MGA PANAGHOY
א [Alep]*
1 Nakaupo siyang mag-isa, ang lunsod na dating punô ng tao!+
Naging tulad siya ng isang biyuda, siya na dating matao sa gitna ng mga bansa!+
Siya na dating prinsesa sa gitna ng mga distrito ay puwersahang pinagtatrabaho!+
ב [Bet]
2 Humahagulgol siya sa gabi,+ at basang-basa ng luha ang mga pisngi niya.
Walang sinuman sa mga mangingibig niya ang umaaliw sa kaniya.+
Pinagtaksilan siya ng lahat ng kasamahan niya;+ naging kaaway niya sila.
ג [Gimel]
3 Ipinatapon ang Juda+ at dumanas siya ng pang-aapi at pang-aalipin.+
Napilitan siyang tumira kasama ng mga bansa;+ wala siyang makitang pahingahan.
Inabutan siya ng lahat ng umuusig sa kaniya habang nagdurusa siya.
ד [Dalet]
4 Ang mga daan papuntang Sion ay nagdadalamhati, dahil walang pumupunta sa kapistahan.+
Ang lahat ng pintuang-daan niya ay tiwangwang;+ ang mga saserdote niya ay nagbubuntonghininga.
Ang mga dalaga niya ay namimighati, at siya ay nagdurusa.
ה [He]
5 Ang mga kalaban niya ay panginoon* na niya ngayon; ang mga kaaway niya ay hindi nababahala.+
Pinighati siya ni Jehova dahil sa dami ng kasalanan niya.+
Binihag ng mga kalaban ang mga anak niya.+
ו [Waw]
6 Nawala ang lahat ng karilagan ng anak na babae ng Sion.+
Ang matataas na opisyal niya ay gaya ng mga lalaking usa na walang makitang pastulan,
At lumalakad sila nang walang lakas habang tumatakas sa humahabol sa kanila.
ז [Zayin]
7 Noong nagdurusa siya at walang matirhan, naalaala ng Jerusalem
Ang lahat ng kaniyang kanais-nais na bagay noong unang panahon.+
Nang mahulog ang bayan niya sa kamay ng kalaban at walang tumulong sa kaniya,+
Nakita siya ng mga kalaban at pinagtawanan nila ang* pagbagsak niya.+
ח [Het]
8 Nagkasala nang malubha ang Jerusalem,+
Kaya naging kasuklam-suklam siya.
Hinahamak na siya ngayon ng lahat ng dating nagpaparangal sa kaniya, dahil nakita nila siyang hubad.+
Dumaraing siya+ at tumatalikod dahil sa kahihiyan.
ט [Tet]
9 Ang karumihan niya ay nasa mga laylayan niya.
Hindi niya inisip ang kinabukasan niya.+
Matindi ang pagbagsak niya; walang umaaliw sa kaniya.
O Jehova, tingnan mo ang paghihirap ko, dahil nagmamalaki ang kaaway.+
י [Yod]
10 Kinuha ng kalaban ang lahat ng kayamanan niya.+
Nakita niyang pumasok sa santuwaryo niya ang mga bansa,+
Ang mga inutusan mong huwag pumasok sa loob ng kongregasyon mo.
כ [Kap]
11 Ang buong bayan niya ay nagbubuntonghininga; naghahanap sila ng tinapay.+
Ibinigay nila ang mahahalaga nilang pag-aari kapalit ng makakain, para manatiling buháy.
Tingnan mo, O Jehova, ako ay naging isang babaeng* walang kabuluhan.
ל [Lamed]
12 Bale-wala ba ito sa inyo, kayong lahat na dumadaan?
Tingnan ninyo!
May papantay ba sa kirot na nararamdaman ko,
Na ibinigay sa akin ni Jehova sa araw ng kaniyang nag-aapoy na galit?+
מ [Mem]
13 Nagpadala siya ng apoy mula sa langit para sunugin ang bawat buto ko.+
Naglatag siya ng lambat para sa mga paa ko; napaurong niya ako.
Ginawa niya akong isang babaeng nag-iisa.
May sakit ako buong araw.
נ [Nun]
14 Ang mga kasalanan ko ay nakatali sa akin na parang pamatok; itinali niya ang mga iyon ng kamay niya.
Inilagay ang mga iyon sa leeg ko, at nawalan ako ng lakas.
