan ang mga propeta noon.+

13 “Kayo ang asin+ ng mundo; pero kung mawalan ng lasa ang asin, paano pa ito mapaaalat muli? Wala na itong silbi; itatapon na lang ito sa labas+ at tatapakan ng mga tao.

14 “Kayo ang liwanag ng sangkatauhan.*+ Ang isang lunsod na nasa bundok ay kitang-kita. 15 Kapag ang mga tao ay nagsisindi ng lampara, hindi nila iyon tinatakpan ng basket,* kundi inilalagay sa patungan ng lampara, at nagbibigay ito ng liwanag sa lahat ng nasa bahay.+ 16 Pasikatin din ninyo ang inyong liwanag sa mga tao,+ para makita nila ang mabubuting ginagawa ninyo+ at purihin ang inyong Ama na nasa langit.+

17 “Huwag ninyong isipin na dumating ako para sabihing walang saysay* ang Kautusan o ang mga Propeta.* Dumating ako, hindi para sabihing wala itong saysay, kundi para tuparin ito.+ 18 Tinitiyak ko sa inyo, mawala man ang langit at lupa, hindi mawawala ang pinakamaliit na letra o kudlit mula sa Kautusan nang hindi natutupad ang lahat ng nakasulat dito.+ 19 Kaya ang sinumang lumalabag sa isa sa mga utos nito, na itinuturing ng mga tao na di-gaanong mahalaga, at nagtuturo sa iba na lumabag din ay tatawaging pinakamababa may kaugnayan sa* Kaharian ng langit. Pero ang sinumang sumusunod sa mga ito at nagtuturo nito ay tatawaging pinakadakila may kaugnayan sa* Kaharian ng langit. 20 Sinasabi ko sa inyo na kung ang matuwid na mga gawa ninyo ay katulad lang ng sa mga eskriba at mga Pariseo,+ hinding-hindi kayo makakapasok sa Kaharian ng langit.+

21 “Alam ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: ‘Huwag kang papatay;+ dahil ang sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.’+ 22 Pero sinasabi ko sa inyo na sinumang patuloy na napopoot+ sa kapatid niya ay mananagot sa hukuman; at sinumang nagsasabi ng matinding pang-iinsulto sa kaniyang kapatid ay magsusulit sa Kataas-taasang Hukuman; samantalang ang sinumang nagsasabi, ‘Mangmang ka at walang-kuwentang tao!’ ay nanganganib na mapunta sa maapoy na Gehenna.*+

23 “Kaya kapag nagdadala ka ng iyong handog sa altar+ at naalaala mo roon na ang kapatid mo ay may reklamo sa iyo, 24 iwan mo sa harap ng altar ang handog mo, at puntahan mo ang iyong kapatid. Makipagkasundo ka muna sa kaniya, at saka ka bumalik para ialay ang handog mo.+

25 “Makipag-ayos ka kaagad sa isa na may reklamo laban sa iyo habang papunta kayo sa hukuman. Kung hindi, baka ipaubaya ka niya sa hukom, at ipakulong ka nito sa guwardiya.+ 26 Sinasabi ko sa iyo, hindi ka makalalaya hanggang sa mabayaran mo ang kahuli-hulihang sentimo* na dapat mong bayaran.

27 “Alam ninyo na sinabi noon: ‘Huwag kang mangangalunya.’+ 28 Pero sinasabi ko sa inyo na ang sinumang patuloy na tumitingin sa isang babae+ nang may pagnanasa ay nagkakasala na ng pangangalunya sa puso niya.+ 29 Kaya kung nagkakasala ka dahil sa kanang mata mo, dukitin mo ito at itapon.+ Dahil mas mabuti pang mawala ang isang parte ng katawan mo kaysa ihagis ang buong katawan mo sa Gehenna.*+ 30 Gayundin, kung nagkakasala ka dahil sa kanang kamay mo, putulin mo ito at itapon.+ Dahil mas mabuti pang mawala ang isang parte ng katawan mo kaysa mapunta ang buong katawan mo sa Gehenna.*+

31 “Sinabi rin noon: ‘Sinumang nakikipagdiborsiyo sa kaniyang asawang babae ay dapat magbigay rito ng kasulatan ng diborsiyo.’+ 32 Pero sinasabi ko sa inyo na kapag diniborsiyo ng isa ang kaniyang asawang babae, malibang dahil sa seksuwal na imoralidad,* inilalagay niya ito sa panganib na mangalunya, at sinumang mag-asawa ng babaeng diniborsiyo ay nangangalunya.+

33 “Alam din ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: ‘Huwag kang susumpa nang hindi mo gagawin,+ kundi tuparin mo ang iyong mga panata kay Jehova.’*+ 34 Pero sinasabi ko sa inyo: Huwag ka nang sumumpa,+ sa ngalan man ng langit, dahil iyon ang trono ng Diyos; 35 o ng lupa, dahil ito ang tuntungan ng kaniyang mga paa;+ o ng Jerusalem, dahil iyon ang lunsod ng dakilang Hari.+ 36 Huwag mong ipanumpa ang iyong ulo,* dahil kahit isang buhok sa iyong ulo ay hindi mo kayang paputiin o paitimin. 37 Pero tiyakin ninyo na ang inyong ‘Oo’ ay oo at ang inyong ‘Hindi’ ay hindi,+ dahil ang pagiging di-tapat sa sinasabi ay katangian ng masama.*+

38 “Alam ninyo na sinabi noon: ‘Mata para sa mata at ngipin para sa ngipin.’+ 39 Pero sinasabi ko sa inyo: Huwag kang lumaban sa masamang tao, kundi sa sinumang sumampal sa kanang pisngi mo, iharap mo rin ang kabila.+ 40 At kung gusto ng isang tao na dalhin ka sa hukuman at kunin ang damit mo, hayaan mong kunin na rin niya ang balabal mo;+ 41 at kung utusan ka ng isang nasa awtoridad na sumama sa kaniya nang isang milya* para paglingkuran siya, sumama ka sa kaniya nang dalawang milya. 42 Magbigay ka sa humihingi sa iyo, at huwag mong talikuran ang nanghihiram* sa iyo.+

43 “Alam ninyo na sinabi noon: ‘Dapat mong mahalin ang iyong kapuwa+ at kapootan ang iyong kaaway.’ 44 Pero sinasabi ko sa inyo: Patuloy na mahalin ang inyong mga kaaway+ at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo,+ 45 para mapatunayan ninyong mga anak kayo ng inyong Ama na nasa langit,+ dahil pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti at nagpapaulan siya sa mga taong matuwid at di-matuwid.+ 46 Dahil kung minamahal ninyo ang mga nagmamahal sa inyo, bakit kayo gagantimpalaan?+ Hindi ba ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis? 47 At kung ang mga kapatid lang ninyo ang binabati ninyo, ano ang kahanga-hanga roon? Hindi ba ginagawa rin iyon ng mga tao ng ibang mga bansa? 48 Kaya dapat kayong maging perpekto,* kung paanong ang Ama ninyo sa langit ay perpekto.+

6 “Tiyakin ninyo na hindi pakitang-tao lang ang paggawa ninyo ng mabuti;+ kung hindi, wala kayong magiging gantimpala mula sa inyong Ama na nasa langit. 2 Kaya kung gagawa ka ng mabuti sa mahihirap,* huwag kang hihihip ng trumpeta, gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari* sa mga sinagoga at kalye para purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo, iyon na ang buong gantimpala nila. 3 Sa halip, kapag gumagawa ka ng mabuti sa mahihirap, huwag mong ipaalám sa kaliwang kamay mo ang ginagawa ng kanang kamay mo, 4 para ang paggawa mo ng mabuti sa mahihirap ay maging lihim. At ang iyong Ama na nakakakita ng lahat ng bagay* ang gaganti sa iyo.+

5 “Gayundin, kapag nananalangin kayo, huwag ninyong gayahin ang mga mapagkunwari,+ dahil gusto nilang manalangin nang nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto ng malalapad na daan para makita sila ng mga tao.+ Sinasabi ko sa inyo, iyon na ang buong gantimpala nila. 6 Sa halip, kapag mananalangin ka, pumasok ka sa isang silid sa iyong bahay, isara mo ang pinto, at saka ka manalangin sa iyong Ama sa langit.*+ At ang iyong Ama na nakakakita ng lahat ng bagay ang gaganti sa iyo. 7 Kapag nananalangin, huwag kayong maging paulit-ulit sa sinasabi ninyo gaya ng ginagawa ng mga tao ng ibang mga bansa, dahil inaakala nilang pakikinggan sila sa paggamit ng maraming salita. 8 Kaya huwag ninyo silang gayahin, dahil alam ng inyong Ama kung ano ang kailangan ninyo+ bago pa ninyo hingin iyon sa kaniya.

9 “Manalangin kayo sa ganitong paraan:+

“‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa* ang pangalan mo.+ 10 Dumating nawa ang Kaharian+ mo. Mangyari nawa ang kalooban mo,+ kung paano sa langit, gayon din sa lupa.+ 11 Bigyan mo kami ng pagkain* para sa araw na ito;+ 12 at patawarin mo kami sa mga kasalanan* namin, kung paanong pinatatawad namin ang mga nagkakasala* sa amin.+ 13 At huwag mo kaming hayaang mahulog sa tukso,*+ kundi iligtas mo kami mula sa isa na masama.’*+

14 “Dahil kung pinatatawad ninyo ang mga pagkakamali ng iba, patatawarin din kayo ng inyong Ama sa langit;+ 15 pero kung hindi ninyo pinatatawad ang mga pagkakamali ng iba, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang mga pagkakamali ninyo.+

16 “Kapag nag-aayuno kayo,+ huwag na kayong maglungkot-lungkutan tulad ng mga mapagkunwari, dahil hindi sila nag-aayos ng sarili para mapansin ng mga tao na nag-aayuno sila.+ Sinasabi ko sa inyo, iyon na ang buong gantimpala nila. 17 Sa halip, kapag nag-aayuno ka, langisan mo ang ulo mo at maghilamos ka, 18 para hindi mahalata ng mga tao na nag-aayuno ka. Hayaan mong ang iyong Ama sa langit* ang makakita nito. At ang iyong Ama na nakakakita ng lahat ng bagay ang gaganti sa iyo.

19 “Huwag na kayong mag-imbak para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa lupa,+ kung saan may insekto* at kalawang na naninira, at may masasamang tao na nagnanakaw. 20 Sa halip, mag-imbak kayo para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit,+ kung saan walang insekto o kalawang na naninira,+ at walang masasamang tao na nagnanakaw. 21 Dahil kung nasaan ang kayamanan mo, naroon din ang puso mo.

22 “Ang mata ang lampara ng katawan.+ Kaya kung nakapokus* ang mata mo, magiging maliwanag* ang buong katawan mo. 23 Pero kung ang mata mo ay mainggitin,*+ magiging madilim ang buong katawan mo. Kung ang liwanag na nasa iyo ay hindi naman talaga liwanag kundi kadiliman, napakatindi nga ng kadilimang iyon!

24 “Walang alipin ang makapaglilingkod sa dalawang panginoon; dahil alinman sa kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa,+ o magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo puwedeng magpaalipin sa Diyos at sa Kayamanan.+

25 “Kaya sinasabi ko sa inyo: Huwag na kayong mag-alala+ kung ano ang kakainin o iinumin ninyo, o kung ano ang isusuot ninyo.+ Hindi ba mas mahalaga ang buhay* kaysa sa pagkain at ang katawan kaysa sa pananamit?+ 26 Tingnan ninyong mabuti ang mga ibon sa langit;+ hindi sila nagtatanim o umaani o nagtitipon sa kamalig,* pero pinakakain sila ng inyong Ama sa langit. Hindi ba mas mahalaga kayo kaysa sa kanila? 27 Sino sa inyo ang makapagpapahaba nang kahit kaunti* sa buhay niya dahil sa pag-aalala?+ 28 At bakit kayo nag-aalala tungkol sa pananamit? Matuto kayo mula sa mga liryo* na tumutubo sa parang; hindi sila nagtatrabaho o nananahi; 29 pero sinasabi ko sa inyo na kahit si Solomon,+ sa kabila ng karangyaan niya, ay hindi nakapagdamit na gaya ng isa sa mga ito. 30 Kung ganito dinaramtan ng Diyos ang pananim, na nasa parang ngayon at bukas ay ihahagis sa pugon, hindi ba mas gugustuhin niyang damtan kayo, kayo na may maliit na pananampalataya? 31 Kaya huwag kayong mag-alala+ at magsabing ‘Ano ang kakainin namin?’ o, ‘Ano ang iinumin namin?’ o, ‘Ano ang isusuot namin?’+ 32 Ang lahat ng ito ang pinagkakaabalahan ng mga bansa. Alam ng inyong Ama sa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito.

33 “Kaya patuloy ninyong unahin ang Kaharian at ang katuwiran* niya, at ibibigay* niya sa inyo ang lahat ng ito.+ 34 Huwag kayong mag-alala tungkol sa susunod na araw,+ dahil ang kasunod na araw ay magkakaroon ng sarili nitong mga álalahanín. Sapat na ang mga problema sa bawat araw.

7 “Huwag na kayong humatol+ para hindi kayo mahatulan; 2 dahil kung paano kayo humahatol, gayon kayo hahatulan,+ at kung paano ninyo tinatrato ang iba, ganoon din nila kayo tatratuhin.*+ 3 Kaya bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng kapatid mo, pero hindi mo nakikita ang troso* sa sarili mong mata?+ 4 O paano mo masasabi sa kapatid mo, ‘Hayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo,’ samantalang troso ang nasa sarili mong mata? 5 Mapagpanggap!* Alisin mo muna ang troso sa sarili mong mata para makita mo nang malinaw kung paano aalisin ang puwing sa mata ng kapatid mo.

6 “Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang anumang banal, o ihagis sa mga baboy ang inyong mga perlas,+ para hindi nila iyon tapak-tapakan at balingan kayo at saktan.

7 “Patuloy kayong humingi at bibigyan kayo,+ patuloy kayong maghanap at makakakita kayo, patuloy kayong kumatok at pagbubuksan kayo;+ 8 dahil bawat isa na humihingi ay tumatanggap,+ at bawat isa na naghahanap ay nakakakita, at bawat isa na kumakatok ay pinagbubuksan. 9 Sino sa inyo ang magbibigay ng bato sa kaniyang anak kapag humingi ito ng tinapay? 10 O magbibigay ng ahas kapag humingi ito ng isda? 11 Kaya kung kayo na makasalanan ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa mga anak ninyo, lalo pa nga ang inyong Ama sa langit! Magbibigay siya ng mabubuting bagay+ sa mga humihingi sa kaniya.+

12 “Kaya lahat ng gusto ninyong gawin ng mga tao sa inyo, iyon din ang gawin ninyo sa kanila.+ Sa katunayan, ito ang pinakadiwa ng Kautusan at mga Propeta.*+

13 “Pumasok kayo sa makipot na pintuang-daan,+ dahil maluwang ang pintuang-daan at malapad ang daang papunta sa pagkapuksa, at marami ang pumapasok dito; 14 pero makipot ang pintuang-daan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang mga nakakahanap dito.+

15 “Mag-ingat kayo sa huwad na mga propeta+ na lumalapit sa inyo na nakadamit-tupa,+ pero sa loob ay hayok na mga lobo.*+ 16 Makikilala ninyo sila sa mga bunga nila. Ang mga tao ay hindi makapipitas ng ubas o ng igos mula sa matitinik na halaman, hindi ba?+ 17 Maganda ang bunga ng mabuting puno, pero walang silbi ang bunga ng bulok na puno.+ 18 Ang mabuting puno ay hindi mamumunga ng walang-silbing bunga, at ang bulok na puno ay hindi mamumunga ng magandang bunga.+ 19 Bawat puno na hindi maganda ang bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy.+ 20 Kaya makikilala ninyo ang mga taong iyon sa kanilang mga bunga.+

21 “Hindi lahat ng nagsasabi sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa Kaharian ng langit, kundi ang gumagawa lang ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.+ 22 Marami ang magsasabi sa akin sa araw na iyon: ‘Panginoon, Panginoon,+ hindi ba nanghula kami sa pangalan mo, nagpalayas ng mga demonyo sa pangalan mo, at gumawa ng maraming himala sa pangalan mo?’+ 23 At sasabihin ko sa kanila: ‘Hindi ko kayo kilala! Masama ang ginagawa* ninyo. Lumayo kayo sa akin!’+

24 “Kung gayon, ang lahat ng nakaririnig sa sinasabi ko at sumusunod dito ay gaya ng isang matalinong tao na nagtayo ng bahay niya sa ibabaw ng malaking bato.+ 25 At bumuhos ang ulan, bumaha, at humihip ang hangin at humampas sa bahay, pero hindi ito gumuho, dahil nakatayo ito sa ibabaw ng malaking bato. 26 Pero ang lahat ng nakaririnig sa sinasabi ko at hindi sumusunod dito ay gaya ng isang taong mangmang na nagtayo ng bahay niya sa buhanginan.+ 27 At bumuhos ang ulan, bumaha, at humihip ang hangin at humampas sa bahay,+ at gumuho ito at lubusang nawasak.”

28 Matapos magsalita si Jesus, namangha ang mga tao sa paraan niya ng pagtuturo,+ 29 dahil nagturo siya sa kanila bilang isang tao na may awtoridad,+ at hindi gaya ng kanilang mga eskriba.

8 Pagbaba niya sa bundok, sinundan siya ng napakaraming tao. 2 At isang lalaking ketongin ang lumapit at lumuhod* sa harap niya at nagsabi: “Panginoon, kung gugustuhin mo lang, mapagagaling* mo ako.”+ 3 Kaya hinipo niya ang lalaki at sinabi: “Gusto ko! Gumaling ka.”+ Nawala agad ang ketong nito.+ 4 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniya: “Huwag mo itong sasabihin kahit kanino,+ pero humarap ka sa saserdote+ at maghandog ka ng hain na itinakda ni Moises,+ para makita nila* na gumaling ka na.”

5 Pagpasok niya sa Capernaum, isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kaniya at nakiusap:+ 6 “Ginoo, nakaratay sa bahay ang lingkod ko. Paralisado siya at hirap na hirap.” 7 Sinabi niya sa lalaki: “Pagdating ko roon, pagagalingin ko siya.” 8 Sumagot ang opisyal ng hukbo: “Ginoo, hindi ako karapat-dapat na puntahan mo sa bahay, pero sabihin mo lang na gumaling siya at gagaling ang lingkod ko. 9 Dahil ako rin ay nasa ilalim ng awtoridad ng iba, at may hawak din akong mga sundalo. Kapag sinabi ko sa isa, ‘Pumunta ka roon!’ nagpupunta siya, at sa isa pa, ‘Halika!’ lumalapit siya, at sa alipin ko, ‘Gawin mo ito!’ ginagawa niya iyon.” 10 Nang marinig ito ni Jesus, namangha siya at sinabi sa mga sumusunod sa kaniya: “Sinasabi ko sa inyo, wala pa akong nakita sa Israel na may ganito kalaking pananampalataya.+ 11 Pero tinitiyak ko sa inyo na marami mula sa silangan at kanluran ang darating at uupo* sa mesa kasama nina Abraham at Isaac at Jacob sa Kaharian ng langit,+ 12 samantalang ang mga anak ng Kaharian ay itatapon sa kadiliman sa labas. Iiyak sila roon at magngangalit ang mga ngipin nila.”+ 13 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa opisyal ng hukbo: “Umuwi ka na. Dahil nagpakita ka ng pananampalataya, mangyari nawa ang hinihiling mo.”+ At ang lingkod ay gumaling nang oras na iyon.+

14 Pagdating ni Jesus sa bahay ni Pedro, nakita niya ang biyenan nitong babae+ na nakahiga at nilalagnat.+ 15 Kaya hinipo niya ang kamay ng babae,+ at nawala ang lagnat nito, at bumangon ito at inasikaso siya. 16 Pero nang gumabi na, maraming tao na sinasaniban ng demonyo ang dinala sa kaniya; at pinalayas niya ang mga espiritu sa isang simpleng utos, at pinagaling niya ang lahat ng may sakit, 17 para matupad ang sinabi ng propetang si Isaias: “Siya mismo ang nag-alis ng aming mga sakit at nagdala ng aming mga karamdaman.”+

18 Nang makita ni Jesus ang mga tao sa palibot niya, inutusan niya ang mga alagad na sumama sa kaniya sa kabilang ibayo.+ 19 At may isang eskriba na lumapit at nagsabi sa kaniya: “Guro, susunod ako sa iyo saan ka man pumunta.”+ 20 Pero sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ang mga asong-gubat* ay may lungga at ang mga ibon sa langit ay may pugad, pero ang Anak ng tao ay walang sariling bahay na matulugan.”*+ 21 Pagkatapos, isa sa mga alagad ang nagsabi sa kaniya: “Panginoon, puwede bang umuwi muna ako at ilibing ang aking ama?”+ 22 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Patuloy mo akong sundan, at hayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang mga patay.”+

23 At nang sumakay siya sa isang bangka, sinundan siya ng mga alagad niya.+ 24 Pagkatapos, biglang nagkaroon ng malakas na bagyo sa lawa at natatabunan na ng mga alon ang bangka; pero natutulog siya.+ 25 At lumapit sila at ginising siya at sinabi: “Panginoon, iligtas mo kami, mamamatay na kami!” 26 Pero sinabi niya sa kanila: “Bakit takot na takot kayo? Bakit ang liit ng pananampalataya ninyo?”+ Pagkatapos, bumangon siya at sinaway ang hangin at ang lawa, at biglang naging kalmado ang paligid.+ 27 Kaya namangha ang mga alagad at nagsabi: “Sino ba talaga ang taong ito? Kahit ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kaniya.”

