Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG SETYEMBRE 14-20
10 min: Angkop na Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian at lokal na mga patalastas. Talakayin din sa tagapakinig ang artikulong, “Magplano na Ngayon para sa Oktubre at Nobyembre,” na nagpapasigla ukol sa auxiliary na pagpapayunir at pamamahagi ng magasin.
15 min: Lokal na pangangailangan o pahayag sa “Young People Ask . . . ‘Can’t We Just Be Friends?’” sa Marso 22, 1986 Awake! (Agosto 22, 1986 sa Tagalog).
20 min: “Tumitingin sa 1987 Taon ng Paglilingkod.” Tanong-sagot. Sa pagtatapos, dalawang mamamahayag ang maglalahad kung papaano sila nakinabang sa pagkakaroon ng makatuwirang mga espirituwal na tunguhin.
Awit 166 at panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 21-27
8 min: Lokal na mga patalastas, ulat ng kuwenta, at Teokratikong mga Balita. Magpasigla din para sa gawain sa magasin sa Sabadong ito.
17 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Paggamit ng mga Brochure sa Pagpapasimula ng mga Pag-aaral.” Pagtalakay sa pamamagitan ng tanong-sagot. Itanghal ng mga naghandang mabuting mamamahayag ang mga mungkahi sa mga parapo 3-5. Humiling ng komento sa kaninumang nakapagpasimula ng mga pag-aaral sa mga brochure.
20 min: “Ang Patuloy na Pagsulong ay Humihiling na Gawing Payak ang mga Pamamaraan.” Pagkatapos ng maikling pambungad na sumasaklaw sa mga parapo 1 at 2 ng insert, talakayin sa pamamagitan ng tanong-sagot ang mga parapo 3-11.
Awit 165 at panalangin.
LINGGO NG SET. 28—OKT. 4
7 min: Lokal na mga patalastas, lakip na ang pagpapatotoo sa unang Linggo ng Oktubre 5.
18 min: “Isang Karera Taglay ang Walang Hanggang Gantimpala.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Pagkatapos ng parapo 4, kapanayamin ang isa o dalawang payunir tungkol sa kagalakang naranasan sa pagpapayunir.
20 min: “Ang Patuloy na Pagsulong ay Humihiling na Gawing Payak ang mga Pamamaraan.” Pahayag, o higit na mabuti ay pag-usapan ng kalihim at tagapangasiwa sa paglilingkod ang mga parapo 12-28 ng insert. Ikapit nang lokal.
Awit 204 at panalangin.
LINGGO NG OKTUBRE 5-11
5 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla sa pagpapatotoo sa magasin sa Sabado. Magmungkahi ng angkop na presentasyon sa mga magasin ng Oktubre na maaaring magamit kapag kumukuha ng suskripsiyon sa Gumsing!
15 min: “Ang Dalaw ng Tagapangasiwa ng Sirkito—Isang Paglalaan Ukol sa Espirituwal na Pagsulong.” Tanong-sagot na pagtalakay.
10 min: Mga karanasan sa paggamit ng aklat na Reasoning. Pumili ng ilang mamamahayag nang patiuna upang maglahad ng mabubuting resulta sa paggamit nila ng aklat na Reasoning.
15 min: Pahayag ng matanda salig sa School brochure, pahina 3, 30, at 31. Tulungan ang mga magulang na mapahalagahan nila ang pangangailangang ihanda ang kanilang mga anak para sa mga hamon na kanilang haharapin sa paaralan. Hinggil sa pagsaludo sa bandila at mga pambansang awit, tingnan ang aklat na Reasoning, pahina 274-5.
Awit 129 at panalangin.