Ibinigay ako ni Jehova sa kamay ng mga hindi ko kayang labanan.+
ס [Samek]
15 Itinaboy ni Jehova ang lahat ng malalakas na lalaki sa gitna ko.+
Tumawag siya ng isang kapulungan laban sa akin para durugin ang aking kalalakihan.+
Tinapakan ni Jehova ang anak na dalaga ng Juda sa pisaan ng ubas.+
ע [Ayin]
16 Umiiyak ako dahil sa mga bagay na ito;+ umaagos ang luha sa mga mata ko.
Dahil malayo sa akin ang mga puwedeng umaliw o magpaginhawa sa akin.
Ang mga anak ko ay nawalan ng pag-asa, dahil nagtagumpay ang kaaway.
פ [Pe]
17 Iniunat ng Sion ang mga kamay niya;+ walang umaaliw sa kaniya.
Inutusan ni Jehova ang lahat ng nasa palibot ng Jacob na kalabanin siya.+
Ang Jerusalem ay naging kasuklam-suklam sa kanila.+
צ [Tsade]
18 Matuwid si Jehova,+ dahil nagrebelde ako sa mga utos* niya.+
Makinig kayo, lahat kayong mga bayan, at tingnan ninyo ang paghihirap ko.
Binihag ang aking mga dalaga at binata.+
ק [Kop]
19 Tinawag ko ang aking mga mangingibig, pero pinagtaksilan nila ako.+
Namatay ang aking mga saserdote at matatandang lalaki sa lunsod,
Habang naghahanap sila ng makakain para manatiling buháy.+
ר [Res]
20 Tingnan mo ako, O Jehova, dahil labis akong nagdurusa.
Naghihirap ang kalooban* ko.
Nababagabag ang puso ko, dahil lubusan akong nagrebelde.+
Sa labas, ang espada ay pumapatay;+ sa loob ng bahay ay mayroon ding kamatayan.
ש [Shin]
21 Narinig ng mga tao ang pagbubuntonghininga ko; walang umaaliw sa akin.
Narinig ng lahat ng kaaway ko ang tungkol sa kapahamakan ko.
Nagsaya sila, dahil pinasapit mo ito.+
Pero pasasapitin mo ang araw na inihayag mo,+ kung kailan sila ay magiging gaya ko.+
ת [Taw]
22 Makita mo nawa ang lahat ng kasamaan nila, at parusahan mo nawa sila,+
Kung paanong pinarusahan mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko.
Dahil lagi akong nagbubuntonghininga, at ang puso ko ay may sakit.
א [Alep]
2 Sa galit ni Jehova ay tinakpan niya ng ulap ang anak na babae ng Sion!
Mula sa langit ay inihagis niya sa lupa ang kagandahan ng Israel.+
Hindi niya inalaala ang tuntungan niya+ sa araw ng kaniyang galit.
ב [Bet]
2 Walang awang winasak ni Jehova ang lahat ng tirahan ng Jacob.
Sa kaniyang poot ay giniba niya ang mga tanggulan ng anak na babae ng Juda.+
Ibinagsak niya sa lupa at nilapastangan ang kaharian+ at ang matataas na opisyal nito.+
ג [Gimel]
3 Sa galit ay tinanggal niya ang buong lakas* ng Israel.
Iniurong niya ang kanang kamay niya nang dumating ang kaaway,+
At sa Jacob ay patuloy siyang nagliliyab na gaya ng apoy na tumutupok sa lahat ng nasa palibot nito.+
ד [Dalet]
4 Binaluktot* niya ang búsog niya na gaya ng isang kaaway; ang kanang kamay niya ay naging gaya ng isang kalaban;+
Pinatay niya ang lahat ng kanais-nais sa paningin.+
At ibinuhos niya ang galit niya na gaya ng isang apoy+ sa tolda ng anak na babae ng Sion.+
ה [He]
Nilamon niya ang lahat ng tore nito;
Sinira niya ang mga tanggulan nito.
At ang anak na babae ng Juda ay pinuno niya ng pagdadalamhati at pagtaghoy.
ו [Waw]
6 Giniba niya ang kaniyang kubol,+ gaya ng isang kubo sa hardin.
Winakasan* niya ang kapistahan niya.+
Binura ni Jehova ang alaala ng kapistahan at ng sabbath sa Sion,
At sa tindi ng galit niya ay hindi siya nagpapakita ng konsiderasyon sa hari at sa saserdote.+
ז [Zayin]
Isinuko niya sa kaaway ang mga pader ng matitibay niyang tore.+
Naghihihiyaw sila sa bahay ni Jehova,+ gaya ng sa araw ng kapistahan.