28 Nang makarating siya sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno, dalawang lalaking sinasaniban ng demonyo ang sumalubong sa kaniya.+ Galing sila sa mga libingan,* at napakabangis nila kaya walang naglalakas-loob na dumaan doon. 29 At sumigaw sila: “Bakit nandito ka, Anak ng Diyos?+ Pumunta ka ba rito para parusahan kami+ bago ang takdang panahon?”+ 30 Sa may kalayuan, isang malaking kawan ng mga baboy ang nanginginain.+ 31 Kaya nagmakaawa sa kaniya ang mga demonyo: “Kung palalayasin mo kami, papuntahin mo kami sa kawan ng mga baboy.”+ 32 Sinabi niya sa kanila: “Sige, umalis kayo!” Kaya lumabas sila at pumasok sa mga baboy; at ang buong kawan ay nagtakbuhan sa bangin, nahulog sa lawa, at nalunod. 33 Ang mga tagapag-alaga naman ng baboy ay nagtakbuhan papunta sa lunsod at ipinamalita ang lahat ng nangyari, pati ang tungkol sa mga lalaking sinasaniban ng demonyo. 34 At ang mga tao sa lunsod ay nagpunta kay Jesus, at pagkakita sa kaniya, pinakiusapan nila siyang umalis sa kanilang lupain.+

9 Kaya sumakay siya sa bangka, naglakbay papunta sa kabilang ibayo, at pumasok sa sarili niyang lunsod.+ 2 At dinala nila sa kaniya ang isang lalaking paralisado na nasa higaan. Nang makita ni Jesus ang pananampalataya nila, sinabi niya sa paralitiko: “Anak, lakasan mo ang loob mo! Pinatatawad na ang mga kasalanan mo.”+ 3 Nagbulong-bulungan ang ilan sa mga eskriba: “Namumusong* ang taong ito.” 4 Alam ni Jesus kung ano ang iniisip nila, kaya sinabi niya: “Bakit napakasama ng iniisip ninyo?+ 5 Alin ba ang mas madali, ang sabihing ‘Pinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing ‘Bumangon ka at lumakad’?+ 6 Pero para malaman ninyo na ang Anak ng tao ay may awtoridad na magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa—” pagkatapos, sinabi niya sa paralitiko: “Bumangon ka, buhatin mo ang higaan mo, at umuwi ka.”+ 7 At bumangon siya at umuwi. 8 Nang makita ito ng mga tao, natakot sila, at pinuri nila ang Diyos, na nagbigay ng gayong awtoridad sa tao.

9 Pagkaalis doon ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo sa tanggapan ng buwis, at sinabi niya rito: “Maging tagasunod kita.” Kaya tumayo ito at sumunod sa kaniya.+ 10 Pagkatapos, habang kumakain siya* sa bahay, maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ang dumating at kumaing* kasama ni Jesus at ng mga alagad niya.+ 11 Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa mga alagad niya: “Bakit kumakain ang guro ninyo kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?”+ 12 Nang marinig sila ni Jesus, sinabi niya: “Ang malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga maysakit.+ 13 Kaya alamin ninyo ang kahulugan nito, ‘Ang gusto ko ay awa at hindi hain.’+ Dahil dumating ako para tawagin, hindi ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan.”

14 Pagkatapos, lumapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan at nagtanong: “Kami at ang mga Pariseo ay nag-aayuno, pero bakit ang mga alagad mo, hindi?”+ 15 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ang mga kaibigan ng lalaking ikakasal+ ay walang dahilan na malungkot hangga’t kasama nila siya, hindi ba? Pero darating ang panahon na kukunin na siya sa kanila.+ Saka pa lang sila mag-aayuno. 16 Walang nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit, dahil kapag umurong ang bagong tela, mababatak nito ang tinagpian at lalong lálaki ang punit.+ 17 Wala rin namang taong naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Kapag ginawa ito ng isa, puputok ang sisidlan, matatapon ang alak, at hindi na magagamit ang sisidlan. Kaya inilalagay ng mga tao ang bagong alak sa bagong sisidlang balat, at pareho itong nagtatagal.”

18 Habang sinasabi niya sa kanila ang mga bagay na ito, isang tagapamahala ang lumapit at sumubsob sa paanan niya.* Sinabi nito: “Sa ngayon, baka patay na ang anak kong babae, pero sumama ka at ipatong mo ang kamay mo sa kaniya at mabubuhay siya.”+

19 Kaya tumayo si Jesus at sumunod sa tagapamahala kasama ang mga alagad niya. 20 At isang babaeng 12 taon nang dinudugo+ ang lumapit sa likuran niya at hinipo nito ang palawit ng damit niya,+ 21 dahil paulit-ulit nitong sinasabi sa sarili: “Mahipo ko lang ang damit niya, gagaling ako.” 22 Lumingon si Jesus, at nang mapansin niya ang babae ay sinabi niya: “Anak, lakasan mo ang loob mo! Pinagaling ka ng pananampalataya mo.”+ At nang oras ding iyon ay gumaling ang babae.+

23 Nang pumasok si Jesus sa bahay ng tagapamahala at makita ang mga nagpapatugtog ng plawta at ang mga taong nagkakagulo,+ 24 sinabi niya: “Umalis na kayo, dahil hindi namatay ang bata. Natutulog lang siya.”+ At pinagtawanan siya ng mga tao. 25 Nang mapalabas na ang mga tao, lumapit siya sa bata at hinawakan ang kamay nito,+ at bumangon ang bata.+ 26 Siyempre, napabalita ang tungkol dito sa buong lupaing iyon.

27 Pag-alis ni Jesus doon, dalawang lalaking bulag+ ang sumunod sa kaniya. Sumisigaw sila: “Maawa ka sa amin, Anak ni David!” 28 Nang makapasok siya sa bahay, lumapit sa kaniya ang mga bulag, at tinanong sila ni Jesus: “Nananampalataya ba kayo na mapagagaling ko kayo?”+ Sumagot sila: “Opo, Panginoon.” 29 Kaya hinipo niya ang mga mata nila+ at sinabi: “Mangyari nawa ang pinaniniwalaan ninyo.” 30 At nakakita sila. Mahigpit silang tinagubilinan ni Jesus: “Tiyakin ninyong walang makaaalam nito.”+ 31 Pero pagkalabas nila, ipinamalita nila ang tungkol sa kaniya sa buong lupaing iyon.

32 Nang paalis na sila, dinala ng mga tao kay Jesus ang isang lalaking pipi na sinasaniban ng demonyo;+ 33 at pagkatapos na mapalayas ang demonyo, nagsalita ang pipi.+ Namangha ang mga tao at sinabi nila: “Ngayon lang nangyari ang ganito sa Israel.”+ 34 Pero sinasabi ng mga Pariseo: “Ang pinuno ng mga demonyo ang tumutulong sa kaniya na makapagpalayas ng mga demonyo.”+

35 At si Jesus ay lumibot sa lahat ng lunsod at nayon; nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian, at nagpapagaling ng bawat uri ng sakit at kapansanan.+ 36 Pagkakita sa napakaraming tao, naawa siya sa kanila+ dahil sila ay sugatán at napabayaan* tulad ng mga tupang walang pastol.+ 37 Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad niya: “Talagang marami ang aanihin, pero kakaunti ang mga manggagawa.+ 38 Kaya makiusap kayo sa Panginoon ng pag-aani na magpadala ng mga manggagawa sa pag-aani niya.”+

10 Pagkatapos, tinawag niya ang kaniyang 12 alagad at binigyan sila ng awtoridad na magpalayas ng masasamang* espiritu+ at magpagaling ng bawat uri ng sakit at kapansanan.

2 Ito ang 12 apostol:+ Si Simon, na tinatawag na Pedro,+ at si Andres+ na kapatid niya; si Santiago na anak ni Zebedeo at ang kapatid niyang si Juan;+ 3 si Felipe at si Bartolome;+ si Tomas+ at si Mateo+ na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo; 4 si Simon na Cananeo;* at si Hudas Iscariote, na bandang huli ay nagtraidor sa kaniya.+

5 Ang 12 ito ay isinugo ni Jesus matapos bigyan ng ganitong tagubilin:+ “Huwag kayong pumunta sa rehiyon ng mga banyaga, at huwag kayong pumasok sa anumang lunsod ng mga Samaritano;+ 6 sa halip, pumunta lang kayo sa nawawalang mga tupa ng sambahayan ng Israel.+ 7 Humayo kayo at mangaral. Sabihin ninyo: ‘Ang Kaharian ng langit ay malapit na.’+ 8 Magpagaling kayo ng mga maysakit,+ bumuhay ng mga patay, magpagaling ng mga ketongin, magpalayas ng mga demonyo. Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad. 9 Huwag kayong magdala*+ ng ginto, o pilak, o tanso, 10 o ng lalagyan ng pagkain para sa paglalakbay, o ekstrang* damit, o sandalyas, o tungkod,+ dahil ang mga manggagawa ay karapat-dapat tumanggap ng pagkain.+

11 “Saanmang lunsod o nayon kayo pumasok, hanapin ninyo kung sino ang karapat-dapat, at manatili kayo sa bahay niya habang naroon kayo sa lugar na iyon.+ 12 Kapag pumapasok kayo sa bahay, batiin* ninyo ang sambahayan. 13 Kung karapat-dapat ang sambahayan, magkaroon nawa sila ng kapayapaang hinangad ninyo para sa kanila;+ pero kung hindi sila karapat-dapat, manatili nawa sa inyo ang kapayapaan. 14 Saanmang lugar hindi tanggapin o pakinggan ang sinasabi ninyo, kapag umalis kayo sa bahay o sa lunsod na iyon, ipagpag ninyo ang alikabok mula sa inyong mga paa.+ 15 Sinasabi ko sa inyo, mas magaan pa ang magiging parusa sa Sodoma at Gomorra+ sa Araw ng Paghuhukom kaysa sa lunsod na iyon.

16 “Isinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo;* kaya maging maingat kayong gaya ng ahas pero walang muwang* na gaya ng kalapati.+ 17 Mag-ingat kayo sa mga tao, dahil dadalhin nila kayo sa mga hukuman,+ at hahagupitin nila kayo+ sa mga sinagoga nila.+ 18 At dadalhin kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari+ dahil sa akin, at makapagpapatotoo kayo sa kanila at sa mga bansa.+ 19 Pero kapag dinala nila kayo roon, huwag kayong mag-alala kung ano ang sasabihin ninyo o kung paano ninyo ito sasabihin, dahil ipaaalam sa inyo ang sasabihin ninyo sa oras na iyon;+ 20 ang magsasalita ay hindi lang kayo, kundi ang espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.+ 21 Bukod diyan, ipapapatay ng kapatid ang kapatid niya, at ng ama ang anak niya, at ang mga anak ay lalaban sa mga magulang nila at ipapapatay ang mga ito.+ 22 At kapopootan kayo ng lahat ng tao dahil sa pangalan ko,+ pero ang makapagtitiis* hanggang sa wakas ay maliligtas.+ 23 Kapag pinag-uusig nila kayo sa isang lunsod, tumakas kayo papunta sa ibang lugar;+ dahil sinasabi ko sa inyo, hindi ninyo malilibot ang lahat ng lunsod sa Israel hanggang sa dumating ang Anak ng tao.

24 “Ang estudyante ay hindi nakahihigit sa guro niya, at ang alipin ay hindi nakahihigit sa panginoon niya.+ 25 Sapat na para sa estudyante na maging gaya ng guro niya, at sa alipin na maging gaya ng panginoon niya.+ Kung tinawag ng mga tao na Beelzebub*+ ang panginoon ng sambahayan, paano pa kaya ang mga kasama niya sa bahay? 26 Kaya huwag kayong matakot sa kanila, dahil walang anumang natatakpan na hindi malalantad, at walang lihim na hindi malalaman.+ 27 Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, sabihin ninyo sa liwanag, at ang ibinubulong ko sa inyo, ipangaral ninyo mula sa mga bubungan ng bahay.+ 28 Huwag kayong matakot sa makapapatay sa katawan pero hindi makapupuksa sa buhay;*+ sa halip, matakot kayo sa makapupuksa sa buhay at katawan sa Gehenna.*+ 29 Hindi ba ang dalawang maya ay ipinagbibili sa isang barya na maliit ang halaga?* Pero walang isa man sa mga ito ang nahuhulog* sa lupa nang hindi nalalaman ng inyong Ama.+ 30 At kayo, biláng niya kahit ang mga buhok ninyo sa ulo. 31 Kaya huwag kayong matakot; mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.+

32 “Bawat isa na kumikilala sa akin sa harap ng mga tao+ ay kikilalanin ko rin sa harap ng Ama ko na nasa langit.+ 33 Pero kung ikinakaila ako ng sinuman sa harap ng mga tao, ikakaila ko rin siya sa harap ng Ama ko na nasa langit.+ 34 Huwag ninyong isipin na dumating ako para magdala ng kapayapaan sa lupa; dumating ako para magdala, hindi ng kapayapaan, kundi ng espada.+ 35 Dahil dumating ako para maging sanhi ng pagkakabaha-bahagi, ng anak na lalaki at ng kaniyang ama, at ng anak na babae at ng kaniyang ina, at ng manugang na babae at ng kaniyang biyenang babae.+ 36 Kaya ang magiging kaaway ng isa ay ang sarili niyang pamilya. 37 Kung mas mahal ng isa ang kaniyang ama o ina kaysa sa akin, hindi siya karapat-dapat sa akin; at kung mas mahal ng isa ang kaniyang anak na lalaki o anak na babae kaysa sa akin, hindi siya karapat-dapat sa akin.+ 38 At sinumang ayaw pumasan sa kaniyang pahirapang tulos* at ayaw sumunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.+ 39 Sinumang nagsisikap magligtas ng buhay* niya ay mamamatay,* at sinumang mamatay alang-alang sa akin ay muling mabubuhay.+

40 “Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap din sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa nagsugo sa akin.+ 41 Ang tumatanggap sa isang propeta dahil ito ay propeta ay tatanggap ng gantimpala para sa isang propeta,+ at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil ito ay taong matuwid ay tatanggap ng gantimpala para sa taong matuwid. 42 At sinumang nagbibigay sa isa sa mga hamak na ito ng kahit isang baso ng malamig na tubig na maiinom dahil isa siyang alagad, sinasabi ko sa inyo, tiyak na tatanggap siya ng gantimpala.”+

11 Pagkatapos magbigay ni Jesus ng tagubilin sa 12 alagad niya, umalis siya para magturo at mangaral sa kalapít na mga lunsod.+

2 Nang mabalitaan ni Juan sa kulungan+ ang mga ginagawa ng Kristo, isinugo niya ang mga alagad niya+ 3 para tanungin ito: “Ikaw ba ang hinihintay namin, o may iba pang darating?”+ 4 Sumagot si Jesus: “Sabihin ninyo kay Juan ang inyong naririnig at nakikita:+ 5 Ang mga bulag ay nakakakita na,+ ang mga lumpo ay nakalalakad, ang mga ketongin+ ay gumagaling, ang mga bingi ay nakaririnig, ang mga patay ay binubuhay, at ang mahihirap ay pinangangaralan ng mabuting balita.+ 6 Maligaya ang nagtitiwala sa akin.”*+

7 Nang paalis na ang mga ito, sinabi ni Jesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ano ang nakita ninyo sa ilang?+ Isang taong gaya ng tambo na hinahampas-hampas ng hangin? Hindi.+ 8 Kung gayon, ano ang nakita ninyo? Isang taong may malambot na damit?* Hindi. Ang mga nagsusuot ng malambot na damit ay nasa palasyo ng mga hari. 9 Kung gayon, sino talaga siya? Isang propeta? Oo, at sinasabi ko sa inyo, hindi lang siya basta propeta.+ 10 Siya ang tinutukoy sa Kasulatan: ‘Isinusugo ko ang aking mensahero sa unahan mo, na maghahanda ng iyong dadaanan!’+ 11 Sinasabi ko sa inyo, sa lahat ng taong nabuhay, walang mas dakila kaysa kay Juan Bautista, pero ang pinakamababa sa Kaharian ng langit ay mas dakila kaysa sa kaniya.+ 12 Mula noong panahon ni Juan Bautista hanggang ngayon, nagsisikap ang mga tao na makamit ang Kaharian ng langit, at nakakamit ito ng mga patuloy na nagsisikap.+ 13 Dahil ang lahat, ang mga Propeta at ang Kautusan, ay humula hanggang sa panahon ni Juan;+ 14 at maniwala man kayo o hindi, siya ang ‘Elias na darating.’+ 15 Ang may tainga ay makinig.

16 “Kanino ko ikukumpara ang henerasyong ito?+ Tulad ito ng mga bata na nakaupo sa pamilihan at sumisigaw sa mga kalaro nila: 17 ‘Tinugtugan namin kayo ng plawta, pero hindi kayo sumayaw; humagulgol kami, pero hindi kayo nagdalamhati.’* 18 Sa katulad na paraan, si Juan ay hindi kumakain o umiinom, pero sinasabi ng mga tao, ‘Siya ay may demonyo.’ 19 Ang Anak ng tao ay kumakain at umiinom,+ pero sinasabi ng mga tao, ‘Matakaw ang taong ito at mahilig uminom ng alak; kaibigan siya ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan.’+ Pero ang karunungan ay makikita sa* gawa.”*+

20 Pagkatapos, tinuligsa niya ang mga lunsod kung saan niya ginawa ang karamihan sa kaniyang makapangyarihang mga gawa, dahil hindi sila nagsisi: 21 “Kaawa-awa ka, Corazin! Kaawa-awa ka, Betsaida! dahil kung nakita ng mga lunsod ng Tiro at Sidon ang makapangyarihang mga gawa na nakita ninyo, matagal na sana silang nagsisi at nagsuot ng telang-sako at umupo sa abo.+ 22 Pero sinasabi ko sa inyo, mas magaan pa ang magiging parusa sa Tiro at Sidon sa Araw ng Paghuhukom kaysa sa inyo.+ 23 At ikaw, Capernaum,+ itataas ka kaya sa langit? Sa Libingan* ka ibababa;+ dahil kung nakita ng lunsod ng Sodoma ang makapangyarihang mga gawa na nakita mo, nanatili sana iyon hanggang sa mismong araw na ito. 24 Pero sinasabi ko sa iyo, mas magaan pa ang magiging parusa sa lupain ng Sodoma sa Araw ng Paghuhukom kaysa sa iyo.”+

25 Nang panahong iyon, sinabi ni Jesus: “Sa harap ng mga tao ay pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil itinago mo ang mga bagay na ito mula sa marurunong at matatalino at isiniwalat ang mga ito sa mga bata.+ 26 Oo, dahil ito ang kalooban mo, O Ama. 27 Ang lahat ng bagay ay ibinigay na sa akin ng aking Ama,+ at walang lubos na nakakakilala sa Anak kundi ang Ama;+ wala ring lubos na nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustong turuan ng Anak tungkol sa Ama.+ 28 Lumapit kayo sa akin, lahat kayo na pagod at nabibigatan, at pagiginhawahin ko kayo. 29 Pasanin ninyo ang pamatok ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay mahinahon at mapagpakumbaba,*+ at magiginhawahan kayo. 30 Dahil ang pamatok ko ay madaling dalhin,* at ang pasan ko ay magaan.”

