Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 12/22 p. 25
  • Isang Awit na Tumimo sa Kaniya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Awit na Tumimo sa Kaniya
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Aking Pagsisikap Upang Makagawa ng Matatalinong Pasiya
    Gumising!—2000
  • Si Jehova ay Kumikilos sa Katapatan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Nasumpungan Namin ang Mas Makabuluhang Karera
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Masayang Purihin si Jehova sa Pamamagitan ng Awit
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 12/22 p. 25

Isang Awit na Tumimo sa Kaniya

“SA PAARALAN ay inawit ko ang isang himno na may mga salitang, ‘the great Jehovah enthroned in his glory.’ Madalas akong mag-isip, ‘Sino kaya itong Jehova?’”

Ang pangungusap na iyan mula kay Gwen Gooch, na isa sa mga Saksi ni Jehova at na ang kuwento ng buhay ay napalathala sa Ang Bantayan, ay siya ring namutawi sa isang mambabasa.a Nagunita ni Vera, taga-Seattle, Washington, E.U.A., “gayundin ang naging karanasan ko sa haiskul.”

Matapos marinig ang isang awit, tulad ni Gwen, gustung-gustong makilala ni Vera kung sino itong Jehova na ito. Nabigyang-kasiyahan ang pag-uusisang ito ni Vera noong 1949 nang unang sabihin sa kaniya ng kaniyang kapatid na lalaki ang tungkol kay Jehova, ang personal na pangalan ng Diyos sa Bibliya.

Si Vera ay mga kalahating siglo na ngayong isa sa mga Saksi ni Jehova. Subalit hindi niya malimutan kailanman ang himnong iyon noong siya’y nasa haiskul. “Sa loob ng maraming taon,” sabi niya, “sinikap ko nang malaman kung saan iyon nanggaling.” Sa wakas, sa tulong ng isang tindahan ng musika, nagtagumpay siya. Ang awit ay galing pala sa komposisyon ni Franz Schubert noong 1825. Ang mga salitang umalinsabay sa musika ay tunay na pumupuri kay Jehova. Halimbawa, ganito ang ilan sa mga liriko:

“Dakila si Jehova, ang Panginoon! yamang inihahayag ng Langit at Lupa ang kaniyang kamangha-manghang kapangyarihan. . . . Naririnig mo ito sa malakas at nagngangalit na bagyo, sa hugong ng napakalakas na lagaslas ng batis . . . Naririnig mo ito sa bulong ng kakahuyan at kagubatan, nakikita mo ito sa pag-imbay ng ginintuang mais; sa pagkagagandang hanay ng mababangong bulaklak, sa mga bituing tumatakip sa asul na papawirin ng Langit . . . Nagsisiwalat ang nakatatakot na dagundong ng Kaniyang kulog, at ang ningas mula sa Kaniyang mga kidlat ay matalim na gumuguhit sa papawirin. Subalit makapupong higit ang pagpintig ng iyong puso na naghahayag pa rin ng kapangyarihan ni Jehova, . . . ang walang-hanggang Panginoong Diyos. Tumingala ka sa Kaniya sa Langit at umasa sa biyaya at awa. . . . Dakila si Jehova, ang Panginoon!”

Sabi ni Vera: “Paminsan-minsan ay nagagamit ko ang liriko ng awit na ito upang ipakita sa mga tao na noon pa mang mga taóng 1800 mayroon nang mga nakakakilala sa pangalan ng Diyos at pumupuri rin sa kaniya.” Ang katotohanan ay na mula pa noong sinaunang panahon, ang mga lalaki at babaing may pananampalataya ay napakilos na pumuri kay Jehova sa pamamagitan ng mga awit. Ito’y isang kagawiang magpapatuloy magpakailanman, sapagkat walang katapusan ang mga dahilan para purihin ang Maylalang ng langit at lupa.

[Talababa]

a Tingnan Ang Bantayan ng Marso 1, 1998.

[Larawan sa pahina 25]

Si Vera

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share