Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 7/1 p. 16-17
  • Isang Centennial na Hindi Malilimot

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Centennial na Hindi Malilimot
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Miting ng Korporasyon
  • ‘Sumasa-Kaniyang Bayan si Jehova’
  • Pagbuo ng Kaayusang Pang-organisasyon
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Walang Lubay na Paghahayag ng Mabuting Balita (1942-1975)
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Teokratikong mga Balita
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Kung Paano Naiiba ang Lupong Tagapamahala sa Isang Legal na Korporasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 7/1 p. 16-17

Isang Centennial na Hindi Malilimot

NASAKSIHAN ng bayan ng Diyos ang maraming modernong mga himala. Kabilang sa mga ito ang paglago ng pangglobong organisasyon na ginagamit ni Jehova ngayon upang ibalita ang kaniyang pangalan sa buong lupa. Nagsimula ang lahat na ito sa Pittsburgh noong mga unang taon ng 1870 sa isang maliit na grupo ng mga estudyante sa Bibliya. Dumami sila, kaya’t kinailangan na bumuo ng isang legal na korporasyon para mag-asikaso sa lumalawak na organisasyon. Kaya, ang Zion’s Watch Tower Tract Society ay binuo bilang korporasyon noong Disyembre 13, 1884, sa ilalim ng mga batas ng Commonwealth of Pennsylvania.

Kamakailan, Sabado, Oktubre 6, 1984, ang ika-100 taunang miting ng mga miyembro ng korporasyon​—kilala ngayon bilang ang Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania​—ay ginanap sa Pittsburgh. Isang natatanging okasyon nga! Ang mga natatanging pangyayari noong sinauna ay ginugunita, kaya naman angkop na gunitain ng mga Saksi ni Jehova ang sandaang taóng ito ng Watch Tower Society sa pamamagitan ng isang natatanging pagtitipon. Kaya sila’y makapaghahandog ng pasalamat at papuri sa Soberanong Panginoong Jehova, na pastol ng lumalawak na organisasyong ito na dumaan sa maligalig na mga taon nang nakalipas na siglo.​—Josue 4:4-8, 20-24; Esther 9:20-22; Awit 23:1-6.

Miting ng Korporasyon

Ganap na ikasampu ng umaga noong Oktubre 6, ang taunang miting ng korporasyon ng Samahan ay sinimulan sa Coraopolis Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses, Pittsburgh. Sa makasanlibutang mga organisasyon, ang ganoong mga miting ay karaniwan nang walang latoy, at business-lamang na mga pangyayari. Ngunit ang miting na ito ay naiiba.

Sa 429 na miyembro ng korporasyon, 259 ang presente, kasama na ang kanilang mga panauhin​—isang asamblea na binubuo ng 1,615 katao. Ang mga ito ay naglakbay galing sa 53 iba’t ibang bansa​—sa mga nakakalat na lugar na gaya ng Alaska, Antigua, Argentina, Australia, Austria, at hanggang sa mabuo ang alpabeto hanggang Zimbabwe. Ang pormal na eleksiyon ng apat na direktor ng Samahan ay sinundan ng espirituwal na nagpapatibay na mga pahayag. Isa na rito, batay sa taunang teksto na pinili ng mga Saksi ni Jehova para sa 1985, ang 2 Timoteo 4:5, ang nagpapayo sa lahat doon: “Lubusang ganapin mo ang iyong ministeryo.”

Kasunod ang isang masiglang pahayag ng 91-anyos na presidente ng Samahan, si F. W. Franz. Ganiyan na lamang daw ang kaniyang kagalakan na, mga 65 taon na ngayon ang nakalipas, samantalang kasama niya si J. F. Rutherford, unang narinig niya ang pananalitang “organisasyon ng Diyos.” Pagkatapos na talakayin ang pag-unlad ng organisasyon sa lupa, siya’y napasalamat na ito ang ika-100 taon na ginagamit ng organisasyon ni Jehova ang korporasyon ng Samahan upang mamahagi ng nagliligtas-buhay na impormasyon sa Kasulatan. Ang tinig ni Brother Franz ay nangibabaw nang buong tinis nang kaniyang sipiin ang huling talata ng Mga Awit 150:6, na ang sabi, ‘Lahat ng humihinga​—purihin nila si Jah​—HALLELUJAH!’

‘Sumasa-Kaniyang Bayan si Jehova’

Pambihirang pag-ibig pangmagkakapatid at pagkamapagpatuloy ang nasaksihan sa Pittsburgh sa mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova. (Hebreo 13:1, 2) Naglaan ng masasarap na komida, mga tuluyan at transportasyon, at bawat kaayusan ay ginawa upang maihanda ang Three River Stadium sa Pittsburgh para sa tatlong oras na miting nang gabing sumunod.