ח [Het]
8 Ipinasiya ni Jehova na gibain ang pader ng anak na babae ng Sion.+
Iniunat niya ang pising panukat.+
Hindi niya pinigilan ang kamay niya sa pagwasak.*
At pinagdalamhati niya ang tanggulan at pader.
Pareho itong pinahina.
ט [Tet]
9 Ang mga pintuang-daan nito ay lumubog sa lupa.+
Winasak niya at sinira ang mga halang nito.
Ang hari at ang matataas na opisyal nito ay ipinatapon sa mga bansa.+
Walang kautusan;* kahit ang mga propeta nito ay walang nakitang pangitain mula kay Jehova.+
י [Yod]
10 Ang matatandang lalaki ng anak na babae ng Sion ay tahimik na nakaupo sa lupa.+
Naglalagay sila ng alabok sa ulo at nakasuot sila ng telang-sako.+
Ang mga dalaga ng Jerusalem ay sumubsob sa lupa.
כ [Kap]
11 Namumugto ang mga mata ko sa kaiiyak.+
Naghihirap ang kalooban* ko.
Nadurog ang puso ko,* dahil sa pagbagsak ng anak na babae ng bayan ko,*+
Dahil nanlulupaypay ang mga bata at mga sanggol sa mga liwasan* ng bayan.+
ל [Lamed]
12 Paulit-ulit nilang itinatanong sa kanilang ina: “Nasaan ang butil at alak?”+
Habang nanghihina silang gaya ng taong sugatán sa mga liwasan ng lunsod,
Habang unti-unti silang namamatay sa bisig ng kanilang ina.
מ [Mem]
13 Ano ang gagamitin kong saksi,
O sa ano kita maitutulad, O anak na babae ng Jerusalem?
Saan kita maikukumpara para maaliw kita, O anak na dalaga ng Sion?
Dahil ang iyong pagkawasak ay kasinlaki ng dagat.+ Sino ang makapagpapagaling sa iyo?+
נ [Nun]
14 Ang mga pangitaing nakita ng mga propeta mo ay di-totoo at walang kabuluhan.+
Hindi nila inilantad ang kasalanan mo para mahadlangan ang pagbihag sa iyo.+
Sa halip, patuloy silang nagsabi ng mga pangitaing di-totoo at nakaliligaw.+
ס [Samek]
15 Ang lahat ng dumadaan sa lansangan ay pumapalakpak sa iyo nang may panghahamak.+
Napapasipol sila+ at napapailing sa anak na babae ng Jerusalem, at sinasabi nila:
“Ito ba ang lunsod na sinasabi nilang ‘sukdulan sa ganda, ang kagalakan ng buong lupa’?”+
פ [Pe]
16 Ibinuka ng lahat ng kaaway mo ang kanilang bibig laban sa iyo.
Sumisipol sila at nagngangalit ang mga ngipin nila, at sinasabi nila: “Nalamon natin siya.+
Ito ang araw na hinihintay natin!+ Dumating na ito, at nakita natin ito!”+
ע [Ayin]
17 Ginawa ni Jehova ang ipinasiya niya;+ tinupad niya ang sinabi niya,+
Ang iniutos niya noon pa man.+
Walang awa siyang gumiba.+
Hinayaan niyang magtagumpay sa iyo ang kaaway at magsaya; pinalakas niya ang* mga kalaban mo.
צ [Tsade]
18 Humihiyaw ang puso nila kay Jehova, O pader ng anak na babae ng Sion.
Umagos nawa ang mga luha gaya ng ilog araw at gabi.
Huwag kang tumigil, huwag mong pagpahingahin ang mata mo.*
ק [Kop]
19 Bumangon ka! Umiyak ka buong magdamag.*
Ibuhos mo ang puso mo na parang tubig sa harap ni Jehova.