12 Isang araw ng Sabbath, dumaan si Jesus sa gitna ng bukid. Nagutom ang mga alagad niya at namitas ng mga uhay ng butil at kumain.+ 2 Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kaniya: “Ipinagbabawal kapag Sabbath ang ginagawa ng mga alagad mo.”+ 3 Sinabi niya sa kanila: “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 4 Hindi ba pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain nila ang mga tinapay na panghandog,*+ na hindi niya puwedeng kainin o ng mga kasama niya, dahil para lang iyon sa mga saserdote?+ 5 O hindi ba ninyo nabasa sa Kautusan na kapag Sabbath, ang mga saserdote sa templo ay nagpapatuloy sa gawain nila pero hindi sila nagkakasala?+ 6 Sinasabi ko sa inyo, mas dakila kaysa sa templo ang narito.+ 7 Kung naintindihan ninyo ang kahulugan nito, ‘Ang gusto ko ay awa+ at hindi hain,’+ hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang-sala. 8 Dahil ang Anak ng tao ay Panginoon ng Sabbath.”+

9 Pagkaalis sa lugar na iyon, nagpunta siya sa kanilang sinagoga, 10 at naroon ang isang lalaking may tuyot na* kamay.+ Kaya tinanong nila si Jesus, “Puwede bang magpagaling kapag Sabbath?” para maakusahan nila siya.+ 11 Sinabi niya sa kanila: “Kung mayroon kayong isang tupa at mahulog ito sa hukay sa araw ng Sabbath, hindi ba ninyo ito kukunin at iaahon?+ 12 Di-hamak na mas mahalaga ang tao kaysa sa tupa! Kaya puwedeng gumawa ng mabuti kapag Sabbath.” 13 Pagkatapos, sinabi niya sa lalaki: “Iunat mo ang kamay mo.” Iniunat niya iyon, at gumaling iyon. 14 Pero lumabas ang mga Pariseo at nagsabuwatan para mapatay siya. 15 Nang malaman ito ni Jesus, umalis siya roon. Marami rin ang sumunod sa kaniya,+ at pinagaling niya silang lahat, 16 pero mahigpit niya silang pinagbawalang sabihin sa iba ang tungkol sa kaniya,+ 17 para matupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng propetang si Isaias:

18 “Narito ang aking lingkod+ na pinili ko, ang minamahal ko, na kinalulugdan ko!+ Ibibigay ko sa kaniya ang aking espiritu,+ at ipapakita* niya sa mga bansa kung ano talaga ang katarungan. 19 Hindi siya makikipagtalo+ o sisigaw, at hindi maririnig ng sinuman ang tinig niya sa malalapad na daan. 20 Hindi niya dudurugin ang nabaling tambo, at hindi niya papatayin ang aandap-andap na mitsa,+ hanggang sa maitama niya ang lahat ng mali. 21 Talaga ngang sa pangalan niya aasa ang mga bansa.”+

22 Pagkatapos, dinala nila sa kaniya ang isang lalaking nabulag at napipi dahil sa pagsanib ng demonyo; pinagaling siya ni Jesus, kaya ang lalaking pipi ay nakapagsalita at nakakita. 23 Ang mga tao ay namangha at nagsabi: “Hindi kaya ito ang Anak ni David?” 24 Nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila: “Nagpapalayas ng mga demonyo ang taong ito sa tulong ni Beelzebub,* ang pinuno ng mga demonyo.”+ 25 Alam ni Jesus ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa kanila: “Bawat kaharian na nababahagi ay babagsak, at bawat lunsod o pamilya na nababahagi ay mawawasak. 26 Ngayon, kung pinalalayas ni Satanas si Satanas, kinakalaban niya ang sarili niya; kaya paano tatayo ang kaharian niya? 27 At kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa tulong ni Beelzebub, sino ang tumutulong sa mga tagasunod ninyo para mapalayas sila? Kaya ang mga tagasunod ninyo ang magpapatunay na mali kayo.* 28 Pero kung pinalalayas ko ang mga demonyo sa tulong ng espiritu ng Diyos, dumating na ang Kaharian ng Diyos nang hindi ninyo namamalayan.+ 29 O paano mapapasok ng sinuman ang bahay ng isang malakas na tao para nakawin ang mga pag-aari nito kung hindi niya muna gagapusin ang malakas na tao? Kapag nagawa niya iyon, saka pa lang niya mananakawan ang bahay nito. 30 Sinumang wala sa panig ko ay laban sa akin, at sinumang hindi nakikipagtulungan sa akin sa pagtitipon ay nagtataboy ng mga tao palayo sa akin.+

31 “Kaya sinasabi ko sa inyo, ang mga tao ay mapatatawad sa bawat uri ng kasalanan at pamumusong,* pero ang pamumusong laban sa espiritu ay hindi mapatatawad.+ 32 Halimbawa, sinumang nagsasalita laban sa Anak ng tao ay mapatatawad;+ pero sinumang nagsasalita laban sa banal na espiritu ay hindi mapatatawad, hindi, hindi sa sistemang* ito o sa darating na sistema.+

33 “Kung ang puno ninyo ay mabuti, maganda ang bunga nito, at kung ang puno ninyo ay bulok, bulok din ang bunga nito, dahil ang puno ay nakikilala sa bunga nito.+ 34 Kayong mga anak ng ulupong,+ paano kayo makapagsasalita ng mabubuting bagay, gayong masama kayo? Lumalabas sa bibig kung ano ang laman ng puso.*+ 35 Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabubuting bagay mula sa kaniyang mabuting kayamanan, pero ang masamang tao ay naglalabas ng masasamang bagay mula sa kaniyang masamang kayamanan.+ 36 Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang mga tao+ sa bawat walang-kabuluhang pananalitang sinasabi nila; 37 dahil pawawalang-sala ka* o hahatulan depende sa pananalita mo.”

38 Sinabi naman ng ilan sa mga eskriba at mga Pariseo: “Guro, gusto naming makakita ng isang tanda mula sa iyo.”+ 39 Sumagot si Jesus: “Ang napakasama at taksil* na henerasyong ito ay palaging naghahanap ng tanda, pero walang tandang ibibigay sa kanila maliban sa tanda ng propetang si Jonas.+ 40 Kung paanong si Jonas ay nasa tiyan ng napakalaking isda nang tatlong araw at tatlong gabi,+ ang Anak ng tao ay mananatili sa libingan nang tatlong araw at tatlong gabi.+ 41 Ang mga taga-Nineve ay bubuhaying muli sa paghuhukom kasama ng henerasyong ito at hahatulan nila ito, dahil nagsisi sila nang mangaral si Jonas.+ Pero higit pa kay Jonas ang narito.+ 42 Ang reyna ng timog ay bubuhaying muli sa paghuhukom kasama ng henerasyong ito at hahatulan niya ito, dahil naglakbay siya nang napakalayo para pakinggan ang karunungan ni Solomon.+ Pero higit pa kay Solomon ang narito.+

43 “Kapag ang isang masamang* espiritu ay lumabas sa isang tao, dumadaan siya sa tigang na mga lugar para maghanap ng mapagpapahingahan, at wala siyang nakikita.+ 44 Pagkatapos, sinasabi niya, ‘Babalik ako sa bahay na inalisan ko,’ at pagdating doon, nadaratnan niya itong bakante pero nawalisan at may dekorasyon. 45 Kaya bumabalik siya at nagsasama ng pitong iba pang espiritu na mas masama kaysa sa kaniya, at pagkapasok sa loob, naninirahan na sila roon; at lalong lumalala ang kalagayan ng taong iyon.+ Ganiyan din ang mangyayari sa napakasamang henerasyong ito.”

46 Habang nagsasalita pa si Jesus sa mga tao, dumating ang kaniyang ina at mga kapatid.+ Nakatayo sila sa labas at gustong makipag-usap sa kaniya.+ 47 Kaya may nagsabi sa kaniya: “Nakatayo sa labas ang iyong ina at mga kapatid at gustong makipag-usap sa iyo.” 48 Sinabi niya rito: “Sino ang aking ina, at sino ang aking mga kapatid?” 49 At itinuro niya ang mga alagad niya at sinabi: “Tingnan ninyo! Ang aking ina at mga kapatid!+ 50 Dahil ang sinumang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, siya ang aking kapatid na lalaki, kapatid na babae, at ina.”+

13 Nang araw na iyon, umalis si Jesus sa bahay at umupo sa may tabi ng lawa. 2 Dinagsa siya ng napakaraming tao kaya sumakay siya sa bangka at umupo rito, at ang lahat ng tao ay nakatayo sa dalampasigan.+ 3 Nagturo siya sa kanila ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga ilustrasyon.+ Sinabi niya: “Isang magsasaka ang lumabas para maghasik.+ 4 Sa paghahasik niya, ang ilang binhi ay napunta sa tabi ng daan, at dumating ang mga ibon at inubos ang mga ito.+ 5 Ang iba ay napunta sa batuhan kung saan kakaunti ang lupa, at tumubo agad ang mga ito dahil hindi malalim ang lupa.+ 6 Pero nang sumikat ang araw ay nainitan ang mga ito, at dahil walang ugat, nalanta ang mga ito. 7 Ang iba naman ay napunta sa may matitinik na halaman, at lumago ang matitinik na halaman at sinakal ang mga binhing tumubo.+ 8 Ang iba pa ay napunta sa matabang lupa at namunga ang mga ito. May namunga nang 100 ulit, 60 ulit, at 30 ulit na mas marami kaysa sa itinanim.+ 9 Ang may tainga ay makinig.”+

10 Kaya ang mga alagad ay lumapit sa kaniya at nagsabi: “Bakit ka nagtuturo sa kanila sa pamamagitan ng mga ilustrasyon?”+ 11 Sumagot siya: “Pinahintulutan kayong maintindihan ang mga sagradong lihim+ ng Kaharian ng langit, pero hindi sila pinahintulutang maintindihan ito. 12 Dahil ang sinumang mayroon ay bibigyan pa, at siya ay gagawing masagana; pero ang sinumang wala, kahit ang nasa kaniya ay kukunin.+ 13 Iyan ang dahilan kung bakit ako nagtuturo sa kanila sa pamamagitan ng mga ilustrasyon; dahil tumitingin sila pero walang saysay ang pagtingin nila, at nakikinig sila pero walang saysay ang pakikinig nila, at wala silang naiintindihan.+ 14 Natutupad sa kanila ang hula ni Isaias: ‘Maririnig ninyo iyon pero hindi ninyo mauunawaan, at titingin kayo pero wala kayong makikita.+ 15 Dahil ang puso ng bayang ito ay naging manhid, at nakaririnig ang mga tainga nila pero hindi sila tumutugon, at ipinikit nila ang kanilang mga mata, para hindi makakita ang mga mata nila at hindi makarinig ang mga tainga nila at hindi makaunawa ang mga puso nila, kaya hindi sila nanunumbalik at hindi ko sila napagagaling.’+

16 “Pero maligaya kayo dahil nakakakita ang mga mata ninyo at nakaririnig ang mga tainga ninyo.+ 17 Dahil sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga taong matuwid ang naghangad na makita ang mga nakikita ninyo pero hindi nila nakita ang mga iyon,+ at marinig ang mga naririnig ninyo pero hindi nila narinig ang mga iyon.

18 “Pakinggan ninyo ngayon ang ilustrasyon tungkol sa taong naghasik.+ 19 Kapag naririnig ng isa ang mensahe ng Kaharian pero hindi ito naiintindihan, dumarating ang masama*+ at inaagaw ang naihasik na sa puso niya; ito ang naihasik sa tabi ng daan.+ 20 Kung tungkol sa isa na naihasik sa batuhan, ito ang nakikinig sa mensahe at agad na tinatanggap iyon nang masaya.+ 21 Pero hindi ito nag-uugat sa puso niya at nananatili lang nang sandaling panahon. Pagdating ng mga problema o pag-uusig dahil sa mensahe, agad siyang nawawalan ng pananampalataya. 22 Kung tungkol sa isa na naihasik sa may matitinik na halaman, ito ang nakikinig sa mensahe, pero ang mga kabalisahan sa sistemang* ito+ at ang mapandayang kapangyarihan ng kayamanan ay sumasakal sa mensahe, at ito ay nagiging di-mabunga.+ 23 Kung tungkol sa isa na naihasik sa matabang lupa, ito ang nakikinig sa mensahe at naiintindihan iyon, at talagang nagbubunga ito. May namumunga nang 100 ulit, 60 ulit, at 30 ulit na mas marami kaysa sa itinanim.”+

24 Isa pang ilustrasyon ang sinabi niya sa kanila: “Ang Kaharian ng langit ay katulad ng isang tao na naghasik ng mainam na binhi sa bukid niya. 25 Habang natutulog ang mga tao, dumating ang kaaway niya at naghasik ng panirang-damo sa gitna ng trigo at umalis. 26 Nang tumubo at mamunga ang trigo, lumitaw rin ang panirang-damo. 27 Kaya ang mga alipin ng may-ari ng bukid ay lumapit sa kaniya at nagsabi, ‘Panginoon, hindi ba mainam na binhi ang inihasik mo sa bukid mo? Paano ito nagkaroon ng panirang-damo?’ 28 Sinabi niya sa kanila, ‘Isang kaaway ang gumawa nito.’+ Sinabi sa kaniya ng mga alipin, ‘Gusto mo bang lumabas kami at tipunin ang mga iyon?’ 29 Sinabi niya, ‘Huwag, baka mabunot din ninyo ang trigo kasama ng panirang-damo. 30 Hayaan ninyong sabay na lumaki ang mga ito hanggang sa pag-aani, at sa panahon ng pag-aani ay sasabihin ko sa mga manggagapas: Tipunin muna ninyo ang panirang-damo at pagbigkis-bigkisin ang mga iyon at sunugin; pagkatapos, tipunin ninyo ang trigo sa kamalig* ko.’”+

31 Isa pang ilustrasyon ang sinabi niya sa kanila: “Ang Kaharian ng langit ay gaya ng binhi ng mustasa, na kinuha ng isang tao at itinanim sa kaniyang bukid.+ 32 Ito ang pinakamaliit sa lahat ng binhi, pero kapag tumubo na, ito ang pinakamalaki sa mga gulay at nagiging isang puno, kaya ang mga ibon sa langit ay dumadapo at sumisilong sa mga sanga nito.”

33 Isa pang ilustrasyon ang sinabi niya: “Ang Kaharian ng langit ay gaya ng pampaalsa* na kinuha ng isang babae at inihalo sa tatlong malalaking takal* ng harina kaya umalsa ang buong masa.”+

34 Itinuro ni Jesus sa mga tao ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga ilustrasyon. Sa katunayan, hindi siya nagtuturo sa kanila nang walang ilustrasyon,+ 35 para matupad ang sinabi ng propeta: “Bibigkas ako ng mga ilustrasyon; ihahayag ko ang mga bagay na nakatago mula pa noong pasimula.”*+

36 Matapos pauwiin ang mga tao, pumasok siya sa bahay. Lumapit sa kaniya ang mga alagad niya at nagsabi: “Ipaliwanag mo sa amin ang ilustrasyon tungkol sa panirang-damo sa bukid.” 37 Sinabi niya: “Ang manghahasik ng mainam na binhi ay ang Anak ng tao; 38 ang bukid ay ang mundo.*+ Kung tungkol sa mainam na binhi, ito ang mga anak ng Kaharian, pero ang panirang-damo ay ang mga anak ng masama,*+ 39 at ang kaaway na naghasik ng mga iyon ay ang Diyablo. Ang pag-aani ay ang katapusan ng isang sistema,* at ang mga manggagapas ay ang mga anghel. 40 Kung paanong ang panirang-damo ay tinitipon at sinusunog sa apoy, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng sistemang* ito.+ 41 Isusugo ng Anak ng tao ang mga anghel niya, at titipunin nila mula sa Kaharian niya ang lahat ng nagiging dahilan ng pagkatisod* ng iba at ang mga gumagawa ng masama,* 42 at ihahagis sila sa maapoy na hurno.+ Iiyak sila roon at magngangalit ang mga ngipin nila. 43 Sa panahong iyon, ang mga matuwid ay sisikat nang maliwanag na gaya ng araw+ sa Kaharian ng kanilang Ama. Ang may tainga ay makinig.

44 “Ang Kaharian ng langit ay gaya ng kayamanang nakabaon sa bukid, na nakita ng isang tao at ibinaon ulit; dahil sa saya, umalis siya at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.+

45 “Ang Kaharian ng langit ay gaya rin ng isang naglalakbay na negosyante na naghahanap ng magandang klase ng mga perlas. 46 Nang makakita siya ng isang mamahaling perlas, umalis siya at agad na ipinagbili ang lahat ng pag-aari niya at binili iyon.+

47 “Ang Kaharian ng langit ay gaya rin ng isang lambat na inihahagis sa dagat at nakahuhuli ng bawat uri ng isda. 48 Nang mapuno ito, hinatak nila ito sa dalampasigan, at pagkaupo, inilagay nila sa mga basket ang magagandang klase ng isda,+ pero itinapon nila ang mga hindi mapapakinabangan.+ 49 Ganiyan ang mangyayari sa katapusan ng sistemang* ito. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang masasama mula sa mga matuwid 50 at ihahagis sila sa maapoy na hurno. Iiyak sila roon at magngangalit ang mga ngipin nila.

51 “Naiintindihan ba ninyo ang lahat ng ito?” Sumagot sila: “Oo.” 52 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Kung gayon, ang bawat tagapagturo na naturuan tungkol sa Kaharian ng langit ay gaya ng isang tao, isang may-ari ng bahay, na naglalabas ng mga bagay na bago at luma mula sa kaniyang imbakan ng kayamanan.”

53 Nang masabi na ni Jesus ang mga ilustrasyong ito, umalis siya roon. 54 Pagdating niya sa sarili niyang bayan,+ tinuruan niya sila sa kanilang sinagoga, at namangha sila at sinabi nila: “Saan nakuha ng taong ito ang ganitong karunungan at ang kakayahan niyang gumawa ng mga himala?*+ 55 Hindi ba ito ang anak ng karpintero?+ Hindi ba si Maria ang kaniyang ina, at ang mga kapatid niya ay sina Santiago, Jose, Simon, at Hudas?+ 56 At hindi ba tagarito rin ang lahat ng kapatid niyang babae? Saan niya kinuha ang lahat ng kakayahan niya?”+ 57 Kaya hindi sila naniwala sa kaniya.*+ Pero sinabi ni Jesus sa kanila: “Ang propeta ay pinahahalagahan kahit saan maliban sa sarili niyang bayan at sa sarili niyang sambahayan.”+ 58 At kaunti lang ang ginawa niyang himala* roon dahil hindi sila nananampalataya.

14 Nang panahong iyon, nabalitaan ni Herodes na tagapamahala ng distrito* ang tungkol kay Jesus,+ 2 at sinabi niya sa mga lingkod niya: “Siya si Juan Bautista na binuhay-muli kaya nakagagawa siya ng mga himala.”*+ 3 Inaresto ni Herodes* si Juan at iginapos ito at ipinabilanggo dahil kay Herodias, na asawa ng kapatid niyang si Felipe,+ 4 dahil sinasabi ni Juan kay Herodes: “Hindi tamang gawin mo siyang asawa.”+ 5 Pero kahit gustong patayin ni Herodes si Juan, natatakot siya sa mga tao dahil propeta ang turing nila rito.+ 6 Nang ipinagdiriwang ang kaarawan ni Herodes,+ sumayaw ang anak na babae ni Herodias at tuwang-tuwa si Herodes,+ 7 kaya sumumpa siyang ibibigay rito ang anumang hingin nito. 8 Ayon sa idinikta ng ina, sinabi ng dalaga: “Ibigay ninyo sa akin ngayon sa isang bandehado ang ulo ni Juan Bautista.”+ 9 Nalungkot ang hari, pero dahil sa sumpang binitiwan niya sa harap ng mga bisita,* iniutos niyang ibigay iyon. 10 Kaya nagsugo siya ng sundalo at pinapugutan ng ulo si Juan sa bilangguan. 11 At ang ulo ni Juan ay inilagay sa isang bandehado at ibinigay sa dalaga, at dinala niya ito sa kaniyang ina. 12 Di-nagtagal, dumating ang mga alagad ni Juan at kinuha ang bangkay niya at inilibing ito; pagkatapos, pumunta sila kay Jesus para sabihin ang nangyari. 13 Nang marinig ito ni Jesus, umalis siya sakay ng bangka papunta sa isang liblib na lugar para mapag-isa. Pero nang malaman ito ng mga tao, naglakad sila mula sa mga lunsod at sumunod sa kaniya.+

14 Pagdating niya sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming tao; naawa siya sa kanila,+ at pinagaling niya ang mga maysakit.+ 15 Nang gumagabi na, lumapit sa kaniya ang mga alagad at sinabi nila: “Liblib ang lugar na ito at gumagabi na; paalisin mo na ang mga tao para makapunta sila sa mga nayon at makabili ng makakain nila.”+ 16 Pero sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi nila kailangang umalis; bigyan ninyo sila ng makakain.” 17 Sinabi nila sa kaniya: “Limang tinapay lang at dalawang isda ang mayroon tayo.” 18 Sinabi niya: “Dalhin ninyo sa akin ang mga iyon.” 19 Pagkatapos, pinaupo niya ang mga tao sa damuhan. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, at pagtingala sa langit, nanalangin siya.*+ Matapos pagpira-pirasuhin ang mga tinapay, ibinigay niya ang mga iyon sa mga alagad, at ibinigay naman iyon ng mga alagad sa mga tao. 20 Kaya kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin nila ang natirang mga piraso, 12 basket ang napuno nila.+ 21 Ang kumain ay mga 5,000 lalaki, bukod pa sa mga babae at mga bata.+ 22 Pagkatapos, pinasakay niya agad sa bangka ang mga alagad niya para mauna ang mga ito sa kabilang ibayo, at pinauwi naman niya ang mga tao.+

23 Matapos niyang gawin ito, umakyat siya sa bundok nang mag-isa para manalangin.+ Ginabi siyang mag-isa roon. 24 Samantala, napakalayo na* ng bangka sa dalampasigan, at sinasalpok ito ng mga alon dahil ang hangin ay pasalungat sa kanila. 25 Pero nang madaling-araw na,* naglakad si Jesus sa ibabaw ng tubig papunta sa kanila. 26 Nang makita nila siyang naglalakad sa ibabaw ng tubig, natakot ang mga alagad. Sinabi nila: “Totoo ba ito?” At napasigaw sila sa takot. 27 Pero agad na sinabi ni Jesus sa kanila: “Lakasan ninyo ang loob ninyo! Ako ito; huwag kayong matakot.”+ 28 Sinabi ni Pedro sa kaniya: “Panginoon, kung ikaw iyan, utusan mo akong pumunta sa iyo sa ibabaw ng tubig.” 29 Sinabi niya: “Halika!” Kaya bumaba si Pedro mula sa bangka at naglakad sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. 30 Pero nang makita niyang malakas ang hangin, natakot siya. At nang lumulubog na siya, sumigaw siya: “Panginoon, iligtas mo ako!” 31 Agad na iniunat ni Jesus ang kamay niya at hinawakan si Pedro at sinabi: “Ikaw na may kakaunting pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?”+ 32 Pagkasampa nila sa bangka, tumigil ang malakas na hangin. 33 Lumuhod at yumuko sa kaniya ang mga nasa bangka at nagsabi: “Talagang ikaw ang Anak ng Diyos.” 34 At nakatawid sila at nakarating sa baybayin ng Genesaret.+

35 Nang makilala siya ng mga tagaroon, ipinamalita nila sa kalapít na mga lugar na dumating siya, at dinala sa kaniya ng mga tao ang lahat ng maysakit. 36 At nakiusap sila sa kaniya na hayaan silang hipuin man lang ang palawit ng damit niya,+ at ang lahat ng humipo rito ay gumaling.

