Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 3/22 kab. 4 p. 23-27
  • Ang Walang Katiwasayan na “Babilonya” ay Nakatalaga sa Pagkawasak

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Walang Katiwasayan na “Babilonya” ay Nakatalaga sa Pagkawasak
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • “Kaibigan ng Sanlibutan”​—Hindi ng Diyos
  • “Lumabas Kayo sa Kaniya, Bayan Ko”
  • Isang Pagbagsak​—Subalit Hindi sa Pagkawasak
  • Ang Pulitikal na mga Kapangyarihan ay Babaling Laban sa Babilonya
Gumising!—1987
g87 3/22 kab. 4 p. 23-27

Kabanata 4​—Pandaigdig na Katiwasayan sa Ilalim ng “Prinsipe ng Kapayapaan”

Ang Walang Katiwasayan na “Babilonya” ay Nakatalaga sa Pagkawasak

1. (a) Ano ang kahulugan ng salitang “babylon,” at sino ang nagtatag ng lunsod na may ganiyang pangalan? (b) Anong proyekto sa pagtatayo ang isinagawa ng ambisyosong si Nimrod, at taglay ang anong resulta?

KAGULUHAN ang palatandaan ng daigdig sa ngayon​—sa pulitikal, sosyal, at relihiyosong paraan. Ang Ingles na salin ng salitang Hebreo sa Bibliya para sa kaguluhan o kalituhan ay “babylon.” Sa Genesis, ang Babilonya ay binabanggit bilang Babel, isang pangalan na nangangahulugang “kaguluhan.” Ang lunsod sa pangalang iyan ay itinatag ni Nimrod, isang mapaghimagsik laban kay Jehova. (Genesis 10:8-10) Doon, ang mga tao sa ilalim ng pangunguna ng ambisyosong si Nimrod ay nagsimulang magtayo ng isang tore na aabot hanggang langit bilang pagsalansang kay Jehova. Binigo ni Jehova ang nakasisirang-puri sa Diyos na proyektong ito sa pamamagitan ng paggulo sa iisang wika ng mga tagapagtayo, anupa’t hindi nila maunawaan ang isa’t isa samantalang sinisikap na magtrabahong sama-sama.​—Genesis 11:1-9.

2. (a) Ano ang nangyari sa kapangyarihang pandaigdig ng Babilonya noong 539 B.C.E., at tinandaan ba niyan ang wakas ng lunsod na may ganiyang pangalan? (b) Ang sinaunang lunsod ng Babilonya ay hindi napatunayang ano?

2 Pagkatapos ng mahabang panahon, isang bagong lunsod na nagtataglay ng pangalang Babilonya ay iniulat na umiiral doon sa Ilog Eufrates. (2 Hari 17:24; 1 Cronica 9:1) Noong 539 B.C.E. ang Babilonikong Kapangyarihang Pandaigdig ay ibinagsak ni Cirong Dakila, ang emperador ng Medo-Persia, bilang katuparan ng hula ni Jehova sa Isaias 45:1-6. Bagaman ang Babilonya ay dumanas ng matinding pagbagsak, ito ay pinahintulutang magpatuloy na umiral bilang isang lunsod. Ito ay iniulat na umiiral kahit na noong dakong huli ng kalagitnaan ng unang siglo ng ating Karaniwang Panahon. (1 Pedro 5:13) Gayunman, ang sinaunang lunsod na iyan ay hindi napatunayang ang “Babilonyang Dakila,” na isinulat ni apostol Juan sa aklat ng Apocalipsis kabanata 17.

3. Ano ang tunay na pagkakakilanlan ng Babilonyang Dakila?

3 Ang “Babilonyang Dakila” sa Apocalipsis, na inilarawan bilang isang masamang babae na nakasakay sa “isang kulay-matingkad pulang mabangis na hayop,” ay sumasagisag sa pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon, kasama na ang lahat ng relihiyon ng tinatawag na Sangkakristiyanuhan.a (Apocalipsis 17:3-5) Sang-ayon sa napansin ni apostol Juan tungkol sa kaniya, ang simbolikong organisasyong ito ay espirituwal na nakiapid sa lahat ng pulitikal na mga tagapamahala ng daigdig. Ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon, ang Babilonyang Dakila, ay mayroon pa ring malakas na impluwensiya.

“Kaibigan ng Sanlibutan”​—Hindi ng Diyos

4. Noong Digmaang Pandaigdig I, paano dinagdagan ng Babilonyang Dakila ang kaniyang malaking kasalanan laban sa sambahayan ng tao?

