Mga Tanong sa Pag-aaral ng Brochure na Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
May mga lugar sa pag-aaral na ito na ang reperensiya ay nasa apendise, pahina 27-31. Ang mga komento sa tinandaang mga parapo ay maaaring isama sa pag-aaral, na binabasa ang mga parapo sa apendise habang ipinahihintulot ng panahon.
UNANG LINGGO
Pahina 2
1-4. Bakit napapanahong isaalang-alang kung papaano maililigtas ng dugo ang buhay? (Tingnan ang pahina 27, parapo 1-3.)
Pahina 3
1, 2. Bakit likas na malasin na ang buhay ay kaugnay ng dugo, at papaanong ang Diyos ay nasasangkot sa bagay na ito?
3, 4. Bakit tayo dapat maging interesado sa sasabihin ng Diyos hinggil sa dugo?
5. Ukol sa anong dahilan nararapat tayong magbigay pansin sa Genesis 9:3-6, at ano ang kahalagahan ng tekstong iyon?
6. Ang mga Israelita ay nasa ilalim ng anong pananagutan hinggil sa dugo?
Pahina 4
1, 2. Papaano nakinabang ang sinaunang Israel sa mga batas ng Diyos, subali’t ano ang pangunahing dahilan kung bakit iniwasan ng Israel ang dugo?
3. Papaano minalas ang batas sa dugo sa panahon ng kagipitan?
Pahina 5
1, 2. Kung tungkol sa batas hinggil sa dugo, anong halimbawa ang ibinigay ni Jesus?
3, 4. (a) Ano ang tiniyak ng isang apostolikong konseho hinggil sa mga Kristiyano at sa dugo? (b) Papaano natin nalalaman kung ang pag-iwas sa dugo ay isang pansamantalang batas lamang?
5. Ayon sa mga apostol ni Jesus, gaano kahalaga ang pag-iwas sa dugo?
6, 7. Anong karagdagang patotoo ang nagpapakita na ang batas hinggil sa dugo ay isang permanenteng kahilingan?
Pahina 6
1, 2. Papaano ginamit ang dugo bilang gamot bago pa ang panahong Kristiyano?
3. Papaano tumugon ang unang mga Kristiyano hinggil sa paggamit sa dugo bilang gamot sa panahong Romano?
4-6. (a) Papaano nagpasimula ang pagsasalin ng dugo? (b) Dahilan sa batas ng Diyos, bakit magiging mali ang pagsasalin ng dugo sa mga ugat?
7. Bakit tumatanggi ang mga Saksi ni Jehova sa pagsasalin ng dugo? (Tingnan ang pahina 27, parapo 4-6, at pahina 28, parapo 1.)
Pahina 7
1. Bagaman ang pangunahing dahilan ng mga Kristiyano sa pag-iwas sa pagsasalin ay relihiyoso, bakit dapat nating suriin ang panig ng medisina sa paggamit ng dugo?
IKALAWANG LINGGO
Pahina 7
2, 3. Ang pagsasalin ng dugo ay may anong dako sa makabagong panggagamot?
4, 5. Bakit makatuwirang isaalang-alang kung mapanganib nga ang pagsasalin?
Pahina 8
1. May katalinuhan tayong nagtatanong ng ano tungkol sa pagsasalin ng dugo?
2, 3. Bakit ang paghahambing at pagpaparis ng dugo ay mahalaga subali’t hindi naman nakasasapat?
4, 5. Bakit ang pagsasalin ng dugo ay maaaring lumikha ng mga suliranin sa pandepensa ng katawan sa sakit?
6, 7. Anong pinsala ang maaaring ibunga ng pagsasalin ng dugo pagkatapos ng operasyon sa kanser?
Pahina 9
1. Ano ang kahalagahan ng ebidensiya hinggil sa pagsasalin ng dugo at ng operasyon sa kanser?
2, 3. Ang pagsasalin ay maaaring magdulot ng ano pang pinsala sa depensa sa sakit?
4, 5. Bakit dapat malaman ng tao ang panganib na mahawa sa sakit sanhi ng pagsasalin?
Pahina 10 (Kahon)
1, 2. Gaano kaselang ang panganib ng hepatitis na dala ng pagsasalin?
3. Bakit may panahong waring ang panganib na magkaroon ng hepatitis mula sa dugo ay napagtagumpayan?
4, 5. Anong mga pangyayari ang nagpapatunay na ang panganib na magkaroon ng hepatitis mula sa dugo ay hindi pa rin dapat ipagwalang bahala?
6-8. Bakit ang pagkabahala hinggil sa hepatitis ay hindi isang bagay na nakalipas na?
Pahina 11
1. Ano ang nagpapakita na ang mga panganib dahilan sa dugo ay hindi pa nawawala?
2-4. Papaano inilalantad ng dugo ang isa sa mga sakit na hindi karaniwan sa kaniyang lugar? (Tingnan din ang kahon, pahina 11.)
5-7. Papaanong ang pandemya ng AIDS ay nagpapakita na ang bago, nakamamatay na sakit ay maaaring iugnay sa dugo?
Pahina 12
1, 2. Bakit ang mga pagsusuri upang makita ang mga antibody sa virus ng AIDS ay hindi pa rin garantiya na walang panganib ang dugo?
3-5. Bakit ang panganib ng virus ng AIDS ay hindi katapusan ng bagay na ito?
6, 7. Ano ang makatuwirang pagkabahala ng mga dalubhasa hinggil sa virus na dala ng dugo?