15 Pagkatapos, may lumapit kay Jesus na mga Pariseo at mga eskriba mula sa Jerusalem.+ Sinabi nila: 2 “Bakit nilalabag ng mga alagad mo ang tradisyon ng mga ninuno natin? Halimbawa, hindi sila naghuhugas* ng kamay bago kumain.”+

3 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Bakit ninyo nilalabag ang utos ng Diyos dahil sa tradisyon ninyo?+ 4 Halimbawa, sinabi ng Diyos, ‘Parangalan* mo ang iyong ama at ina,’+ at, ‘Ang nagsasalita ng masama* sa kaniyang ama o ina ay papatayin.’+ 5 Pero sinasabi ninyo, ‘Sinumang nagsasabi sa kaniyang ama o ina: “Anumang mayroon ako na makatutulong sa inyo ay naialay ko na sa Diyos,”+ 6 hindi na niya kailangang parangalan pa ang kaniyang ama.’ Kaya winawalang-halaga ninyo ang salita ng Diyos dahil sa inyong tradisyon.+ 7 Kayong mga mapagkunwari, tama ang inihula ni Isaias tungkol sa inyo:+ 8 ‘Pinararangalan ako ng bayang ito sa pamamagitan ng mga labi nila, pero malayong-malayo ang puso nila sa akin. 9 Walang saysay ang patuloy na pagsamba nila sa akin, dahil mga utos ng tao ang itinuturo nila bilang doktrina.’”+ 10 Pagkatapos, pinalapit niya ang mga tao at sinabi sa kanila: “Makinig kayo at unawain ninyo ito:+ 11 Hindi ang pumapasok sa bibig ng isang tao ang nagpaparumi sa kaniya, kundi ang lumalabas sa bibig niya ang nagpaparumi sa kaniya.”+

12 Pagkatapos, lumapit ang mga alagad at sinabi nila sa kaniya: “Alam mo bang hindi nagustuhan ng mga Pariseo ang sinabi mo?”+ 13 Sumagot siya: “Bawat pananim na hindi itinanim ng Ama kong nasa langit ay bubunutin. 14 Pabayaan ninyo sila. Sila ay bulag na mga tagaakay. At kung isang taong bulag ang umaakay sa taong bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay.”+ 15 Sinabi ni Pedro sa kaniya: “Ipaliwanag mo sa amin ang ilustrasyon.” 16 Kaya sinabi ni Jesus: “Kayo rin ba ay hindi pa nakauunawa?+ 17 Hindi ba ninyo alam na anumang pumapasok sa bibig ay dumadaan sa tiyan at inilalabas ng katawan? 18 Pero anumang lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso, at iyon ang nagpaparumi sa isang tao.+ 19 Halimbawa, nanggagaling sa puso ang masasamang kaisipan:+ pagpatay, pangangalunya, seksuwal na imoralidad,* pagnanakaw, di-totoong testimonya, pamumusong.* 20 Ito ang mga bagay na nagpaparumi sa isang tao; pero ang kumain nang hindi muna naghuhugas* ng kamay ay hindi nagpaparumi sa isang tao.”

21 Pag-alis doon, pumunta naman si Jesus sa rehiyon ng Tiro at Sidon.+ 22 Isang babae mula sa rehiyong iyon ng Fenicia ang lumapit sa kaniya at nakiusap: “Maawa ka sa akin, Panginoon, Anak ni David. Hirap na hirap ang anak kong babae dahil sinasaniban siya ng demonyo.”+ 23 Pero wala siyang sinabing anuman sa babae. Kaya lumapit ang mga alagad kay Jesus at sinabi sa kaniya: “Paalisin mo siya, dahil sigaw siya nang sigaw sa likuran natin.” 24 Sumagot siya: “Isinugo ako para lang sa nawawalang mga tupa ng sambahayan ng Israel.”+ 25 Pero lumapit sa kaniya ang babae at lumuhod.* Sinabi nito: “Panginoon, tulungan mo ako!” 26 Sinabi ni Jesus: “Hindi tama na kunin ang tinapay ng mga anak at ihagis ito sa maliliit na aso.” 27 Sinabi ng babae: “Oo, Panginoon, pero kinakain ng maliliit na aso ang mga mumo na nalalaglag mula sa mesa ng mga amo nila.”+ 28 Sumagot si Jesus sa kaniya: “Malaki ang pananampalataya mo; mangyari nawa ang hinihiling mo.” At ang anak niyang babae ay gumaling nang oras na iyon.

29 Pag-alis doon, pumunta naman si Jesus malapit sa Lawa ng Galilea.+ Umakyat siya sa bundok at naupo. 30 At maraming tao ang lumapit sa kaniya, at may kasama silang mga lumpo, baldado, bulag, pipi, at maraming iba pang maysakit. Dinala nila ang mga ito sa kaniyang paanan, at pinagaling niya ang mga ito.+ 31 Namangha ang mga tao habang nakikita nilang nakapagsasalita ang mga pipi, gumagaling ang mga baldado, nakapaglalakad ang mga lumpo, at nakakakita ang mga bulag. At pinuri nila ang Diyos ng Israel.+

32 Pero tinawag ni Jesus ang mga alagad niya at sinabi: “Naaawa ako sa mga tao.+ Tatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain. Ayokong pauwiin sila nang gutom* dahil baka manghina sila sa daan.”+ 33 Pero sinabi sa kaniya ng mga alagad: “Saan sa liblib na lugar na ito tayo kukuha ng sapat na tinapay para mapakain ang ganito karaming tao?”+ 34 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ilan ang tinapay ninyo?” Sumagot sila: “Pito, at ilang maliliit na isda.” 35 Kaya pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao, 36 at kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda. Pagkatapos magpasalamat sa Diyos, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad; ibinigay naman ito ng mga alagad sa mga tao.+ 37 At kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin nila ang natirang mga piraso, pitong malalaking basket ang napuno nila.+ 38 Ang kumain ay 4,000 lalaki, bukod pa sa mga babae at mga bata. 39 At matapos pauwiin ang mga tao, sumakay siya sa bangka at pumunta sa lupain ng Magadan.+

16 Lumapit kay Jesus ang mga Pariseo at mga Saduceo. Para subukin siya, hinilingan nila siya na magpakita sa kanila ng isang tanda mula sa langit.+ 2 Sinabi niya sa kanila: “Kapag gumabi na, sinasabi ninyo, ‘Magiging maganda ang panahon, dahil ang langit ay mapulang gaya ng apoy,’ 3 at sa umaga, ‘Magiging malamig at maulan ngayon, dahil ang langit ay mapulang gaya ng apoy pero makulimlim.’ Nabibigyang-kahulugan ninyo ang hitsura ng langit, pero hindi ninyo mabigyang-kahulugan ang mga tanda ng mga panahon. 4 Ang napakasama at taksil* na henerasyong ito ay palaging naghahanap ng tanda, pero walang tandang ibibigay sa kanila+ maliban sa tanda ni Jonas.”+ Pagkatapos ay umalis siya at iniwan sila.

5 At tumawid ang mga alagad sa kabilang ibayo, pero nakalimutan nilang magdala ng tinapay.+ 6 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Maging mapagmasid kayo at mag-ingat sa lebadura* ng mga Pariseo at mga Saduceo.”+ 7 Kaya sinabi nila sa isa’t isa: “Hindi kasi tayo nagdala ng tinapay.” 8 Alam ito ni Jesus, kaya sinabi niya: “Bakit ninyo sinasabing wala kayong tinapay, kayo na may kakaunting pananampalataya? 9 Hindi pa ba ninyo nakukuha ang punto, o hindi ba ninyo natatandaan ang limang tinapay para sa 5,000 at kung ilang basket ang napuno ninyo?+ 10 O ang pitong tinapay para sa 4,000 at kung ilang malalaking basket ang napuno ninyo?+ 11 Bakit hindi ninyo naiintindihan na hindi tungkol sa tinapay ang sinasabi ko? Kundi mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo at mga Saduceo.”+ 12 Pagkatapos ay naintindihan nila na pinag-iingat niya sila, hindi sa lebadura ng tinapay, kundi sa turo ng mga Pariseo at mga Saduceo.

13 Nang makarating si Jesus sa lupain ng Cesarea Filipos, tinanong niya ang mga alagad niya: “Sino ang Anak ng tao ayon sa mga tao?”+ 14 Sinabi nila: “Sabi ng ilan, si Juan Bautista;+ ang iba, si Elias;+ at ang iba pa, si Jeremias o isa sa mga propeta.” 15 Sinabi niya sa kanila: “Pero kayo, sino ako para sa inyo?” 16 Sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Kristo,+ ang Anak ng buháy na Diyos.”+ 17 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas, dahil hindi tao* ang nagsiwalat nito sa iyo, kundi ang aking Ama na nasa langit.+ 18 Sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw si Pedro,+ at itatayo ko sa batong ito+ ang kongregasyon ko, at hindi ito matatalo ng Libingan.* 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng Kaharian ng langit, at anuman ang itali mo sa lupa ay naitali na sa langit, at anuman ang kalagan mo sa lupa ay nakalagan na sa langit.” 20 Pagkatapos, mahigpit niyang inutusan ang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.+

21 Mula noon, ipinaliwanag na ni Jesus sa mga alagad niya na kailangan niyang magpunta sa Jerusalem at magdusa nang husto sa kamay ng matatandang lalaki at mga punong saserdote at mga eskriba at kailangan siyang patayin at sa ikatlong araw ay buhaying muli.+ 22 Dahil dito ay dinala siya ni Pedro sa isang tabi at sinaway: “Maging mabait ka sa sarili mo, Panginoon; hindi iyan kailanman mangyayari sa iyo.”+ 23 Pero tinalikuran niya si Pedro at sinabi: “Diyan* ka sa likuran ko, Satanas! Hinahadlangan mo ako sa dapat kong gawin, dahil hindi kaisipan ng Diyos ang iniisip mo, kundi kaisipan ng tao.”+

24 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga alagad niya: “Kung gusto ng isa na sumunod sa akin, dapat niyang itakwil ang kaniyang sarili at buhatin ang kaniyang pahirapang tulos* at patuloy akong sundan.+ 25 Dahil ang sinumang gustong magligtas ng buhay* niya ay mamamatay;* pero ang sinumang mamatay alang-alang sa akin ay muling mabubuhay.+ 26 Ano ang saysay na makuha ng isang tao ang buong mundo* kung mamamatay naman siya?+ O ano ang maibibigay ng isang tao kapalit ng buhay* niya?+ 27 Dahil ang Anak ng tao, kasama ang mga anghel niya, ay darating taglay ang kaluwalhatian ng kaniyang Ama, at ibibigay niya ang nararapat sa bawat isa ayon sa kaniyang paggawi.+ 28 Sinasabi ko sa inyo na may ilan sa mga nakatayo rito na hindi mamamatay hanggang sa makita muna nila ang Anak ng tao na dumarating sa kaniyang Kaharian.”+

17 Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro at si Santiago at ang kapatid nitong si Juan, at umakyat sila sa isang napakataas na bundok nang sila-sila lang.+ 2 At nagbago ang kaniyang anyo sa harap nila; suminag na gaya ng araw ang mukha niya, at nagningning* na gaya ng liwanag ang damit niya.+ 3 At nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus. 4 Sinabi ni Pedro kay Jesus: “Panginoon, mabuti at narito kami. Kung gusto mo, magtatayo ako rito ng tatlong tolda, isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” 5 Habang nagsasalita pa siya, isang maliwanag na ulap ang lumilim sa kanila, at isang tinig mula sa ulap ang nagsabi: “Ito ang Anak ko, ang minamahal ko at kinalulugdan.+ Makinig kayo sa kaniya.”+ 6 Nang marinig ito ng mga alagad, sumubsob sila sa lupa sa sobrang takot. 7 Lumapit sa kanila si Jesus, hinipo sila, at sinabi: “Tumayo kayo. Huwag kayong matakot.” 8 Pagtingala nila, wala silang ibang nakita kundi si Jesus. 9 Habang bumababa sila ng bundok, inutusan sila ni Jesus: “Huwag ninyong sasabihin kahit kanino ang pangitain hanggang sa buhaying muli ang Anak ng tao.”+

10 Tinanong siya ng mga alagad: “Pero bakit sinasabi ng mga eskriba na kailangan munang dumating si Elias?”+ 11 Sumagot siya: “Talagang darating si Elias, at ibabalik niya sa ayos ang lahat ng bagay.+ 12 Pero sinasabi ko sa inyo na dumating na si Elias at hindi nila siya nakilala, kundi ginawa nila sa kaniya ang anumang gusto nila.+ Sa ganitong paraan din magdurusa ang Anak ng tao sa kanilang mga kamay.”+ 13 At naintindihan ng mga alagad na ang tinutukoy niya ay si Juan Bautista.

14 Pagdating nila sa kinaroroonan ng mga tao,+ isang lalaki ang lumapit sa kaniya. Lumuhod ito at nagsabi: 15 “Panginoon, maawa ka sa anak ko. May epilepsi siya at malala ang lagay niya. Madalas siyang mabuwal sa apoy at sa tubig.+ 16 Dinala ko siya sa mga alagad mo, pero hindi nila siya mapagaling.” 17 Sinabi ni Jesus: “O henerasyong walang pananampalataya at makasalanan,+ hanggang kailan ko kayo pakikisamahan? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo siya dito sa akin.” 18 Pagkatapos, sinaway ni Jesus ang demonyo, at lumabas ito sa batang lalaki, at gumaling ang bata nang mismong oras na iyon.+ 19 Lumapit ang mga alagad kay Jesus nang sila-sila lang at nagsabi: “Bakit hindi namin iyon mapalayas?” 20 Sinabi niya sa kanila: “Dahil maliit ang pananampalataya ninyo. Sinasabi ko sa inyo, kung may pananampalataya kayo na kasinliit ng binhi ng mustasa, sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon,’ at lilipat ito, at walang magiging imposible para sa inyo.”+ 21 *——

22 Habang magkakasama sila sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kanila: “Ang Anak ng tao ay ibibigay sa kamay ng mga kaaway,+ 23 at papatayin nila siya, at sa ikatlong araw ay bubuhayin siyang muli.”+ Kaya nalungkot sila nang husto.

24 Pagdating nila sa Capernaum, ang mga lalaking naniningil ng buwis na dalawang drakma* ay lumapit kay Pedro at nagsabi: “Nagbabayad ba ang guro ninyo ng buwis na dalawang drakma?”+ 25 Sinabi niya: “Oo.” Pero pagpasok niya sa bahay, tinanong agad siya ni Jesus: “Ano sa palagay mo, Simon? Mula kanino tumatanggap ng buwis ang mga hari sa lupa? Mula sa mga anak nila o sa ibang tao?” 26 Nang sabihin niya: “Mula sa ibang tao,” sinabi ni Jesus sa kaniya: “Kaya libre talaga sa buwis ang mga anak. 27 Pero para wala silang masabi sa atin,+ pumunta ka sa lawa, mamingwit ka, at kunin mo ang unang isda na mahuhuli mo. Kapag ibinuka mo ang bibig nito, makakakita ka ng isang baryang pilak.* Kunin mo iyon at ibigay mo sa kanila para sa ating dalawa.”

18 Pagkatapos, ang mga alagad ay lumapit kay Jesus at nagsabi: “Sino talaga ang pinakadakila* sa Kaharian ng langit?”+ 2 Kaya tinawag niya ang isang bata at pinatayo sa gitna nila. 3 Sinabi niya: “Sinasabi ko sa inyo, malibang kayo ay magbago* at maging gaya ng mga bata,+ hinding-hindi kayo makakapasok sa Kaharian ng langit.+ 4 Kaya ang sinumang magpapakababa na gaya ng batang ito ang siyang pinakadakila sa Kaharian ng langit;+ 5 at ang sinumang tumatanggap sa isang batang gaya nito alang-alang sa akin ay tumatanggap din sa akin. 6 Pero ang sinumang tumisod sa* isa sa maliliit na ito na nananampalataya sa akin, mas mabuti pang bitinan ang leeg niya ng isang gilingang-bato na iniikot ng isang asno at ihulog siya sa gitna ng dagat.+

7 “Kaawa-awa ang mundo dahil sa mga bagay na nakakatisod! Totoo, magkakaroon talaga ng mga dahilan ng pagkatisod, pero kaawa-awa ang taong pagmumulan nito! 8 Kaya nga, kung nagkakasala ka dahil sa iyong kamay o paa, putulin mo ito at itapon.+ Mas mabuti pang tumanggap ka ng buhay na may iisang kamay o iisang paa kaysa may dalawang kamay o dalawang paa ka nga, pero ihahagis ka naman sa walang-hanggang apoy.+ 9 At kung nagkakasala ka dahil sa mata mo, dukitin mo ito at itapon. Mas mabuti pang tumanggap ka ng buhay na may iisang mata, kaysa may dalawang mata ka nga, pero ihahagis ka naman sa maapoy na Gehenna.*+ 10 Huwag na huwag ninyong hahamakin ang isa sa maliliit na ito, dahil sinasabi ko sa inyo na laging nakikita ng kanilang mga anghel sa langit ang mukha ng aking Ama na nasa langit.+ 11 *——

12 “Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may 100 tupa at maligaw ang isa sa mga ito,+ hindi ba niya iiwan sa mga bundok ang 99 at hahanapin ang isa na naligaw?+ 13 At kung makita niya ito, sinasabi ko sa inyo, mas matutuwa siya rito kaysa sa 99 na hindi naligaw. 14 Sa katulad na paraan, hindi gusto ng aking* Ama sa langit na mapuksa ang kahit isa sa maliliit na ito.+

15 “Kung ang kapatid mo ay magkasala, puntahan mo siya at sabihin mo ang pagkakamali niya* nang kayong dalawa lang.+ Kung makinig siya sa iyo, natulungan mo ang kapatid mo na gawin ang tama.+ 16 Pero kung hindi siya makinig, magsama ka ng isa o dalawa pa, para sa patotoo* ng dalawa o tatlong saksi ay mapagtibay ang bawat bagay.+ 17 Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo sa kongregasyon. Kung hindi siya makinig kahit sa kongregasyon, ituring mo siyang gaya ng tao ng ibang bansa*+ at gaya ng maniningil ng buwis.+

18 “Sinasabi ko sa inyo, anumang bagay ang itali ninyo sa lupa ay naitali na sa langit, at anumang bagay ang kalagan ninyo sa lupa ay nakalagan na sa langit. 19 Muli ay sinasabi ko sa inyo, kung ang dalawa sa inyo sa lupa ay magkasundong humiling ng isang mahalagang bagay, ibibigay iyon sa kanila ng aking Ama na nasa langit.+ 20 Dahil kapag may dalawa o tatlong tao na nagtitipon sa pangalan ko,+ kasama nila ako.”

21 Pagkatapos, lumapit sa kaniya si Pedro at nagsabi: “Panginoon, hanggang ilang ulit ako dapat magpatawad sa kapatid ko na nagkakasala sa akin? Hanggang sa pitong ulit ba?” 22 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Sinasabi ko sa iyo, hindi hanggang sa pitong ulit, kundi hanggang sa 77 ulit.+

23 “Iyan ang dahilan kung bakit ang Kaharian ng langit ay gaya ng isang hari na gustong maningil ng utang ng mga alipin niya. 24 Nang magsimula siyang maningil, dinala sa harap niya ang isang lalaking may utang na 10,000 talento.* 25 Pero dahil hindi niya ito kayang bayaran, iniutos ng hari na siya at ang kaniyang asawa at mga anak at ang lahat ng pag-aari niya ay ipagbili para makabayad siya.+ 26 Kaya ang alipin ay lumuhod at yumukod sa harap ng hari at nagsabi, ‘Pasensiya na po kayo, babayaran ko rin ang lahat ng utang ko sa inyo.’ 27 Naawa ang hari, kaya pinalaya niya ito at hindi na pinabayaran ang utang nito.+ 28 Pero paglabas ng aliping iyon, nakita niya ang kapuwa niya alipin na may utang sa kaniya na 100 denario,* at sinunggaban niya ito at sinakal at sinabi, ‘Bayaran mo ang utang mo.’ 29 Kaya lumuhod ang kapuwa niya alipin at nagmakaawa sa kaniya, ‘Pasensiya ka na, babayaran ko rin ang utang ko sa iyo.’ 30 Pero hindi niya ito pinagbigyan, at ipinabilanggo niya ang kapuwa niya alipin hanggang sa makabayad ito. 31 Nang makita ng mga kapuwa niya alipin ang nangyari, lungkot na lungkot sila, at nagpunta sila sa hari para sabihin ang lahat ng nangyari. 32 Pagkatapos, ipinatawag siya ng hari at sinabi sa kaniya, ‘Napakasama mong alipin. Hindi ko na pinabayaran sa iyo ang lahat ng utang mo nang magmakaawa ka sa akin. 33 Hindi ba dapat naawa ka rin sa kapuwa mo alipin, gaya ko na naawa sa iyo?’+ 34 Sa galit ng hari, ipinabilanggo niya* ang alipin hanggang sa mabayaran nito ang lahat ng utang nito. 35 Ganiyan din ang gagawin sa inyo ng aking Ama sa langit+ kung hindi ninyo patatawarin mula sa puso ang inyong kapatid.”+

19 Pagkatapos sabihin ang mga bagay na ito, umalis si Jesus sa Galilea, tumawid ng Jordan, at nakarating sa hangganan ng Judea.+ 2 Sinundan siya ng napakaraming tao, at pinagaling niya sila roon.

