Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG HULYO 4-10
5 min: Lokal na mga patalastas.
25 min: “Isagawa ang Gawain ng Isang Ebanghelisador.” Tanong-sagot. Pagkatapos na talakayin ang parapo 4, itatanghal ng isang may kakayahang mamamahayag o payunir ang paggamit ng bagong Paksang Mapag-uusapan tungo sa pag-aalok ng brochure na Pamahalaan. Pagkatapos sa parapo 5, itatanghal ng isang bagong mamamahayag ang pinaging-payak na presentasyon. Pasiglahin ang lahat na itaguyod ang kampanya sa brochure. Kung hindi nakapidido ang kongregasyon, gawin iyon karakaraka.
15 min: Kailangan bang ipangilin ng mga Kristiyano ang Sabbath? Pagtalakay sa tagapakinig salig sa Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan, mga pahina 370-7 (345-52 sa Ingles).
(3 min.) Maikling pambungad na pahayag na ginagamit ang kahulugan sa pahina 370 (345 sa Ingles). Ilakip ang pagsipi sa pahina 371 (346 sa Ingles) na nagpapaliwanag kung papaanong ang araw ng Linggo ay naging pangunahing araw ng pagsamba sa Sangkakristiyanuhan.
(12 min.) Pagtalakay sa tagapakinig ng mga punto sa aklat na Nangangatuwiran. Ipaliwanag ayon sa Kasulatan na hindi obligadong ipangilin ng mga Kristiyano ang lingguhang Sabbath. (Ex. 31:16, 17) Gayunman, may isang sabbath ng pamamahinga para sa mga Kristiyano. (Heb. 4:9, 10) Itampok kung papaano tayo maaaring mangatuwiran kung may magsasabing ‘Bakit hindi kayo nangingilin ng Sabbath?’
Awit 20 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HULYO 11-17
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ulat ng kuwenta. Ilakip ang tugon ng Samahan sa anumang abuloy na ipinadala ng kongregasyon.
20 min: “Masayang Nagbibigay Bilang Isang Payunir.” Tanong-sagot. Gamitin ang huling limang minuto upang kapanayamin ang mga mamamahayag na nagpasimulang mag-auxiliary payunir sa buwang ito o sa susunod pa.
15 min: Lokal na pangangailangan. Kung walang partikular na pangangailangan, ang punong tagapangasiwa o ang tagapangasiwa sa paglilingkod ay maaaring magbigay ng nakapagpapatibay na ulat at pahayag hinggil sa pagsulong ng lokal na ministeryo. Ilakip ang mga komento sa pagkubre sa teritoryo, aberids ng oras, idinadaos na pag-aaral, bilang ng mga nagpayunir sa taóng ito ng paglilingkod, at iba pa.
Awit 192 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HULYO 18-24
10 min: Lokal na mga patalastas at pagtalakay sa “Tanong” sa pahina 3.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Bahay-bahay.” Tanong-sagot. Ipakita ang puntong iniharap sa parapo 3 sa pamamagitan ng inihandang maikling lokal na karanasan. Pagkatapos na talakayin ang parapo 4, ipapahayag ng isa o dalawang naghandang mamamahayag kung papaano sila personal na nakinabang sa ministeryo sa bahay-bahay.
15 min: “Ang Buhay at Ministeryo ni Jesus.” Masiglang pahayag taglay ang mga mungkahi kung sa papaanong paraan gagamitin ang seryeng ito ng mga artikulo sa Ang Bantayan. Ginagamit ba ng mga magulang ang mga artikulong ito upang tulungan ang kanilang mga anak na lumaki sa pag-ibig kay Jesus at sa pagpapahalaga sa kaniyang ginawa para sa sangkatauhan? Habang ipinahihintulot ng panahon, ilahad ang mga piling karanasan sa paggamit sa mga artikulong ito.
Awit 21 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HULYO 25-31
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Pasiglahin ang mga mamamahayag na lumabas sa paglilingkod sa larangan sa unang Linggo ng Agosto. Maglahad ng mga karanasan sa paglalagay ng brochure na Pamahalaan sa Hulyo.
20 min: “Tamuhin ang mga Kapakinabangan sa Aklat na Nangangatuwiran.” Pagtalakay sa tagapakinig.
15 min: “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . ” Ang matanda ay mangunguna sa pag-uusap ng ilang huwarang mamamahayag na kabataan hinggil sa kahalagahan ng mga artikulong ito sa Gumising! Maaaring ilakip ang mga komento kung papaano sila nakinabang nang personal o papaano nila ginamit ang mga artikulong ito sa pagtulong sa iba.
Awit 121 at pansarang panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 1-7
10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang mga litaw na punto sa pinakabagong magasin na maaaring gamitin sa pagpapatotoo sa Sabado at magkaroon ng dalawa o tatlong maikling pagtatanghal.
15 min: Kakapanayamin ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang mga kapatid na inatasan upang mangalaga sa mga departamento ng literatura at magasin. (om p. 124) Repasuhin nila sa maikli ang mga gawain ng kanilang departamento. Ipaliwanag kung papaanong mahalaga ang pakikipagtulungan ng lahat sa kongregasyon. Pasiglahin silang pumidido ng mga bagay na kinakailangan sa pamamagitan ng kongregasyon sa halip na tuwirang pumidido ng mga ito sa Samahan, regular na kinukuha ang personal na pidido ng magasin, abp.
20 min: “Natatandaan Mo Ba?” Pagtalakay sa pagitan ng isang konduktor sa pag-aaral ng aklat at ng dalawang mamamahayag na sinasaklaw ang espesipikong mga punto sa “Natatandaan Mo Ba?” sa Abril 15, 1988 at Disyembre 15, 1987 ng Ang Bantayan.
Awit 111 at pansarang panalangin.