4 Gayunman, ang kalagayan ng Babilonyang Dakila ay totoong walang katiwasayan, at iyan ay totoo lalo na sapol noong wakas ng Digmaang Pandaigdig I. Noong panahon ng paglalabang iyon, dinagdagan niya ang kaniyang mabigat na mga kasalanan laban sa sambahayan ng tao. Ang mga klerigo sa Sangkakristiyanuhan, na nag-aangking mga tagasunod ni Jesu-Kristo, ay nangaral sa mga kabataang lalaki na magtungo sa mga larangan ng digmaan. Itinaguyod ng yumaong Harry Emerson Fosdick, isang kilalang klerigong Protestante, ang pagsisikap sa digmaan subalit nang dakong huli ay inamin niya: “Kahit na sa ating mga simbahan ay inilagay natin ang mga watawat ng digmaan . . . Sa isang panig ng ating labi ay pinuri natin ang Prinsipe ng Kapayapaan at sa kabilang panig ay niluwalhati natin ang digmaan.” Ang mga pari at iba pang mga klerigo sa Sangkakristiyanuhan ay naghandog ng mga panalangin sa relihiyosong mga pagtitipon para sa mga hukbong nakikipagbaka, at sila ay naglingkod bilang mga kapilyan sa hukbo, sa hukbong pandagat, at sa hukbong panghimpapawid.b

5. (a) Anong mga salita sa Santiago 4:4 ang hindi isinapuso ng Sangkakristiyanuhan? (b) Ano ang dapat na maging hatol ng Diyos sa kaniya?

5 Hindi isinapuso ng Sangkakristiyanuhan, sa ilalim ng patnubay ng relihiyosong mga lider na ito, ang mga salita sa Santiago 4:4: “Mga mangangalunya, hindi ba ninyo alam na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya’t sinumang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos.” Kaya ang Sangkakristiyanuhan ay isang kaaway ng Kataas-taasang Diyos hanggang sa panahong ito. Tiyak na wala siyang proteksiyon ng Diyos, at sa kadahilanang ito ang kaniya mismong pag-iral ay nananatiling walang katiwasayan. Ang kaniyang pulitikal na mga kaibigan ay hindi mapagkakatiwalaan, at ang hilig sa antirelihiyosong direksiyon ay patuloy na tumitindi. Hindi alang-alang sa kaniya na sinasabi ng Diyos: “Huwag ninyong galawin ang aking mga pinahiran.”​—1 Cronica 16:22.

“Lumabas Kayo sa Kaniya, Bayan Ko”

6, 7. (a) Ano ang apurahang panawagan sa Apocalipsis 18:4, at kanino ito ipinatutungkol? (b) Kailan kumakapit ang isang mas maaga subalit kahawig na panawagan sa mga Judiong nanlulupaypay sa sinaunang Babilonya?

6 Sa mga pinahirang ito at sa kanilang mga kasama sa panahong ito ng katapusan ng sistema ng mga bagay, ang apurahang panawagan ng Diyos ay umaalingawngaw: “Lumabas kayo sa kaniya, bayan ko, kung hindi ninyo nais na maparamay sa kaniyang mga kasalanan.” (Apocalipsis 18:4) Oo, lumabas sa pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon, ang Babilonyang Dakila.

7 Inuulit ng panawagang ito ang mga salita sa Jeremias 50:8 at 51:6, 45, na ipinatutungkol sa nalabing mga Judio na hinatulan ni Jehova na gumugol ng 70 taon ng pagkabihag at pagkapatapon sa lupain ng Babilonya. Ang mga salitang iyon ay kumapit sa mga Judio na nanlulupaypay sa Babilonya noong 537 B.C.E., pagkatapos na pagmartsahin ng inihulang si Cirong Dakila ang kaniyang mga hukbong Medo-Persiano sa halos natuyong Ilog Eufrates tungo sa lunsod ng Babilonya.

8. (a) Paano tinupad ni Cirong Dakila ang Isaias 45:1-6? (b) Bakit ang isa na inilalarawan ni Cirong Dakila ay kinakailangang kumilos na kasuwato ng makahulang parisang ito ng mga bagay?

8 Sa unang taon ng kaniyang pagpupuno, si Cirong Dakila ay kumilos bilang katuparan ng hula sa Isaias 45:1-6. Sa gayunding paraan, ang isa na inilalarawan ni Imperador Ciro, subalit isa na higit na mas makapangyarihan, si Jesu-Kristo, ay kumilos ayon sa makahulang parisang ito ng mga bagay. Ito’y noong takdang panahon pagkatapos na pumasok siya sa kaniyang maluwalhating pagkahari sa langit sa kanang kamay ng Diyos na Jehova, nang matapos “ang itinakdang panahon ng mga bansa” noong Oktubre 1914. (Lucas 21:24) Noong unang digmaang pandaigdig ng 1914-18, naranasan ng nalabi ng espirituwal na mga Israelita ang pagkabihag sa mga kamay ng Babilonyang Dakila at ng kaniyang pulitikal na mga kalaguyo.

