Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG ABRIL 14-20
10 min: Lokal na mga patalastas, Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian at ulat ng kuwenta.
20 min: “Tulungan ang mga Tinuturuan na Ibahagi ang mga ‘Salitang Magagaling.’” Tanong-sagot na pagtalakay. Sa parapo 4 magkaroon ng pagtatanghal kung papaano pasulong na masasabi ng isa sa mga tinuturuan sa Bibliya ang tungkol sa programa ng pulong sa kongregasyon.
15 min: “Isang Panahon ‘Upang Magalak at Gumawa ng Mabuti.’” Pahayag na may pakikibahagi ang tagapakinig. Maaaring kapanayamin ang isa o dalawa na gumamit sa panahon ng bakasyon upang maging auxiliary payunir.
Awit 211 at panalangin.
LINGGO NG ABRIL 21-27
7 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Idiin ang gawain sa magasin sa Sabadong ito, at magbigay ng mga mungkahing presentasyon para sa mga magasin sa Abril na maaaring gamitin. Himukin ang lahat na makibahagi sa paglilingkod bago matapos ang Abril.
20 min: “Pagtuturo sa mga Pagdalaw-muli.” Tanong-sagot na pagtalakay. Itanghal kung papaanong gagamitin ng isa ang mga tanong nang mabisa upang pasiglahin ang kaisipan ng maybahay sa mga pagdalaw-muli.
18 min: Pahayag sa “How Can I Win My Parents’ Respect?” mula sa Awake! ng Oktubre 22, 1984 (Abril 22, 1985 sa Tagalog).
Awit 181 at panalangin.
LINGGO NG ABRIL 28—MAYO 4
8 min: Lokal na mga patalastas, lalo na para sa unang Linggong paglilingkuran sa Mayo 5. Ipagunita sa lahat na ibigay ang kanilang ulat sa Abril karakaraka.
15 min: Pakikinabang Mula sa Pang-araw-araw na Teksto. Ang grupo ng dalawa o tatlong mamamahayag ay tatalakay kasama ng matanda kung bakit at papaano sila nakinabang mula sa regular na pagbabasa at pag-iisip sa pang-araw-araw na teksto. Ilakip ang pag-uusap sa teksto sa araw na iyon.
22 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Aklat na ‘Survival.’” Tanong-sagot sa pamamagitan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Tulungan ang mga mamamahayag na iharap ang aklat na Survival nang wasto. Maaaring basahin lamang ng ilan ang pananalita mula sa “The Publishers” sa pahina 2. Ang mga kabanata 1 hanggang 7 ay pantanging dinisenyo para sa madia. Ang mga larawan gaya ng nasa pahina 4 at 5, 33 o 41 ay maaaring gamitin.
Awit 119 at panalangin.
LINGGO NG MAYO 5-11
5 min: Lokal na mga patalastas. Idiin ang pagpapatotoo sa ika-2 Sabado.
15 min: “Bagong Aklat na Gagamitin sa Pag-aaral ng Kongregasyon.” Tanong-sagot na pagsaklaw ng isang konduktor sa pag-aaral.
15 min: Mga karanasan mula sa 1985 Yearbook. Dalawang pamilya ang nag-usap sa mga karanasang masusumpungan sa mga pahina 194-7 (mula Zimbabwe, “Tie Him to a Tree and Let Him Die” at “Jehovah . . . Is Always With You”); mga pahina 103-5 (mula Jamaica, “Cautious as Serpents” at “Neutral Stand Respected”); at mga pahina 238, 248-9 (mula Bahamas, “Increase Despite Clergy Reaction” at “Another Contract Worker Learns the Truth”).
10 min: Pahayag sa “Do You Know What Your Children Read?” salig sa artikulo sa Awake! ng Oktubre 22, 1984 (Abril 22, 1985 sa Tagalog).
Awit 78 at panalangin.