Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 4/8 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1996
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Batang Gerilya
  • Seguridad Para sa “Cycad”
  • Nawawalang mga Takip ng Manhole
  • Mga Bagong Salin ng Bibliya
  • Mga Problema sa Pangalan
  • Pinaratangan ang Kababaihan sa Rwanda
  • Likas na mga Tagalinis
  • Ginagamit ang Kanilang mga Ulo
  • Ang “Jerusalem Syndrome”
  • Ang Bumuting Kalagayan ng mga Babae sa Modernong Panahon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Anong Kinabukasan ang Naghihintay sa Kababaihan?
    Gumising!—1998
  • Pagpapahalaga sa Kababaihan at sa Kanilang Gawain
    Gumising!—1998
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 4/8 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

Mga Batang Gerilya

Ang mga bata ay naging pangkaraniwan sa gitna ng mga hukbong gerilya sa buong mundo. Ayon sa International Herald Tribune, ang mga bata ay madaling matutong pumatay, at ang kanilang pagkilala sa tama at mali ay hindi kasintindi ng kanilang pagnanais na tanggapin ng anumang grupong militar na naging kanilang pamilya. “Sa Rwanda at sa ibang lugar, ang mga gumagawa ng pinakabuktot na krimen ay mga bata,” sabi ng tagapagsalita ng United Nations. “Ibig nilang maging miyembro at papurihan, at ang tanging pagsang-ayon ay maaaring magmula sa pagiging mas malakas ang loob o mas malupit kaysa mga nasa hustong gulang.” Sa isang hidwaan sa Aprika, ang mga batang lalaki na kasimbata ng walong taóng-gulang ay sinanay at sapilitang nakagawa ng kabuktutan, gaya ng pagbaril sa mismong mga magulang nila at paggilit sa kanilang mga lalamunan. Ang mga batang babae na kinidnap ay pinagluluto, pinaglilinis, at nagbibigay kaaliwan sa sekso sa kalalakihan. “Ang mga pagtantiya kung gaano karaming mga bata ang nasa labanan sa ngayon ay mula 50,000 hanggang sa kasintaas ng 200,000 sa 24 na mga labanan,” sabi ng magasing Newsweek.

Seguridad Para sa “Cycad”

Ipinalalagay ng maraming botaniko ang cycad Encephalartos woodii bilang ang pinakapambihirang halaman sa daigdig. Kaya nang ipasiyang magpadala ang Timog Aprika ng isang ispesimen ng tulad-palmang tropikal na halaman sa Chelsea Flower Show sa London noong nakaraang taon, gumawa sila ng pag-iingat sa pamamagitan ng pagbabaon sa tangkay nito ng microchip na laban sa pagnanakaw na nababalutan ng kremang laban sa baktirya. Ang lahat ng cycad na ipinadala sa Timog Aprika ay iniingatan sa ngayon sa ganitong paraan, ulat ng New Scientist. Upang masugpo ang mga magnanakaw gayunding pag-iingat ang ginagawa ngayon ng mga tagapangalaga sa Timog Aprika sa ligaw na mga cycad, sa tulong ng satelayt na sistemang nagtututop.

Nawawalang mga Takip ng Manhole

Mahigit na 200 nakatira sa Beijing ang nahulog sa bukas na mga manhole noong 1994, ulat ng pahayagang Economic Daily. Ang dahilan? Ninakaw ng mga magnanakaw ang mahigit na 2,000 takip ng mga manhole mula sa mga kalye ng kabisera ng Tsina noong taóng iyon. Ang karamihan diumano ay ninakaw ng mga nandayuhan, tinatawag na populasyon ng mga gumagala sa Tsina. Dumarami ang pagnanakaw ng mga takip sa nagdaang sampung taon kasabay ng pagdami ng mga nandarayuhan sa lungsod. Ang 60 kilong mga takip ay maaaring ipagbili sa mahigit na 100 yuan ($12, U.S.). Kalakip sa mga naninirahang nasasaktan ay kapuwa mga nagdaraan at mga siklista.