Itaas mo sa kaniya ang mga kamay mo alang-alang sa buhay ng mga anak mo,
ר [Res]
20 Tingnan mo, O Jehova, ang isa na pinagmalupitan mo.
Dapat bang kainin ng mga babae ang mga supling* nila, ang sarili nilang malulusog na anak,+
O dapat bang patayin sa santuwaryo ni Jehova ang mga saserdote at mga propeta?+
ש [Shin]
21 Ang batang lalaki at ang matandang lalaki ay patay at nakahandusay sa lansangan.+
Ang aking mga dalaga at mga binata ay namatay sa espada.+
Pumatay ka sa araw ng galit mo; pumatay ka ng marami at hindi ka naawa.+
ת [Taw]
22 Gaya ng sa araw ng kapistahan,+ nagtawag ka ng nakapangingilabot na mga bagay mula sa lahat ng panig.
Sa araw ng poot ni Jehova ay walang nakatakas o nakaligtas;+
Ang mga isinilang ko* at inaruga, nilipol sila ng kaaway ko.+
א [Alep]
3 Ako ang taong nakakita ng pagdurusa dahil sa hampas ng poot niya.
2 Itinaboy niya ako at pinalakad sa dilim, hindi sa liwanag.+
3 Paulit-ulit niya akong hinahampas buong araw.+
ב [Bet]
4 Inubos niya ang laman at balat ko;
Binali niya ang mga buto ko.
5 Kinubkob niya ako; pinalibutan niya ako ng nakalalasong halaman+ at ng paghihirap.
6 Pinaupo niya ako sa madidilim na lugar, gaya ng mga taong matagal nang patay.
ג [Gimel]
7 Pinalibutan niya ako ng pader, para hindi ako makatakas;
Iginapos niya ako ng mabigat na kadenang tanso.+
8 At kapag sumisigaw ako at humihingi ng tulong, hindi niya pinakikinggan* ang panalangin ko.+
ד [Dalet]
10 Inaabangan niya akong gaya ng oso, gaya ng leon na nagtatago.+
12 Binaluktot* niya ang búsog niya, at ginawa niya akong puntirya ng mga palaso niya.
ה [He]
13 Pinatama niya sa mga bato ko ang mga palaso* mula sa lalagyan niya.
14 Naging katatawanan ako ng lahat ng bayan, ang laman ng awit nila sa buong araw.
15 Binusog niya ako ng mapapait na bagay at pinainom ng ahenho.+
ו [Waw]
17 Pinagkaitan mo ako ng kapayapaan; nalimutan ko na kung ano ang mabuti.
18 Kaya sinabi ko: “Naglaho na ang karilagan ko, at hindi na ako umaasa kay Jehova.”
ז [Zayin]
19 Alalahanin mong nagdurusa ako at wala akong tahanan;+ alalahanin mo ang ahenho at ang nakalalasong halaman.+
20 Tiyak na maaalaala mo ito at yuyuko ka para sa akin.+
21 Naaalaala ko ito sa puso ko; kaya matiyaga akong maghihintay.*+
ח [Het]
22 Dahil sa tapat na pag-ibig ni Jehova kaya hindi pa tayo nalilipol,+
Dahil walang hanggan ang awa niya.+
23 Ang mga iyon ay bago sa bawat umaga;+ ang katapatan mo ay sagana.+
24 “Si Jehova ang bahagi ko,”+ ang sabi ko, “kaya matiyaga akong maghihintay sa kaniya.”+
ט [Tet]
25 Mabuti si Jehova sa umaasa sa kaniya,+ sa taong patuloy na humahanap sa kaniya.+
26 Mabuting maghintay nang tahimik*+ sa pagliligtas ni Jehova.+
27 Mabuti sa isang tao na magdala ng pasanin sa panahon ng kabataan niya.+
י [Yod]
28 Maupo siyang mag-isa at manatiling tahimik kapag inilagay ng Diyos ang pasaning iyon sa kaniya.+
29 Isubsob niya ang bibig niya sa mismong alabok;+ baka sakaling may pag-asa pa.+
30 Iharap niya ang pisngi niya sa nananakit sa kaniya; tanggapin niya ang lahat ng pang-iinsulto.
כ [Kap]
31 Dahil hindi tayo habang panahong itatakwil ni Jehova.+
32 Kahit na pinagdusa niya tayo, maaawa siya sa atin dahil sagana ang kaniyang tapat na pag-ibig.+
33 Dahil wala sa puso niya na pahirapan o saktan ang mga anak ng tao.+
ל [Lamed]
34 Ang tapakan at durugin ang lahat ng bilanggo sa lupa,+
35 Ang pagkaitan ng katarungan ang isang tao sa harap ng Kataas-taasan,+
36 Ang dayain ang isang tao sa kaso niya
—Hindi kinukunsinti ni Jehova ang ganitong mga bagay.
