Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG HUNYO 8-14
5 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa Sabadong ito.
15 min: “Ikapit ang mga Bagay na Natutuhan.” Tanong-sagot. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 5, itampok ang pangangailangan na sundin ang mga mungkahi na ibinigay sa Mayo ng Ating Ministeryo sa Kaharian kapag nag-aalok ng aklat na True Peace sa buwang ito.
13 min: Paksang Mapag-uusapan. Talakayin at itanghal ang bagong paksa, na ginagamit ang kasalukuyang alok. Maaaring basahin ang ilang paghalaw sa aklat na True Peace, pahina 8, parapo 11 at 12, upang ipakita ang kahigitan ng kapayapaan at katiwasayan na ipagkakaloob ng Diyos kung ihahambing sa sinisikap gawin ng tao.
12 min: Pahayag sa “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . ‘Gaano Kahalaga ang Hitsura?’” mula sa Awake! ng Enero 8, 1986 (Hunyo 8, 1986 sa Gumising!).
Awit 121 at panalangin.
LINGGO NG HUNYO 15-21
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng Kuwenta. Teokratikong mga Balita.
13 min: “Mga Kabataan—Ano ang Nais Ninyo sa Buhay?” Pahayag salig sa aklat na Kabataan, kabanata 23, pahina 180-6. Itampok ang pangangailangan ng mga kabataan na magkaroon ng mabubuting tunguhin, ialay ang sarili kay Jehova, tangkilikin ang kongregasyon, at maging seryoso sa ministeryo. Manatili sa daan ng buhay.—Kaw. 4:20-26.
22 min: “Mga Magulang—Sanayin ang Inyong mga Anak sa Paglilingkod sa Larangan.” Tanong-sagot. Kapag tinatalakay ang parapo 5, magkaroon ng maikling pagtatanghal salig sa aklat na om, pahina 99 at 100. Lumapit sa matanda ang isang ama at anak at nagtanong ang magulang kung ang kaniyang anak ay maaaring ituring na isang mamamahayag. May kabaitang nirepaso ng matanda ang mga salik na kailangang isaalang-alang.
Awit 221 at panalangin.
LINGGO NG HUNYO 22-28
10 min: Lokal na mga patalastas, ilakip ang gawain sa magasin sa Sabadong ito.
25 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Gamitin ang Aklat na Reasoning sa Lahat ng Bahagi ng Inyong Ministeryo.” Tanong-sagot. Ipakita kung papaanong ang pambungad sa pasimula ng pahina 11 ng aklat na Reasoning sa ilalim ng “Future/Security” at sa pahina 14 sa ilalim ng “War/Peace” ay maaaring gamitin sa pag-aalok ng aklat na True Peace.
10 min: “Pag-ibig sa Pambuong Daigdig na Kapatiran.” Pahayag hinggil sa kapakinabangan ng mga pansirkitong asamblea, na hinihimok ang lahat na dumalo sa bagong serye na magpapasimula sa Hulyo.
Awit 163 at panalangin.
LINGGO NG HUNYO 29—HULYO 5
10 min: Lokal na mga patalastas. Himukin ang lahat ng sambahayan na makibahagi sa paglilingkod sa Linggo, Hulyo 6.
15 min: “Mabisang mga Pagtitipon Bago Maglingkod.” Tanong-sagot. Ilakip ang mga lokal na karanasan sa pag-aalok ng aklat na True Peace.
20 min: “Ang Pagpipigil-sa-Sarili ay Mahalaga sa mga Kristiyano.” Pahayag salig sa artikulo sa Disyembre 15, 1985 Watchtower. Ikapit sa lokal.
Awit 124 at panalangin.
LINGGO NG HULYO 6-12
15 min: Lokal na mga patalastas, Magkaroon ng maikling pagtatanghal ng kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan na umaakay sa pag-aalok ng aklat na True Peace, na ginagamit ang mga mungkahi sa Mayo, 1986 na Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: Tanong-sagot na pagtalakay sa “Mga Tanong.”
15 min: Maghanda sa paraang lokal o magbigay ng pahayag ang isang matanda sa paksang “Neutrality” sa pahina 269-76 ng aklat na Reasoning.
Awit 160 at panalangin.