Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 5/22 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkabakla
  • Paglisan sa Tahanan
  • Ang Pakikipagtalastasan
  • Puwede Bang Ipagmatuwid ang Homoseksuwalidad?
    Gumising!—2012
  • Homoseksuwalidad—Talaga Nga Bang Napakasama Nito?
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1986
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 5/22 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagkabakla

Nang ako’y nasa kabataan pa sa tuwina’y pangarap ko ang maging babae ako kaya’t ako’y naging bakla. Ang mga relihiyong pinuntahan ko ay nagpalakas pa ng aking loob na maging bakla, na siyang ibig ko. Kaya’t nagpabutas ako ng tainga, nagpasok sa katawan ko ng mga hormon upang lumaki ang aking suso at nagsuot na ako ng damit-babae. Isang kapatid kong babae, na isa sa mga Saksi ni Jehova, ang nagpabasa sa akin ng mga teksto sa Bibliya na nagsasabing masama ang homoseksuwalidad o pagkabakla, nguni’t sinabi ko lamang sa kaniya na hindi ako naniniwala sa Bibliya. Binigyan niya ako ng mga ilang magasin para basahin, pati na Awake! na may istorya ng isang lalaki na katulad ko rin. (Hunyo 22, 1980) At naihinto niya ang gayong pagkabakla. Aking isinaloob ito, nagsuri na ako ng Bibliya at nang magtagal ay naunawaan ko ang bisa ng panalangin. Sumang-ayon ako na pagdausan ako ng isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya at naihinto ko ang gayong homoseksuwal na mga pinagkahiratihan, at ngayon ay isa na akong nag-alay na lingkod ni Jehova. Salamat sa Awake! at sa lahat ng mga iba pang tulong na ibinigay sa akin.

J. R., Brazil

Paglisan sa Tahanan

Maraming salamat dahil sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Papaano Ako Magiging Maygulang Kung Hindi Ako Magsasarili?” (Pebrero 8, 1985, sa Tagalog) Sana’y basahin at ikapit ang natutuhan sa artikulong iyan ng lahat ng kabataan. Ako’y umalis sa tahanan upang makapagsarili, at kailanma’t maiisip ko ay ikinalulungkot iyon. Napag-isipan ko na tiyak na mas madali nga ang paglaki ko sa tulong ng mga taong talagang nagmamahal sa akin at nagmamalasakit sa aking kinabukasan. Ang payo ko sa mga kabataan ay huwag lisanin ang kanilang tahanan kundi matuto nang pinakamarami hangga’t maaari. Pagdating ng panahon na sila’y maygulang na, mas madali at mas liligaya sila na mamuhay sa ganang sarili nila.

A. H., Nevada

Ang Pakikipagtalastasan

Tayo na naglilingkod bilang mga misyonero na malalayo sa sariling tahanan ang lalo nang nagpapahalaga sa artikulong “Will You Keep in Touch?” (Oktubre 8, 1984) Ang pagtanggap ng mga liham sa ating mga mahal sa buhay ay tunay na isang kagalakan at nakapagpapatibay-loob na maalamang mayroon palang nakakaalaala sa iyo. Kung nakikini-kinita mo ang masayang mukha ng isang malayong mahal mo sa buhay na katatanggap mo lamang ng balita buhat sa kanila, tiyak na lalong marami sa atin ang susulat. Marami pong salamat sa inyong napakahusay na artikulong pumupukaw ng kaisipan.

M. at C. S., Senegal

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share