מ [Mem]
37 Kaya sino ang makapagsasabi ng isang bagay at makagagawa nito kung hindi si Jehova ang nag-utos nito?
38 Mula sa bibig ng Kataas-taasan
Ay hindi parehong lumalabas ang masasamang bagay at ang mabubuting bagay.
39 Bakit magrereklamo ang isang tao sa ibinunga ng kasalanan niya?+
נ [Nun]
40 Suriin natin at siyasatin ang landasin natin,+ at manumbalik tayo kay Jehova.+
41 Itaas natin ang ating puso at mga kamay sa Diyos na nasa langit:+
42 “Nagkasala kami at nagrebelde,+ at hindi mo pa kami pinatatawad.+
ס [Samek]
44 Hinarangan mo ng ulap ang lumalapit sa iyo, para ang panalangin namin ay hindi makarating sa iyo.+
45 Ginawa mo kaming dumi at basura sa gitna ng mga bayan.”
פ [Pe]
46 Ibinuka ng lahat ng kaaway namin ang bibig nila laban sa amin.+
47 Pangingilabot at hukay ang inabot namin,+ pagkatiwangwang at pagkawasak.+
48 Bumubukal ang tubig mula sa mga mata ko dahil sa pagbagsak ng anak na babae ng bayan ko.+
ע [Ayin]
49 Lumuluha ang mga mata ko nang tuloy-tuloy, walang tigil,+
50 Hanggang sa tumingin si Jehova mula sa langit+ at makita ang nangyayari.
51 Ang mga mata ko ay nagdulot sa akin ng pighati dahil sa lahat ng anak na babae ng lunsod ko.+
צ [Tsade]
52 Hinahabol akong parang ibon ng mga kaaway ko nang walang dahilan.
53 Pinatahimik nila ako sa hukay; pinagbabato nila ako.
54 Lumubog ako sa tubig, at nasabi ko: “Katapusan ko na!”
ק [Kop]
55 Tinawag ko ang pangalan mo, O Jehova, mula sa kailaliman ng hukay.+
56 Dinggin mo ang tinig ko; huwag mong isara ang tainga mo sa paghingi ko ng tulong, ng saklolo.
57 Lumapit ka nang araw na tumawag ako sa iyo. Sinabi mo: “Huwag kang matakot.”
ר [Res]
58 Ipinagtanggol mo ang kaso ko, O Jehova, tinubos mo ang buhay ko.+
59 Nakita mo, O Jehova, ang kamaliang ginawa sa akin; pakisuyong bigyan mo ako ng katarungan.+
60 Nakita mo ang lahat ng paghihiganti nila, ang lahat ng pakana nila laban sa akin.
ש [Sin] o [Shin]
61 Narinig mo ang pandurusta nila, O Jehova, ang lahat ng pakana nila laban sa akin,+
62 Ang sinasabi ng mga kaaway ko at ang ibinubulong nila laban sa akin buong araw.
63 Tingnan mo sila; nakaupo man sila o nakatayo, hinahamak nila ako sa mga awit nila!
ת [Taw]
64 Pagbabayarin mo sila, O Jehova, sa mga ginagawa nila.
65 Patitigasin mo ang puso nila bilang sumpa mo sa kanila.
66 Sa galit mo ay tutugisin mo sila at lilipulin sa silong ng langit ni Jehova.
א [Alep]
4 Nawala ang kinang ng ginto, ng purong ginto!+
Nagkalat ang mga banal na bato+ sa kanto ng bawat kalye!*+
ב [Bet]
2 Ang minamahal na mga anak ng Sion, na dating kasinghalaga ng dinalisay na ginto,
Ay itinuturing nang gaya ng bangang luwad,
Na gawa ng mga kamay ng magpapalayok!
ג [Gimel]
3 Maging ang mga chakal ay nagpapasuso sa mga anak nila,
Pero ang anak na babae ng bayan ko ay naging malupit,+ gaya ng mga avestruz* sa ilang.+
ד [Dalet]
4 Ang dila ng sanggol ay dumikit na sa ngalangala dahil sa uhaw.
Ang mga bata ay namamalimos ng tinapay,+ pero walang nagbibigay sa kanila.+
ה [He]
5 Ang mga dating kumakain ng masasarap na pagkain ay nakahandusay sa mga lansangan dahil sa gutom.+
Ang mga dating nakadamit ng iskarlata*+ ay nakahiga sa mga bunton ng abo.