9, 10. (a) Anong pagkilos ang isinagawa laban sa walong membro ng mga kawani sa punung-tanggapan ng Samahan? (b) Anong katibayan mayroon na ang Babilonyang Dakila ang nasa likuran ng kilusan na sugpuin ang gawain ng bayan ni Jehova?

9 Halimbawa, sa Estados Unidos ang pinakahuling aklat na inilathala ng Samahang Watch Tower nang panahong iyon, ang The Finished Mystery, ay ipinagbawal bilang laban sa pamahalaan. Ang dalawang may-akda ng aklat ay ipinagsakdal sa hukumang pederal sa Brooklyn, New York at walang katarungang hinatulan ng 20 taon na pagkabilanggo sa bilangguang pederal sa Atlanta, Georgia. Gayundin ang presidente ng naglalathalang samahan, ang kalihim-tesorero, at tatlong iba pang mga kawani sa punung-tanggapan. Isang kasamang tagapagsalin ang hinatulan ng kalahati ng panahong iyan sa bilangguang pederal.

10 Kaya noong Hulyo 4, 1918, ang walong nag-alay na mga Kristiyanong ito ay isinakay sa isang tren patungo sa Atlanta, Georgia, upang pagkaitan ng kalayaan doon. Kaya kailangang pangalagaan ng mga membro ng Samahang Watch Tower sa punung-tanggapan sa Brooklyn ang mga bagay-bagay sa kanilang pinakamabuting kakayahan. Sino ang masisisi sa kalagayang ito? Ang aklat na Preachers Present Arms ay sumasagot: “Ang isang pagsisiyasat sa buong kaso ay umaakay sa konklusyon na ang mga simbahan at ang klero ay orihinal na nasa likuran ng kilusan na sugpuin ang mga Russellites [mga Saksi]. . . . Nang ang balita tungkol sa dalawampung-taóng hatol ay nakarating sa mga editor ng pahayagang relihiyoso, halos lahat ng mga publikasyong ito, malaki at maliit, ay nagalak sa pangyayaring iyon. Wala akong masumpungang anumang salita ng pakikiramay sa alinman sa tinatanggap na relihiyosong mga babasahin.”​—Ray H. Abrams, pahina 183, 184.

Isang Pagbagsak​—Subalit Hindi sa Pagkawasak

11, 12. (a) Ano ang binalak gawin ng Babilonyang Dakila? (b) Paano siya dumanas ng isang malaking pagbagsak, bagaman hindi tungo sa pagkawasak? (c) Ano ang epekto sa pinalayang bayan ni Jehova?

11 Subalit ang pagsasaya sa Babilonyang Dakila ay hindi nagtagal. Noong tagsibol ng 1919, ang Babilonyang Dakila ay dumanas ng isang malaking pagbagsak, na kasunod nito ay kailangang magkaroon ng ilang relihiyosong mga pag-unlad bago siya lubusang mawasak. Inisip ng Babilonyang Dakila na panatilihin ang bayan ni Jehova na nasusugpo at nasa pagkabihag magpakailanman. Subalit noong Marso ng 1919 ang mga pintuan sa bilangguan ay nabuksan sa walong mga kinatawan ng Samahang Watch Tower, at sila ay piniyansahan. Nang dakong huli, sila ay lubusang napawalang-sala sa lahat ng mga paratang.

12 Nawala na ngayon ang pagsasaya ng Babilonyang Dakila! Ganito ang sabi ng aklat na Preachers Present Arms tungkol sa pasiya ng hukuman na palayain ang mga Saksi: “Ang mga simbahan ay tumahimik sa pasiya na ito ng hurado.” Subalit nagkaroon ng malaking kagalakan sa bayan ni Jehova. Ang kanilang pandaigdig na organisasyon ay inayos-muli. Sa kanilang kombensiyon noong 1919 sa Cedar Point, Ohio, pinukaw ng presidente ng Samahan ang libu-libong nakikinig na kumilos sa pamamagitan ng kaniyang pahayag na “Paghahayag sa Kaharian.” Ang mga Saksi ni Jehova ay malaya na naman, buong giting na naghahayag ng Kaharian ng Diyos sa madla! Ang Babilonyang Dakila ay dumanas ng isang pagbagsak, bagama’t hindi ito sa pagkawasak. Tinalo siya ng Lalong-dakilang Ciro, si Jesu-Kristo, at pinalaya ang kaniyang tapat na mga tagasunod.

