Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 5/22 p. 2
  • Pahina Dos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pahina Dos
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Napakaraming Baril
Gumising!—1990
g90 5/22 p. 2

Pahina Dos

Napakaraming Baril

Mientras maraming baril, mas maraming barilan, mas maraming patayan. Sa Estados Unidos pinaulanan ng isang lalaking may ripleng de-rapido ng sandaang beses ang isang grupo ng mga estudyante: 5 ang patay, 29 ang sugátan. Sa Inglatera isang baliw na lalaki ang gumamit ng ripleng AK-47 sa pagpatay ng 16 katao. Sa Canada isang lalaking galít sa mga babae ang pumunta sa Pamantasan ng Montreal at pinatay ang 14 sa kanila. Sa San Salvador, ang mga pasilyo ng supermarket ay pinapatrolyahan ng mga guwardiyang armado ng baril na de-sabog, at hinihiling sa mga mamimili na iwan ang kanilang armas sa pintuan.

Mas maraming babae ngayon ang bumibili ng baril. Dumadagsa sila sa mga shooting range, at walang-humpay na pinapuputukan ang mga larawan ng lalaki na sinlaki-ng-tao, na pinatatamaan sa pagitan ng mga mata. Mabiling-mabili ang mga pistolang dinisenyo para sa babae.

At huwag ipupuwera ang mga bata. Isang karaniwang kaso: “Kinargahan” ng diyes-anyos na batang lalaki “ang napakalakas na riple sa pangangaso ng kaniyang ama at pinatay ang isang babae na naghambog na daig siya nito sa larong video.”

Nagsimula na ang lokal na paligsahan sa armas. Saan ito magwawakas? Kailan ito magwawakas?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share