3 At lumapit sa kaniya ang mga Pariseo para subukin siya. Nagtanong sila: “Puwede bang diborsiyuhin ng isang lalaki ang asawa niya sa kahit anong dahilan?”+ 4 Sinabi niya: “Hindi ba ninyo nabasa na siya na lumalang* sa kanila mula sa pasimula ay ginawa silang lalaki at babae+ 5 at sinabi: ‘Dahil dito ay iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina at mamumuhay kasama* ng kaniyang asawang babae, at ang dalawa ay magiging isang laman’?+ 6 Kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Kaya ang pinagsama* ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao.”+ 7 Sinabi nila sa kaniya: “Kung gayon, bakit iniutos ni Moises ang pagbibigay ng isang kasulatan ng paghihiwalay para madiborsiyo ang asawang babae?”+ 8 Sinabi niya sa kanila: “Dahil sa katigasan ng puso ninyo, pinahintulutan kayo ni Moises na diborsiyuhin ang inyong mga asawang babae,+ pero hindi ganoon sa pasimula.+ 9 Sinasabi ko sa inyo na ang sinumang dumiborsiyo sa kaniyang asawang babae, malibang dahil sa seksuwal na imoralidad,* at mag-asawa ng iba ay nangangalunya.”+

10 Sinabi ng mga alagad sa kaniya: “Kung ganiyan ang pag-aasawa, mas mabuti pang huwag nang mag-asawa.” 11 Sinabi niya sa kanila: “Hindi lahat ay makagagawa niyan, kundi ang may ganiyang kaloob lang.+ 12 May mga taong isinilang na bating,* ang iba naman ay ginawang bating ng mga tao, at may mga nagpasiyang maging bating para sa Kaharian ng langit. Siya na makagagawa nito, gawin ito.”+

13 Pagkatapos, may mga taong nagdala sa kaniya ng mga bata para maipatong niya sa mga ito ang kaniyang mga kamay at maipanalangin ang mga ito, pero pinagalitan sila ng mga alagad.+ 14 Sinabi ni Jesus: “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang pigilan, dahil ang Kaharian ng langit ay para sa mga gaya nila.”+ 15 At ipinatong niya sa kanila ang mga kamay niya at umalis siya roon.

16 Pagkatapos, may lalaking lumapit sa kaniya at nagsabi: “Guro, anong kabutihan ang dapat kong gawin para magkaroon ako ng buhay na walang hanggan?”+ 17 Sinabi ni Jesus: “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? May Isa lang na mabuti.+ Pero kung gusto mong tumanggap ng buhay, patuloy mong sundin ang mga utos.”+ 18 Sinabi sa kaniya ng lalaki: “Aling mga utos?” Sinabi ni Jesus: “Huwag kang papatay,+ huwag kang mangangalunya,+ huwag kang magnanakaw,+ huwag kang tetestigo nang may kasinungalingan,+ 19 parangalan* mo ang iyong ama at ina,+ at dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.”+ 20 Sinabi sa kaniya ng lalaki: “Sinusunod ko ang lahat ng iyan; ano pa ang kailangan kong gawin?” 21 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Kung gusto mong maging perpekto,* ipagbili mo ang mga pag-aari mo at ibigay mo sa mahihirap ang napagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit;+ pagkatapos, sumama ka sa akin, at maging tagasunod kita.”+ 22 Nang marinig ito ng lalaki, malungkot siyang umalis, dahil marami siyang pag-aari.+ 23 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga alagad niya: “Sinasabi ko sa inyo, mahihirapan ang isang mayaman na makapasok sa Kaharian ng langit.+ 24 Inuulit ko, mas madali pang makakapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa makapasok ang isang mayaman sa Kaharian ng Diyos.”+

25 Nang marinig iyon ng mga alagad, nabigla sila at sinabi nila: “Kung gayon, sino talaga ang makaliligtas?”+ 26 Tiningnan sila ni Jesus at sinabi: “Sa mga tao ay imposible ito, pero sa Diyos ay posible ang lahat ng bagay.”+

27 Pagkatapos, sinabi ni Pedro: “Iniwan na namin ang lahat at sumunod kami sa iyo; ano ang tatanggapin namin?”+ 28 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sinasabi ko sa inyo, sa panahong gagawin nang bago ang lahat ng bagay,* kapag ang Anak ng tao ay umupo sa kaniyang maluwalhating trono, kayo na sumunod sa akin ay uupo rin sa 12 trono para humatol sa 12 tribo ng Israel.+ 29 At ang bawat isa na umiwan sa kaniyang mga bahay, mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, ama, ina, mga anak, o mga lupain alang-alang sa pangalan ko ay tatanggap ng sandaang ulit na mas marami sa mga ito at magmamana ng buhay na walang hanggan.+

30 “Pero maraming nauuna ang mahuhuli at maraming nahuhuli ang mauuna.+

20 “Dahil ang Kaharian ng langit ay tulad ng may-ari ng ubasan na maagang lumabas para kumuha ng mga manggagawa sa ubasan niya.+ 2 Matapos makipagkasundo sa mga manggagawa na susuwelduhan niya sila ng isang denario* sa isang araw, pinapunta niya sila sa ubasan niya. 3 Lumabas ulit siya noong mga ikatlong oras,* at may nakita siyang mga nakatayo lang sa pamilihan at walang ginagawa; 4 at sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo sa ubasan, at bibigyan ko kayo ng makatuwirang suweldo.’ 5 Kaya pumunta sila roon. Lumabas siya ulit noong mga ikaanim na oras* at ikasiyam na oras* at ganoon din ang ginawa niya. 6 At noong mga ika-11 oras,* lumabas siya at nakita ang iba pa na nakatayo lang, at sinabi niya sa kanila, ‘Bakit maghapon kayong nakatayo rito nang walang ginagawa?’ 7 Sumagot sila, ‘Wala kasing nagbibigay sa amin ng trabaho.’ Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo sa ubasan.’

8 “Nang gumabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa katiwala niya, ‘Tawagin mo ang mga manggagawa at suwelduhan sila,+ simula sa pinakahuling dumating hanggang sa pinakauna.’ 9 Nang dumating ang mga lalaking nagtrabaho nang ika-11 oras, bawat isa sa kanila ay tumanggap ng isang denario.* 10 Kaya nang dumating ang mga naunang magtrabaho, inisip nila na mas malaki ang tatanggapin nila, pero isang denario* din ang isinuweldo sa kanila. 11 Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. 12 Sinabi nila, ‘Isang oras lang nagtrabaho ang mga huling dumating, pero ang isinuweldo mo sa kanila, kapareho ng sa amin na nagpakapagod sa buong maghapon at nagtiis ng init!’ 13 Pero sinabi niya sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, wala akong ginagawang mali sa iyo. Nagkasundo tayo sa isang denario,* hindi ba?+ 14 Kunin mo ang suweldo mo at umuwi ka. Gusto kong ibigay sa mga huling nagtrabaho ang katulad ng ibinigay ko sa iyo. 15 Wala ba akong karapatang gawin kung ano ang gusto ko sa mga pag-aari ko? O naiinggit ka* dahil naging mabuti* ako sa kanila?’+ 16 Sa ganitong paraan, ang mga nahuhuli ay mauuna, at ang mga nauuna ay mahuhuli.”+

17 Habang papunta* sa Jerusalem, ibinukod ni Jesus ang 12 alagad. Sinabi niya sa kanila sa daan:+ 18 “Makinig kayo. Pupunta tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga punong saserdote at mga eskriba. Hahatulan nila siya ng kamatayan+ 19 at ibibigay sa mga tao ng ibang mga bansa para tuyain at hagupitin at ibayubay* sa tulos;+ at sa ikatlong araw ay bubuhayin siyang muli.”+

20 Pagkatapos, lumapit kay Jesus ang asawa ni Zebedeo+ kasama ang mga anak niya. Lumuhod* ito para makiusap.+ 21 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ano ang gusto mo?” Sumagot siya: “Kapag naroon ka na sa iyong Kaharian, paupuin mo sana sa tabi mo ang dalawa kong anak, isa sa kanan mo at isa sa kaliwa mo.”+ 22 Sumagot si Jesus: “Hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Kaya ba ninyong inuman ang kopa na malapit ko nang inuman?”+ Sinabi nila sa kaniya: “Kaya namin.” 23 Sinabi niya sa kanila: “Talagang iinuman ninyo ang aking kopa,+ pero hindi ako ang magpapasiya kung sino ang uupo sa kanan ko at sa kaliwa ko. Ang aking Ama ang magpapasiya kung para kanino ang mga puwestong iyon.”+

24 Nang marinig ito ng 10 iba pa, nagalit sila sa magkapatid.+ 25 Pero tinawag sila ni Jesus at sinabi sa kanila: “Alam ninyo na ang mga tagapamahala ng mga bansa ay nag-aastang panginoon sa mga nasasakupan nila at ipinapakita ng mga may kapangyarihan na sila ang dapat masunod.+ 26 Hindi kayo dapat maging ganiyan;+ sa halip, ang sinumang gustong maging dakila sa inyo ay dapat na maging lingkod ninyo,+ 27 at ang sinumang gustong maging una sa inyo ay dapat na maging alipin ninyo.+ 28 Kung paanong ang Anak ng tao ay dumating, hindi para paglingkuran, kundi para maglingkod+ at ibigay ang buhay* niya bilang pantubos na kapalit ng marami.”+

29 Habang papalabas sila mula sa Jerico, maraming tao ang sumunod sa kaniya. 30 May dalawang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan. Nang marinig nilang dumadaan si Jesus, sumigaw sila: “Panginoon, maawa ka sa amin, Anak ni David!”+ 31 Pero sinaway sila ng mga tao at sinabihang tumahimik; pero lalo pa nilang nilakasan ang sigaw nila at sinabi: “Panginoon, maawa ka sa amin, Anak ni David!” 32 Kaya huminto si Jesus, tinawag sila, at sinabi: “Ano ang gusto ninyong gawin ko para sa inyo?” 33 Sinabi nila sa kaniya: “Panginoon, gusto naming makakita.” 34 Dahil sa awa, hinipo ni Jesus ang mga mata nila,+ at nakakita sila agad, at sumunod sila sa kaniya.

21 Nang malapit na sila sa Jerusalem at makarating sa Betfage sa Bundok ng mga Olibo, nagsugo si Jesus ng dalawang alagad.+ 2 Sinabi niya sa kanila: “Pumunta kayo sa nayon na abot-tanaw ninyo, at makakakita kayo agad ng isang asnong nakatali, kasama ang isang bisiro.* Kalagan ninyo ang mga ito at dalhin sa akin. 3 Kung may magtanong sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kailangan ng Panginoon ang mga ito.’ At agad niyang ipadadala ang mga ito.”

4 Talagang nangyari ito para matupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng propeta: 5 “Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion: ‘Tingnan mo! Ang iyong hari ay dumarating sa iyo,+ mahinahon,+ at nakasakay sa asno, oo, sa isang bisiro, na anak ng hayop na pantrabaho.’”+

6 Kaya umalis ang mga alagad at ginawa ang iniutos sa kanila ni Jesus.+ 7 Dinala nila ang asno at ang bisiro nito, at ipinatong nila sa mga ito ang mga balabal nila, at umupo siya sa mga iyon.+ 8 Inilatag ng karamihan sa mga tao ang mga balabal nila sa daan;+ ang iba naman ay pumutol ng mga sanga mula sa mga puno at inilatag nila ang mga ito sa daan. 9 Gayundin, ang mga taong nasa unahan niya at ang mga sumusunod sa kaniya ay patuloy na sumisigaw: “Iligtas nawa ang Anak ni David!+ Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ni Jehova!*+ Iligtas nawa siya, ang dalangin namin sa langit!”+

10 At nang pumasok si Jesus sa Jerusalem, nagkagulo ang buong lunsod. Sinasabi ng mga tao: “Sino ito?” 11 Ang mga taong kasama niya ay nagsasabi: “Ito ang propetang si Jesus,+ mula sa Nazaret ng Galilea!”

12 Pumasok si Jesus sa templo at pinalayas ang lahat ng nagtitinda at bumibili sa templo, at itinaob niya ang mga mesa ng mga tagapagpalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng kalapati.+ 13 At sinabi niya sa kanila: “Nasusulat, ‘Ang bahay ko ay tatawaging bahay-panalanginan,’+ pero ginagawa ninyo itong pugad ng mga magnanakaw.”+ 14 Gayundin, lumapit sa kaniya sa templo ang mga bulag at pilay, at pinagaling niya sila.

15 Nang makita ng mga punong saserdote at mga eskriba ang mga himalang ginawa niya at ang mga batang lalaki na sumisigaw sa templo, “Iligtas nawa ang Anak ni David!”+ nagalit sila.+ 16 Sinabi nila sa kaniya: “Naririnig mo ba ang sinasabi ng mga ito?” Sumagot si Jesus: “Oo. Hindi pa ba ninyo nabasa ang ganito, ‘Mula sa bibig ng mga bata at sanggol ay pinalabas mo ang papuri’?”+ 17 At iniwan niya sila at umalis sa lunsod papuntang Betania. Doon siya nagpalipas ng gabi.+

18 Kinaumagahan, habang pabalik siya sa lunsod, nagutom siya.+ 19 May nakita siyang isang puno ng igos sa tabi ng daan at nilapitan niya iyon, pero wala itong bunga kundi mga dahon lang.+ Kaya sinabi niya rito: “Huwag ka nang mamunga kahit kailan.”+ At natuyot agad ang puno ng igos. 20 Nang makita ito ng mga alagad, namangha sila at sinabi nila: “Paano nangyaring natuyot agad ang puno ng igos?”+ 21 Sinabi sa kanila ni Jesus: “Sinasabi ko sa inyo, kung may pananampalataya kayo at hindi nag-aalinlangan, hindi lang ang ginawa ko sa puno ng igos ang magagawa ninyo. Kahit pa sabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Umangat ka at mahulog sa dagat,’ mangyayari iyon.+ 22 At lahat ng hihilingin ninyo sa panalangin ay ibibigay sa inyo kung nananampalataya kayo.”+

23 Pumasok siya sa templo. Habang nagtuturo siya, lumapit sa kaniya ang mga punong saserdote at ang matatandang lalaki ng bayan. Sinabi nila: “Ano ang karapatan mong gawin ang mga ito? At sino ang nagbigay sa iyo ng ganiyang awtoridad?”+ 24 Sinabi ni Jesus sa kanila: “May itatanong din ako sa inyo. Kung sasabihin ninyo sa akin ang sagot, sasabihin ko rin sa inyo kung sino ang nagbigay sa akin ng awtoridad na gawin ang mga ito: 25 Sino ang nagbigay kay Juan ng awtoridad na magbautismo, ang langit o ang mga tao?” Nag-usap-usap sila: “Kung sasabihin natin, ‘Ang langit,’ sasabihin niya sa atin, ‘Kung gayon, bakit hindi kayo naniwala sa kaniya?’+ 26 Kung sasabihin naman natin, ‘Ang mga tao,’ baka kung ano ang gawin sa atin ng mga tao, dahil lahat sila ay naniniwalang propeta si Juan.” 27 Kaya sumagot sila kay Jesus: “Hindi namin alam.” Sinabi naman niya sa kanila: “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sino ang nagbigay sa akin ng awtoridad na gawin ang mga ito.

28 “Pag-isipan ninyo ito. Isang tao ang may dalawang anak. Nilapitan niya ang nakatatandang anak at sinabi rito, ‘Anak, magtrabaho ka ngayon sa ubasan.’ 29 Sinabi nito, ‘Ayoko po,’ pero nakonsensiya ito at nagpunta sa ubasan. 30 Nilapitan niya ang nakababatang anak at ganoon din ang sinabi niya. Sumagot ito, ‘Sige po,’ pero hindi ito nagpunta. 31 Sino sa dalawa ang gumawa ng kalooban ng kaniyang ama?” Sumagot sila: “Ang nakatatandang anak.” Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sinasabi ko sa inyo na ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaeng bayaran ay nauuna na sa inyo sa Kaharian ng Diyos. 32 Dahil si Juan ay dumating sa inyo na nagtuturo ng matuwid na daan, pero hindi kayo naniwala sa kaniya. Ang mga maniningil ng buwis at mga babaeng bayaran ay naniwala sa kaniya.+ Nakita ninyo ito, pero hindi pa rin kayo nagsisi at hindi kayo naniwala sa kaniya.

33 “Pakinggan ninyo ang isa pang ilustrasyon: May isang tao na nagtanim ng ubas sa kaniyang bukid.+ Binakuran niya ang ubasan, gumawa siya rito ng pisaan ng ubas, at nagtayo siya ng isang tore;+ pagkatapos, pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka, at naglakbay siya sa ibang lupain.+ 34 Pagdating ng anihan, pinapunta niya ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka para kunin ang parte niya sa ani. 35 Pero sinunggaban ng mga magsasaka ang mga alipin niya. Ang isa ay binugbog nila, ang isa pa ay pinatay nila, at ang isa pa ay pinagbabato nila.+ 36 Nagpapunta siya uli ng ibang mga alipin, na mas marami kaysa sa nauna, pero ganoon din ang ginawa nila sa mga ito.+ 37 Sa kahuli-hulihan ay pinapunta niya sa kanila ang anak niya. Sa loob-loob niya, ‘Igagalang nila ang anak ko.’ 38 Pagkakita nila sa anak, nag-usap-usap ang mga magsasaka, ‘Siya ang tagapagmana.+ Patayin natin siya at kunin ang mana niya!’ 39 Kaya sinunggaban nila siya at kinaladkad palabas ng ubasan at pinatay.+ 40 Ngayon, kapag dumating ang may-ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga magsasakang iyon?” 41 Sinabi nila sa kaniya: “Dahil masama sila, pupuksain niya sila at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasaka, na magbibigay sa kaniya ng parte niya kapag anihan na.”

42 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan, ‘Ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo ang naging pangunahing batong-panulok.*+ Nagmula ito kay Jehova* at kahanga-hanga ito sa paningin natin’?+ 43 Kaya sinasabi ko sa inyo, ang Kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa isang bansang gumagawa ng kalooban ng Diyos.* 44 Gayundin, ang taong babagsak sa batong ito ay magkakaluray-luray;+ at ang sinumang mababagsakan nito ay madudurog.”+

45 Matapos marinig ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo ang mga ilustrasyon niya, nahalata nila na tungkol sa kanila ang sinasabi niya.+ 46 Gusto nilang dakpin siya, pero natatakot sila sa mga tao dahil propeta ang turing ng mga tao kay Jesus.+

22 Muling naglahad si Jesus ng mga ilustrasyon sa kanila: 2 “Ang Kaharian ng langit ay katulad ng isang hari na nagsaayos ng handaan para sa kasal+ ng anak niyang lalaki. 3 At inutusan niya ang mga alipin niya na tawagin ang mga imbitado sa handaan, pero ayaw magpunta ng mga imbitado.+ 4 Inutusan niya ang iba pang alipin, ‘Sabihin ninyo sa mga imbitado: “Inihanda ko na ang tanghalian, ang aking mga baka at mga pinatabang hayop ay nakatay na, at nakahanda na ang lahat. Halina kayo sa handaan.”’ 5 Pero hindi nila pinansin ang imbitasyon. Ang ilan sa kanila ay pumunta sa bukid, at ang iba ay sa negosyo nila;+ 6 sinunggaban naman ng iba pa ang mga alipin ng hari, ininsulto ang mga ito, binugbog, at pinatay.

7 “Dahil dito, galit na galit ang hari, at isinugo niya ang mga hukbo niya para puksain ang mga mamamatay-taong iyon at sunugin ang lunsod nila.+ 8 Pagkatapos, sinabi niya sa mga alipin niya, ‘Ang handaan sa kasal ay nakaayos na, pero ang mga inimbitahan ay hindi karapat-dapat.+ 9 Kaya pumunta kayo sa mga daan na palabas ng lunsod, at imbitahan ninyo sa handaan sa kasal ang sinumang makita ninyo.’+ 10 Kaya pumunta sa mga daan ang mga aliping iyon at inimbitahan ang sinumang makita nila, masamang tao man o mabuti; at ang bulwagan para sa seremonya ng kasal ay napuno ng mga bisita.*

11 “Nang dumating ang hari para tingnan ang mga bisita, nakita niya ang isang lalaki na hindi nakasuot ng damit para sa kasalan. 12 Kaya sinabi niya rito, ‘Kaibigan, paano ka nakapasok dito na hindi nakasuot ng damit para sa kasalan?’ Hindi ito nakapagsalita. 13 Kaya sinabi ng hari sa mga lingkod niya, ‘Talian ninyo ang mga kamay at paa niya at ihagis siya sa kadiliman sa labas. Iiyak siya roon at magngangalit ang mga ngipin niya.’

14 “Marami ang inimbitahan, pero kakaunti ang pinili.”

