Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 4/22 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1996
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Maraming Namamatay sa mga Babaing Naninigarilyo
  • Droga sa mga Paaralan sa Alemanya
  • Kahanga-hangang mga Naglalakbay
  • “Isang Lupong Pandaigdig na Walang Damdamin”
  • Mataas na Temperatura ng Pukyutan
  • Ang Krus​—Sagisag ng Karahasan?
  • Sumaklolo ang mga “Water Flea”
  • Isinasaisantabi ang Kasalanan
  • “Mga Fingerprint” ng Hiyas
  • Babala sa mga Paputok
  • “Malamang na Gaya ng Timebomb”
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—2002
  • “Ang Pinakamagaling Lumipad sa Buong Daigdig”
    Gumising!—2010
  • Ano ang Kinabukasan Para sa Albatros?
    Gumising!—1997
  • Milyun-Milyong Buhay ang Naging Abó
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 4/22 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

Maraming Namamatay sa mga Babaing Naninigarilyo

Natuklasan ng isang pagsusuri na inilathala kamakailan sa The Canadian Journal of Public Health na ang pagkamatay dahil sa paninigarilyo ng mga babaing taga-Canada ay tumaas mula 9,009 noong 1985 tungo sa 13,541 noong 1991. Tinataya ng pagsusuri na mas maraming babae kaysa mga lalaki ang mamamatay bunga ng paninigarilyo sa taóng 2010 kung magpapatuloy ang kausuhan. Noong 1991, tinatayang may 41,408 ang namatay dahil sa paninigarilyo (27,867 lalaki at 13,541 babae), ayon sa The Toronto Star. Sa Estados Unidos, ang mga namamatay sa kanser sa baga sa gitna ng mga babaing naninigarilyo ay tumaas ng anim na ulit sa pagitan ng dekada ’60 at ’80, sabi ni Dr. Michael Thun ng American Cancer Society. Hininuha ng mga mananaliksik na “ang paninigarilyo ang di palak pinakamalaking nag-iisang maiiwasang sanhi ng maagang pagkamatay sa Estados Unidos,” ulat ng The Globe and Mail ng Toronto, Canada.

Droga sa mga Paaralan sa Alemanya

Isinisiwalat ng isang pagsusuri sa gitna ng mahigit na 3,000 estudyante sa hilagang Alemanya ang palasak na paggamit ng nakasusugapang sangkap sa paaralan. Ayon sa lingguhang newsmagazine na Focus, halos kalahati ng mga estudyante na 17 ang edad ay nakagamit mismo ng ipinagbabawal na mga droga, at mahigit na sangkatlo ang gumagamit sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ni Propesor Peter Struck na “sa maraming paaralan sa haiskul sa Hamburg, masusumpungan mo ang mga estudyante sa edad na 16 o 17 na patuloy na pinaghahalili ang pag-inom ng mga stimulant at tranquilizer.” Subalit bakit napakalaganap ng paggamit ng droga? Si Propesor Klaus Hurrelmann ay nagbigay ng tatlong dahilan ng paggamit ng droga sa gitna ng mga kabataan: pagkabagot sa buhay, ang pagkadama na walang gaanong pagkilala para sa personal na tagumpay, at panggigipit ng mga kasama.

Kahanga-hangang mga Naglalakbay

Isang naglalayag na albatross ang lumipad ng 26,000 kilometro sa loob ng 72 araw, at isang abuhing seal ang lumangoy ng 5,000 kilometro sa loob ng tatlong buwan. Natuklasan ng mga siyentipikong nangangalaga ang mga kahanga-hangang gawang ito ng pagiging matatag pagkatapos kabitan ng maliit na mga radio transmitter ang piling albatross at mga seal upang matunton ang kanilang mga pagkilos sa pamamagitan ng satellite. Sa isang yugto ang albatross ay lumipad ng halos 3,000 kilometro sa loob ng apat na araw sa Karagatang Timog Pasipiko. Ang seal ay lumangoy ng 100 kilometro sa isang araw sa pagitan ng Scotland at Faeroe Islands at nagpamalas ng kahanga-hangang kakayahan na maglayag nang eksaktung-eksakto sa kalawakan ng dagat, sabi ng The Times ng London. Ano ang nag-udyok sa malayuang paglalakbay na ito? Ang paghahanap ng pagkain, sabi ng ulat.