Parang ngiti ng pagsang-ayon buhat kay Jehova ang magandang lagay ng panahon nang araw na ito. Ang 37,733 mga naroroon sa istadyum ay nakapakinig nang maalwan. Sa pamamagitan ng koneksiyon ng telepono ang programa ay ipinahatid sa 34 na mga Assembly Halls of Jehovah’s Witnesses sa Estados Unidos at sa Canada, na kung saan 59,715 pang mga tagapakinig ang naroroon​—kaya lahat-lahat ay mayroong 97,448 ang dumalo. Lahat ng mga ito ay binigyan ng mga kopya ng magandang 32-pahinang broshur na programa bilang alaala ng kasayahang iyon.

Ang sesyon sa gabi ay pinasimulan ng masayang pag-awit at ng panalangin. Sampung miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova at mga iba pang matatagal nang lingkod ni Jehova ang nagpahayag tungkol sa tema: “Si Jehova ay sa Tuwina Napatunayang Sumasa-Kaniyang Bayan.” Gaya ng sabi ng broshur ng programa: “Maraming patotoo na si Jehova ay nagpatunay na sumasa-kaniyang bayan at kaniyang pinagpala at pinatibay ang gawa ng kanilang mga kamay​—na naisagawa sa tulong ng Watch Tower Society. Kaya, kasuwato ng sinasabi ng Awit 78:2-7, angkop na gamitin natin ang okasyong ito na maipahayag sa bagong lahi ‘ang mga kapurihan ni Jehova . . . at ang kaniyang kahanga-hangang mga bagay na ginawa.’”

At iyan nga ang naisagawa ng programa! Si Hitler at ang apostatang mga relihiyonista ay nagsikap na lipulin ang mga Saksi ni Jehova “tulad ng mga peste,” subalit ang gayong mga mananalansang ay nalipol, “gaya ng niyebe sa silong ng araw.” Ayon sa tagapagsalin ng Bibliyang si Goodspeed ang unang-siglong mga Kristiyano ay “isang bayan na tagapagsalin at tagapaglathala.” At anong pagkatotoo nga ito ngayon sa ika-20 siglong mga Saksi! Sa loob ng 105 taon na nagtapos noong 1984, ang mga Kristiyanong ito ay naglathala, sa 200 at higit pang mga wika, ng 8.8 bilyong mga Bibliya, aklat, pulyeto, magasin, at mga tract. Ang New World Translation ng buong Bibliya, o kahit na lamang ang Kasulatang Griego, ay nilimbag sa 14 na wika na may kabuuang 51,034,000 mga kopya. Hindi magtatagal at magkakaroon ng pambulsang edisyon ng Bibliyang ito, at malalaking titik na edisyon sa apat na tomo. Kaya’t ang Watch Tower Society ay magpapatuloy na manguna sa publikasyon ng Bibliya.

Ang sabi ng broshur: “Isang patotoo sa uri ng tapat na mga tao na naglingkod kasama ng Watch Tower Society ay yaong sa loob ng 100 taon apat lamang na mga lalaki ang naglingkod sa responsableng mga puwesto bilang pangulo ng Samahan.” Patuloy na sumusulong ang organisasyon ni Jehova tungo sa pangwakas na tagumpay. Gaya ng sabi ni Martin Poetzinger, na nanatiling tapat sa loob ng siyam na taon sa mga kampo ng Nazi: “Huwag hihiwalay kay Jehova at kay Kristo Jesus at sa organisasyon ng Diyos, at masasaksihan mo ang kaniyang tagumpay sa lahat ng kaniyang mga kaaway.”

Ang pangkatapusang tagapagpahayag nang gabing iyon, ang pangulong F. W. Franz, ay bumanggit na ang centennial na araw na ito ay “isang okasyon na hindi na mauulit.” Anong pagkatotoo nga! Nirepaso ni Brother Franz ang kasaysayan ng Samahan at sinariwa ang mga salita ni J. F, Rutherford, ang pangalawang pangulo, na namatay noong 1942. Noong malapit na siyang mamatay ay sinabi niya: “Naku, Fred, sa pakiwari ko’y ang lubhang [karamihan] ay hindi magiging lubhang marami.” Ang sabi ni Brother Franz, “Sayang at namatay siya kaagad.” Noon ang mga Saksi ni Jehova ay mayroon lamang 100,000 sa buong daigdig. Ngayon, literal na ‘angaw-angaw ng mga ito na hindi na mamamatay’ ang napadagdag sa dati nang mga tapat na lingkod na ito.

Ang pantapos na mga salita ni Brother Franz ay: “Tayo’y nagkakaisang magsabi: ‘Ipagbunyi si Jehovang Diyos na Soberano ng Uniberso.’” Naghuhumugong ang palakpakan ng lahat ng naroroon. Pagkatapos ng pangkatapusang awit at panalangin sila’y lumisan na pauwi sa kani-kanilang bansa at mga kongregasyon na disididong ipagpatuloy ang gawain ni Jehova hanggang sa matapos.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share