Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
Iyan ang pamagat ng isang bagong aklat na tumatalakay nang detalyado sa buong aklat ng Apocalipsis sa Bibliya. Isang masugid na mambabasa na taga-California ang sumulat:
“Gusto ko ito! Ang lalo nang gusto ko ay ang buong kaanyuan nito. Ang mga teksto ay nilimbag sa matingkad na itim, at malinaw, simple, madaling unawain ang paliwanag tungkol sa bawat teksto. Kaya naman madaling basahin. Pinahahalagahan ko rin ang kaiklian ng mga kabanata. Ang mga tsart at mga ilustrasyon ay higit pang nakatutulong.
“Isip-isipin lamang, bilang isang ginang ng tahanan ako’y nakauupo at nababasa ko at nauunawaan ang malalalim na bagay ng Diyos. Dahilan sa gumugol kayo ng panahon at inyong pinakaingatan na gawing simple ang materyal na ito, tayong lahat ay makalalapit nang higit pa sa ating Diyos.”
Ikaw ay masisiyahan sa malinaw, may lohikang pagpapakilala sa mga mababangis na hayop, sa dragon, sa dakilang patutot, at sa iba pang simbolikong mga karakter ng Apocalipsis. Makikita mo ang kahulugan nito para sa kaarawan natin. Ang kaakit-akit na pinabalatang aklat na ito, ang pahina’y kasinlaki ng sa magasing ito, ay tumatalakay ng talata-por-talata sa Apocalipsis. Pumidido na kayo ngayon. Ito’y ₱42 lamang, libre-bayad sa koreo.
Pakisuyong padalhan ako ng 320-pahinang aklat na Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito! Ako’y naglakip ng ₱42.