“Isang Lupong Pandaigdig na Walang Damdamin”

“Sa loob ng tatlong araw noong nakaraang linggo, ang mga lider mula sa bawat kontinente ay nagtipun-tipon para sa ika-50 kaarawan ng United Nations upang magpahayag ng matatayog na talumpati tungkol sa kalagayan ng daigdig,” ulat ng The New York Times noong nakaraang Oktubre. Gayunman, maliwanag na isang mahalagang sangkap ang nawawala sa maraming “matatayog na talumpati”​—katapatan. “Tulad ng mga pulitiko saanman,” sabi ng Times, “sila’y nangangako na hindi naman nila tutuparin at bumatikos ng isang tao dahil sa kanilang mga pagkukulang.” Pagkatapos na sipiin ang walong pambansang lider na ang mga sinabi ay salungat sa ginagawa ng kanilang bansa, ganito ang paghihinuha ng pahayagan sa kanilang labis-labis na mensahe: “Kalimutan ang aking ginagawa, daigdig; pakinggan ang aking sinasabi.” Hindi nga kataka-taka na tawagin ng U.S.News & World Report ang United Nations na “isang lupong pandaigdig na walang damdamin.”

Mataas na Temperatura ng Pukyutan

Ipinagtatanggol ng mga pukyutan sa Hapón ang mga sarili nito mula sa malalaking putakti sa pamamagitan ng pagpatay rito sa init ng kanilang katawan, ulat ng Science News. Pagkatapos na matutop ang pagkanaroroon ng putakti, inaakit ng mga pukyutan ang kaaway na pumasok sa pugad, kung saan daan-daang manggagawa ang susunggab at papalibot dito. Pagkatapos, “ang mga bubuyog ay manginginig at patataasin ang temperatura ng nakakulumpong mga bubuyog hanggang sa nakamamatay na init na 47° C [116° F.] sa loob ng 20 minuto,” sabi ng magasin. Yamang kayang tiisin ng mga pukyutan sa Hapón ang temperatura hanggang sa halos 122 digri Fahrenheit [50° C.], ang pamamaraang ito ay hindi nakapipinsala sa kanila. Gayunman, hindi lahat ng putakti ay nahuhulog sa ganitong patibong ng pukyutan. Yamang “20 hanggang 30 putakti ay maaaring makapatay ng kuyog ng 30,000 bubuyog sa loob ng 3 oras,” nadaraig ng malalaking putakti ang mga pukyutan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng lansakang pagsalakay. “Sa ganitong mga kalagayan,” sabi ng News, “sinasakop nila ang pugad at tinitipon ang mga uod ng bubuyog.”

Ang Krus​—Sagisag ng Karahasan?

Pinag-aalinlanganan ng ilang teologo ang kaangkupan ng krus bilang sagisag ng Kristiyanismo dahil sa kaugnayan nito sa mga karahasan, ulat ng The Dallas Morning News. Hinihimok ng mga teologo ang paggamit ng mga sagisag na nagpapamalas ng buhay ni Jesus sa halip na ang kaniyang kamatayan. Ang krus ay “nagtataguyod ng pagsamba sa kamatayan,” sabi ng teologong si Catherine Keller ng Drew University Theological School sa Madison, New Jersey, E.U.A. “Walang sinuman ang may ibig ng silya elektrika o silo bilang nagpapakilalang sagisag ng pananampalataya, subalit iyan ang ating gagamitin kung sakaling pinatay si Jesus ng pamahalaan sa ngayon.”

Sumaklolo ang mga “Water Flea”

Ang abang water flea ay maaaring makatulong sa suliranin ng maruming patubigan na malayo sa aplaya, ulat ng pahayagang Independent ng London. Ito’y ipinakita ng isang proyekto ng pagpapabuti na isinasagawa sa ngayon. Una, inalis ng mga biyologo ang 9.5 tonelada ng isda na kumakain ng mga water flea mula sa Ormesby Broad sa Norfolk, Inglatera. Pinangyari nitong mabuhay ang mga pulgas at manginain ng mga lumot na nagpaparumi sa lawa. Saka naman tumubo ang ibang halaman sa ilalim ng tubig mula sa tila tulog na mga binhi, at ang mga ibon, gaya ng mga ulok at mga sisne, ay nagbalik. Di-magtatagal, ang mga isda ay ibabalik na rin, at tinataya na ang buong ecosystem ay babalik na sa normal sa loob ng limang taon. Ang mga tagapangalaga ng kalikasan sa Europa ay sumusubaybay sa kalalabasan ng proyekto taglay ang matinding pananabik.