ו [Waw]
6 Ang parusa sa* anak na babae ng bayan ko ay mas mabigat kaysa sa parusa sa kasalanan ng Sodoma,+
Na nawasak sa isang iglap at walang sinumang tumulong.+
ז [Zayin]
7 Ang mga Nazareo niya+ ay mas dalisay sa niyebe, mas maputi sa gatas.
Sila ay mas mapula sa korales; gaya sila ng makinang na safiro.
ח [Het]
Ang balat nila ay nanguluntoy sa mga buto nila;+ naging gaya iyon ng tuyong kahoy.
ט [Tet]
9 Napabuti pa ang mga namatay sa espada kumpara sa mga namatay sa gutom,+
Sa mga unti-unting nanghina na para bang sinaksak dahil sa kawalan ng pagkain.
י [Yod]
10 Pinakuluan ng mahabaging mga babae ang sarili nilang mga anak.+
Naging pagkain sila sa panahon ng pagdadalamhati dahil sa pagkawasak ng anak na babae ng bayan ko.+
כ [Kap]
At nagpaningas siya ng apoy sa Sion na tumupok sa mga pundasyon nito.+
ל [Lamed]
12 Ang mga hari sa lupa at ang lahat ng nakatira sa mabungang lupain ay hindi naniwala
Na ang kalaban at ang kaaway ay papasok sa mga pintuang-daan ng Jerusalem.+
מ [Mem]
13 Iyon ay dahil sa mga kasalanan ng mga propeta niya, sa mga pagkakamali ng mga saserdote niya,+
Na nagpadanak ng dugo ng mga matuwid sa gitna niya.+
נ [Nun]
14 Pagala-gala sila sa lansangan na parang mga bulag.+
Narumhan sila ng dugo,+
Kaya walang makahipo sa damit nila.
ס [Samek]
15 “Lumayo kayo! Marurumi!” ang isinisigaw sa kanila. “Lumayo kayo! Lumayo kayo! Huwag ninyo kaming hahawakan!”
Dahil wala na silang bahay at nagpapagala-gala na lang.
Sinasabi ng mga tao ng mga bansa: “Hindi sila puwedeng tumira dito kasama natin.*+
פ [Pe]
Hindi igagalang ng mga tao ang mga saserdote,+ at hindi pahahalagahan ang matatandang lalaki.”+
ע [Ayin]
17 Kahit ngayon, ang mga mata namin ay pagod na sa paghahanap ng tulong, pero walang tumutulong.+
Patuloy kaming naghahanap ng tulong mula sa isang bansa na hindi makapagliligtas sa amin.+
צ [Tsade]
18 Hinahanap kami ng mga kaaway+ kaya hindi kami makapaglakad sa mga liwasan.*
Malapit na ang katapusan namin; nagwakas na ang mga araw namin, dahil dumating na ang katapusan namin.
ק [Kop]
19 Ang mga tumutugis sa amin ay mas matulin pa sa mga agila sa langit.+
Hinahabol nila kami sa mga bundok; inaabangan nila kami sa ilang.
ר [Res]
20 Ang aming hininga, ang inatasan* ni Jehova,+ ay nahuli sa kanilang malaking hukay;+
Tungkol sa kaniya ay sinasabi namin: “Sa lilim niya ay mabubuhay kami kasama ng mga bansa.”
ש [Sin]
21 Magalak ka at magsaya, O anak na babae ng Edom,+ ikaw na nakatira sa lupain ng Uz.
Pero sa iyo rin ay ipapasa ang kopa,+ at malalasing ka at mahuhubaran.+
ת [Taw]
22 Ang parusa sa pagkakamali mo, O anak na babae ng Sion, ay natapos na.
Hindi ka na niya muling ipatatapon.+
Pero ibabaling niya ang kaniyang pansin sa pagkakamali mo, O anak na babae ng Edom.
