Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 9/22 p. 3-4
  • Ang Paghahanap ng Katiwasayan sa Panahon ng Bomba

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Paghahanap ng Katiwasayan sa Panahon ng Bomba
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Nuklear na Arsenal Ngayon
  • Digmaang Nuklear—Isang Banta Pa Rin ba Ito?
    Gumising!—2004
  • Ang Problemang Nuklear
    Gumising!—1988
  • Digmaang Nuklear—Sinu-sino ang mga Nagbabanta?
    Gumising!—2004
  • Ang Bantang Nuklear—Hindi Pa Tapos
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 9/22 p. 3-4

Ang Paghahanap ng Katiwasayan sa Panahon ng Bomba

NOONG gabi ng Hulyo 27, 1943, libu-libong mga bombang apoy ang humampas sa Hamburg, Alemanya. Ang resulta ay isang bagay na bago sa pakikidigma: isang napakalawak, tumutupok na impierno, isang bagyo ng apoy. Ang pumapailanglang na mga bugso ng hangin ay nagpangyari sa gaunos-lakas na mga hangin na gatungan ang apoy mula sa lahat ng panig, hinihigop ang mga tao sa apoy. Ang init ay matindi. Ang mga kublihan sa salakay mula sa himpapawid ay naging mga hurno, hinuhurno at tinutuyot yaong mga nagsiksikan sa loob. Ang ibang mga tao ay nabaón sa nalusaw na aspalto. Mahigit 40,000 ang nasawi, mahigit na 20 ulit sa bilang ng namamatay sa isang karaniwang pagsalakay na pagbomba.

Pagkalipas ng dalawang taon, sa kabilang panig ng globo, tinupok ng isa pang bagyo ng apoy ang Hiroshima, Hapón. Sa pagkakataong ito ang malaking apoy ay sinindihan ng isang eruplano na naghulog ng isa lamang bomba.

Ang bomba, isang bomba atomika, ay binansangang Little Boy. Subalit ang epekto nito ay napakalaki. Ito ay kakila-kilabot. Ang liwanag nito ay nakakabulag. Ito ay pumatay at puminsala sa pamamagitan ng apoy at init at pagsabog. Ito ay nakalason dahil sa nakamamatay na radyasyon.

Pagkaraan ng tatlong araw, pinawi ng isa pang bomba, pinangalang Fat Man, ang kalahati ng Nagasaki. Iningatan ng isang tagaytay na naglalagos sa gitna ng maburol na lunsod na ito ang kalahating bahagi.

Ang Nuklear na Arsenal Ngayon

Sa ngayon, mayroong mga 50,000 mga sandatang ito ng lansakang pamuksa. Isip-isipin:

◻ Kung gagamitin ng dalawang superpowers ang 5 porsiyento lamang ng kanilang estratihikong mga sandatang nuklear laban sa mga lunsod ng bawat isa, sa loob lamang ng mga ilang minuto 200 milyong katao ang mamamatay, apat na ulit sa bilang ng mga napatay sa Digmaang Pandaigdig II. Ang napakalaking bilang ng mga sugatang makaliligtas ay maaaring makaasa ng kaunting pangangalaga o hindi makaasa ng pangangalaga sa labis ang pasanin na mga sentro sa paggagamot.

◻ Isa lamang submarinong U.S. Trident ay nasasangkapan ng sapat na nuklear na mga missile upang pasabugin ang 192 magkakahiwalay na mga target. Ang bawat isa sa mga pagsabog na iyon ay walong ulit na mas malakas kaysa sa bombang ginamit sa Hiroshima.a

◻ Ang talaksan ng mga sandatang nuklear ng daigdig ay 2,600 ulit na mas malakas kaysa pinagsamang mga munisyon na ginamit noong Digmaang Pandaigdig II.

Ang gayong mga estadistika ay nakalilito-isipan, at binibigyan diin nito ang kalakihan ng problema.

Isang kawikaan sa Kanlurang Aprika ay nagsasabi: “Kapag nag-away ang mga elepante, napipinsala rin ang damo.” Gayundin, ang mga kahihinatnan ng isang digmaang nuklear ay hindi lamang makakaapekto sa mga magkalaban. Sa isang sanaysay kamakailan sa magasing Foreign Affairs, sinabi ng siyentipikong si Carl Sagan na ang isang digmaang nuklear “ay magsasapanganib sa lahat ng makaliligtas sa planeta. Mayroong tunay na panganib sa pagkalipol ng tao.”

[Talababa]

a Sa panahon ng pagsulat, mayroong 36 estratihikong mga submarinong missile sa plota ng bapor de gera ng E.U., nagdadala ng 616 na mga missile na may mahigit 4,928 na mga warheads. Ang Unyong Sobyet ay mayroon ding gayong plota ng bapor de gera.

[Dayagram sa pahina 3]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Ang nuklear na talaksan sa ngayon ay 2,600 ulit ang lakas kaysa yaong ginamit noong Digmaang Pandaigdig II

16,000 na milyong tonelada

6 na milyong tonelada

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share