Isinasaisantabi ang Kasalanan

“Ano ang nangyari sa kasalanan?” tanong ng magasing Newsweek. “Ang nakababahalang diwa ng personal na kasalanan ay halos naglaho na sa kasalukuyang masayahing istilo ng relihiyon sa Amerika.” Ang mga taga-parokya “ay aayaw na makarinig ng mga sermon na makababalisa sa kanilang paggalang-sa-sarili,” at sa gitna ng mga Katoliko “ang regular na pangungumpisal sa pari ay naging sinaunang ritwal.” Ang nagkokompetensiyang mga klero ay nangangamba sa paglayo ng kanilang mga kawan. Marami sa kanila “ang paulit-ulit na bumabatikos sa gayong ‘sistematikong’ panlipunang kasamaan na gaya ng pagtatangi sa lahi [at] sekso,” sabi ng artikulo. “Subalit nakapagtataka na ang kanilang mga tinig ay napakahina pagdating sa mga paksang personal na nakaaapekto sa mga tao​—gaya ng diborsiyo, pagmamataas, kasakiman at palalong pansariling ambisyon.”

“Mga Fingerprint” ng Hiyas

Ang mga babaing taga-Britanya ay nagmamay-ari ng 39 na milyong piraso ng alahas na diyamante na nagkakahalaga ng humigit-kumulang $17.5 bilyon, at sa bawat taon ang mga alahas na nagkakahalaga ng $450 milyon ay ninanakaw. Ang karamihan ng alahas na nawawala sa ganitong paraan ay hindi natututop. Ang metal kung saan nakaenggaste ang diyamante di-nagtatagal ay tinutunaw. Pagkatapos ang mga hiyas ay inienggaste muli. Subalit, ngayon sa paggamit ng central computer, naisisingit ng mga mag-aalahas sa digital memory ang naiibang depekto ng bawat bato. Ang “mga fingerprint” na ito ay natututop ng sinag ng low-density laser na nakatututop ng mga depekto ng bawat bato​—walang dalawang bato ang magkatulad. Ang tanging paraan upang malusutan ng mga magnanakaw ang sistema ay tabasin muli ang mga bato, isang napakamahal na gawain, na nagpapababa rin sa halaga nito, ulat ng The Sunday Times ng London.

Babala sa mga Paputok

Iniuulat ng mga opisyal na “humigit-kumulang 12,000 katao ang ginagamot taun-taon sa mga departamento ng emergency sa E.U. dahil sa mga kapinsalaang nauugnay sa mga paputok,” sabi ng Morbidity and Mortality Weekly Report (MMWR). Tinataya ng ulat, tinipon ng Consumer Product Safety Commission sa loob ng mga taon ng 1990-1994, na 20 porsiyento ng lahat ng kapinsalaan mula sa mga paputok ay mga kapinsalaan sa mata. Ang mga ito, sabi ng MMWR, ay “kalimitang malubha at maaaring magdulot ng permanenteng nabawasang katalasan ng mata o pagkabulag.” Kapansin-pansin din na waring mas maraming istambay ang napipinsala sa mata kaysa mga nagpapaputok mismo.

“Malamang na Gaya ng Timebomb”

Halos 45 porsiyento ng populasyon sa daigdig sa kasalukuyan ang namumuhay sa mga lungsod, ulat ng magasing Focus, at sa taóng 2000, tinataya na kalahati ng populasyon ay mga nakatira sa lungsod. Ang kalakhan ng hilagang Europa, Italya, at ang silangang Estados Unidos ay may mataas-taas na dami ng populasyon, at ang mga bahagi ng Tsina, Ehipto, India, at Timog Aprika ay may mga lungsod na matao sa gitna ng lalawigang lugar. Gayunman, isiniwalat ng satellite imaging na 3 hanggang 4 na porsiyento lamang sa daigdig ang may tulad-lungsod na katangian. Subalit dahil sa 61 milyon katao ang nagtutungo sa mga lungsod taun-taon, karamihan mula sa nagpapaunlad na mga bansa, ang kapal ng populasyon sa mga lungsod na ito ay tumataas dahil sa “ang lungsod ay hindi maaaring lumaki na kasimbilis ng populasyon nito,” sabi ng Focus, susog pa nito: “Ang situwasyon ay gaya ng isang timebomb.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share