13. Nang lumitaw sa tanawin ang Liga ng mga Bansa, ano ang ginawa ng Babilonyang Dakila?

13 Sa gayon ang Babilonyang Dakila ay pinahintulutang makaligtas hanggang sa panahon pagkatapos ng digmaan. Nang ipanukala ang Liga ng mga Bansa bilang isang pandaigdig na lupon na tagapagpanatili ng kapayapaan, tinangkilik ito ng Federal Council of Churches of Christ sa Amerika, hayagang ipinahayag na ang Liga ng mga Bansa ang “pulitikal na kapahayagan ng Kaharian ng Diyos sa lupa.” Nang sa wakas ay maitatag ang ipinanukalang Liga, ang Babilonyang Dakila ay sumakay sa likod nito at sa gayo’y sinimulan ang kaniyang pagsakay sa simbolikong “kulay-matingkad pula na mabangis na hayop” na ito​—Apocalipsis 17:3.

14. (a) Noong Digmaang Pandaigdig II, ano ang landasin ng pagkilos ng Babilonyang Dakila? (b) Kailan lumabas mula sa kalaliman ang gawang-taong ahensiya sa pagpapanatili ng kapayapaan pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II, at ano ang ginawa ng Babilonyang Dakila?

14 Nang ang walang-bisang ahensiyang ito sa pagpapanatili ng kapayapaan ay magtungo sa kalaliman ng hindi pagkilos sa pagsiklab ng Digmaang Pandaigdig II, ang Babilonyang Dakila ay naiwang walang sinasakyan. (Apocalipsis 17:8) Subalit naroroon na naman siya kasama ng 57 mga bansa na napasangkot sa Digmaang Pandaigdig II. Ang paghahati niya ng kaniyang katapatan sa pagitan ng nagdidigmang mga pangkat ay hindi nakabahala sa kaniya kung paanong ang kaniyang pagiging nababahagi sa daan-daang nakalilitong mga sekta at denominasyong relihiyoso ay hindi nakabahala sa kaniya. Nang ang gawang-taong ahensiya sa pagpapanatili ng kapayapaan, sa anyo ng Nagkakaisang mga Bansa (United Nations) ay umahon mula sa kalaliman ng hindi pagkilos sa pagtatapos ng Digmaang Pandaigdig II, ang Babilonyang Dakila ay karakarakang sumakay sa likod nito at nagsimulang impluwensiyahan ito.

Ang Pulitikal na mga Kapangyarihan ay Babaling Laban sa Babilonya

15, 16. (a) Nakakaharap ngayon ng sangkatauhan ang anong kasindak-sindak na tanawin? (b) Ano ang tiniyak ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, kasuwato ng Apocalipsis 17:15-18?

15 Malapit nang makaharap ng buong daigdig ng sangkatauhan ang isang kasindak-sindak na tanawin. Ito’y ang pagbaling ng pulitikal na mga kapangyarihan laban sa Babilonyang Dakila, na ang layunin ay pawiin siya sa pag-iral. Ang mga taong taimtim na naniniwala na ang lahat ng relihiyon ay mabuti ay maaaring matigilan dito. Subalit tiniyak ng Pansansinukob na Soberano, ang Diyos na Jehova, na ang Babilonyang Dakila ay walang dako sa buong sansinukob at na malaon na niyang pinasamâ ang sangnilalang. Dapat siyang marahas na ibagsak sa ganap na pagkawasak.

16 Nariyan na ang makapangyarihang mga ahensiya na maaaring pahintulutan ng Diyos na puksain siya, alalaong baga, ang pulitikal na mga elemento ng sanlibutan. Inihuhula ng kinasihan-Diyos na aklat ng Apocalipsis na ibabaling ni Jehova ang mga mangingibig ng Babilonyang Dakila laban sa kaniya, at siya’y kanilang huhubaran, ibibilad siya kung ano nga siya​—isang pandaraya ng demonyo! At pagkatapos, sa wari, kanilang susunugin siya sa apoy hanggang siya ay maging abo. Pakikitunguhan nila siya na katulad ng pakitungo niya sa hindi nagkukompromisong mga mananamba ng tunay na Diyos.​—Apocalipsis 17:15-18; 18:24.

17. Ang mga pagsasamantala ba ng pulitikal na mga kapangyarihan laban sa Babilonya ay gagawa sa kanila na sumamba sa Diyos na Jehova, at paano natin nalalaman?