15 Pagkatapos, ang mga Pariseo ay umalis at nagsabuwatan para hulihin siya sa pananalita niya.+ 16 Kaya isinugo nila sa kaniya ang mga tagasunod nila, kasama ang mga tagasuporta ni Herodes,+ para sabihin sa kaniya: “Guro, alam naming lagi kang nagsasabi ng totoo at itinuturo mo ang katotohanan tungkol sa Diyos, at hindi mo hinahangad ang pabor ng mga tao, dahil hindi ka tumitingin sa panlabas na anyo. 17 Kaya ano sa tingin mo? Tama bang magbayad ng buwis kay Cesar o hindi?” 18 Alam ni Jesus na masama ang motibo nila kaya sinabi niya: “Bakit ninyo ako sinusubok, mga mapagkunwari? 19 Ipakita ninyo sa akin ang baryang pambayad ng buwis.” Dinalhan nila siya ng isang denario.* 20 Sinabi niya sa kanila: “Kaninong larawan at pangalan ito?” 21 Sinabi nila: “Kay Cesar.” Kaya sinabi niya sa kanila: “Kung gayon, ibayad ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, pero sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.”+ 22 Nang marinig nila iyon, namangha sila. Umalis sila at iniwan na si Jesus.

23 Nang araw na iyon, ang mga Saduceo, na nagsasabing walang pagkabuhay-muli,+ ay lumapit sa kaniya at nagtanong:+ 24 “Guro, sinabi ni Moises: ‘Kung mamatay ang isang lalaki nang walang anak, ang asawa niya ay pakakasalan ng kapatid niyang lalaki para magkaroon ng anak ang namatay na kapatid.’+ 25 Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki dito sa amin. Ang una ay nag-asawa at namatay, at dahil hindi siya nagkaroon ng anak, naiwan ang asawa niya sa kapatid niyang lalaki. 26 Ganoon din ang nangyari sa ikalawa at sa ikatlo, hanggang sa ikapito. 27 Bandang huli, namatay rin ang babae. 28 Ngayon, dahil siya ay napangasawa nilang lahat, sino sa pito ang magiging asawa ng babae kapag binuhay silang muli?”

29 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Mali ang iniisip ninyo, dahil hindi ninyo alam ang Kasulatan o ang kapangyarihan ng Diyos;+ 30 sa pagkabuhay-muli, hindi mag-aasawa ang mga lalaki at mga babae, kundi sila ay magiging gaya ng mga anghel sa langit.+ 31 Tungkol sa pagkabuhay-muli ng mga patay, hindi ba ninyo nabasa ang sinabi sa inyo ng Diyos: 32 ‘Ako ang Diyos ni Abraham at ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob’?+ Siya ang Diyos, hindi ng mga patay, kundi ng mga buháy.”+ 33 Nang marinig ito ng mga tao, humanga sila sa turo niya.+

34 Nang marinig ng mga Pariseo na napatahimik niya ang mga Saduceo, sama-sama nila siyang pinuntahan. 35 At ang isa sa kanila, na eksperto sa Kautusan, ay nagtanong para subukin siya: 36 “Guro, ano ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?”+ 37 Sinabi niya rito: “‘Dapat mong ibigin si Jehova* na iyong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa* mo at nang buong pag-iisip mo.’+ 38 Ito ang pinakamahalaga at unang utos. 39 Ang ikalawa na gaya nito ay ‘Dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.’+ 40 Ang dalawang utos na ito ang saligan ng buong Kautusan at mga Propeta.”*+

41 Ngayon habang magkakasama ang mga Pariseo, tinanong sila ni Jesus:+ 42 “Ano ang tingin ninyo sa Kristo? Kaninong anak siya?” Sumagot sila: “Kay David.”+ 43 Tinanong niya sila: “Kung gayon, bakit siya tinawag ni David na Panginoon? Sinabi ni David udyok ng banal na espiritu:+ 44 ‘Sinabi ni Jehova* sa Panginoon ko: “Umupo ka sa kanan ko hanggang sa ilagay ko ang mga kaaway mo sa ilalim ng iyong mga paa.”’+ 45 Ngayon, kung tinatawag siya ni David na Panginoon, paano siya naging anak ni David?”+ 46 Walang isa mang nakasagot sa kaniya, at mula nang araw na iyon, wala nang naglakas-loob na magtanong pa sa kaniya.

23 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga tao at sa mga alagad niya: 2 “Ang mga eskriba at mga Pariseo ay umupo sa upuan ni Moises. 3 Kaya gawin ninyo ang lahat ng sinasabi nila, pero huwag ninyong gayahin ang ginagawa nila, dahil hindi nila ginagawa ang sinasabi nila.+ 4 Nagbibigkis sila ng mabibigat na pasan at ipinapapasan ang mga ito sa mga tao,+ pero ayaw man lang nilang galawin ang mga iyon ng kanilang daliri.+ 5 Ang lahat ng ginagawa nila ay ginagawa nila para makita ng mga tao.+ Pinalalaki nila ang mga sisidlang naglalaman ng kasulatan na isinusuot nila bilang proteksiyon+ at pinahahaba ang mga palawit ng mga damit nila.+ 6 Gusto nila ang mga upuan para sa importanteng mga bisita sa mga handaan* at ang pinakamagagandang puwesto* sa mga sinagoga.+ 7 Gusto nilang binabati sila ng mga tao sa mga pamilihan at tinatawag na Rabbi.* 8 Pero kayo, huwag kayong patawag na Rabbi, dahil iisa ang inyong Guro,+ at lahat kayo ay magkakapatid. 9 Huwag din ninyong tawaging ama ang sinuman sa lupa, dahil iisa ang inyong Ama,+ ang nasa langit. 10 At huwag kayong patawag na mga lider, dahil iisa ang inyong Lider, ang Kristo. 11 Sa halip, ang pinakadakila sa inyo ay dapat na maglingkod.+ 12 Sinumang nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa,+ at sinumang nagbababa ng kaniyang sarili ay itataas.+

13 “Kaawa-awa kayo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Isinasara ninyo ang Kaharian ng langit sa mga tao; dahil kayo mismo ay hindi pumapasok, at hinahadlangan ninyo ang mga papasók na rito.+ 14 *——

15 “Kaawa-awa kayo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari!+ Tinatawid ninyo ang dagat at lupa para gawing proselita* ang isa, at kapag naging proselita na siya, ginagawa ninyo siyang mas masahol pa sa inyo at karapat-dapat sa Gehenna* gaya ninyo.

16 “Kaawa-awa kayo, mga bulag na tagaakay,+ na nagsasabi, ‘Kung ipanumpa ng isa ang templo, hindi siya obligadong tuparin ang isinumpa niya; pero kung ipanumpa niya ang ginto ng templo, obligado siyang tuparin ito.’+ 17 Mga mangmang at bulag! Alin ba ang mas mahalaga, ang ginto o ang templo na nagpabanal sa ginto? 18 Sinasabi rin ninyo, ‘Kung ipanumpa ng isa ang altar, hindi siya obligadong tuparin ang isinumpa niya; pero kung ipanumpa niya ang handog sa ibabaw nito, obligado siyang tuparin ito.’ 19 Mga bulag! Alin ba ang mas mahalaga, ang handog o ang altar na nagpapabanal sa handog? 20 Kaya kung ipanumpa ng isa ang altar, ipinanunumpa niya ito at ang lahat ng bagay na nasa ibabaw nito; 21 at kung ipanumpa ng isa ang templo, ipinanunumpa niya ito at ang Diyos na nakatira dito;+ 22 at kung ipanumpa ng isa ang langit, ipinanunumpa niya ang trono ng Diyos at ang nakaupo rito.

23 “Kaawa-awa kayo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Ibinibigay ninyo ang ikasampu ng yerbabuena at ng eneldo at ng komino,*+ pero binabale-wala ninyo ang mas mahahalagang bagay sa Kautusan: ang katarungan+ at awa+ at katapatan. Kailangan namang gawin ang mga iyon, pero hindi ninyo dapat bale-walain ang iba pang bagay.*+ 24 Mga bulag na tagaakay,+ na sumasala ng niknik*+ pero lumululon ng kamelyo!+

25 “Kaawa-awa kayo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Nililinis ninyo ang labas ng kopa at pinggan,+ pero ang loob naman nito ay punô ng kasakiman*+ at pagpapakasasa.+ 26 Bulag na Pariseo, linisin mo muna ang loob ng kopa at pinggan para ang labas nito ay maging malinis din.

27 “Kaawa-awa kayo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari!+ Kagaya kayo ng mga pinaputing libingan,+ na maganda sa labas pero sa loob ay punô ng buto ng mga patay at ng bawat uri ng karumihan. 28 Kayo rin ay mukhang matuwid sa paningin ng mga tao, pero sa loob ay punô kayo ng pagkukunwari at kasamaan.+

29 “Kaawa-awa kayo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari!+ Iginagawa ninyo ng libingan* ang mga propeta at pinapalamutian ang libingan ng mga matuwid,+ 30 at sinasabi ninyo, ‘Kung nabuhay kami noong panahon ng mga ninuno namin, hindi kami sasama sa kanila sa pagpatay sa mga propeta.’ 31 Kayo na rin ang nagsasabi na mga anak kayo ng mga pumatay sa mga propeta.+ 32 Kaya tapusin ninyo ang sinimulan ng inyong mga ninuno.*

33 “Mga ahas, mga anak ng ulupong,+ paano ninyo matatakasan ang parusa sa Gehenna?+ 34 Dahil sa kasamaan ninyo, kapag nagsugo ako sa inyo ng mga propeta+ at marurunong na tao at mga pangmadlang tagapagturo,+ papatayin ninyo at ibabayubay sa tulos ang ilan sa kanila,+ at ang iba ay hahagupitin ninyo sa inyong mga sinagoga at pag-uusigin+ sa bawat lunsod. 35 Kaya mananagot kayo sa lahat ng dumanak na dugo ng matuwid na mga tao, mula sa dugo ng matuwid na si Abel+ hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Barakias, na pinatay ninyo sa pagitan ng templo at ng altar.+ 36 Sinasabi ko sa inyo, mangyayari ang lahat ng ito sa henerasyong ito.

37 “Jerusalem, Jerusalem, ang pumapatay ng mga propeta at bumabato sa mga isinugo sa kaniya+—ilang ulit kong sinikap na tipunin ang mga anak mo, kung paanong tinitipon ng inahing manok ang mga sisiw niya sa ilalim ng kaniyang mga pakpak! Pero ayaw ninyo.+ 38 Kaya pababayaan* ng Diyos ang bahay* ninyo.+ 39 At sinasabi ko sa inyo, hindi na ninyo ako makikita mula ngayon hanggang sa sabihin ninyo, ‘Pinagpala ang isa na dumarating sa pangalan ni Jehova!’”*+

24 Nang paalis na si Jesus sa templo, lumapit sa kaniya ang mga alagad niya at itinuro ang mga gusali ng templo. 2 Sinabi niya sa kanila: “Nakikita ba ninyo ang lahat ng gusaling ito? Sinasabi ko sa inyo, walang matitirang magkapatong na bato rito. Lahat ay ibabagsak.”+

3 Habang nakaupo siya sa Bundok ng mga Olibo, lumapit sa kaniya ang mga alagad nang sarilinan at nagsabi: “Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga ito, at ano ang magiging tanda ng presensiya* mo+ at ng katapusan ng sistemang* ito?”+

4 Sumagot si Jesus: “Mag-ingat kayo para hindi kayo mailigaw ng sinuman,+ 5 dahil marami ang gagamit sa pangalan ko at magsasabi, ‘Ako ang Kristo,’ at marami silang maililigaw.+ 6 Makaririnig kayo ng ingay ng mga digmaan at ng mga ulat ng digmaan. Huwag kayong matakot, dahil kailangang mangyari ang mga ito, pero hindi pa ito ang wakas.+

7 “Dahil maglalabanan ang mga bansa at mga kaharian,+ at magkakaroon ng taggutom+ at lindol sa iba’t ibang lugar.+ 8 Ang lahat ng ito ay pasimula ng matinding paghihirap.*

9 “Pagkatapos, pag-uusigin kayo ng mga tao+ at papatayin,+ at kapopootan kayo ng lahat ng bansa dahil sa pangalan ko.+ 10 At marami rin ang mawawalan ng pananampalataya* at magtatraidor sa isa’t isa at mapopoot sa isa’t isa. 11 Marami ang magkukunwaring propeta at marami silang maililigaw;+ 12 at dahil sa paglaganap ng kasamaan,* ang pag-ibig ng nakararami ay lalamig. 13 Pero ang makapagtitiis* hanggang sa wakas ay maliligtas.+ 14 At ang mabuting balitang ito tungkol sa Kaharian ay ipangangaral sa buong lupa para marinig ng* lahat ng bansa,+ at pagkatapos ay darating ang wakas.

15 “Kaya kapag nakita ninyong nakatayo na sa isang banal na lugar ang kasuklam-suklam na bagay na dahilan ng pagkatiwangwang, na sinabi ng propetang si Daniel+ (kailangan itong unawain ng mambabasa), 16 ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan.+ 17 Ang nasa bubungan ay huwag nang bumaba para kunin ang mga pag-aari niya mula sa kaniyang bahay, 18 at ang nasa bukid ay huwag nang bumalik para kunin ang balabal niya. 19 Kaawa-awa ang mga nagdadalang-tao at nagpapasuso ng sanggol sa mga araw na iyon! 20 Patuloy na ipanalanging hindi matapat sa taglamig o sa araw ng Sabbath ang pagtakas ninyo; 21 dahil sa panahong iyon ay magkakaroon ng malaking kapighatian+ na hindi pa nangyayari mula nang pasimula ng mundo* hanggang sa ngayon at hindi na mangyayari pang muli.+ 22 Sa katunayan, kung hindi paiikliin ang mga araw na iyon, walang taong maliligtas; pero dahil sa mga pinili ay paiikliin ang mga araw na iyon.+

23 “Kung may magsabi sa inyo, ‘Nandito ang Kristo!’+ o, ‘Nandoon!’ huwag ninyong paniwalaan iyon.+ 24 Dahil may mga magpapanggap na Kristo at magkukunwaring mga propeta+ na gagawa ng mga himala at kababalaghan para iligaw,+ kung posible, maging ang mga pinili. 25 Nabigyan ko na kayo ng babala. 26 Kaya kung sabihin sa inyo ng mga tao, ‘Nasa ilang siya,’ huwag kayong pumunta roon; ‘Nasa loob siya ng kuwarto,’ huwag kayong maniwala.+ 27 Dahil kung paanong ang kidlat sa silangan ay nagliliwanag hanggang sa kanluran, magiging ganoon ang presensiya* ng Anak ng tao.+ 28 Kung nasaan ang bangkay, doon magpupuntahan ang mga agila.+

29 “Agad-agad pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na iyon, ang araw ay magdidilim,+ at ang buwan ay hindi magliliwanag, at ang mga bituin ay mahuhulog mula sa langit, at ang mga kapangyarihan ng langit ay mayayanig.+ 30 Pagkatapos, lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng tao, at ang lahat ng tribo sa lupa ay magdadalamhati,*+ at makikita nila ang Anak ng tao+ na dumarating na nasa mga ulap sa langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.+ 31 At isusugo niya ang kaniyang mga anghel na may malakas na tunog ng trumpeta, at titipunin nila ang mga pinili niya mula sa apat na direksiyon,* mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabilang dulo nito.+

32 “Ngayon ay matuto kayo sa ilustrasyon tungkol sa puno ng igos: Sa sandaling tubuan ito ng malalambot na sanga at umusbong ang mga dahon nito, alam ninyo na malapit na ang tag-araw.+ 33 Sa katulad na paraan, kapag nakita ninyong nangyayari na ang lahat ng ito, makakatiyak kayong malapit na siya at nasa pintuan na.+ 34 Sinasabi ko sa inyo na ang henerasyong ito ay hindi lilipas hanggang sa mangyari ang lahat ng ito. 35 Ang langit at lupa ay maglalaho, pero ang mga salita ko ay hindi maglalaho.+

36 “Tungkol sa araw at oras na iyon ay walang sinuman ang nakaaalam,+ kahit ang mga anghel sa langit o kahit ang Anak, kundi ang Ama lang.+ 37 Dahil ang presensiya* ng Anak ng tao ay magiging gaya noong panahon ni Noe.+ 38 Noong panahong iyon bago ang Baha, ang mga tao ay kumakain at umiinom, ang mga lalaki at babae ay nag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa arka,+ 39 at hindi sila nagbigay-pansin hanggang sa dumating ang Baha at tinangay silang lahat.+ Magiging gayon ang presensiya ng Anak ng tao. 40 Sa panahong iyon, dalawang lalaki ang magtatrabaho sa bukid; ang isa ay isasama at ang isa naman ay iiwan. 41 Dalawang babae ang maggigiling ng trigo; ang isa ay isasama at ang isa naman ay iiwan.+ 42 Kaya patuloy kayong magbantay, dahil hindi ninyo alam kung anong araw darating ang inyong Panginoon.+

43 “Pero isipin ninyo ito: Kung nalaman lang ng may-bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw,+ nanatili sana siyang gisíng at hindi hinayaang mapasok ang bahay niya.+ 44 Kaya maging handa rin kayo,+ dahil ang Anak ng tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.

45 “Sino talaga ang tapat at matalinong* alipin na inatasan ng panginoon niya sa mga lingkod ng sambahayan nito, para magbigay sa kanila ng pagkain sa tamang panahon?+ 46 Maligaya ang aliping iyon kung sa pagdating ng panginoon niya ay madatnan siyang gayon ang ginagawa!+ 47 Sinasabi ko sa inyo, aatasan siya ng panginoon sa lahat ng pag-aari nito.

48 “Pero kung masama ang aliping iyon at sabihin niya sa sarili, ‘Matatagalan pa ang panginoon ko,’+ 49 at bugbugin ang mga kapuwa niya alipin at kumain at uminom na kasama ng kilalang mga lasenggo, 50 ang panginoon ng aliping iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam,+ 51 at paparusahan siya nang napakatindi at itatapon sa kinaroroonan ng mga mapagkunwari. Iiyak siya roon at magngangalit ang mga ngipin niya.+

25 “Ang Kaharian ng langit ay gaya ng 10 dalaga na nagdala ng kanilang lampara+ at lumabas para salubungin ang lalaking ikakasal.+ 2 Ang lima sa kanila ay mangmang, at ang lima ay matalino.+ 3 Dinala ng mga mangmang ang mga lampara nila pero hindi sila nagdala ng langis. 4 Ang matatalino naman ay nagdala ng reserbang langis para sa kanilang mga lampara. 5 Hindi agad dumating ang lalaking ikakasal, kaya silang lahat ay inantok at nakatulog. 6 Pagdating ng kalagitnaan ng gabi, may sumigaw, ‘Nandiyan na ang lalaking ikakasal! Lumabas kayo para salubungin siya.’ 7 Kaya tumayo ang lahat ng dalagang iyon at inayos ang mga lampara nila.+ 8 Sinabi ng mga mangmang sa matatalino, ‘Bigyan ninyo kami ng kaunting langis dahil mamamatay na ang mga lampara namin.’ 9 Sumagot ang matatalino: ‘Baka hindi na ito magkasya sa ating lahat. Mabuti pa, magpunta kayo sa mga nagtitinda nito, at bumili kayo ng para sa inyo.’ 10 Pag-alis nila para bumili, dumating ang lalaking ikakasal. Ang mga dalagang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa bahay na pagdarausan ng handaan,+ at isinara na ang pinto. 11 Pagkatapos, dumating din ang ibang dalaga at sinabi nila, ‘Ginoo, Ginoo, pagbuksan mo kami!’+ 12 Sumagot siya, ‘Hindi ko kayo kilala.’

13 “Kaya patuloy kayong magbantay+ dahil hindi ninyo alam ang araw o ang oras.+

14 “Ang Kaharian ay gaya ng isang taong maglalakbay sa ibang bayan. Ipinatawag niya ang mga alipin niya at ipinagkatiwala sa kanila ang mga pag-aari niya.+ 15 Binigyan niya sila ng talento* ayon sa kakayahan ng bawat isa: sa isa ay lima, sa isa naman ay dalawa, at sa isa pa ay isang talento. Pagkatapos, pumunta siya sa ibang bayan. 16 Ang tumanggap ng limang talento ay kumilos agad at ginamit ang mga iyon sa negosyo, at kumita siya ng lima pa. 17 Ang tumanggap naman ng dalawang talento ay kumita ng dalawa pa. 18 Pero ang alipin na tumanggap lang ng isa ay umalis, humukay sa lupa, at ibinaon doon ang pera* ng panginoon niya.

19 “Pagkatapos ng mahabang panahon, dumating ang panginoon ng mga aliping iyon at inalam kung ano ang ginawa nila sa pera niya.+ 20 Kaya ang tumanggap ng limang talento ay lumapit dala ang limang karagdagang talento at nagsabi, ‘Panginoon, ipinagkatiwala mo ang limang talento sa akin; tingnan mo, kumita ako ng lima pang talento.’+ 21 Sinabi sa kaniya ng panginoon niya: ‘Mahusay! Mabuti at tapat kang alipin! Naging tapat ka sa kaunting bagay. Aatasan kita sa maraming bagay.+ Makipagsaya ka sa panginoon mo.’+ 22 Pagkatapos, ang tumanggap ng dalawang talento ay lumapit at nagsabi, ‘Panginoon, ipinagkatiwala mo sa akin ang dalawang talento; tingnan mo, kumita ako ng dalawa pang talento.’+ 23 Sinabi sa kaniya ng panginoon niya: ‘Mahusay! Mabuti at tapat kang alipin! Naging tapat ka sa kaunting bagay. Aatasan kita sa maraming bagay. Makipagsaya ka sa panginoon mo.’