IKATLONG LINGGO
Pahina 13
1, 2. Sino ang nagnanais ng mahusay na panggagamot at ano ang sinasaklaw nito?
3-5. Papaano ninyo maipakikitang may mga panghalili sa pagsasalin ng dugo?
6-8. Kailan kadalasang isinasalin ang dugo, subali’t bakit walang matibay na saligan ang ginagawa nilang ito?
Pahina 14
1. Ano ang nagpapakita na ang mababang sukat ng hemoglobin ay makakayanan?
2, 3. Sa kaso ng mabilis na pagkawala ng dugo, ano ang kailangan, at papaano haharapin ang suliranin?
4. Bakit mabisa ang panghaliling likido na walang dugo?
5. Papaano matutulungan ng doktor ang isang pasyente na nawalan ng mga pulang selula?
Pahina 15
1. Ano ang maaaring gawin upang mapabilis ang produksiyon ng pulang selula?
2-4. Sa panahon ng operasyon, papaano mababawasan ang pagtigis ng dugo?
Pahina 16
1-3. Anong ebidensiya ang nagpapakita na posible ang mga maseselang na operasyon na walang pagsasalin?
4-6. Anu-anong mga operasyon ang posible na hindi gagamitan ng dugo? (Tingnan ang pahina 28, parapo 2-4.)
Pahina 17
1. Anong mabubuting resulta ang natamo sa operasyon sa puso na hindi ginamitan ng dugo?
2-4. Papaano nakatutulong ang mga pasyenteng Saksi sa napakabuting resulta na kadalasa’y nararanasan sa operasyong di ginamitan ng dugo?
IKAAPAT NA LINGGO
Pahina 17
5, 6. Ano ang risk/benefit analysis, at papaano ito isinasagawa?
Pahina 19
1, 2. Anong bahagi ang ginagampanan ng pasyente sa risk/benefit analysis?
3-5. Bakit ang panggagamot sa pamamagitan ng dugo ay kasama sa pagtitimbang sa mga panganib o pakinabang? (Tingnan ang pahina 31, parapo 1, 2.)
6. Anong legal na simulain ang nasasangkot sa inyong karapatang pumili ng mga medikal na panggagamot? (Tingnan ang pahina 30, parapo 1-8.)
Pahina 18 (Kahon)
1-4. Ano ang ginagawa ng mga pasyenteng Saksi upang alisan ng legal na pananagutan ang mga manggagamot? (Tingnan ang pahina 28, parapo 5.)
5-7. Dahilan sa gagawin ng mga Saksi upang alisin ang pagkabahala sa legal na paraan, bakit makatuwiran para sa mga doktor at mga ospital na makipagtulungan?
Pahina 20
1-3. Papaano tumugon ang ilang mga manggagamot sa paninindigan ng mga Saksi?
4, 5. Papaano nasangkot ang mga korte sa ilang kaso ng mga pasyenteng Saksi?
Pahina 21
1, 2. Bakit ang pagdulog sa korte ay hindi siyang pinakamabuting paraan ng pagharap sa mga kasong kinasasangkutan ng mga Saksi at dugo?
3, 4. Sa anong mga kadahilanan hindi angkop na bumaling sa mga korte kahit na ang pasyente ay isang bata?
5, 6. Anong karapatan ng mga magulang ang nasasangkot sa pagpili ng panggagamot sa mga anak? (Tingnan ang pahina 28, parapo 6, at pahina 29, parapo 1.)
Par. 7 hanggang p. 22, par. 3. Ano ang ilan sa legal na karapatan na malayang magagawa ng mga magulang sa pagsasagawa ng medikal na pagpapasiya para sa kanilang mga anak?
Pahina 22
4. Bakit dapat na gumawang magkasama ang mga magulang na Saksi at ang mga manggagamot?
IKALIMANG LINGGO
Pahina 22
5, 6. Anong mga susing katotohanan ang dapat ninyong taglayin sa isipan hinggil sa dugo at sa pakiusap ng isang Saksi para sa medikal na panggagamot na walang dugo?
Pahina 23
1-3. Kahit na ang ilan ay mamatay sa pagtanggi sa dugo, ano ang hindi natin kaliligtaan? (Tingnan ang pahina 29, parapo 2-5, at pahina 31, parapo 3-5.)
4, 5. Ano ang makatotohanang pangmalas hinggil sa kamatayan at dugo?
Par. 6 hanggang p. 24, par. 1. Ano ang makatutulong sa atin upang mapahalagahan kung papaanong ang dugo ay tunay na nagliligtas ng buhay?
Pahina 24
2, 3. Noong bago pa ang Kristiyanong panahon, ano ang pangmalas ng Diyos sa dugo, at bakit?
Pahina 25
1. Papaano nasangkot ang dugo sa Araw ng Katubusan, at bakit tayo interesado dito?
2, 3. Ano ang kaugnayan ng Araw ng Katubusan sa papel na ginampanan ni Jesus?
4. (a) Ano ang susing dahilan kung bakit umiiwas ang mga Kristiyano sa dugo? (b) Bakit hindi natin dapat labis na idiin ang mga panganib sa pagsasalin ng dugo?
5, 6. (a) Papaano nauugnay ang dugo sa ating katayuan sa Diyos? (b) Anong turo ang dapat nating maunawaan bilang saligan ng ating pangmalas sa dugo?
7. Bakit natin masasabing ang paninindigan ng mga Saksi sa dugo ay nagpapakita ng paggalang sa buhay?
Pahina 26
1, 2. Papaano nasasangkot ang dugo sa ating walang hanggang kinabukasan?