17 Ang marahas na pagkilos na ito laban sa relihiyon sa bahagi ng pulitikal na mga kapangyarihan ay hindi nangangahulugan na pagkatapos niyan sila ay sasamba sa Diyos na Jehova. Ang kanilang mabagsik na pagkilos laban sa Babilonya ay hindi nangangahulugan na sila ngayon ay magiging mga kaibigan ng Diyos. Kung hindi sana ay hindi nila kukunin ang pagkilos na gagawin nila sa dakong huli na ipinakikita ng aklat ng Apocalipsis. (Apocalipsis 17:12-14) Maaari silang magalak na lubha sa mga pagsasamantala laban sa relihiyon na ipinahintulot ng Diyos na Jehova na isagawa nila, subalit patuloy pa rin silang ililigaw ng “diyos ng sistemang ito ng mga bagay,” si Satanas na Diyablo, ang ganap, walang lubag na mananalansang sa Diyos na Jehova.​—2 Corinto 4:4.

18, 19. (a) Sino ang hindi makaliligtas upang masaksihan ang pagbabangong-puri sa pansansinukob na pagkasoberano ni Jehova sa pamamagitan ng “Prinsipe ng Kapayapaan”? (b) Sino ang hindi mamamatay na mga saksi sa pagbabangong-puri ni Jehova laban sa Babilonyang Dakila?

18 Ang Babilonyang Dakila ay hindi makaliligtas upang masaksihan ang pinakasukdulan, ang pagbabangong-puri sa pansansinukob na pagkasoberano ni Jehova sa pamamagitan ng “Prinsipe ng Kapayapaan,” na siya ngayong “Makapangyarihang Diyos” na nasa kanang kamay ng Isang Makapangyarihan-sa-lahat at Kataas-taasang Diyos, si Jehova.​—Isaias 9:6.

19 Sa tabi, sa ilalim ng hindi matatagusang proteksiyon ng Diyos, ang magiging dako ng mga saksi ni Jehova. (Isaias 43:10, 12) Sa ilalim ng kautusan mula sa matuwid na mga langit, masunuring lalabas sila sa Babilonyang Dakila. (Apocalipsis 18:4) Ang kanilang matuwid na kasiyahan ay magiging walang takda sa kung ano ang kanilang masasaksihan. Pagkatapos niyan sila ay magiging mga saksi ni Jehova magpakailanman at walang hanggang makapagpapatotoo kung tungkol sa kaniyang pagbabangong-puri ng kaniyang sarili laban sa Babilonyang Dakila.​—Apocalipsis 19:1-3.

[Mga talababa]

a Para sa detalyadong pagkakakilanlan, tingnan ang aklat na “Babylon the Great Has Fallen!” God’s Kingdom Rules!, pahina 468-500, inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

b Ang isang detalyadong pagtalakay sa pagtangkilik ng klero sa Digmaang Pandaigdig I ay ibinibigay sa aklat na Preachers Present Arms, ni Ray H. Abrams (New York, 1933). Sabi ng aklat: “Binigyan ng mga klero ang digmaan ng espirituwal na kahulugan at pangganyak. . . . Ang digmaan mismo ay isang banal na digmaan upang itaguyod ang Kaharian ng Diyos sa lupa. Ang pagbibigay ng isa ng kaniyang buhay alang-alang sa kaniyang bayan ay pagbibigay nito sa Diyos at sa kaniyang Kaharian. Ang Diyos at ang bansa ay naging magkasingkahulugan. . . . Ang mga Aleman at ang mga Allies ay magkatulad sa bagay na ito. Ang bawat panig ay naniniwala na nasa panig nila ang Diyos . . . .Karamihan ng mga teologo ay walang anumang problema sa paglalagay kay Jesus sa pinakaunahan ng pinakamahigpit na labanan na pinangungunahan ang kaniyang mga hukbo sa tagumpay. . . . Ang simbahan sa gayon ay naging mahalagang bahagi ng sistema ng digmaan. . . . Ang mga lider [ng simbahan] ay hindi nag-aksaya ng panahon sa lubusang pag-organisa sa isang panahon-ng-digmaang saligan. Sa loob ng biente-kuwatro oras pagkatapos ng deklarasyon ng digmaan, ang Federal Council of the Churches of Christ sa Amerika ay nagplano para sa lubusang pakikipagtulungan. . . . Marami sa mga simbahan ang higit pa ang ginawa kaysa hiniling sa kanila. Sila ay naging mga istasyong nangangalap sa pagpapalista sa pagsusundalo sa mga hukbo.”​—Mga pahina 53, 57, 59, 63, 74, 80, 82.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share