24 “Panghuli, ang aliping tumanggap ng isang talento ay lumapit at nagsabi, ‘Panginoon, alam kong mahigpit ka. Umaani ka nang hindi nagtatanim at nagtitipon nang hindi nagtatahip.+ 25 Kaya natakot ako at umalis, at ibinaon ko ang talento mo sa lupa. Heto na ang talento mo.’ 26 Sinabi sa kaniya ng panginoon niya: ‘Masama at tamad na alipin! Alam mo palang umaani ako kahit hindi nagtatanim at nagtitipon kahit hindi nagtatahip. 27 Kaya dapat ay idineposito mo ang pera* ko sa bangko, para pagdating ko ay makukuha ko ito nang may interes.

28 “‘Kunin ninyo sa kaniya ang talento at ibigay ito sa may 10 talento.+ 29 Dahil ang bawat isa na mayroon ay bibigyan pa, at magiging masagana siya. Pero ang sinumang wala, kahit ang nasa kaniya ay kukunin.+ 30 Itapon ninyo ang walang-kuwentang alipin sa kadiliman sa labas. Iiyak siya roon at magngangalit ang mga ngipin niya.’

31 “Sa pagdating ng Anak ng tao+ na may malaking awtoridad, kasama ang lahat ng anghel,+ uupo siya sa kaniyang maluwalhating trono. 32 Ang lahat ng bansa ay titipunin sa harap niya, at pagbubukod-bukurin niya ang mga tao, kung paanong ibinubukod ng pastol ang mga tupa mula sa mga kambing. 33 At ilalagay niya ang mga tupa+ sa kaniyang kanan, pero ang mga kambing ay sa kaniyang kaliwa.+

34 “Pagkatapos, sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya, ‘Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang Kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang itatag ang sanlibutan. 35 Dahil nang magutom ako, binigyan ninyo ako ng makakain; nang mauhaw ako, binigyan ninyo ako ng maiinom. Tagaibang bayan ako, at pinatuloy ninyo ako sa bahay ninyo.+ 36 Hubad ako at dinamtan ninyo.+ Nagkasakit ako at inalagaan ninyo. Nabilanggo ako at dinalaw ninyo.’+ 37 Sasabihin ng mga matuwid: ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang gutom at pinakain ka, o uhaw at binigyan ka ng maiinom?+ 38 Kailan ka naging tagaibang bayan at pinatuloy ka namin sa bahay namin? Kailan ka namin nakitang hubad at dinamtan ka? 39 Kailan ka namin nakitang may sakit o nakabilanggo at dinalaw ka?’ 40 Sasagot sa kanila ang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo, anuman ang ginawa ninyo sa isa sa pinakamababa sa mga kapatid ko ay ginawa ninyo sa akin.’+

41 “Pagkatapos, sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa niya: ‘Lumayo kayo sa akin,+ kayong mga isinumpa, papunta sa walang-hanggang apoy+ na inihanda para sa Diyablo at sa mga anghel niya.+ 42 Dahil nang magutom ako, hindi ninyo ako binigyan ng makakain; at nang mauhaw ako, hindi ninyo ako binigyan ng maiinom. 43 Tagaibang bayan ako, pero hindi ninyo ako pinatuloy sa bahay ninyo. Nakita ninyo akong hubad, pero hindi ninyo ako dinamtan; may sakit at nakabilanggo, pero hindi ninyo ako inalagaan.’ 44 Sasabihin naman nila: ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang gutom o uhaw o naging tagaibang bayan o hubad o may sakit o nakabilanggo at hindi ka namin inasikaso?’ 45 Sasagot siya sa kanila: ‘Sinasabi ko sa inyo, ang hindi ninyo ginawa sa isa sa mga pinakamababang ito ay hindi ninyo ginawa sa akin.’+ 46 Sila ay paparusahan ng walang-hanggang kamatayan,*+ pero ang mga matuwid ay tatanggap ng buhay na walang hanggan.”+

26 Matapos sabihin ni Jesus ang lahat ng ito, sinabi niya sa mga alagad niya: 2 “Alam ninyo na dalawang araw na lang ay Paskuwa na,+ at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kaaway para ibayubay sa tulos.”+

3 Pagkatapos, nagtipon ang mga punong saserdote at ang matatandang lalaki ng bayan sa looban ng bahay ng mataas na saserdote, na nagngangalang Caifas,+ 4 at nagsabuwatan sila+ para madakip si Jesus sa tusong paraan at mapatay siya. 5 Pero sinasabi nila: “Huwag sa kapistahan. Baka magkagulo ang mga tao.”

6 Habang si Jesus ay nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin,+ 7 isang babae na may dalang mamahalin at mabangong langis na nasa boteng alabastro* ang lumapit sa kaniya, at ibinuhos nito ang langis sa ulo niya habang nakaupo siya para kumain.* 8 Nang makita ito ng mga alagad, nagalit sila at sinabi nila: “Bakit siya nag-aaksaya? 9 Puwede sanang ipagbili iyan sa malaking halaga at ibigay ang pera sa mahihirap.” 10 Alam ni Jesus ang pinag-uusapan nila, kaya sinabi niya sa kanila: “Bakit ninyo ginugulo ang babae? Mabuti ang ginawa niya sa akin. 11 Lagi ninyong kasama ang mahihirap,+ pero hindi ninyo ako laging makakasama.+ 12 Binuhusan niya ako ng mabangong langis bilang paghahanda sa libing ko.+ 13 Sinasabi ko sa inyo, saanman sa mundo* ipangaral ang mabuting balita, ang ginawa ng babaeng ito ay sasabihin din bilang pag-alaala sa kaniya.”+

14 Pagkatapos, ang isa sa 12 apostol, na tinatawag na Hudas Iscariote,+ ay nagpunta sa mga punong saserdote+ 15 at nagsabi: “Ano ang ibibigay ninyo sa akin kung tutulungan ko kayong madakip siya?”+ Pinangakuan nila siya ng 30 pirasong pilak.+ 16 Kaya mula noon ay palagi siyang naghahanap ng magandang pagkakataon para maibigay si Jesus sa kaaway.

17 Nang unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa,+ lumapit ang mga alagad kay Jesus at nagsabi: “Saan mo kami gustong maghanda ng hapunan para sa Paskuwa?”+ 18 Sinabi niya: “Pumunta kayo sa lunsod at makikita ninyo ang isang lalaki. Sabihin ninyo sa kaniya, ‘Sinabi ng Guro: “Ang takdang panahon ko ay malapit na; ipagdiriwang ko ang Paskuwa kasama ng mga alagad ko sa bahay mo.”’” 19 Sinunod ng mga alagad ang iniutos ni Jesus sa kanila, at naghanda sila para sa Paskuwa.

20 Nang gumabi na,+ umupo* siya sa mesa kasama ang 12 alagad niya.+ 21 Habang kumakain sila, sinabi niya: “Sinasabi ko sa inyo, isa sa inyo ang magtatraidor sa akin.”+ 22 Nalungkot sila nang husto sa sinabi ni Jesus, kaya bawat isa sa kanila ay nagsabi sa kaniya: “Panginoon, hindi ako iyon, hindi ba?” 23 Sumagot siya: “Siya na kasabay kong nagsasawsaw sa mangkok ang magtatraidor sa akin.+ 24 Totoo, ang Anak ng tao ay aalis, gaya ng nasusulat tungkol sa kaniya, pero kaawa-awa+ ang taong iyon na magtatraidor sa Anak ng tao!+ Mas mabuti pa para sa taong iyon kung hindi siya ipinanganak.”+ 25 Si Hudas, na magtatraidor sa kaniya, ay nagsabi: “Rabbi, hindi ako iyon, hindi ba?” Sinabi sa kaniya ni Jesus: “Ikaw ang nagsabi niyan.”

26 Habang kumakain sila, kumuha si Jesus ng tinapay. Pagkatapos manalangin, pinagpira-piraso niya ito,+ ibinigay sa mga alagad, at sinabi: “Kunin ninyo at kainin. Sumasagisag ito sa aking katawan.”+ 27 Matapos kumuha ng isang kopa, nagpasalamat siya sa Diyos at ibinigay niya sa kanila ang kopa at sinabi: “Uminom kayo mula rito, lahat kayo,+ 28 dahil sumasagisag ito sa aking ‘dugo+ para sa tipan,’+ na ibubuhos para mapatawad ang mga kasalanan ng marami.+ 29 Pero sinasabi ko sa inyo: Hindi na ako muling iinom ng alak na ito hanggang sa dumating ang araw na iinom ako ng bagong alak kasama ninyo sa Kaharian ng aking Ama.”+ 30 At pagkatapos umawit ng mga papuri, pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.+

31 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sa gabing ito, iiwan ninyo akong lahat,* dahil nasusulat: ‘Sasaktan ko ang pastol, at ang mga tupa ng kawan ay mangangalat.’+ 32 Pero matapos akong buhaying muli, mauuna ako sa inyo sa Galilea.”+ 33 Pero sinabi sa kaniya ni Pedro: “Kahit na iwan ka nilang lahat, hinding-hindi kita iiwan!”*+ 34 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Sinasabi ko sa iyo, sa gabing ito, bago tumilaok ang tandang, ikakaila mo ako nang tatlong ulit.”+ 35 Sinabi ni Pedro sa kaniya: “Kahit na mamatay akong kasama mo, hinding-hindi kita ikakaila.”+ Ganoon din ang sinabi ng lahat ng iba pang alagad.

36 Pagkatapos, nagpunta si Jesus na kasama sila sa lugar na tinatawag na Getsemani,+ at sinabi niya sa mga alagad: “Umupo kayo rito at pupunta ako roon para manalangin.”+ 37 Isinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo. At nalungkot siya nang husto at naghirap ang kalooban niya.+ 38 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Sukdulan* ang kalungkutang nararamdaman ko. Dito lang kayo at patuloy na magbantay kasama ko.”+ 39 Matapos lumayo nang kaunti, sumubsob siya sa lupa at nanalangin:+ “Ama ko, kung maaari, alisin mo sa akin ang kopang ito.+ Pero mangyari nawa, hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban mo.”+

40 Bumalik siya sa mga alagad at nadatnan niya silang natutulog, kaya sinabi niya kay Pedro: “Hindi ba ninyo kayang magbantay na kasama ko kahit isang oras?+ 41 Patuloy kayong magbantay+ at manalangin+ para hindi kayo mahulog sa tukso.+ Totoo naman, gusto ng puso, pero mahina ang laman.”+ 42 Muli, sa ikalawang pagkakataon, umalis siya at nanalangin: “Ama ko, kung hindi ito maaaring alisin at kailangan ko itong inumin, mangyari nawa ang kalooban mo.”+ 43 Pagbalik niya, nadatnan niya uli silang natutulog dahil antok na antok na sila. 44 At umalis siya uli at nanalangin sa ikatlong pagkakataon, na ganoon din ang sinasabi. 45 Pagkatapos, bumalik siya sa mga alagad at sinabi sa kanila: “Sa panahong gaya nito ay natutulog kayo at nagpapahinga? Malapit na ang oras kung kailan ibibigay ang Anak ng tao sa kamay ng mga makasalanan. 46 Tumayo kayo, at umalis na tayo. Parating na ang magtatraidor sa akin.” 47 Habang nagsasalita pa siya, dumating si Hudas, na isa sa 12 apostol, kasama ang maraming taong may mga espada at pamalo. Isinugo sila ng mga punong saserdote at matatandang lalaki ng bayan.+

48 Ang magtatraidor sa kaniya ay nagbigay na sa kanila ng isang palatandaan. Sinabi niya: “Kung sino ang hahalikan ko, siya iyon; dakpin ninyo siya.” 49 Lumapit siya agad kay Jesus at nagsabi: “Magandang gabi, Rabbi!” at magiliw itong hinalikan. 50 Pero sinabi ni Jesus: “Bakit ka nandito?”+ Pagkatapos, lumapit ang mga tao at sinunggaban si Jesus at inaresto siya. 51 Pero ang isa sa mga kasama ni Jesus ay humugot ng espada. Tinaga niya ang alipin ng mataas na saserdote, at natagpas ang tainga nito.+ 52 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ibalik mo ang espada mo sa lalagyan* nito,+ dahil ang lahat ng gumagamit ng espada ay mamamatay sa espada.+ 53 Iniisip mo ba na hindi ako makahihiling sa aking Ama na padalhan ako ngayon mismo ng mahigit sa 12 batalyon ng mga anghel?+ 54 Pero kung gagawin ko iyon, paano matutupad ang sinasabi ng Kasulatan na dapat itong mangyari sa ganitong paraan?” 55 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga tao: “Magnanakaw ba ako at may dala pa kayong mga espada at pamalo para arestuhin ako? Araw-araw akong nakaupo noon sa templo at nagtuturo,+ pero hindi ninyo ako hinuhuli.+ 56 Pero ang lahat ng ito ay nangyari para matupad ang isinulat* ng mga propeta.”+ At tumakas ang lahat ng alagad at iniwan siya.+

57 Si Jesus ay dinala ng mga dumakip sa kaniya sa bahay ni Caifas+ na mataas na saserdote, kung saan nagkakatipon ang mga eskriba at ang matatandang lalaki kasama si Caifas.+ 58 Pero mula sa malayo ay sinundan siya ni Pedro hanggang sa looban ng bahay ng mataas na saserdote. Pumasok si Pedro sa loob at umupong kasama ng mga tagapaglingkod sa bahay para makita kung ano ang mangyayari.+

59 Ang mga punong saserdote at ang buong Sanedrin ay naghahanap ng gawa-gawang testimonya laban kay Jesus para maipapatay siya.+ 60 Pero wala silang mahanap, kahit na maraming sinungaling na testigo ang humarap.+ Pagkatapos, may dalawa pang humarap 61 at nagsabi: “Sinabi ng taong ito, ‘Maibabagsak ko ang templo ng Diyos at maitatayo ito sa tatlong araw.’”+ 62 Kaya ang mataas na saserdote ay tumayo at sinabi nito sa kaniya: “Wala ka bang isasagot? Ano itong sinasabi nila laban sa iyo?”+ 63 Pero nanatiling tahimik si Jesus.+ Kaya sinabi sa kaniya ng mataas na saserdote: “Pinanunumpa kita sa harap ng Diyos na buháy na sabihin sa amin kung ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos!”+ 64 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ikaw na ang nagsabi. Pero sinasabi ko sa inyo: Mula ngayon ay makikita ninyo ang Anak ng tao+ na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan-sa-Lahat*+ at dumarating na nasa mga ulap sa langit.”+ 65 Nang marinig ito ng mataas na saserdote, pinunit niya ang damit niya at sinabi: “Namusong* siya! Bakit kailangan pa natin ng mga testigo? Narinig na ninyo ang pamumusong niya. 66 Ano sa palagay ninyo?” Sumagot sila: “Dapat siyang mamatay.”+ 67 Pagkatapos, dinuraan nila siya sa mukha+ at sinuntok siya.+ Sinampal naman siya ng iba+ 68 at sinabi: “Ikaw na Kristo, hulaan mo nga kung sino ang nanakit sa iyo.”

69 Nakaupo noon si Pedro sa looban, at isang alilang babae ang lumapit sa kaniya at nagsabi: “Kasama ka rin ni Jesus na taga-Galilea!”+ 70 Pero ikinaila niya ito sa harap ng lahat: “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” 71 Pagpunta niya sa may pintuan, isa pang babae ang nakapansin sa kaniya at nagsabi sa mga naroroon: “Ang taong ito ay kasama ni Jesus na Nazareno.”+ 72 Muli niya itong ikinaila at sumumpa siya: “Hindi ko kilala ang taong iyon!” 73 Mayamaya, ang mga nakatayo sa paligid ay lumapit kay Pedro at nagsabi: “Siguradong isa ka rin sa kanila. Halata sa pagsasalita mo.”* 74 Kaya sinabi ni Pedro na sumpain nawa siya kung nagsisinungaling siya. At sumumpa siya: “Hindi ko kilala ang taong iyon!” At agad na tumilaok ang tandang. 75 At naalaala ni Pedro ang sinabi ni Jesus: “Bago tumilaok ang tandang, ikakaila mo ako nang tatlong ulit.”+ At lumabas siya at humagulgol.

27 Nang mag-umaga na, pinag-usapan ng lahat ng punong saserdote at matatandang lalaki ng bayan kung paano maipapapatay si Jesus.+ 2 Matapos siyang gapusin, dinala nila siya kay Pilato, ang gobernador.+

3 Nang makita ng nagtraidor na si Hudas na nahatulan na si Jesus, nabagabag siya at ibinalik niya ang 30 pirasong pilak sa mga punong saserdote at matatandang lalaki+ 4 at sinabi: “Nagkasala ako. Nagtraidor ako sa isang taong matuwid.”* Sinabi nila: “Ano ngayon sa amin? Problema mo na iyan!” 5 Kaya inihagis niya sa templo ang mga piraso ng pilak. Pagkatapos, umalis siya at nagbigti.+ 6 Pero kinuha ng mga punong saserdote ang mga piraso ng pilak at sinabi: “Hindi tamang ihulog ang mga iyon sa sagradong kabang-yaman, dahil ang mga iyon ay halaga ng dugo.”* 7 Matapos mag-usap-usap, ang pera ay ipinambili nila ng bukid ng magpapalayok para gawing libingan ng mga tagaibang bayan. 8 Kaya ang bukid na iyon ay tinatawag na Bukid ng Dugo+ hanggang ngayon. 9 Kaya natupad ang sinabi ng propetang si Jeremias: “At kinuha nila ang 30 pirasong pilak, ang halagang itinakda sa isang tao, ang isa na tinakdaan ng halaga ng ilan sa mga anak ni Israel, 10 at ipinambili nila ang mga iyon ng bukid ng magpapalayok, ayon sa iniutos ni Jehova* sa akin.”+

11 Nang humarap si Jesus sa gobernador, tinanong siya nito: “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot si Jesus: “Ikaw na mismo ang nagsasabi.”+ 12 Pero nang inaakusahan siya ng mga punong saserdote at matatandang lalaki, hindi siya kumibo.+ 13 Pagkatapos, sinabi ni Pilato: “Hindi mo ba naririnig kung gaano karami ang ipinaparatang nila sa iyo?” 14 Pero wala siyang isinagot sa kaniya, wala, kahit isang salita, kaya takang-taka ang gobernador.

