Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG MARSO 6-12
12 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
18 min: “Tulungan ang Iba na Magpahalaga sa Pag-ibig ng Diyos.” Tanong-sagot. Pasiglahin ang lahat na maaaring mag-auxiliary payunir sa Marso at Abril.
15 min: Tulungan ang mga Kabataan na Ipagtanggol ang Kanilang Pananampalataya. Dalawang pagtatanghal na nagpapakita sa kahalagahan ng aklat na Nangangatuwiran. (1) Itanghal ng kabataan ang paggamit ng materyal sa ilalim ng “Ano ang pinagmulan ng Valentine’s Day?” kapag nakikipag-usap sa isang guro. (p. 117 [p. 181-2 sa Ingles]) (2) Mangatuwiran ang isang magulang sa anak hinggil sa saloobin ng mga Kristiyano hinggil sa seremonya sa bandila at pambansang awit. (p. 252-3 [p. 274-5 sa Ingles])
Awit 37 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MARSO 13-19
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipagunita sa lahat ang Memoryal sa susunod na linggo at himukin silang anyayahang dumalo ang lahat ng mga taong interesado.
20 min: “Isinasagawa ba Ninyo ang mga Bagay na Inyong Natutuhan?” Tanong-sagot.
15 min: “Ang Tinig Nila ay Lumaganap sa Buong Lupa.” Masiglang pahayag sa pahina 3-7 ng Enero 1, 1989 Bantayan.
Awit 192 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MARSO 20-26
12 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa unang sanlinggo ng Abril upang magkaroon ng mabuting pasimula sa pantanging buwan.
18 min: “Tulungan ang Iba na Pahalagahan ang Espirituwal na mga Bagay.” Tanong-sagot. Pagkatapos ng parapo 7 itanghal ng isang makaranasang mamamahayag kung papaano aanyayahan ang isang estudiyante sa Bibliya na makibahagi sa ministeryo sa larangan.
15 min: “Ano ang Inyong mga Plano para sa Abril?” Pahayag. Mayroon pang panahon upang magpasok ng aplikasyon para sa paglilingkuran bilang auxiliary payunir sa Abril. Pasiglahin ang lahat para sa gawain sa Abril at sa pantanging pahayag sa Abril 2.
Awit 44 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MAR. 27–ABR. 2
10 min: Lokal na mga patalastas.
18 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Tulong ng Espiritu ni Jehova.” Tanong-sagot.
17 min: Pahayag sa “Bakit Tayo Dapat Matakot sa Diyos?” salig sa artikulo sa mga pahina 29 at 30 ng Bantayan ng Enero 1, 1989.
Awit 1 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ABRIL 3-9
15 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Pasiglahin ang mga payunir at maygulang na mga mamamahayag na pagsikapang tulungan ang mga baguhan, mahihina, o di aktibo na makibahagi sa paglilingkod sa larangan bago matapos ang Abril.
15 min: Pagtalakay sa “Tanong” ng isang matanda. Ikapit sa lokal na mga pangangailangan at kalagayan.
15 min: “Natatandaan Mo Ba?” Talakayin ang artikulo sa tagapakinig sa Disyembre 15, 1988 ng Bantayan. Idiin ang mga katanungang may kaugnayan sa larangan.
Awit 203 at pansarang panalangin.