Mga Bagong Salin ng Bibliya

“Ang pagdagsa ng bagong mga edisyon ng Bibliya sa makabagong Ingles ay umaabot sa mga tindahan ng aklat,” sabi ng U.S.News & World Report. Ang mga Bibliya ay ginawa para sa mga bata, manlalaro, may edad na, mga inang nasa tahanan lamang, mga ama, at iba pang grupo. Ang isa, ang Black Bible Chronicles, “ay gumagamit ng mga salitang-balbal at drama upang mabigyang buhay ang mga salaysay sa Bibliya para sa mga tin-edyer na Aprikano-Amerikano.” Ang isa pa, ang The New Testament and Psalms: An Inclusive Version, ay nagtangkang gumamit ng di-tiyak na kasariang wika. Ang Diyos ay tinawag na “Ama-Ina,” at ang Anak ng tao ay naging “ang tao.” Upang maiwasang makasakit sa mga taong kaliwete, tinatawag ng mga tagasalin ang kanang kamay ng Diyos na “makapangyarihang kamay” niya, at dahil sa mga panliping pahiwatig, ang kadiliman ay hindi na katumbas ng kasamaan. At ang ikatlo, ang New International Reader’s Version New Testament, ay inilarawan ng naglathala nito bilang ang “kauna-unahang naisulat na Bibliya para sa 2.9-gradong antas sa pagbabasa, ang pinakamababa sa bilihan.” Ganito ang paghihinuha ng artikulo: “Lahat-lahat, ngayon ay may mahigit na 450 bersiyon ng Bibliya sa Ingles lamang. Taglay ang lahat ng bagong mga edisyon na umaabot sa mga tindahan ng aklat, malamang na di-magtatagal ay hindi maaalis ang Bibliya sa namamalaging lugar nito sa talaan ng pinakamabiling mga aklat sa lahat ng panahon.”

Mga Problema sa Pangalan

Ang Tsina, na may mahigit na 1.2 bilyon katao, ay napapaharap sa umuunting makukuhang mga apelyido. Ayon sa mga mananaliksik, 3,100 lamang apelyido ang ginagamit sa kasalukuyan, kung ihahambing sa halos 12,000 sa nakalipas. Halos 350 milyon katao​—katulad ng pinagsamang populasyon ng Estados Unidos at Hapón​—ang magkakapangalan sa limang pinakakaraniwang mga apelyido: Li, Wang, Zhang, Liu, at Chen. Karagdagan pa, ang unang mga pangalan ay karaniwan ding ginagamit. Halimbawa, sa Tianjin, mahigit na 2,300 tao ang magkakapangalang Zhang Li at isinusulat ito sa iisang titik, samantalang marami pa ang higit na gumagamit ng iisang pagbigkas subalit isinusulat ito sa magkakaibang titik. Bilang resulta ng kalituhan, napakaraming maling pag-aresto ang nagawa, naubos ang mga impok sa bangko dahil sa pagkakamali, at isinagawa ang mga operasyon sa mga maling indibiduwal na nasa mga ospital. May gayunding problema ang Republika ng Korea. Ipinakita ng isang surbey noong 1987 na 1 sa bawat 5 katao roon ang may apelyidong Kim. Ang mga pag-aasawa sa pagitan ng mga taong may iisang apelyido ay ipinagbawal upang maiwasan ang depekto sa pag-aanak dahil sa pag-aasawa ng magkakamag-anak. Nagbunga ito ng libu-libong pagsasama ng lalaki’t babae subalit hindi nakatala ang kanilang pag-aasawa, sa gayo’y nagiging di-karapat-dapat sa seguro at sa iba pang mga benepisyo. Gayunman, ang pinakamataas na korte sa bansa ay nag-utos ngayon na ang gayong parehong pangalan na mga pag-aasawa ay isasaalang-alang na legal kung ang mga mag-asawa ay unang nag-asawa sa ibang bansa.

Pinaratangan ang Kababaihan sa Rwanda

Ang mga babae, gayundin ang mga lalaki, ay dapat na managot sa pagpaslang ng humigit-kumulang 500,000 katao sa Rwanda noong 1994, sabi ng organisasyong Africa Rights na nasa London. “Libu-libong babae ang pinatay ng ibang babae,” sabi ng kanilang ulat. “Ang lawak ng may kapusukang pagkakasangkot ng mga babae sa pagpatay ay walang-kapantay. Hindi ito aksidente lamang. Isinangkot ng mga may pakana ng walang-awang pagpatay na ito ang mas maraming tao hangga’t maaari​—mga lalaki, babae at maging mga bata na kasimbata ng walong taóng-gulang. Sinimulan nilang lumikha ng isang bansa ng mga extremist na pinagkaisa ng dugo ng walang-awang pagpatay.” Marami sa mga babae na nasangkot ay nasa mga posisyon na pinagtitiwalaan​—mga ministro ng gabinete, tagapamahala sa rehiyon, madre, guro, at mga nars. Ang ilan ay may kasigasigang nakisali sa pagpaslang, na gumagamit ng mga gulok at baril, samantalang ang iba ay kumilos na may pagsuporta sa pamamagitan ng pagsulsol sa mga lalaking pumapatay, sa pagpapahintulot sa kanila na makapasok sa mga tahanan at mga ospital at ng pagnanakaw sa mga bahay at paghuhubad ng ari-arian sa mga patay.

