Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG OKTUBRE 10-16
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Magpasigla ukol sa gawain sa magasin sa susunod na Sabado. Magbigay ng mungkahi hinggil sa mga litaw na punto habang ipinahihintulot ng panahon.
17 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Panggrupong Pagpapatotoo.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Idiin ang mga kapakinabangan ng mga panggrupong kaayusan sa paglilingkod at ang pangangailangan na gamiting mabuti ang panahon sa pamamagitan ng mga kaayusan na isinaplanong mabuti para sa paglilingkod sa larangan.
18 min: Mga Kabataan—Maaari ba Kayong Magdaos ng Isang Pag-aaral? Gagampanan ng isang matanda. Ipatalastas sa kongregasyon kung gaano karaming mamamahayag sa kongregasyon ang wala pang 20 anyos at kung gaano karami sa kanila ang nagdaraos ng pag-aaral. Ang mga tin-edyer ay makapagsisimula ng mga pag-aaral sa mga kamag-aral, na ginagamit ang aklat na Creation o Kabataan. Maaaring mag-atas ng mga huwarang kabataan na maglahad ng mga karanasan. (Tingnan ang yb88 p. 53, par. 1-3; w84 4/1 p. 30, par. 4.) Ang mga kabataan ay maaaring magpasimula ng mga pag-aaral sa mga kabataan sa aklat na Mga Kuwento sa Bibliya o Dakilang Guro. Maaaring subukan ng mga kabataan na magpasimula ng mga pag-aaral sa mga tao na kanilang nasusumpungan sa paglilingkod. (Tingnan ang w82 1/1 p. 24, par. 7.) Kung mayroong lokal na mga karanasan, gamitin ang mga ito upang ilarawan ang punto.
Awit 221 at pansarang panalangin.
LINGGO NG OKTUBRE 17-23
5 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
17 min: “Magpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya—Ngayon Na ang Panahon.” Pagtalakay ng artikulo sa tagapakinig. Sa parapo 3, ibigay ng isang may kakayahang mamamahayag ang maikling pagtatanghal ng ikalawang pambungad sa ilalim ng “Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya” sa pahina 14 (pahina 12 sa Ingles) ng aklat na Nangangatuwiran. Pagkatapos na isaalang-alang ang parapo 5, magpasimula sa isa pang pagtatanghal na doo’y magalang na tumatanggi ang maybahay sa alok na literatura. Itinanong ng mamamahayag kung naiisip na ng maybahay kung baga ang lupang ito ay mawawasak sa isang nukleyar na digmaan at naghintay ng kasagutan. Iminungkahi ng mamamahayag na isulat ng maybahay ang ilang kasulatan at pagkatapos ay basahin iyon. Nagsabing magbabalik upang pag-usapan ang mga ito sa susunod na linggo.
13 min: Kumusta ang Ating Gawain sa Pag-aaral ng Bibliya? Pagtalakay sa gawain ng kongregasyon sa pamamagitan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Ibigay ang bilang ng iniuulat na mga pag-aaral sa Bibliya. Ibawas ang bilang ng mga pampamilyang pag-aaral upang makita kung ilang pag-aaral ang idinadaos sa teritoryo. Ihambing ang mga nailagay na babasahin sa bilang ng iniulat na mga pagdalaw-muli. Ito ba’y isang dako na kung saan dapat na magpasimula ang mga pag-aaral sa Bibliya? Ihambing ang aberids ng mga pag-aaral sa Bibliya ng bawa’t mamamahayag sa pambansang aberids. Magbigay ng komendasyon. Maaaring maglakip ng mga karanasan hinggil sa pagpapasimula at pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya.
10 min: Magdaos ng mga Pampamilyang Pag-aaral. Gagampanan ng isang iginagalang na ulo ng pamilya. Ipagunita sa mga magulang ang bigay-Diyos na pananagutan. (Efe. 6:4) Nakatutulong na mga mungkahi ang ibinigay sa Bantayan, Agosto 1, 1986, pahina 28, at Nobyembre 1, 1986, pahina 24. Ipaliwanag kung papaanong ang pampamilyang pag-aaral sa hindi pa nababautismuhang mga anak ay maaaring iulat. (km 8/83, “Mga Tanong,” par. 2) Kapanayamin ang magulang na nagtamo ng mabubuting resulta sa palagiang pakikipag-aral sa mga anak.
Awit 168 at pansarang panalangin.
LINGGO NG OKTUBRE 24-30
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Pasiglahin ang lahat na tangkilikin ang pagpapatotoo sa unang Linggo sa Nobyembre 6.
15 min: “Iulat Nang Wasto ang Paglilingkod sa Larangan.” Gagampanan ng kalihim ng kongregasyon ang pagtalakay sa tagapakinig.
20 min: “1988 ‘Banal na Katarungan’ na Pandistritong Kombensiyon.” Tanong-sagot na pagtalakay sa mga parapo 1-17 ng insert.
Awit 166 at pansarang panalangin.
LINGGO NG OKT. 31–NOB. 6
10 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang bagong alok sa Nobyembre: New World Translation kasama ng aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan. Magkaroon ng pagtatanghal kung papaano iniaangkop ang Paksang Mapag-uusapan sa alok na Bibliya at aklat.
12 min: “Lubusang Ganapin ang Inyong Ministeryo.” Pahayag na may pagtalakay sa tagapakinig.
23 min: “1988 ‘Banal na Katarungan’ na Pandistritong Kombensiyon.” Tanong-sagot na pagsaklaw sa mga parapo 18-30 ng insert sa pamamagitan ng punong tagapangasiwa. Tulungan ang mga kapatid na pahalagahan na ang mabuting paggawi at pananamit ay inaasahan sa lahat sa kongregasyon. Habang ipinahihintulot ng panahon, talakayin ang “Mga Paalaala sa Pandistritong Kombensiyon.”
Awit 196 at pansarang panalangin.