Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG AGOSTO 10-16
13 min: Lokal na mga patalastas. Rerepasuhin din ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang namumukod-tanging ulat sa Abril gaya ng ipinakikita sa itaas ng pahina 1 ng Ating Ministeryo sa Kaharian na ito, na inihahambing ito sa ginawa ng lokal na kongregasyon sa Abril.
15 min: “May Pananabik na Ibahagi ang Mabuting Balita.” Tanong-sagot na pagtalakay.
17 min: Reasoning From the Scriptures. Pagtalakay sa pagitan ng isang matanda at isang kabataang kapatid na naaakit ng sanlibutan. Ginamit ng matanda ang materyal sa aklat na Reasoning, pahina 389-93, “Spirit of the World.” Ibinigay ng matanda ang kahulugan ng espiritu ng sanlibutan at ipinaliwanag kung bakit ang pagiging nahahawahan nito ay isang bagay na dapat na ikabahala. (1 Juan 5:19; Apoc. 12:9) Ang matanda ay nangatuwiran sa kapatid sa sumusunod na punto: Ang espiritu ng sanlibutan ay salig sa pagmamataas at paghihimagsik laban kay Jehova. Upang makawala, kailangang iwasan ang malasariling landasin ni Eba at labanan ang hilig na maghimagsik sa awtoridad. Mga paraan na ang espiritu ng sanlibutan ay nakikita sa paggawi ng mga tao sa ngayon. Patibong ng materyalismo. Papaanong ang di wastong pananalita at paggawi ay umaakay sa maling espiritu. Ihambing ang pagkakaiba ng espirituwal at pisikal na tao. Huwag gawing idolo ang mga tao. Nagtapos ang matanda sa pamamagitan ng karanasan na nagpapakita na talagang walang anumang nawawala sa atin sa hindi natin pagkasangkot sa mga makasanlibutang gawain. Sa lupain ng Aprika, sa edad na siyam, isang kabataang babae ang kinailangang lumipat sa ibang bansa kasama ng kaniyang pamilya, na doo’y ginugol niya ang 14 na taon sa isang refugee camp. Ang panahon ng kaniyang pagiging tin-edyer ay ginugol sa pag-aaral ng Bibliya at mga pulong. Siya ngayon ay nasa pambuong panahong paglilingkuran. Bagaman hindi siya nagkaroon ng pagkakataon para sa sanlibutan at sa mga paglilibang nito, hindi siya nawalan ng anuman! Ang kabataan ay nagpahayag ng pagpapahalaga sa pag-uusap.
Awit 80 at panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 17-23
12 min: Lokal na mga patalastas, piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian, at ulat ng kuwenta. Himukin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa Sabadong ito. Itanghal ang dalawang 60-segundong presentasyon, ang isa’y nagtatampok sa Bantayan at ang isa ay nagtatampok sa Gumising!
18 min: “Sasama Na ba Kayo sa Ranggo ng mga Payunir?” Tanong-sagot. Kumuha ng mga karanasan mula sa naging payunir kung papaanong ang pagpapayunir ay nagpayaman sa kanilang buhay.
15 min: Pahayag sa artikulong “Papaano Mo Masusupil ang lyong Emosyon?” na nagpapasimula sa pahina 20 ng Hunyo 15, 1986 Bantayan.
Awit 167 at panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 24-30
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Hindi Pinababayaan ang Bahay ng Ating Diyos.” Tanong-sagot. Tiyaking sabihin kung ano ang maaaring gawin upang higit pang mapangalagaan ang Kingdom Hall.
15 min: Pag-uusapan ng dalawang matanda ang pangangailangang mabahala ang mga magulang at mga anak sa kanilang paggawi sa Kingdom Hall. Pag-usapan ang lokal na mga kalagayan, gaya ng takbuhan ng mga bata sa pasilyo pagkatapos ng pulong, malakas na usapan sa labas ng bulwagan na nakaka-istorbo sa mga kapitbahay, pag-uusap samantalang may pulong, abp. Papurihan ang mga nagsisikap na makontrol ang mga anak. Magtapos sa paraang positibo na may pagnanais na gawin ang lahat ng bagay na nakalulugod kay Jehova.
Awit 164 at panalangin.
LINGGO NG AGOS. 31—SET. 6
15 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla para sa pagpapatotoo sa unang Linggo, Setyembre 7. Repasuhin ang mga litaw na punto sa aklat na Creation para sa alok sa Setyembre. Magkaroon ng maikling presentasyon. Kung walang stock ng aklat na Creation, gamitin ang aklat na Kaligayahan.
15 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Empatiya.” Tanong-sagot.
15 min: Pahayag sa artikulong “Manatiling May Positibong Saloobin.” na nagpapasimula sa pahina 2| ng Hunyo 1, 1986 Bantayan.
Awit 147 at panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 7-13
10 min : Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita.
20 min: Paggamit sa Aklat na Reasoning Upang Magpatibay sa Isa’t Isa. Pahayag at pagtatanghal salig sa mga pahina 117-21. Tayong lahat ay nangangailangan ng pampatibay-loob at pagpapatibay sa isa’t isa. Ano ang maaari nating sabihin at gawin upang tumulong sa isa’t isa na napapaharap sa mga suliranin? MGA PAGTATANGHAL: (1) Ang mamamahayag ay dumalaw sa mas matandang mamamahayag na hindi na makadalo sa mga pulong nang palagian dahilan sa karamdaman at panghihina sa espiritu. Ang mamamahayag ay nagpakita ng pagpapahalaga sa matapat na paglilingkuran ng nakatatandang mamamahayag sa loob ng maraming taon at naglahad ng isang magandang karanasan nilang dalawa. Tinalakay ang 2 Corinto 4:13, 16 at kaugnay na materyal sa aklat na Reasoning. (2) Dalawang kapatid na lalake ang nag-uusap pagkatapos ng pulong. Inilahad ng kapatid kung papaanong nanganganib ang kaniyang trabaho dahilan sa maaaring pagbagsak ng kaniyang kompanya. Ang kaniyang pamilya ay nakakaranas ng pagdarahop. Nakiramay ang kausap na kapatid sa kalagayan niya; yamang siya rin ay nahihirapan sa ngayon. Nakakasumpong ng kapayapaan ng kaisipan sa sinasabi ng Kasulatan. Aklat na Reasoning sa ilalim ng “Economic Problems,” pahina 120. Ang pag-uusap ay salig sa Mateo 6:33 at Roma 8:35, 38, 39.
15 min: Nirepaso ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang analysis ng paglilingkod ng kongregasyon sa nakaraang 1986 taon ng paglilingkod. Ipakita ang mga pagsulong. Maaaring mag-alok ng mga mungkahi sa higit pang pagsulong sa bagong 1987 taon ng paglilingkod.
Awit 52 at panalangin.