Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 7/15 p. 28-29
  • Ano ang Pagkakilala Mo sa Pangalan ni Jehova?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Pagkakilala Mo sa Pangalan ni Jehova?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Patuloy na Igalang ang Pangalan
  • Bakit Kailangang Makilala Natin ang Pangalan ng Diyos
    Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman
  • Parangalan ang Dakilang Pangalan ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Pangalan ng Diyos
    Gumising!—2017
  • Ano ang Pangalan ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 7/15 p. 28-29

Ano ang Pagkakilala Mo sa Pangalan ni Jehova?

ANG mahalagang tanong na iyan ay ibinangon para sa mga delegado sa “Pagsulong ng Kaharian’’ na mga Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Noon ay inilabas ang bagong brochure, The Divine Name That Will Enure Forever. Bakit mahalaga ang tanong?

Sa pasimula pa lamang ng kasaysayan ng paglalang sa lupa, ang pangalang Jehova ay ginamit na upang tumukoy sa tanging tunay na Diyos. (Genesis 2:4; 4:1) Ito’y malimit na ginamit ni Abraham, “ang kaibigan ni Jehova.’’ (Santiago 2:23; Genesis 18:30-33) Napag-alaman ni Moises na Jehova ang pangalan ng Maylikha “hanggang sa panahong walang takda.’’ (Exodo 3:15) Ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod ang pangalan ng Diyos. (Juan 17:6) Ang kaniyang mga disipulo ay nagparoo’t-parito upang tulungan ang mga tao na ‘tumawag sa pangalan ni Jehova at maligtas.’​—Gawa 2:21.

Datapuwat, hindi iginalang ng iba ang pangalang iyon. Ang mga Israelita na hindi sumunod sa kautusan ni Jehova ay lumapastangan sa kaniyang pangalan. (Levitico 18:21; 19:12) Ang mga Israelita doon sa paanan ng Bundok ng Sinai ay gumamit din ng pangalan ng Diyos may kaugnayan sa kanilang pagsamba sa gintong baka ngunit ito’y nagsilbing kalapastanganan sa kaniyang pangalan. (Exodo 32:4, 6) Gayundin naman, ang mga Judio na dahil sa kanilang pamahiin ay tumanggi noong bandang huli na bigkasin ang pangalan ng Diyos ay nagdulot dito ng kalapastanganan, tulad din ng mga Judiong mistiko na ang tingin dito ay parang isang anting-anting.

Ang mga nagpapanggap na mga Kristiyano man ay lumalapastangan sa pangalan niya pagka, gaya ng mga Judio, hindi nila ginamit iyan at inalis pa man din sa Griegong salin ng Kasulatan Hebreo. At ito ay humantong sa pag-aabuso sa modernong panahon. Ang mga tao sa ngayon ay nagwawalang-bahala sa pangalan ng Diyos, at kanilang ipinagpapalagay na ito’y hindi mahalaga o hindi kailangan sa pagsamba.

Patuloy na Igalang ang Pangalan

Sa katunayan, tanging ang mga Saksi ni Jehova lamang ngayon ang sumusunod sa halimbawa ng mga sinaunang alagad ni Jesus at kanilang tinutulungan ang mga tao sa buong daigdig na ‘tumawag sa pangalan ni Jehova at maligtas.’ Sila lamang ang tunay na masasabing “isang bayan ukol sa kaniyang pangalan.’’ (Gawa 15:14) Kung gayon, posible kaya na tayo man ay hindi magbigay-pansin sa pangalan ni Jehova?

Bueno, kung tayo ay lalabag sa mga kautusan ni Jehova at gagawa ng kalikuan, ating nilalapastangan ang kaniyang pangalan. (2 Timoteo 2:19) At kung ginagamit natin ang pangalan ni Jehova sa ating pagsamba, ngunit ang atin namang mga kilos ay nagpapakita na ang ating tunay na pag-asa sa hinaharap ay nakasalig sa materyal na mga bagay o sa anumang nahahawig dito, hindi tayo napapaiba sa mga sinaunang Israelita na gumagamit noon ng pangalan ni Jehova ngunit ang aktuwal na sinasamba ay isang gintong baka. Isa pa, ang pangalan ni Jehova ay hindi isang galing. Kung ating ididispley ito bilang ang Tetragrammaton o sa modernong ispeling o baybay sa ating bahay o sa ating sasakyan kaya sa pag-asang ito’y magliligtas sa atin sa ano mang sakuna o magdadala sa atin ng “mabuting suwerte,’’ paano tayo mapapaiba sa mapamahiing mga Judio na ang tingin dito ay isang galing.​—Exodo 20:7.

Samakatuwid, ang ating pagkakilala sa pangalan ng Diyos ay mahalaga. Ang pangalang Jehova ay walang hanggang alaala ng Diyos. (Exodo 3:15) Kumakatawan ito sa kaniyang walang pagbabagong mga katangian at mga layunin. (Deuteronomio 32:3-43) Saganang pinagpapala ni Jehova ang mga natatakot sa kaniya at nagpaparangal sa kaniyang pangalan. (Malakias 3:16) Ang bagong brochure, The Divine Name That Will Endure Forever, na lubus-lubusang tumatalakay sa banal na pangalan, sa kahulugan nito at sa tamang paggamit dito, ay tunay na tutulong sa libu-libo pa na magparangal sa pangalan ng kanilang Maylikha, si Jehova.​—Apocalipsis 4:11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share