15 Sa bawat kapistahan, naging kaugalian ng gobernador na magpalaya ng isang bilanggo na hihilingin ng mga tao.+ 16 Noon ay may isang kilalang bilanggo na tinatawag na Barabas. 17 Kaya nang magkatipon ang mga tao, sinabi ni Pilato sa kanila: “Sino ang gusto ninyong palayain ko, si Barabas o si Jesus na tinatawag na Kristo?” 18 Ginawa ito ni Pilato dahil alam niyang naiinggit lang sila kaya ibinigay nila si Jesus sa kaniya. 19 Bukod diyan, habang nakaupo si Pilato sa luklukan ng paghatol, ipinasabi ng asawa niya: “Huwag kang makialam sa taong iyan na walang kasalanan, dahil labis akong pinahirapan ngayon ng isang panaginip dahil sa kaniya.” 20 Pero hinikayat ng mga punong saserdote at matatandang lalaki ang mga tao na ang hilingin ay si Barabas+ at ipapatay si Jesus.+ 21 Tinanong sila ulit ng gobernador: “Sino sa dalawa ang gusto ninyong palayain ko?” Sinabi nila: “Si Barabas.” 22 Sinabi sa kanila ni Pilato: “Ano naman ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Kristo?” Sinabi nilang lahat: “Ibayubay siya sa tulos!”+ 23 Sinabi niya: “Bakit? Ano ba ang ginawa niyang masama?” Pero lalo nilang inilakas ang sigaw: “Ibayubay siya sa tulos!”+

24 Nang makita ni Pilato na hindi nakabuti ang ginawa niya kundi nagkagulo pa nga ang mga tao, kumuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao. Sinabi niya: “Wala akong kasalanan sa dugo ng taong ito. Kayo na ang may pananagutan diyan.” 25 Kaya sumagot ang buong bayan: “Kami at ang mga anak namin ang may pananagutan sa dugo niya.”+ 26 Pagkatapos, pinalaya niya si Barabas, pero ipinahagupit niya si Jesus+ at ibinigay sa mga sundalo para ibayubay sa tulos.+

27 Pagkatapos, dinala si Jesus ng mga sundalo ng gobernador sa bahay ng gobernador, at tinipon nila ang buong pangkat ng mga sundalo sa palibot niya.+ 28 At pagkahubad sa kaniya, sinuotan nila siya ng matingkad-na-pulang balabal,+ 29 at gumawa sila ng koronang tinik at inilagay iyon sa ulo niya at pinahawakan sa kanang kamay niya ang isang tambo. Lumuhod sila sa harap niya at ginawa siyang katatawanan. Sinasabi nila: “Magandang araw,* Hari ng mga Judio!” 30 At dinuraan nila siya+ at kinuha ang tambo at pinaghahampas siya sa ulo. 31 Matapos nila siyang gawing katatawanan, hinubad nila sa kaniya ang balabal at isinuot sa kaniya ang damit niya at inilabas siya para ipako sa tulos.+

32 Habang palabas sila, nakita nila ang isang lalaking nagngangalang Simon na taga-Cirene. Pinilit nila itong buhatin ang pahirapang tulos* ni Jesus.+ 33 At nang makarating sila sa isang lugar na tinatawag na Golgota, na ang ibig sabihin ay Bungo,+ 34 binigyan nila si Jesus ng alak na hinaluan ng mapait na likido para inumin;+ pero nang matikman niya ito, tumanggi siyang uminom. 35 Nang maipako na nila siya sa tulos, pinaghati-hatian nila ang damit* niya sa pamamagitan ng palabunutan,+ 36 at naupo sila habang binabantayan siya. 37 Gumawa rin sila ng paskil at inilagay ito sa ulunan niya. Nakasulat doon ang akusasyon sa kaniya: “Ito si Jesus, ang Hari ng mga Judio.”+

38 Pagkatapos, dalawang magnanakaw ang ipinako rin sa tulos, isa sa kanan niya at isa sa kaliwa.+ 39 At ang mga dumadaan ay pailing-iling+ at iniinsulto siya:+ 40 “Hindi ba ibabagsak mo ang templo at itatayo ito sa loob ng tatlong araw?+ Iligtas mo ang sarili mo! Kung anak ka ng Diyos, bumaba ka sa pahirapang tulos!”*+ 41 Ininsulto rin siya ng mga punong saserdote pati ng mga eskriba at matatandang lalaki:+ 42 “Iniligtas niya ang iba; ang sarili niya, hindi niya mailigtas! Siya ay Hari ng Israel;+ bumaba siya ngayon sa pahirapang tulos* at maniniwala kami sa kaniya. 43 Nagtitiwala siya sa Diyos; iligtas Niya siya ngayon kung mahal Niya siya.+ Hindi ba sinabi niya, ‘Ako ang Anak ng Diyos’”?+ 44 Ininsulto rin siya pati ng mga magnanakaw na nakapako sa mga tulos sa tabi niya.+

45 Mula nang ikaanim na oras* hanggang sa ikasiyam na oras,* nagdilim sa buong lupain.+ 46 Nang bandang ikasiyam na oras na ay sumigaw si Jesus nang malakas: “Eli, Eli, lama sabaktani?” na ang ibig sabihin ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”+ 47 Nang marinig ito, sinabi ng ilan sa mga nakatayo roon: “Tinatawag ng taong ito si Elias.”+ 48 At agad na tumakbo ang isa sa kanila at kumuha ng espongha at isinawsaw ito sa maasim na alak. Inilagay niya ito sa isang tambo at ibinigay kay Jesus para inumin.+ 49 Pero sinabi ng iba: “Pabayaan mo siya! Tingnan natin kung darating si Elias para iligtas siya.” 50 Muling sumigaw si Jesus at nalagutan ng hininga.*+

51 At ang kurtina ng templo+ ay nahati sa dalawa,+ mula sa itaas hanggang sa ibaba,+ at nayanig ang lupa, at nabiyak ang mga bato. 52 At ang mga libingan* ay nabuksan at maraming bangkay ng mga banal ang napahagis* 53 (matapos siyang buhaying muli, ang mga taong nagpunta sa libingan ay pumasok sa banal na lunsod),* at nakita ito ng maraming tao. 54 Takot na takot ang opisyal ng hukbo at ang mga kasama niya na nagbabantay kay Jesus nang masaksihan nila ang paglindol at ang mga bagay na nangyayari. Sinabi nila: “Tiyak na ito ang Anak ng Diyos.”+

55 At maraming babae ang naroon at nagmamasid mula sa malayo. Sumama sila noon kay Jesus mula sa Galilea para maglingkod sa kaniya.+ 56 Kabilang sa kanila si Maria Magdalena, si Maria na ina ni Santiago at ni Joses, at ang ina ng mga anak ni Zebedeo.+

57 Nang dapit-hapon na, may dumating na isang taong mayaman mula sa Arimatea, na nagngangalang Jose at naging alagad din ni Jesus.+ 58 Ang taong ito ay pumunta kay Pilato at hiningi ang katawan ni Jesus.+ Kaya iniutos ni Pilato na ibigay iyon sa kaniya.+ 59 Kinuha ni Jose ang katawan, binalot iyon ng malinis at magandang klase ng lino,+ 60 at inilagay sa kaniyang bagong libingan,*+ na inuka niya sa bato. At matapos igulong ang isang malaking bato sa pasukan ng libingan,* umalis siya. 61 Pero si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay nanatili roon; nakaupo sila sa harap ng libingan.+

62 Kinabukasan, pagkatapos ng araw ng Paghahanda,+ ang mga punong saserdote at ang mga Pariseo ay sama-samang nagpunta kay Pilato. 63 Sinabi nila: “Ginoo, naalaala namin ang sinabi ng impostor na iyon noong buháy pa siya, ‘Pagkatapos ng tatlong araw ay bubuhayin akong muli.’+ 64 Kaya iutos mo na bantayang mabuti ang libingan hanggang sa ikatlong araw para hindi pumunta roon ang mga alagad niya at nakawin siya+ at sabihin sa mga tao, ‘Binuhay siyang muli!’ At ang huling pandarayang ito ay magiging mas masama pa kaysa sa una.” 65 Sinabi ni Pilato sa kanila: “Puwede kayong maglagay ng mga bantay. Pabantayan ninyo iyon nang mabuti.” 66 Kaya pumunta sila sa libingan at isinara itong mabuti,* at naglagay sila ng mga bantay.

28 Pagkaraan ng Sabbath, nang nagliliwanag na noong unang araw ng linggo, si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay dumating para tingnan ang libingan.+

2 Bago nito, lumindol nang malakas dahil isang anghel ni Jehova* ang bumaba mula sa langit at iginulong ang bato at naupo sa ibabaw nito.+ 3 Nagliliwanag siyang gaya ng kidlat, at ang damit niya ay kasimputi ng niyebe.+ 4 Nang makita siya ng mga bantay, nanginig sila sa takot at hindi na makakilos.*

5 Sinabi ngayon ng anghel sa mga babae: “Huwag kayong matakot. Alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa tulos.+ 6 Wala siya rito, dahil binuhay siyang muli, gaya ng sinabi niya.+ Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kaniya. 7 At magmadali kayo at sabihin ninyo sa mga alagad niya na binuhay siyang muli at papunta na siya sa Galilea.+ Doon ninyo siya makikita. Ngayon, nasabi ko na sa inyo.”+

8 Kaya agad silang umalis sa libingan, at magkahalong takot at saya ang nararamdaman nila. Tumakbo sila para balitaan ang mga alagad niya.+ 9 Sinalubong sila ni Jesus at sinabi: “Magandang araw!” Lumapit sila at hinawakan ang mga paa niya at yumukod. 10 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Huwag kayong matakot! Pumunta kayo sa mga kapatid ko at balitaan sila para makapunta sila sa Galilea, at makikita nila ako roon.”

11 Pagkaalis ng mga babae, ang ilan sa mga bantay+ ay pumunta sa lunsod at ibinalita sa mga punong saserdote ang lahat ng nangyari. 12 At pagkatapos makipagpulong ng mga punong saserdote sa matatandang lalaki, nagbigay sila ng maraming piraso ng pilak sa mga sundalo, 13 at sinabi nila: “Sabihin ninyo, ‘Dumating ang mga alagad niya kagabi at ninakaw siya habang natutulog kami.’+ 14 At kung malaman ito ng gobernador, huwag kayong mag-alala dahil kami na ang magpapaliwanag* sa kaniya.” 15 Kaya kinuha nila ang mga piraso ng pilak at ginawa ang iniutos sa kanila, at ito ang istoryang kumalat sa mga Judio hanggang sa mismong araw na ito.

16 Samantala, ang 11 alagad ay pumunta sa Galilea+ sa bundok kung saan sinabi ni Jesus na magkikita-kita sila.+ 17 Nang makita nila siya, lumuhod sila at yumuko, pero ang ilan ay nag-alinlangan. 18 Lumapit sa kanila si Jesus at sinabi niya: “Ang lahat ng awtoridad ay ibinigay na sa akin sa langit at sa lupa.+ 19 Kaya humayo kayo at gumawa ng mga alagad mula sa mga tao ng lahat ng bansa,+ na binabautismuhan sila+ sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng banal na espiritu, 20 at itinuturo sa kanila na tuparin ang lahat ng iniutos ko sa inyo.+ At makakasama ninyo ako sa lahat ng araw hanggang sa katapusan ng sistemang* ito.”+

O “talaangkanan.”

Ang “Kristo” ay katumbas ng “Mesiyas” o “Pinahiran.” Tingnan sa Glosari, “Pahiran.”

O “ng aktibong puwersa.”

Sa mga Judio, kailangan ang pakikipagdiborsiyo para mapawalang-bisa ang kasunduan na magpakasal.

Ito ang una sa 237 paglitaw ng pangalan ng Diyos, Jehova, sa teksto ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ng bersiyong ito. Tingnan ang Ap. A5.

O “na iuwi sa bahay si Maria na asawa mo.”

Katumbas ng Hebreong pangalang Jesua, o Josue, na ang ibig sabihin ay “Si Jehova ay Kaligtasan.”

Tingnan ang Ap. A5.

Tingnan ang Ap. A5.

O “iniuwi niya sa bahay ang asawa niyang.”

Tingnan sa Glosari.

O “yumukod.”

O “Mesiyas; Pinahiran.”

O “yumukod.”

Tingnan ang Ap. A5.

Tingnan ang Ap. A5.

Tingnan ang Ap. A5.

Posibleng nagmula sa salitang Hebreo na “sibol.”

Tingnan ang Ap. A5.

O “Inilulubog.”

Lit., “Magluwal kayo ng bungang angkop sa pagsisisi.”

O “imbakan.”

O “lahat ng matuwid.”

Tingnan sa Glosari, “Pag-aayuno.”

O “lumalabas sa bibig.”

Tingnan ang Ap. A5.

Tingnan ang Ap. A5.

O “sanlibutan.”

Tingnan ang Ap. A5.

O “pag-ukulan ng sagradong paglilingkod.”

Malamang na tumutukoy sa Dagat Mediteraneo. Pero ayon sa ilan, tumutukoy ito sa Lawa ng Galilea.

Tingnan sa Glosari.

O “Rehiyon ng Sampung Lunsod.”

O “mga palaisip sa espirituwal na pangangailangan nila.” Lit., “mga namamalimos ng espiritu.”

O “maamo.”

Tingnan sa Glosari.

O “sanlibutan.”

O “basket na panukat.”

Lit., “para sirain.”

Tingnan ang tlb. sa Mat 7:12.

O “ay may pinakamaliit na pag-asang mapili para sa.”

O “ay may malaking pag-asang mapili para sa.”

Lugar sa labas ng Jerusalem kung saan sinusunog ang mga basura. Tingnan sa Glosari.

Lit., “quadrans,” isang barya na napakaliit ng halaga. Tingnan ang Ap. B14.

Tingnan sa Glosari.

Tingnan sa Glosari.

Sa Griego, por·neiʹa. Tingnan sa Glosari.

Tingnan ang Ap. A5.

O “buhay.”

O “Diyablo.”

Tingnan ang Ap. B14.

Nangungutang nang walang interes.

O “ganap.”

O “kung magbibigay ka ng kaloob udyok ng awa.” Tingnan sa Glosari, “Kaloob udyok ng awa.”

O “mapagpaimbabaw.”

Lit., “na tumitingin mula sa lihim na dako.”

O “sa iyong Ama na hindi nakikita ng sinumang tao.”

O “ituring nawang sagrado o banal.”

Lit., “tinapay.”

Lit., “utang.”

Lit., “may utang.”

Lit., “huwag mo kaming dalhin sa tukso.”

Si Satanas.

O “ang iyong Ama na hindi nakikita ng sinumang tao.”

O “tangà,” isang insekto na kumakain ng tela.

O “malinaw.” Lit., “simple.”

O “mapupuno ng liwanag.”

Lit., “masama.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “imbakan.”

Lit., “isang siko.” Tingnan ang Ap. B14.

Isang uri ng bulaklak.

Tingnan sa Glosari.

O “idaragdag.”

Lit., “at sa panukat na ipinanunukat ninyo, susukatin nila kayo.”

O “biga.”

O “Mapagpaimbabaw!”

Ang pananalitang “Kautusan at mga Propeta” ay tumutukoy sa buong Hebreong Kasulatan.

O “na mababangis na aso.”

Sa Griego, ang salitang ginamit ay tumutukoy sa paglapastangan sa mga batas ng Diyos.

O “yumukod.”

O “mapalilinis.”

Malamang na tumutukoy sa mga saserdote.

O “hihilig.”

Sa Ingles, fox.

Lit., “walang mahigan ng kaniyang ulo.”

O “alaalang libingan.”

Tingnan sa Glosari, “Pamumusong.”

O “nakahilig siya sa mesa.”

O “humilig sa mesa.”

O “at yumukod sa kaniya.”

Lit., “ay nabalatan at kalat-kalat.”

Lit., “maruruming.”

O “masigasig.”

O “maglagay sa sinturon.” Isang uri ng sinturon na mapaglalagyan ng pera.

Lit., “dalawang.”

Bumabati ang mga Judio ng “Sumainyo nawa ang kapayapaan.”

O “ng mababangis na aso.”

O “tapat; malinis ang puso.”

O “makapagbabata.”

Si Satanas, ang tagapamahala ng mga demonyo.

O “hindi makapag-aalis ng pag-asa ninyo na muling mabuhay.” Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari.

Lit., “isang assarion.” Tingnan ang Ap. B14.

O “bumababa.”

Tingnan sa Glosari.

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “mawawalan ng buhay.”

O “ang hindi nakakakita sa akin ng ikatitisod.”

O “may mamahaling damit?”

O “hindi ninyo sinuntok ang dibdib ninyo sa pagdadalamhati.”

Lit., “ay pinatutunayang matuwid ng.”

O “mga bunga nito.”

O “Hades.” Tingnan sa Glosari.

Lit., “mababa ang puso.”

Lit., “ay may kabaitan.”

O “pantanghal.”

O “may paralisadong.”

O “lilinawin.”

Si Satanas.

Lit., “ang magiging hukom ninyo.”

Tingnan sa Glosari.

O “panahong.” Tingnan sa Glosari, “Sistema.”

Lit., “Mula sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.”

O “ipahahayag kang matuwid.”

Lit., “mapangalunya.”

Lit., “maruming.”

O “Diyablo.”

O “panahong.” Tingnan sa Glosari, “Sistema.”

O “imbakan.”

O “lebadura.”

Ang tatlong malalaking takal na tinutukoy rito ay mga 10 kg.

Lit., “mula pa nang pagkakatatag.”

O “sanlibutan.”

O “Diyablo.”

O “panahon.” Tingnan sa Glosari.

O “panahong.” Tingnan sa Glosari, “Sistema.”

O “pagkakasala.”

Sa Griego, ang salitang ginamit ay tumutukoy sa paglapastangan sa mga batas ng Diyos.

O “panahong.” Tingnan sa Glosari, “Sistema.”

O “ng makapangyarihang mga gawa.”

O “Kaya natisod sila sa kaniya.”

O “makapangyarihang mga gawa.”

Lit., “na tetrarka.”

O “ng makapangyarihang mga gawa.”

Si Herodes Antipas. Tingnan sa Glosari.

O “kasama niyang nakahilig sa mesa.”

O “bumigkas siya ng pagpapala.”

Lit., “maraming estadyo na ang layo.” Ang isang estadyo ay 185 m (606.95 ft).

Lit., “ikaapat na yugto ng pagbabantay sa gabi,” na mga 3:00 n.u. hanggang pagsikat ng araw nang mga 6:00 n.u.

Paglilinis sa seremonyal na paraan.

O “Igalang.”

O “Ang nanlalait.”

Sa Griego, por·neiʹa. Tingnan sa Glosari.

Tingnan sa Glosari.

Paglilinis sa seremonyal na paraan.

O “yumukod.”

O “nag-aayuno.”

Lit., “mapangalunya.”

O “pampaalsa.”

Lit., “laman at dugo.”

Lit., “mga pintuang-daan ng Hades.” Tingnan sa Glosari.

O “Lumagay.”

Tingnan sa Glosari.

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “mawawalan ng buhay.”

O “sanlibutan.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “naging puti.”

Tingnan ang Ap. A3.

Lit., “na dobleng drakma.” Tingnan ang Ap. B14.

Lit., “baryang estater,” na sinasabing ang tetradrakma. Tingnan ang Ap. B14.

O “pinakaimportante.”

O “manumbalik.”

O “magpahina sa pananampalataya ng; maging dahilan ng pagkakasala ng.”

Tingnan sa Glosari.

Tingnan ang Ap. A3.

O posibleng “inyong.”

Lit., “at sawayin.”

Lit., “bibig.”

Maliwanag na tumutukoy sa mga di-Judio na hindi naniniwala sa Diyos.

Ang 10,000 talento ng pilak ay katumbas ng 60,000,000 denario. Tingnan ang Ap. B14.

Tingnan ang Ap. B14.

Lit., “ibinigay niya sa mga tagapagbilanggo.”

O “lumikha.”

Tingnan ang tlb. sa Gen 2:24.

O “pinagtuwang.”

Sa Griego, por·neiʹa. Tingnan sa Glosari.

Tingnan sa Glosari.

O “igalang.”

Walang pagkukulang sa paglilingkod sa Diyos.

O “sa muling-paglalang.”

Tingnan ang Ap. B14.

Mga 9:00 n.u.

Mga 12:00 n.t.

Mga 3:00 n.h.

Mga 5:00 n.h.

Tingnan ang Ap. B14.

Tingnan ang Ap. B14.

Tingnan ang Ap. B14.

Lit., “masama ang mata mo.”

O “bukas-palad.”

Lit., “paakyat.”

O “ibitin.”

O “Yumukod.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “anak ng asno.”

Tingnan ang Ap. A5.

Lit., “naging ulo ng kanto.” Tingnan sa Glosari.

Tingnan ang Ap. A5.

Lit., “isang bansang nagluluwal ng bunga nito.”

O “nakahilig sa mesa.”

Tingnan ang Ap. B14.

Tingnan ang Ap. A5.

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan ang tlb. sa Mat 7:12.

Tingnan ang Ap. A5.

O “hapunan.”

Lit., “ang mga upuan sa unahan.”

O “Guro.”

Tingnan ang Ap. A3.

O “para kumbertihin.”

Tingnan sa Glosari.

Ang yerbabuena, eneldo, at komino ay maliliit na halamang pampalasa sa pagkain.

Katarungan, awa, at katapatan.

Isang maliit na insekto na nangangagat gaya ng lamok.

O “pandarambong.”

O “alaalang libingan.”

Lit., “Kaya punuin ninyo ang panukat ng inyong mga ninuno.”

O posibleng “iiwang tiwangwang sa inyo.”

Templo.

Tingnan ang Ap. A5

O “pagkanaririto.” Tingnan sa Glosari.

O “panahong.” Tingnan sa Glosari, “Sistema.”

Gaya ng kirot na nararamdaman ng isang babaeng nanganganak.

Lit., “ang matitisod.”

Sa Griego, ang salitang ginamit ay tumutukoy sa paglapastangan sa mga batas ng Diyos.

O “makapagbabata.”

Lit., “bilang patotoo sa.”

O “sanlibutan.”

Tingnan sa Glosari.

O “susuntok sa dibdib dahil sa pagdadalamhati.”

Lit., “hangin.”

Tingnan sa Glosari.

O “maingat na.”

Ang isang talentong Griego ay 20.4 kg. Tingnan ang Ap. B14.

Lit., “pilak.”

Lit., “pilak.”

Lit., “walang-hanggang pagkaputol,” gaya ng pagputol ng sanga mula sa puno.

Maliit na sisidlang gawa sa batong makukuha sa isang lugar na malapit sa Alabastron, Ehipto.

O “habang nakahilig siya sa mesa.”

O “sanlibutan.”

O “humilig.”

Lit., “matitisod kayong lahat may kaugnayan sa akin.”

Lit., “Kahit na matisod silang lahat may kaugnayan sa iyo, hinding-hindi ako matitisod!”

O “Nakamamatay.”

O “kaluban.”

O “kasulatan.”

Lit., “kapangyarihan.”

Tingnan sa Glosari, “Pamumusong.”

O “sa punto mo ng pagsasalita.”

Lit., “isang dugong walang-sala.”

Halagang ibinayad sa pagpatay.

Tingnan ang Ap. A5.

O “Mabuhay ka.”

Tingnan sa Glosari.

Ang salitang Griego para dito ay puwedeng tumukoy sa balabal o sa mahabang damit na pampatong.

Tingnan sa Glosari.

Tingnan sa Glosari.

Mga 12:00 n.t.

Mga 3:00 n.h.

Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”

O “alaalang libingan.”

Lit., “naangat.”

Malamang na para sabihin ang nakita nila.

O “alaalang libingan.”

O “alaalang libingan.”

Sa orihinal na wikang Griego, ipinapakitang may ginawa sa batong pansara sa libingan para malaman kung may nagbukas nito.

Tingnan ang Ap. A5.

Lit., “at naging gaya ng mga taong patay.”

Lit., “kukumbinsi.”

O “panahong.” Tingnan sa Glosari, “Sistema.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share