Likas na mga Tagalinis

Ang ilang namumulaklak na mga halaman ay nagpapamalas ng kahanga-hangang kakayahan na maglinis at bumuhay-muli ng lupa sa disyerto na napunô ng langis, ulat ng The Times ng London. Natuklasan ng mga siyentipiko na kung saan ang langis ay wala pang 10 porsiyento ng timbang ng buhangin, ang mga halaman na ito ay dumarami at ang mga ugat nito ay nananatiling lubusang malinis. Ang dahilan? Milyun-milyong baktirya na nabubuhay sa palibot ng mga ugat ng halaman ang kumakain ng langis at binubulok ito anupat nagiging di-nakasasamang produkto. Ang mga halamang ito ay nagmula sa isa sa pinakamalalaking uri ng halaman, ang Compositae, na kinabibilangan ng mga daisy, aster, at maraming dawag. Iminumungkahi ng mga siyentipiko na itanim ang mga ito upang mapabilis ang paglilinis sa disyerto ng Kuwait. Apat na taon pagkatapos ng digmaan sa Iraq, halos 50 kilometro kudrado ng disyerto ang nananatili pa ring marumi.

Ginagamit ang Kanilang mga Ulo

“Ang kababaihan sa Aprika ay naglalakad nang milya-milya na may sunong na mabibigat na bangan ng tubig o palayok ng pagkain na para bang wala silang anumang dala,” sabi ng magasing Discover. “Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga babae ay maaaring makapagdala nang napakabigat na mga dalahin nang hindi gumagamit ng anumang karagdagang lakas.” Ang ilang babae sa Kenya ay maaaring makapagdala ng hanggang 20 porsiyento ng kanilang timbang nang walang kahirap-hirap. Paano nila ito nagagawa? Sa pamamagitan ng pagdadala ng “kanilang mabibigat na dalahin nang mas mahusay kaysa mga tao na nagdadala ng mabibigat na backpack o mga tao na hindi sinanay na gamitin ang kanilang mga ulo sa pagdadala,” sagot ng New Scientist. “Naniniwala ang mga mananaliksik na ang susi ay nasa tulad pendulong kilos ng mga babae.” Kapag tayo’y naglalakad, tayo’y tulad ng pendulo na umiimbay, dinadala ang ilang bigat sa susunod na hakbang. Para sa mga Europeo, ang kahusayan sa paglilipat na ito ng lakas ay nababawasan habang bumibigat ang dalahin. Subalit sa mga babae sa Aprika na nagsusunong ng dalahin sa kanilang mga ulo, ang kahusayan ay lalong nadaragdagan, anupat ang kanilang mga kalamnan ay hindi kailangang gumawa ng higit pa. Gayunman, ang pamamaraan ay gugugulan ng mga taon upang magawa nang lubusan.

Ang “Jerusalem Syndrome”

Ito’y isang “sakit ng mga turista na, nalilipos ng matinding espirituwal na damdamin ng lungsod, nakukumbinsi na sila ang Tagapagligtas, o sila ang ibang tauhan sa Bibliya, o sila’y nabigyan ng pantanging mensahe o utos ng Diyos,” sabi ng magasing Time. “Ang karamihan ay may kasaysayan ng mga sakit sa isip.” Isang Italyanong balbas-sarado, na nasumpungang gumagala-gala sa mga burol malapit sa Betlehem na nakadamit ng sako, ang nagsasabing siya’y si Jesus. Isang hubad, lalaking nagtataglay ng tabak, patakbu-takbo sa Matandang Lungsod, ang nagsasabi na siya’y may misyon na magpagaling ng bulag. Isang matipunong taga-Canada ang nagsasabing siya’y si Samson at “pinatutunayan” ito sa pamamagitan ng pagbaluktot sa rehas na bakal mula sa bintana ng kaniyang silid sa ospital at tumakas. Ang mga taong pinahihirapan ng gayong syndrome ay karaniwang dinadala sa Kfar Shaul Psychiatric Hospital sa Jerusalem​—hindi para gamutin kundi upang mapakalma upang sila’y makauwi para magpagamot. Sinusuri ng ospital ang halos 50 ng gayong mga pasyente sa isang taon, pangunahin nang mula sa Kanlurang Europa at Estados Unidos.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share