Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 2/8 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kakila-kilabot na Inkisisyon
  • Walang Diborsiyo?
  • Mga Kombensiyon sa Poland
  • Hockey at Imoralidad
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Pangangalunya—Patawarin o Huwag Patawarin?
    Gumising!—1995
  • Diborsyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Parangalan ang “Pinagtuwang ng Diyos”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 2/8 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Ang Kakila-kilabot na Inkisisyon

Bilang isang guro at ama, nasusumpungan kong kawili-wili at nakapagtuturo ang inyong mga artikulo. Nang mabasa ko ang mga artikulong “Ang Kakila-kilabot na Inkisisyon” at “Paano Ito Nangyari?” (Oktubre 22, 1986 sa Tagalog), binasa ko ito taglay ang tanging layunin na humanap ng mga kamalian at hindi mabuting pag-atake sa Iglesya Katoliko (na kinabibilangan ko). Wala akong masumpungang anumang bagay na salungat sa makasaysayang katotohanan, at upang patunayan ko ang aking sinasabi ako ay may akademikong mga pag-aaral sa Pontific Bolivar University sa Medellin, ang Universal Encyclopaedia ni César Cántu, at ang The History of the Catholic Church ni Lasallista Eugenio León.

F. J. V., Colombia

Walang Diborsiyo?

Hindi ako sang-ayon sa inyong palagay na ipinahihintulot ng Bibliya na ang walang kasalanang asawa ay muling mag-asawa. (Hunyo 8, 1986 sa Tagalog, pahina 12, talababa) Sinumang humihiwalay sa kabiyak ay dapat manatiling walang asawa o kaya’y makipagkasundo. (1 Corinto 7:10, 11) Ang isa ay dapat na maging handa na patawarin ang asawa.

O. A. F., Nigeria

Ang kapatawaran ay nararapat kung ang nagkasalang asawa ay totong nagsisisi. Gayunman, sa Mateo 19:9 sinabi ni Jesus: “Sinasabi ko sa inyo na sinumang dumiborsiyo sa kaniyang asawang babae, maliban nang dahil sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba ay nagkakasala ng pangangalunya.” Ipinahihiwatig nito na kung ang asawang hindi nagkasala ay dumiborsiyo dahil sa pakikiapid, siya ay malayang mag-asawa sa iba nang hindi itinuturing na pangangalunya. Sa 1 Corinto 7, tinutukoy ni Pablo ang paghihiwalay na hindi salig sa maka-Kasulatang dahilan ng pagdiborsiyo.​—ED.

Mga Kombensiyon sa Poland

Naibigan namin ang artikulo tungkol sa mga kombensiyon sa Poland, subalit wari bang itinampok ninyo ang katakut-takot na dumi sa mga istadyum sa Poland. Nakita rin namin ang gayon sa Estados Unidos, subalit ang inyong artikulo ay nagbigay ng impresyon na ang gayong mga kalagayan ay masusumpungan lamang sa Poland.

Isang pangkat ng mga Polako, Estados Unidos

Ang mga pangungusap na tumutukoy sa pagbabago ng mga kalagayan sa mga istadyum ay binanggit na lahat ng news media, ng administrador sa isang istadyum, ng isang giya ng mga turista. Ang gayong mga pananalita ay hindi ginamit upang ilarawan ang Poland kundi upang ipakita ang mga pagpapahusay na maaaring maganap sa isang istadyum kapag ang isang pangkat ng mga tao ay nagtutulungan. Ito ay nakita sa mga kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig.​—ED.

Hockey at Imoralidad

Hindi como tinalikuran ni Tom Edur ang Hockey at siya’y naging Saksi ni Jehova ay nangangahulugan na dapat ninyong siraan ang larong hockey. Hindi naman lahat ng larong hockey ay nauugnay sa labis-labis na pag-iinom at pangangalunya, at tiyak na ito ay mas malaya sa droga kaysa anumang ibang laro.

N. L., Estados Unidos

Hindi siniraan ni Tom Edur ang hockey bilang isang laro, sabi pa nga niya: “Gustung-gusto kong maglaro at naglalaro pa rin ako paminsan-minsan para sa paglilibang.” Gayunman nasumpungan niya na maraming propesyonal na mga manlalaro, na nasa kapaligiran na kinaroroonan nila, ay labis-labis kung uminom at nagsasagawa ng pangangalunya, at siya’y malubhang naimpluwensiyahan ng lahat ng ito. Hinahangaan ng mga kabataan ngayon ang mga kilalang manlalaro bilang kanilang mga bayani, at talagang nakalulungkot na ang dumaraming bilang ng mga sikat na mga manlalarong ito ay hindi mabuting mga halimbawa pagdating sa paggamit ng tabako, labis-labis na paggamit ng alkohol, maling paggamit ng mga droga, at imoral na paggawi. Kahit na kung ang kalagayan sa daigdig ng palakasan ay walang pinagkaiba sa iba pang bahagi ng lipunan, ang halimbawa ng mga sikat na mga manlalaro ay totoong nakaimpluwensiya sa mga kabataan. Nais naming babalaan ang mga kabataan at ang iba pa sa moral na mga panganib na nasasangkot sa pagtataguyod ng isang karera sa propesyonal na palakasan.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share