Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 7/22 p. 11-12
  • Paano Pangyayarihin ng Diyos ang Kapayapaan? At Kailan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Pangyayarihin ng Diyos ang Kapayapaan? At Kailan?
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Saligan para sa Isang Pagbabago
  • Malapit na ang Malaking mga Pagbabago
  • Sino ang Aakay sa Sangkatauhan sa Kapayapaan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Hanapin ang Tunay na Kapayapaan at Itaguyod Ito!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Papaanong ang Kapayapaan ay Magiging Isang Katunayan?
    Gumising!—1986
  • Kapayapaan sa Lupa—Paano?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 7/22 p. 11-12

Paano Pangyayarihin ng Diyos ang Kapayapaan? At Kailan?

“Mula sa pasimula ng kabihasnan, ang namamahalang institusyon ng Tao ay ang mga estado . . . Hindi pa nagkaroon ng isang estado na sumasakop sa buong nabubuhay na salinlahi ng sangkatauhan sa buong globo.”

“Lagi nang mayroong napakaraming estado . . . at ang kanilang pagbubungguan ay nagpasiklab ng mga digmaan na isa sa mga sakit ng kabihasnan.”

“Hindi kaya ng kasalukuyan-panahong pangglobong pangkat ng lokal na soberanong mga estado na panatilihin ang kapayapaan.”​—Arnold Toynbee, Mankind and Mother Earth.

SA LIWANAG ng nabanggit na pangungusap, ano ang isa sa pangunahing hadlang sa pagtatatag ng kapayapaan? Ito ang paghati sa sangkatauhan sa soberanong mga estado. Sa simpleng pangungusap, ito’y ang nasyonalismo.

Inilarawan ng mananalaysay na si Arnold Toynbee ang nasyonalismo bilang ang “pinakamakapangyarihan at pinakamasama sa tatlong Kanluraning mga ideolohiya pagkalipas ng Kristiyanong panahon. [Ang iba ay, ayon kay Toynbee, ‘pandaigdig na komunismo’ at ‘pandaigdig na kapitalismo.’] . . . Ang nasyonalismo ay halos nobenta porsiyento ng relihiyon ng mga nobenta porsiyento ng buong lahi ng tao.” Gayunman binaha-bahagi ng nasyonalismo ang sangkatauhan sa loob ng libu-libong mga taon. Kaya papaano aalisin ng Diyos ng kapayapaan ang nagpapahirap na ito sa lupa?

Saligan para sa Isang Pagbabago

Sa tahimik na paraan ang pagbabago ay nagaganap na. Ang binhi ng kapayapaan at supranasyonal na pag-iisip ay inihasik na sa mga isipan ng angaw-angaw na mga tao sa buong daigdig. Papaano iyan isinasagawa? Sa pamamagitan ng pambuong-daigdig na gawaing pagtuturo na isinasagawa ng mga Saksi ni Jehova. Ipinakita ng relihiyosong grupong ito sa pamamagitan ng rekord nito na ito ay hindi pulitikal​—ganap na neutral sa pulitikal at nasyonalistikong mga isyu. Ang katayuang ito ay salig sa sumusunod na mga turo ni Kristo, na batay sa saligang katotohanan na “ang Diyos ay pag-ibig.”​—1 Juan 4:8.

Sabi ni Jesus: “Sa ganito’y makikilala ng lahat na kayo’y aking mga alagad, kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t isa.” Sabi pa niya: “Patuloy na ibigin ang inyong mga kaaway at idalangin ang mga umuusig sa inyo.” (Juan 13:35; Mateo 5:44) Sa liwanag ng mga salita ni Jesus, paano pa maaaring mag-aral ng pakikidigma ang kaniyang tunay na mga tagasunod? Paano sila maaaring mapoot at pumatay ayon lamang sa di-makatuwirang saligan ng nasyonalismo? Tunay, hindi nila magagawa ito!

Iyan ang dahilan kung bakit ang mga Saksi ni Jehova ay nakapagtatag na ng isang pambuong-daigdig na kapatiran na inihahanda ang sarili para sa buhay sa isang bagong kaayusan dito sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng makalangit na Kaharian ng Diyos. Sila ang nabubuhay na patotoo na posibleng turuang-muli ang mga tao upang sila’y mamuhay sa kapayapaan sa kanilang mga kapuwa ng lahat ng lahi at tribo at wika. Sa diwa, natatag na nila ang isang organisadong lupon na sumasakop sa mga kinatawan ng lahat ng tao sa buong daigdig. Ngayon pa angaw-angaw na mga Saksi at ang kanilang mga kasama ay ‘pinanday na ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit.’ Ayaw nilang magtaas ng tabak laban sa kanilang kapuwa o mag-aral pa man ng pakikidigma.​—Isaias 2:4.

Malapit na ang Malaking mga Pagbabago

Mahigit na 2,500 taon na ang nakalipas ganito ang sabi ng Bibliya tungkol sa mga pangyayari sa panahon ng kawakasan: “Ang Diyos ng langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi magigiba. . . . Dudurugin at wawasakin niyon ang lahat ng [naglalabang pulitikal] na mga kahariang ito, at iyon sa ganang sarili ay lalagi magpakailanman.” (Daniel 2:44) Ito mismo ang Kaharian na itinuro sa mga Kristiyano na kanilang idalangin sa Panalangin ng Panginoon. Ibinabalita ng mga Saksi ni Jehova ang pamahalaan ng Kahariang iyon, at alam nila na hindi mabibigo ang Diyos sa pagpapangyari nito sapagkat “ang Diyos ay hindi makapagsisinungaling.”​—Hebreo 6:18; Tito 1:2.

Upang pangyarihin ng Diyos ang kapayapaan sa lupa, isa pang malaking pagbabago ang kinakailangan​—isang pagbabago ng espirituwal na pamamahala. Si Satanas ay kailangang mawala. Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit si Jesus ay kailangang mamatay bilang isang martir, “upang sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan ay mapuksa niya ang isa na may paraan na magpapangyari ng kamatayan, samakatuwid nga, ang Diyablo.” (Hebreo 2:14) Kasuwato ng hula sa Apocalipsis, hindi na magtatagal at si Satanas ay pupuksain. Saka mawawala na ang pulitikal na mga pinuno na inimpluwensiyahan niya na maglabas ng humihimok-digmaang propaganda. Ang mga taong maibigin sa kapayapaan ay maaari nang bumaling sa Diyos ng kapayapaan para sa pamamahala at katahimikan.​—Apocalipsis 20:1-3.

Sa isang magandang pangitain, nakita ni Juan ang bagong makalangit na pamahalaang ito na namamahala sa lupa, at narinig niya ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi: “Narito! ang tabernakulo ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at siya’y mananahan na kasama nila, at sila’y magiging kaniyang mga bayan. . . . At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi magkakaroon ng kamatayan, ni ng dalamhati man o ng panambitan man o ng hirap pa man. Ang mga dating bagay ay naparam na.”​—Apocalipsis 21:1-4.

Ikaw man din, ay maaaring makasumpong ng kapayapaan kahit na ngayon, at sakdal na kapayapaan sa hinaharap, sa pamamagitan ng pag-alam sa mga layunin ng Diyos sa sangkatauhan at sa maganda, bagaman inabuso, na lupang ito.

[Blurb sa pahina 12]

Ang binhi ng kapayapaan at supranasyonal na pag-iisip ay inihasik na sa mga isipan ng angaw-angaw na mga tao sa buong daigdig

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share