Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 10/8 p. 4
  • Ang Sagradong Dahon na Napabantog

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Sagradong Dahon na Napabantog
  • Gumising!—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Tabako at Sensura
    Gumising!—1989
  • Moralidad sa Tabako?
    Gumising!—1991
  • Pagharap sa mga Katotohanan: Ang Tabako Ngayon
    Gumising!—1986
  • Milyun-Milyong Buhay ang Naging Abó
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 10/8 p. 4

Ang Sagradong Dahon na Napabantog

Sa loob ng tatlong dantaon ang tabako ay medisina sa mga Europeo. Inirireseta ng mga doktor ang damong-gamot para sa mga karamdaman mula sa halitosis hanggang sa mga kalyo. Nagsimula ito noong 1492 nang matuklasan ni Columbus at ng kaniyang tripulante, ang kauna-unahang mga Europeo na nakakita ng tabako, ang mga tagapulo ng West Indies na humihitit ng mga tabako sa mga seremonyang pantribo.

Bago pa si Columbus, halos lahat ng sinaunang mga tao sa Amerikas ay naniniwala na ang tabako ay sagrado. Dati, ang paghitit ay isang karapatan at gawain ng mga doktor kulam at mga pari. Ginagamit nila ang narkotikong epekto nito upang humikayat ng mga pangitain kung panahon ng solemneng mga seremonyang pantribo. “Ang tabako ay lubhang nauugnay sa kanilang mga diyos,” ulat ng mananalaysay na si W. F. Axton, “hindi lamang sa kanilang relihiyosong mga pagdiriwang kundi sa kanila ring mga pamamaraan sa paggagamot, lahat ng ito ay nauugnay sa paano man sa kanilang relihiyon.” Subalit kung baga ang gamit ng tabako sa medisina ang unang nakatawag-pansin sa mga manggagalugad na Kastila at Portuges, ang gamit nito para sa kasiyahan ay kaagad na sumunod.

“I’ll have another cigarette/And curse Sir Walter Raleigh,” awit ng mga Beatles na sina John Lennon at Paul McCartney. Si Sir Walter, na tinatawag na “pinakabantog na propagandista sa gitna ng mga Ingles dahilan sa nakalilibang na abano o tabako,” ay nagtanim ng tabako sa kaniyang asyenda sa Ireland. Ginawa niya ang lahat ng kaniyang magagawa upang gawing popular ang bisyo sa gitna ng mataas na lipunan. Maaga sa kaniyang panahon, ipinagugunita niya ang industriyalista ng tabako at tagapag-anunsiyo sa ‘dantaon ng sigarilyo.’

Subalit ang Tatlumpung Taóng Digmaan sa Europa, hindi ang pang-akit ni Sir Walter, ang gumawa sa ika-17 siglo na “Dakilang Panahon ng Tabako,” sabi ni Jerome E. Brooks. “Pangunahin nang sa pamamagitan ng ahensiya ng digmaan,” sabi niya, “ang paninigarilyo ay kumalat sa Kontinente” at sa Asia at Aprika. Isang kahawig na pangyayari ang magpapasimula sa panahon ng sigarilyo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share