Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/88 p. 1-4
  • Masayang Nagbibigay Bilang Isang Payunir

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Masayang Nagbibigay Bilang Isang Payunir
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ANO ANG MAAARI NINYONG GAWIN
  • PAGKAKAROON NG ISANG MABUTING RUTINA
  • Kailangan—20,000 Auxiliary Pioneer
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Auxiliary na Pagpapayunir—Nasubukan na ba Ninyo Ito?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Isang Kapuri-puring Tunguhin Para sa Bagong Taon ng Paglilingkod
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Paglilingkurang Payunir—Ito ba’y Para sa Inyo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
km 7/88 p. 1-4

Masayang Nagbibigay Bilang Isang Payunir

1 “Iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya.” (2 Cor. 9:7) Si apostol Pablo ay nagpahalaga sa pagiging bukas-palad ni Jehova at ipinakita ito sa walang humpay na pagtulong sa mga taga-Tesalonica. Kaya sa dakong huli ay sumulat siya sa kanila: “Kinalulugdan naming kayo’y bahaginan . . . ng mabuting balita ng Diyos.”—1 Tes. 2:8.

2 Gayon din ba ang nadarama natin sa pagbibigay ng espirituwal na kayamanang ito sa iba? Kung gayon, maaari ba nating taimtim na isaalang-alang ang pagpasok sa paglilingkuran bilang regular payunir sa pagpapasimula ng bagong taon ng paglilingkod sa Setyembre?

ANO ANG MAAARI NINYONG GAWIN

3 Ang pagpasok sa gawain bilang auxiliary o regular payunir ay malamang na hindi mangyari kapag ipinagpaubaya ito sa pagkakataon. Ang positibong pagsisikap na nagmumula sa pusong may wastong motibo ay nagdadala ng pagpapala ni Jehova. Ilapit ang bagay na ito kay Jehova sa panalangin. Ipahayag sa kaniya ang nasa ng inyong puso. (1 Juan 5:14; 2 Tes. 3:1) Gumawa ng tapat na pagsasaalang-alang ng inyong kalagayan upang makita kung saan kayo makagagawa ng mga pagbabago upang matugunan ang mga pangangailangan. Marahil ay kailangang bumangon nang maaga o mag-eskedyul ng paglilingkuran sa gabi upang maging posible para sa inyo na maisagawa ito.

4 Ang isang tapatang pakikipag-usap sa ibang mga payunir, sa inyong tagapangasiwa sa paglilingkod, o sa inyong konduktor ng Pag-aaral sa Aklat ay makapaglalaan ng nakatutulong na mga mungkahi. (Kaw. 15:22; 16:3) Ang mga miyembro ng pamilya ay maaari ding magsilbing pampatibay-loob, lalo na kung sila ay mga kapuwa mananamba. Ang karanasan ng maraming payunir na may pampamilyang mga pananagutan ay nagpapakitang ang kasambahay nila ay nakikiisa sa kanila at nakikigalak sa sumusulong na espirituwal na kalagayan ng sambahayan bunga ng pagpapayunir ng isa sa kanila.

PAGKAKAROON NG ISANG MABUTING RUTINA

5 Ang panghahawakang matibay sa isang timbang na rutina para makibahagi sa apurahang gawain ng pangangaral ay napakahalaga. Ang pagdisiplina-sa-sarili, pagkukusa, at determinasyon ay kinakailangan.—1 Cor. 9:23, 25, 27.

6 Maging makatotohanan sa inyong pagsasaalang-alang ng paglilingkuran bilang auxiliary at regular payunir. Wala kayong masusumpungang kalagayang lubos na kanais-nais sa matandang sistemang ito. Sinabi ni Jesus na yaong mga naglalagay nang una sa Kaharian ay dapat umasang makakaranas ng mga kapighatian kalakip ang ipinangakong mga kagalakan at mga pagpapala ngayon, at “sa pamamalakad ng mga bagay na darating ay walang hanggang buhay.” (Mar. 10:29, 30; Gawa 14:22) Kaya makabubuting tularan ang pananampalataya at halimbawa ng mga nagpapayunir sa kabila ng mahinang pangangatawan, limitadong panggastos, o iba pang malulubhang sagwil. Iniiwasan nilang gawing malaking bagay sa buhay ang anumang bagay sa matandang sistemang ito. (1 Cor. 7:29-31) Katulad ng pagkakasabi ng ilang payunir, natutuhan nilang ‘isaayos ang kanilang mga suliranin’ upang makapagpayunir.—Ihambing ang 2 Corinto 12:7-10.

7 Ang lahat ng may pagkukusang magbigay mula sa isang mabuting puso ay sinasabi ni Jehova na maligaya. (Isa. 65:14) Sila ay saganang nag-aani sa pamamagitan ng pagkakaroon ng panloob na kapayapaan at kasiyahan kasama ng pagbubunga nang higit sa pagtulong sa mga tao na pumanig kay Jehova. Ang ganitong mga pagpapala ay sasa inyo kung inyong tatanggapin ang paanyaya na masayang magbigay bilang isang auxiliary o regular payunir.—2 Cor. 9:6; Kaw. 11:25.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share