Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG DISYEMBRE 7-13
10 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla ukol sa gawain sa magasin sa ika-2 Sabado. Pag-usapan ng dalawang mamamahayag ang mga litaw na punto sa mga bagong magasin.
20 min: “Ingatang Nasa Unahan ang Kaharian sa Disyembre.” Pahayag na may pagtalakay sa tagapakinig ng mga parapo 1 hanggang 4. Sa parapo 5, itanghal kung paano ihaharap ang aklat na Mga Kuwento sa Bibliya na ginagamit ang Paksang Mapag-uusapan.
15 min: “Nasasangkapan Upang Mangatuwiran sa Paggamit ng Maka-Diyos na Kaalaman.” Tanong-sagot.
Awit 159 at panalangin.
LINGGO NG DISYEMBRE 14-20
10 min: Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian at lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
20 min: “Gawin ang Inyong Buong Kaya sa Pamamagitan ng Pakikibahagi sa Buong Panahong Paglilingkuran.” Tanong-sagot. Ipatalastas ang petsa sa Enero para sa pulong ng mga matatanda sa mga payunir.
15 min: Pahayag salig sa artikulo ng Bantayan na “Ingatan ang Bibig Mo!” sa isyu ng Agosto 15, 1986, pahina 22, 23.
Awit 182 at panalangin.
LINGGO NG DISYEMBRE 21-27
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Magpasigla ukol sa gawain sa magasin sa pista opisyal ng Disyembre 25, 30 at Enero 1 at gayundin sa ika-4 na Sabado ng Disyembre 27.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Lumang Publikasyon.” Tanong-sagot. Sa parapo 3 itanghal kung paanong ang isang lumang publikasyon ay maaaring ialok na ginagamit ang kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan. Ipatalastas kung anong mga matatandang publikasyon ang maaaring magamit ng mga kapatid sa kongregasyon.
15 min: Pahayag sa “Kailangan Ka bang Maging Sikat?” sa Setyembre 1, 1986 na Bantayan, pahina 28-30.
Awit 122 at panalangin.
LINGGO NG DIS. 28—ENE. 3
(Walang eskedyul ng pulong upang mabigyang daan ang pandistritong kumbensiyon. Kung ang inyong kumbensiyon ay sa Enero 1-4, kung gayon ay gagawa ang mga matatanda ng kanilang sariling programa sa linggong ito, o maaari nilang gamitin ang unang programa sa pulong ukol sa paglilingkod sa Enero, 1987 Ating Ministeryo sa Kaharian kung aabot sa takdang panahon ang suplay. Ang pagbabagong ito ay gagawin sa lokal na paraan.)
LINGGO NG ENERO 4-10
5 min: Lokal na mga patalastas.
10 min: Repasuhin ang iba’t ibang litaw na mga punto sa matatandang publikasyon na taglay ninyo na maaaring ialok sa Enero. Magkaroon ng isang maikling pagtatanghal.
30 min: Pagrerepaso sa Programa ng Pandistritong Kumbensiyon. (Pakisuyong tingnan ang Mga Patalastas para sa mga tagubilin kung paano gagampanan ito. Yaong mga may kumbensiyon sa Enero 1-4 ay magrerepaso nito sa linggo ng Enero 11-17.)
Awit 203 at panalangin.