Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 2/8 p. 31
  • Mayroon Bang Lihim sa Mahabang Buhay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mayroon Bang Lihim sa Mahabang Buhay?
  • Gumising!—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Pagreretiro—Isang Pinto na Umaakay sa Ibayong Gawain?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Matanda Na?
    Gumising!—1995
  • Ano ang Pag-asa Para sa Mas Mahabang Buhay?
    Gumising!—1995
  • Pagtanda Taglay ang Pagkaunawa
    Gumising!—1993
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 2/8 p. 31

Mayroon Bang Lihim sa Mahabang Buhay?

GAANO kahaba ang inaasahan mong buhay? Maraming tao sa industrialisadong daigdig ang magsasabi, “Hanggang sa marating ko ang 70 o marahil 80.” Gayunman nang tanungin ng isang manunulat sa National Geographic ang tanong na iyan sa ilang mga maninirahan sa Soviet Abkhaz Republic, nasa hangganan ng Black Sea, ang natural na sagot ay, “Hanggang 100.”

Ano ang ilan sa mga salik na nakatutulong sa mahabang buhay? Si Yuri Dadivanyan, Punong Geriatrician ng Ministri ng Kalusugan ng Armenia ay naniniwala na ang pangunahing salik ay ang genetikong kodigo na minamana sa mga ninuno. Gayunman, binanggit niya ang isa pang salik: “Napakahalaga rin ng regular na pisikal na gawain. Karamihan ng mga taong mahahaba ang buhay ay patuloy na nagtatrabaho nang husto hanggang sa makakaya nila pagkatapos maabot ang edad ng pagriretiro bagaman hindi sila kapos sa pera.”

Sabi pa niya: “Sa Armenia tinatamasa ng matatandang tao ang paggalang ng lahat. . . . Ang karanasan nila sa buhay ay lubhang pinahahalagahan. . . . Marahil ang paggalang sa ulong may uban at katandaan na hinihimok sa lahat mula sa pagkabata ay siyang nagpapanatili sa dangal at espiritu ng kabataan ng mga matatanda na.”

Isang komento ay natatangi sa nabanggit na artikulo sa National Geographic: “Sa tatlong pamayanan [na pinag-aralan may kaugnayan sa haba ng buhay] ay walang anumang edad sa sapilitang pagriretiro, at ang mga matatanda na ay hindi isinasaisang tabi, gaya ng nangyayari sa karamihan ng ating industrialisadong mga lipunan.”

Ang Bibliya ay bumabanggit tungkol sa mas mahabang buhay sa hinaharap, “kahabaan ng mga kaarawan hanggang sa panahong walang takda, magpakailan pa man.” (Awit 21:4) Ang buhay na iyan magpakailanman sa isang sakdal na lupa ay malapit nang maging totoo.​—Apocalipsis 21:1-4; Lucas 21:10, 11, 25-33.

[Mga larawan sa pahina 31]

Tatlong aktibong mga manggagawa sa pandaigdig na punung-tanggapan ng Watch Tower​—edad: 80, 92, at 88

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share