Ilalantad niya ang mga kasalanan mo.+
5 O Jehova, alalahanin mo ang nangyari sa amin.
Tingnan mo ang sinapit naming kahihiyan.+
2 Ang mana namin ay ibinigay sa mga estranghero; ang mga bahay namin, sa mga dayuhan.+
3 Kami ay naulila, walang ama; ang aming mga ina ay gaya ng mga biyuda.+
4 Kailangan naming magbayad para mainom ang sarili naming tubig,+ at binabayaran namin ang sarili naming panggatong.
5 Maaabutan na kami ng* mga tumutugis sa amin;
Pagod na pagod na kami, pero hindi kami makapagpahinga.+
6 Iniaabot namin ang kamay namin sa Ehipto+ at sa Asirya,+ para makakain ng sapat na tinapay.
7 Wala na ang mga ninuno namin na nagkasala, pero pinagbabayaran namin ang mga pagkakamali nila.
8 Mga lingkod ang namamahala sa amin ngayon; walang sinumang nagliligtas sa amin mula sa kamay nila.
9 Dahil sa espada sa ilang, isinasapanganib namin ang buhay namin+ para makakuha ng tinapay.
10 Ang balat namin ay naging kasing-init ng hurno, dahil sa sobrang gutom.+
11 Winalang-dangal* nila ang mga asawang babae sa Sion, ang mga dalaga sa mga lunsod ng Juda.+
12 Ang matataas na opisyal ay tinalian sa kamay at ibinitin,+ at ang matatandang lalaki ay hindi iginalang.+
13 Ang mga kabataang lalaki ay bumubuhat ng gilingan,* at ang mga batang lalaki ay nadadapa sa bigat ng buhat nilang kahoy.
14 Wala na ang matatandang lalaki sa pintuang-daan ng lunsod;+ hindi na tumutugtog ang mga kabataang lalaki.+
15 Wala nang kagalakan sa puso namin; ang sayawan ay napalitan ng pagdadalamhati.+
16 Ang korona sa ulo namin ay nahulog. Kaawa-awa kami, dahil nagkasala kami!
17 Dahil dito ay nasasaktan ang puso namin,+
At dahil sa mga bagay na ito ay lumabo ang mga mata namin.+
18 Dahil tiwangwang ang Bundok Sion,+ gumagala-gala na roon ang mga asong-gubat.*
19 Pero ikaw, O Jehova, mananatili kang nakaupo sa iyong trono magpakailanman.
Ang trono mo ay mananatili sa lahat ng henerasyon.+
20 Bakit lubusan mo kaming kinalimutan at pinabayaan nang napakatagal?+
21 Panumbalikin mo kami sa iyo, O Jehova, at manunumbalik kami agad sa iyo.+
Ibalik mo ang masasayang araw namin.+
22 Pero lubusan mo kaming itinakwil.
Galit na galit ka pa rin sa amin.+
Ang kabanata 1-4 ay mga awit ng pagdadalamhati na nakaayos ayon sa alpabetong Hebreo o istilong akrostik.
Lit., “ulo.”
O “at natuwa sila sa.”
Tumutukoy sa Jerusalem.
Lit., “sa bibig.”
Lit., “bituka.”
Lit., “ay pinutol niya ang bawat sungay.”
Lit., “Tinapakan.”
O “Sinira.”
Lit., “paglamon.”
O “tagubilin.”
Lit., “bituka.”
Lit., “Bumuhos sa lupa ang atay ko.”
Ang “anak na babae ng bayan ko” ay makatang pananalita na malamang na nagpapahayag ng awa o simpatiya.
O “plaza.”
Lit., “itinaas niya ang sungay ng.”
Lit., “ang anak na babae ng mata mo.”
Lit., “sa gabi, sa pasimula ng mga yugto ng pagbabantay.”
Lit., “sa ulo ng lahat ng kalye.”
O “bunga.”
O “mga iniluwal ko nang malusog.”
O “hinahadlangan niya.”
O posibleng “at ginawa niya akong walang silbi.”
Lit., “Tinapakan.”
Lit., “anak.”
O “kaya magpapakita ako ng mapaghintay na saloobin.”
O “matiyaga.”
Lit., “sa ulo ng lahat ng kalye!”
Sa Ingles, ostrich.
O “matingkad na pula.”
Lit., “pagkakamali ng.”
Lit., “kaitiman.”
O “bilang mga dayuhan.”
O “plaza.”
Lit., “pinahiran.” Tingnan sa Glosari, “Pahiran.”
Lit., “Malapit na sa leeg namin ang.”
O “Ginahasa.”
O “gilingang pangkamay.”
Sa Ingles, fox.